Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Chapter 109-Selos at kalituhan

Share

Chapter 109-Selos at kalituhan

Author: Yeiron Jee
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Hija, hindi mo ba nagustohan ang pagkaing niluto ko?" tanong Nida sa dalaga nang mapansin na halos hindi nito magalaw ang pagkain.

Muling hinugot ni Adrian ang cellphone at nag-send ng message sa ina. "Mom, ano po ang gagawin ko? Ayaw niyang kumain. Dapat ba akong umalis?"

"Pasensya na po, masarap po ang niluto niyo pero nawalan po ako ng ganang kumain."

Napatikwas ang kilay ni Nida at napasulyap kung saan nakatingin ang dalaga.

Mabilis na ibinalik ni Sunshine ang tingin sa pagkain nang mapansin na nakatingin sa kaniya ang ginang.

Tumikhim si Nida bago sinita si Adrian, "Adrian, mamaya mo na kausapin iyang ka-chat mate mo after nating kumain."

Nag-angat si Adrian ng tingin at napasulyap sa asawa bago sa dati niyang yaya. Nakasimangot pa rin si Sunshine kaya hindi niya magawang kumain. Hindi siya mapakali kaya nagtatanong siya sa ina ng dapat gawin.

"Si ma—" hindi natapos ni Adrian ang sasabihin nang magsalita muli si Nida.

"Kuhhh, sabihin mo riyan sa ka-chat mo na mamaya na kayo ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (23)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Jee sa update
goodnovel comment avatar
Liezel Fuentebella
sana makaalala na si sunshine ng mahuli na yong mag inang bruha na yon di ata totoong anak ni teddy yang si jessica na yan ang sama sama ng ugali ehh dagdagan pa ng demonyong nanay ayy wala na finish na......hehehe thank you miss jee ...
goodnovel comment avatar
Edna A. Sumigcay
bakit ganon?nag check inn ako ngaun di ko pa nababasa ayaw mag open.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 110-Phone call

    "Gusto mong makausap ang babae ko?" seryusong tanong ni Adrian pero mukhang natutuwa ang tingin sa asawa.Hindi natutuwang inirapan ni Sunshine ang lalaki. Naiinis at mukhang bata ang tingin nito sa kaniya na maniwala na lang ng ganoon.Kahit hindi sumagot ang asawa ay tinawagan pa rin ni Adrian ang ina at ni-loud speaker iyon.Namilog ang mga mata ni Sunshine nang ginawa nga ng lalaki ang naisip nito. Nakaramdam siya ng hiya nang marinig ang tinig ng babaeng may edad na."Anak, may problema ba?" tanong muli ni Shaina nang matahimik ang kabilang linya."Nagseselos po kasi ang—" hindi natapos ni Adrian ang pagsasalita at mabilis siyang nadambahan ng asawa upang agawin ang cellphone. "Argh!""Hello, anak? Ano ang nangyayari diyan?" Nag-alala na si Shaina at narinig ang pagdaing ng anak na tila nasaktan.Mabilis na tinakpan ni Sunshine ang bibig ng lalaki upang hindi na makalikha ng ingay. Alam niyang nasaktan ito dahil nawalan ito ng balance at natumba sa matigas na higaan. Dagdag pang

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 111-Masamang panaginip

    "Kaibigan ko." Itinaas ni Adrian ang hawak na cellphone at iniharap sa asawa ang screen.Salubong pa rin ang mga kilay at iniwas ang tingin sa hawak ng lalaki matapos mabasa ang pangalan ng kausap nito."Adrian, may kasama ka ba riyan?" tanong muli ni Jessica nang marinig na may kausap ang binata mula sa kabilang linya. Muling napatingin si Sunshine sa lalaki nang marinig ang tinig ng babae. Ewan ba niya pero hindi niya gusto ang boses ng babae. Nakaramdam siya ng iritasyon lalo na at parang hindi lang isang kaibigan kung makipag-usap kay Adrian. Hindi na ini-off ni Adrian ang ang speaker upang hindi mag-isip ng iba ang asawa. "Yes.""Who?" Salubong na ang mga kilay ni Jessica."Bakit kailangan niyang malaman kung sino ang kasama mo?" Hindi napigilan ni Sunshine ang isatinig ang laman ng isipan.Napamulagat si Jessica nang marinig ang tinig ng isang babae at parang pamilyar pa ang tinig sa kaniya. "Adrian si—""Mag-usap na lang tayo kapag hindi na ako busy." Putol ni Adrian sa pagsa

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 112-excitements

    Hindi alam ni Sunshine kung ano ang nangyari pero nanatiling mulat ang mga mata niya habang tikom ang bibig. Nagulat siya sa biglang pagyakap sa kaniya ni Adrian at nakalapat na ang bibig nito sa kaniyang labi. Hindi niya magawang gumalaw dahil sa gulat at kakaibang damdaming lumukob sa kaniyang puso."Please, huwag kang matakot sa akin. Hayaan mong patunayan ko sa iyo na wala akong ibang babae." Pagsusumamo ni Adrian habang marahang hinahaplos ang pisngi ng asawa.Saka lang napakurap si Sunshine nang marinig ang namamaos na tinig ng lalaki. Halos maduling na siya dahil ga-dangkal lang ang layo ng pagitan ng mukha nilang dalawa. Bumaba ang tingin niya at napatitig sa labi ng lalaki. Patuloy ito sa pagsasalita pero hindi niya maintindihan. Ukupado ng samu't saring iniisip ang kaniyang utak.Natigil sa pagsasalita si Adrian nang mapansin kung saan nakatutok ang mga mata ng asawa. Maging siya ay napatitig din sa namamasa nitong labi. Bigla siyang nauhaw kaya hindi napigilang sakupin muli

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 113-Tears of joy

    Mahigpit ang pagkakapit ni Sunshine sa kamay ni Aleng Beth habang papasok sila sa isang napakalaking bahay. Natatakot siya at ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung sino ang mga naghihintay sa loob. Higit pa sa inaasahan niya ang bahay ni Adrian.Maging si Beth ay napahawak ng mahigpit sa kamay ni Sunshine. Biglang pinanghinaan ng loob dahil sobrang yaman ng taong ginawan ng hindi maganda ng anak. Naiinip na naghihintay sa sala ang mga magulang ni Adrian. Maging sina Ben ay naroon at sabik na makita ang anak. Madaling araw na pero nanatili silang gising upang salubungin ang mga parating. "C'mon, wala kang dapat ikatakot dahil lahat nang naghihintay sa iyo ay kapamilya." Inalalayan ni Adrian ang asawa papasok sa loob. Huminga ng malalim si Sunshine bago pumasok sa nakabukas na pintuan. Ang liwanag ng paligid at agad natuon ang tingin niya sa apat na taong nakaupo sa sofa. Parang biglang nanigas ang mga paa sa kinatayuan nang magsalubong ang tingin nila ng isang

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 114-Pagkagulat at takot

    "Gising na po ba ang asawa ko?" tanong ni Adrian sa katulong pagkalabas ng silid."Hindi pa po siya lumalabas ng silid, senyorito. Pero si Ms. Jessica po ay dumating kasama ang ina."Napatango si Adrian, dumiritso siya sa silid ng asawa at kinatok ito. Nakailang katok na siya ay walang sumasagot kaya nangahas na siyang buksan ang pintuan. "Shine?"Biglang kinabahan si Adrian nang pagkabukas ng pintuan ay wala roon ang asawa. Agad niyang hinalughog ang silid, maging ang bathroom ngunit wala roon ang asawa. Mabilis siyang lumabas ng silid upang hanapin sana ang asawa."Si Sunshine ba ang hinahanap mo?"Napatingin si Adrian kay Aleng Beth na mukhang galing restroom. "Nasa silid ko siya at lumipat kanina. Baka nanaginip na naman ng masama at takot siyang mapag-isa kapag ganoon." Paliwanag ni Beth sa binata.Saka lang nakahinga ng maluwag si Adrian. Nagpasalamat siya sa ginang at tinawag ang isang katulong upang samahan ito papuntang kusina.Pagkapasok ni Adrian sa silid na inuukupa ni Ale

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 115-Paghaharap ng magkapatid

    Hindi kinaya ni Jessica ang takot at pagkabiglang nadarama. Bago pa maibuka ni Adrian ang bibig nito ay natumba na siya at hindi na alam ang sunod na nangyari. Napahiyaw si Janice at kamuntik nang hindi nasalo ang katawan ng anak nang matumba ito. Maging siya ay halos himatayin na rin dahil sa takot at paglabigla nang makita si Sunshine.Bago pa makabitaw si Adrian para lumapit kay Jessica ay humigpit ang kapit ni Sunshine sa braso ng lalaki. Nabaling ang pag-alala ni Adrian sa asawa nang makitang namumutla rin ito. Mabilis niya itong binuhat at iponasok sa loob. Hindi niya ininda ang bigat nito. Hindi malaman ni Shaina kung sino ang unang daluhan at magkasunod sina Sunshine at Jessica na sinama ang pakiramdam. Pagtingin niya sa asawa ay kalmado lang ito at tinawagan ang kanilang doctor.Mula sa kinatayuan ay hindi hinihiwalay ni Trisha ang tingin sa harden. Paglingon niya kay Cyril ay ganoon din ito at malalim ang iniisip. Naroon lang sila kanina pa at pinapanood ang kaganapan sa

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 116-Palihim na kilos

    "Sorry!" Mabilis na bumitaw si Jessica mula sa pagkayakap kay Shaina. "Sobrang natuwa ako at buhay ka!"Pinigilan ni Sunshine ang sariling kamay na pagpagan ang balikat. Ngumiti siya kay Jessica, ngiting nakakaunawa."Ang bilin ng doctor ay bawal siya mabigla." Malumanay na paliwanag ni Adrian sa kaibigan.Biglang bumalatay ang lungkot sa mukha ni Jessica at tumingin kay Sunshine. "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo lalo na kay Jake. Alam kong mahalaga sa iyo ang lalaking iyon at—""Stop mentioning his name!" matigas na saway ni Adrian sa kaibigan.Napatitig si Sunshine sa mukha ng lalaki, biglang dumilim ang aura ng mukha nito at halatang hindi nagustohan ang sinabi ng kapatid."Adrian, nakakatulong sa kaniya ipaalala ang lahat upang makaalala agad. Naging bahagi ng buhay niya si Jake at—""Shut up!" Napapiksi si Jessica sa kinatayuan at nagulat sa biglang pagtaas ng boses ni Adrian. Hindi makapaniwalang napatitig siya rito.Mabilis na kumapit si Sunshine sa braso ni Adrian at na

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 117-kumprontasyon

    "May dinaramdam ka ba?" nag-aalalang tanong ni Adrian pagkaupo sa kama. Ang asawa ay nakahiga patalikod sa kaniya.Dahan-dahang nilingon ni Sunshine ang lalaki at nanunumbat ang tingin dito. "Totoo bang binuntis mo lamang ako dahil iyon ang nasa kasunduan?"Nagsalubong ang mga kilay ni Adrian at hindi nagustohan ang narinig. " Iyan ba ang sinabi sa iyo ni Jessica?""Sagutin mo na lang ang tanong ko!" mataray niyang sagot sa lalaki.Dumilim ang aura ng mukha ni Adrian at diritsong tumingin sa mga mata ng asawa. "Nabuo ang bata na pareho nating ginusto ang nangyari sa atin. Hindi lang isang beses na nagpaubaya ka sa akin. Oo at nasa kasulatan ang pagkaroon ng anak pagka-graduate natin sa college. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi kita mahal."Sasama na sana ang loob ni Sunshine sa lalaki pero biglang bumawi ito sa huli. Bigla siyang natahimik at hindi alam ang sasabihin. Siya, mahal nito? Gusto niyang maniwala pero may agam-agam pa rin sa kaniyang puso't isipan."Ano ang gusto mon

Pinakabagong kabanata

  • THE BEST MISTAKE   Mahalagang mensahe ng Author para sa mambabasa

    Hello everyone! First of all po ay salamat sa pagbabasa sa nobelang ito hanggang sa dulong ito. Alam ko po na marami ang naiinis at nagagalit sa akin dito lalo na kung walang update. Pasensya po, tao lang din ako na nagkakasakit, kailangan magpahinga at may ibang gawain sa buhay na kailangang gampanan. Salamat pa rin po dahil kahit naiinis na kayo sa akin ay hindi ninyo binibitiwan ang librong ito. Hanggang dito na lang po ang Kuwentong ito. Pero huwag kayong mag-alala at gagawan ko rin ng libro ang iba pang apo nila Travis at Shaina. Yun nga lang at hindi ko rito idudugtong. Kaya abangan ninyo po ang kuwengo nila sa season 2 at e publish ko soon. Muli, maraming salamat po! Maari niyo ring basahin ang iba ko pang akda, just open my profile at makita po ninyo. Pinaka trending sa ngayon na book ko bukod dito ay PLAYED BY FATE. Sure ako na magustohan ninyo iyan tulad sa pagkagusto sa librong ito. May bagong book din po akong ginagawa na e publish dito kaya winakasan ko na ito. Please supp

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 558-Pagwawakas

    Maaga pa lang ay nasa school na sina Lucy at ang anak. Nagmakaawa sa dean na tulungan silang makausap sina Alexander at Ava. Ang asawa kasi ay nagtatago na ngayon dahil nakumpiska ang bawal na gamot sa bodegang pag aari nito. Gusto niyang makiusap na huwag siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawang pananakit kay Ava at ganoon din ang anak niya."Linisin mo ang pangalan ng nobya ko dito sa university at baka sakaling maawa ako sa inyong dalawa." Matigas na utos ni Alexander na kararating lang din.Nagkukumahog na lumapit si Lucy sa dalawang bagong dating. "Gagawin ko ang gusto ninyo. Huwag niyo lang idamay ang anak ko."Napatingin si Ava kay Brix na mukhang napilitan lamang sumama sa ina nito. "Misis, tingin ko ay kailangan mong ipa rehab ang anak mo.""No!" Matigas na tutol ni Brix at naglikot ang tingin sa paligid."Tsk, pasalamat ka at binibigyan ka pa ng pagkakataon na makapagbagong buhay. Kung ayaw mong magpagamot ay maglimas ka ng rehas kasama ang ama mo." Aroganteng singhal ni Al

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 557-Pangako

    Lalo siyang ginanahan sa pagsubo sa shaft ng binata dahil sa ungol nito. Ang sarap lang hawakan ang matigas at mahaba nitong pagkalalaki."Fuck, enough baby!" Sapilitan niyang inilayo na ang pagkalalaki sa bibig ng dalaga at pinahiga ito sa kama. Pagkadagan ay kinuyumos niya ng halik sa labi ito."Uhmm, Alexander!" Umangat ang katawan niya sa bandang dibdib nang pinagpala na ng bibig ni Alexander ang magkabila niyang dibdib.Mabilis na itinaas ni Alexander ang dalawang binti ng dalaga st nakabuka iyong isinampay sa mga balikat. "Ahhh shit, uhmmm harder!" Halinghing niya habang nakahawak sa mga braso ng binata na nakatukod sa magkabing gilid niya. Pinagbigyan niya ang dalaga at animo'y may hinahabol sa bilis ng paglabas masok sa pagkababae ng dalaga ang shaft niya. Kahit sumabog na ang init sa katawan ay patuloy siya sa pag ulos sa lagusan ng hiyas ng dalaga."Ahhhh ahhhh Alex uhmmmm shit!" Halos mangisay siya sa ilalim ng binata dahil sa sarap. Mukhang hindi nauubusan ng katas ang b

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 556-Pleasure

    Hindi na nagreklamo si Ava nang dinala siya sa condominium ng binata. Ayaw na nitong pumayag na bumalik siya sa apartment at mag isa lang doon."Mula ngayon ay dito ka na titira. Alam kong ayaw mong magsasama na tayo sa iisang bubong. Huwag kang mag alala at sa kabilang pad ako matutulog." Inayos ni Alexander ang kama upang makahiga na ang dalaga.Nakangiting pinagmasdan ni Ava ang binata. Hindi niya akalaing may alam ito sa ganoong gawain. Maayos naman ang tulugan pero binago ng binata ayun sa gusto nito para sa kaniya. "So, ok ka na ba dito? Kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ako or tawagan sa telepono." Sa halip na sagutin ang binata ay niyakap niya ito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at hindi agad ito nakakilos. "Thank you!""For what?" nakangiting tanong ni Alexander at hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga."Sa pag intindi sa akin at pagmamahal."Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga saka bahagyang inilayo sa katawan niya ang ulo nito upang mapagmasdan i

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 555-Pakiusap

    "Kung wala ka nang ibang kailangan, umalis ka na at nakakaabala ka nang husto." Pagtataboy ni Alexander sa lalaki. Kung wala lang si Ava sa tabi niya ah nabigwasan na niya ito ng suntok sa mukha."Fine, gagawin ko na ang gusto mo pero huwag dito." Mukhang napipilitang pakiusap ni Brix.Naiiling na tinalikuran ni Alexander ang lalaki kasama si Ava.Muling hinabol ni Brix sina Ava at humarang sa daraanan. "Ano pa ba ang gusto ninyo? Nagpapakumbaba na nga ako!" "Brix, hindi mapagkumbaba iyang ginagawa mo." Mahinahon na kausap ni Ava sa binata."Ma'am, alam kong mabait ka. Baka naman puwede mo mapakiusapan ang boylet mo?" Tangkang hahawak niya sa kamay ang dalaga ngunit mabilis siyang kinuwelyohan ni Alexander. "Don't you dare to touch her! And also, Watch your mouth at baka ngayon mismo ay masira ang pangalan ng ama mo!"Takot na umurong ng hakbang si Brix at titig pa lang ni Alexander ay nakakamatay na. Hindi na niya nagawang makapagsalita pa o kilos sa kinatayuan nang tumalikod na si

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 554-Hostageg

    Hindi magawa nang ngumiti ni Ben nang magsalubong ang tingin nila ng binatang minamaliit kanina lang. Kung masamang panaginip lang sana ang ngayon, ayaw na niyang magising muna. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang sagot-sagutin kanina ang pamilya ni Vice Mayor." Mukhang gulat ding naibulalas ng isa sa saksi kanina ng ginawa na pamamahiya sa binata."Ang yabang din kasi ng asawa at anak ni Vice Mayor, matapobre pa. Karma sa kaniya ngayon kung matalo ang asawa niya sa election." Nakaismid na kumento ng isa pang babae.Mariing naglapat ang mga labi ni Lucy nang marinig ang malakas na bulungan sa paligid. Kung sa ibang pagkakataon lang ay tiyak na nakalbo na niyat Ayaw niyang bumaba ng stage at kailangan pangatawan ang nais na pakipagkaibigan sa anak ng chairman. "May problema ba kanina?" tanong ng mayor at narinig din ang ingay."Ah kaunting misunderstanding lamang, mayor. Alam mo naman ang kabataan, maiinit ang ulo lalo na pagdating sa babae pareho nilang nagustohan." Pgadadahilan ni

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 553-Pagkabala

    "But before anything else!" Agaw eksina ni Ben. "Kunin ko na rin itong opportunity upang makilala ng apo ninyo ang anak ko. Kung puwede ay gusto kong mahawaan ng kasipagan ng apo ninyo ang anak ko, kung okay lang po?" nakangiting tanong pa niya sa chairman. Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander nang makitang nagmamadali sa pag akyat su Brix sa stage kahit wala pa naman ang approve. Napaghalataang mga uhaw sa fame ang pamilya nito at lahat ay gagawin upang makuha ang gusto. Sumunod na rin si Lucy sa anak at gustong maging applle of the eye din kasama ang tinitingalang pamilyang negosyante ng mga tao. Pinigilan ni Arriana ang umikot ang mga mata nang makipag beso sa kaniya si Lucy. Mas ok na nakaharap ang mga ito sa lahat ngayon upang makita kung ano ang maging rection kapag ipinakilala na ang anak niya.Tumikhim si Travis bago nagsalita. "You can ask my grandson." Sinundan ng tingin nila Brix, Bem at Lucy kung saan nakaturo ang chairman. Mukhang mga namalikmata sila at ang

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 552-Excitement

    "Ano ang nangyari?" tanong ni Ava sa binata habang sinusundan ng tingin sina Brix at mga magulang nito. Halatang excited ang mga ito sa kung sino ang babatiin at parang walang nangyaring gulo kanina lamang."Bakit hindi mo sinabi na dito ang punta mo ngayong gabi?" Napalabi si Ava at hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tinanong din. Gusto siyang isama nito kanina ngunit tumanggi siya dahil sa ina nito. Ayaw rin ipasabi ng ina at surprise sana pero gulo naman ang naabutan niya.Mataman na pinagmasdan ni Alexander ang mukha ng dalaga saka sinuri ang suot nito. Agad niyang hinubad ang coat at ipinatong sa balikat nito dahil walang manggas ang suot ng dalaga. Nakakaakit ang maganda nitong mukha lalo na at may lipstick ang labi. Ang suot na dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba ay fit na fit sa makurba nitong katawan. Ang sexy nitong tingnan at nang tumingin sa paligid at parang gusto na niyang iuwi ang dalaga. Halata ang paghanga sa tingin ng kalalakihang naroon kay Ava."Baby

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 551-Katanungan

    "Ikaw ang biktima at ang anak mo? Sa anong dahilan?" kalmadong tanong ni Arriana kay Lucy.Biglang nag alinlangan si Lucy na sagutin ang tanong ng babae. Marami ang nakikinig at nakatingin na taga media. Kapag sinabi niya ang totoo ay mas maapiktohan ang pangalan ng kaniyang asawa.Tumikhim si Ben at iniba ang paksa nang hindi na nakapagsalita ang asawa. "Mrs. Aragon, nice to see you again. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko at naging selosa lamang. Huwag kayong mag alala ay aayusin ko bukas ang gulo at panagutin ang dapat managot." Pinukol ni Ben ng nagbabantang tingin si Alexander. Ngumiti si Arriana sa mag asawa. "Siya ba ang tinutukoy mong panagutin bukas?" Turo niya sa anak na tahimik lang nakatayo sa tabi niya."Mrs. Aragon, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa ganitong pagtitipon. Huwag kayong mag alala at hindi ako magdedemanda laban sa university kung alisin ninyo sa trabaho ang professor na iyon at ang lalaking iyan." Ngumiti pa si Lucy sa ginang."Kilala niyo ba siya

DMCA.com Protection Status