"Adrian, hijo, masaya akong makita kayong magkasama ni Jessica." Salubong ni Janice sa binata kasama ang kaniyang anak."Hinatid ko lang po si Jessica," matipid at magalang na pakipag-usap niya sa ginang.Nakangiting tumango si Janice sa binata bago binalingan ng tingin ang anak. Saka lang napansin ang hitsura ng damit nito. "Ano ang nangyari?" Nilapitan niya ang anak at sinuri ang katawan nito."I'm ok, mom, nagkaroon lang po ng misunderstanding sa pagitan namin ni Ate Sunshine.""What? Paano ka nagawang saktan ng bastardang iyon? Hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang ito sa iyo sa pagkakataon na ito!"Napabuntonghininga si Adrian at mukhang gaganti ang ginang sa kaniyang asawa. Alam niyang hindi lang ito ang unang nangyari sa pagitan ng magkapatid. Pero ngayon niya lang nasaksihan ang actual na away ng dalawa."Mom, ok lang po ako kaya huwag na kayong magalit." Niyakap ni Jessica ang ina upang pakalmahin ito."Aalis na po ako.""Pumasok ka muna sa loob at may ginawa akong dessert,
Huling Na-update : 2023-06-29 Magbasa pa