"Please call me, I have something important to tell you." Binasa muli ni Sunshine ang message na tinipa bago sent to Adrian. Hindi puwedeng sa message niya lang sabihin ang tungkol sa ipinagbubuntis niya. Kailangan nilang mag-usap sa video call upang makita kung ano ang maging reaction nito.Nakapagpasya na si Sunshine, kung kinakailangang sundan niya si Adrian sa ibang bansa ay gagawin niya. Ang tungkol sa mga larawang kumakalat ay kaya niyang patunayang hindi totoo iyon. Naisip niyang kausapin si Jake upang magpatulong dito na malinis ang kaniyang pangalan."Magkita na lang tayo sa lugar na ito." Ibinigay ni Jake ang ang adress ng lugar kung saan sila maaring mag-usap ng dalaga.Nauna na si Sunshine sa tagpuan nila ni Jake. Malapit lang sa university iyon kaya panatag ang loob niyang doon na sila mag-usap. Ayon sa binata ay tatapusin lang nito ang isa pang subject at pumasok ito sa school."Napaghintay ba kita ng matagal?" bati ni Jake pagkarating sa isang coffee shop."Hindi naman,
Napabalikwas ng bangon si Sunshine nang makarinig ng ingay mula sa labas ng nakasarang pintuan. Hindi niya nalamayang nakatulog pala siya. Dala marahil sa kaniyang kalagayan kaya naging antukin na rin siya."Lalong dapat lang siyang mawala sa mundong ito kung totoong buntis siya!"Kumabog ang dibdib ni Sunshine nang marinig ang sinabi ng isang babae at kilala niya ang boses nito. Gusto niyang hawakan ang tiyan upang protektahan ang anak ngunit nakagapos pa rin ang kaniyang mga kamay."Wala sa usapan natin iyan! Kung buntis man siya ay ang bata lang dapat ang mawala!" Kontra ni Jake at sinundan si Jessica na pumasok sa loob.Hindi pinansin ni Jessica ang lalaki. Padarang niyang binuksan ang pintuan at agad tumambad ang mukhang kawawang kapatid. Napangisi siya nang manlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. "Jessica, ano ang ibig sabihin nito?" galit niyang tanong sa kapatid nang makalapit na ito."Hello my dear sister! Iisa lang ang ibig sabihin ngayon, katapusan na ng iyon
"Saan mo ako dadalhin?" Nagpumiglas si Sunshine nang sapilitan siyang pinatayo ni Jake. May dalawang araw na rin siyang bihag ng mga ito at hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa labas."Shhh!" Agad na tumahimik si Sunshine nang suminyas si Jake. Hindi na nawala ang kaba sa kaniyang dibdib sa tuwing makita ang lalaki. Pero sa pagkakataong ito ay iba ang nakikita niyang kilos nito. Alam niyang madaling araw palang at tulog ang isa pang kasama nito."Kailangan na kitang itakas dito ngayon! paanas na bulong ni Jake.Nagtataka at nagtatanong ang tinging ipinukol ni Sunshine sa binata."Mamaya ko na ipaliwanag sa iyo. Sa ngayon ay kailangan nating makalayo rito dahil traidor ang kapatid mo!"Ramdam ni Sunshine na galit si Jake sa kapatid. Walang pag-alinlangang sumama siya rito at nakasilip ng pag-asa na makawala sa mga ito. Halos pigil hininga siya hanggang sa makalabas sila sa maliit na bahay. Madilim ang paligid at wala kapitbahay. "Sumunod ka sa akin at huwag gumawa ng ingay."
Tulalang siyang nakatitig sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Halos hindi niya maigalaw ang buong katawan at ramdam niya ang sakit niyon. "Anak, ayaw mo ba talagang dalhin siya sa hospital?" nag-aalalang tanong ni Beth kay Jake. Nagulat na lang siya kanina nang dumating ito kasama ang babaneg walang malay-tao. May sugat din ang anak sa tuhod at braso. Ang babae na ipinakilala nitong nobya ay sa ulo at tuhod ang sugat. Ayun sa anak ay natumba ang mga ito dahil hindi napansin ang biglang pagtawid sa daan ng isang kambing."Ma, hindi maari dahil baka mahanap kami ng mga magulang niya. Isa pa ay may nakaaway ako at gusto akong patayin. Baka madamay lamang siya kapag nahanap nila ako." Pagsisinungaling ni Jake sa ina bago nilingon si Sunshine. Naampat na ang pagdurugo ng sugat sa ulo nito. Nasuri na rin ng ina ang katawan nito at mukhang maayos naman ang ipinagbubuntis.Naipagpasalamat ni Jake na sa isang putikan bumagsak si Sunshine kanina nang mahulog. Ngunit nabagok ang ulo nito sa is
"Ano na ang balita?" tanong ni Travis pagkarating ni Cyrus."Nahuli kami ng dating. Wala na sila sa bahay nila nang puntahan ko."Napatayo si Travis at ipinamulsa ang mga kamay sa magkabilang pocket ng suot na trouser. "May tao na rin akong inilagay sa bus station upang hanapin sila.""Bakit kailangan nilang magtago ng husto?" nairita na si Travis at inabot na ng buwan ay hindi pa rin nila mahanap si Sunshine.Mula sa pinagkukublihan, napangiti si Jessica at agad na lumayo sa pintuan. Siniguro niyang malinis ang trabaho ng mga tao upang wala ng imbistigasyong mangyari. "Ano ang ginagawa mo dito?""Gulat na nilingon ni Jessica ang nagsalita. Tumingin siya sa pintuan ng library bago muling tinapunan ng tingin ang binatilyo. "Gusto ko sananag makausap si Tito Travis, kaso mukhang kausap niya ang papa mo."Sandaling napatitig si Cyril sa babae bago tumingin sa nakasarang pintuan."May alam ka ba kung may bagong balita tungkol sa kapatid ko?" Pinalungkot pa niya ang aura ng mukha upang h
Napabalikwas ng bangon si Adrian mula sa pagkahimbing ng tulog. Muling napanaginipan niya ang asawa na umiiyak. Agad niyang hinanap ang cellphone at dinayal ang number nito. Ngunit tulad sa mga naunang lingo, unattended ang number nito. Napabuntonghininga siya, minsan na niyang tinawagan si Attorney Ben at ang sagot lang nito ay busy si Sunshine. Kapag ang ama ang kausap ay ganoon din ang sagot.Muling binuksan ni Adrian ang huling message ng asawa. Ramdam niyang may mali kung bakit hindi niya ito makuntak ngayon. Kapag si Trisha ang tinanong niya ay iniiba ang usapan. Si Arriana naman ay alam niyang wala sa mansyon kaya walang alam sa kung ano ang nangyayari doon.Tuluyang bumangon na si Adrian at uminum ng tubig. Kung nagtatampo man ang asawa kaya ayaw siyang kausapin ay hindi niya ito masisi. Sa mga nakaraang araw ay nasa gitna ng karagatan siya at walang signal doon. Nakaraang araw lamang siya nakababa ng barko at nagkaroon ng oras na makausap ito ngunit ayaw naman na siyang kausa
"Buntis ako at si Jake ang ama dahil siya ang unang lalaking naka angkin sa aking katawan. Kung sakaling mabasa mo ito, Adrian, patawad. Alam kong maunawaan mo ito." Basa muli ni Cyrus sa huling paragraph ng sulat ni Sunshine. Sabay na napatingin ang lahat kay Adrian matapos marinig ang binasa ni Cyrus."Darn, nagalaw mo na si Sunshine bago ka pa pumunta ng ibang bansa?" Nabatukan ni Shaina ang asawa dahil sa tanong nito sa kanilang anak at naririnig ni Trisha. Pinandilatan niya ito ng mga mata at nagpapahiwatig ang tingin na 'kailangan pa ba iyon itanong gayong magdamag na magkasama ang dalawa sa silid ng anak nila noong kaarawan niya?'Muling napamura si Travis at hindi napansin noong una palang ang mensahe sa sulat ni Sunshine. Pagtingin niya kay Cyrus ay mukhang nabawasan din ang confident nito bilang detective. Napabuntonghininga si Cyrus at may pagkukulang pala siya sa una palang ng imbistigasyon. Kaya pala nasabi ng anak na si Adrian lang ang makasagot sa mga katanongan nang
"Puwede bang tumigil ka na sa pag-alala? Kung ano man ang natuklasan nila sa sulat, hindi na nila makikita pa ng buhay ang babaeng iyon!" Nairita na si Janice sa anak at hindi mapakali."Pero hindi ko makuha ang loob ni Adrian hangga't nanatiling buhay sa puso at isipan niya ang babaeng iyon, ma!" Naipadyak niya ang isang paa dahil sa inis. Napaisip si Janice, may punto nga ang anak. Hindi magawa ni Adrian na ibaling sa iba ang pagtingin nito dahil ang alam ay buhay pa si Sunshine. Ang akala niya ay tapos na ang kanilang problema matapos na mailibing ang katawan ng dalawa. Pero dahil sa palpak na sulat ay nagkaroon ng dahilan ang pamilya ni Adrian upang hanapin pa ang babae. Sa halip na magalit ang lahat sa kataksilan at kalimutan na ito ay kabaliktaran ang nangyari. "Bakit kasi hindi mo tiningnan mabuti ang sulat ng babaeng iyon bago ipinadala sa mga nag-ampon dito?" paninisi na niya kay Jessica.Nasabunutan na ni Jessica ang sarili dahil sa inis na nadarama. Sa ugali ni Adrian ay
Hello everyone! First of all po ay salamat sa pagbabasa sa nobelang ito hanggang sa dulong ito. Alam ko po na marami ang naiinis at nagagalit sa akin dito lalo na kung walang update. Pasensya po, tao lang din ako na nagkakasakit, kailangan magpahinga at may ibang gawain sa buhay na kailangang gampanan. Salamat pa rin po dahil kahit naiinis na kayo sa akin ay hindi ninyo binibitiwan ang librong ito. Hanggang dito na lang po ang Kuwentong ito. Pero huwag kayong mag-alala at gagawan ko rin ng libro ang iba pang apo nila Travis at Shaina. Yun nga lang at hindi ko rito idudugtong. Kaya abangan ninyo po ang kuwengo nila sa season 2 at e publish ko soon. Muli, maraming salamat po! Maari niyo ring basahin ang iba ko pang akda, just open my profile at makita po ninyo. Pinaka trending sa ngayon na book ko bukod dito ay PLAYED BY FATE. Sure ako na magustohan ninyo iyan tulad sa pagkagusto sa librong ito. May bagong book din po akong ginagawa na e publish dito kaya winakasan ko na ito. Please supp
Maaga pa lang ay nasa school na sina Lucy at ang anak. Nagmakaawa sa dean na tulungan silang makausap sina Alexander at Ava. Ang asawa kasi ay nagtatago na ngayon dahil nakumpiska ang bawal na gamot sa bodegang pag aari nito. Gusto niyang makiusap na huwag siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawang pananakit kay Ava at ganoon din ang anak niya."Linisin mo ang pangalan ng nobya ko dito sa university at baka sakaling maawa ako sa inyong dalawa." Matigas na utos ni Alexander na kararating lang din.Nagkukumahog na lumapit si Lucy sa dalawang bagong dating. "Gagawin ko ang gusto ninyo. Huwag niyo lang idamay ang anak ko."Napatingin si Ava kay Brix na mukhang napilitan lamang sumama sa ina nito. "Misis, tingin ko ay kailangan mong ipa rehab ang anak mo.""No!" Matigas na tutol ni Brix at naglikot ang tingin sa paligid."Tsk, pasalamat ka at binibigyan ka pa ng pagkakataon na makapagbagong buhay. Kung ayaw mong magpagamot ay maglimas ka ng rehas kasama ang ama mo." Aroganteng singhal ni Al
Lalo siyang ginanahan sa pagsubo sa shaft ng binata dahil sa ungol nito. Ang sarap lang hawakan ang matigas at mahaba nitong pagkalalaki."Fuck, enough baby!" Sapilitan niyang inilayo na ang pagkalalaki sa bibig ng dalaga at pinahiga ito sa kama. Pagkadagan ay kinuyumos niya ng halik sa labi ito."Uhmm, Alexander!" Umangat ang katawan niya sa bandang dibdib nang pinagpala na ng bibig ni Alexander ang magkabila niyang dibdib.Mabilis na itinaas ni Alexander ang dalawang binti ng dalaga st nakabuka iyong isinampay sa mga balikat. "Ahhh shit, uhmmm harder!" Halinghing niya habang nakahawak sa mga braso ng binata na nakatukod sa magkabing gilid niya. Pinagbigyan niya ang dalaga at animo'y may hinahabol sa bilis ng paglabas masok sa pagkababae ng dalaga ang shaft niya. Kahit sumabog na ang init sa katawan ay patuloy siya sa pag ulos sa lagusan ng hiyas ng dalaga."Ahhhh ahhhh Alex uhmmmm shit!" Halos mangisay siya sa ilalim ng binata dahil sa sarap. Mukhang hindi nauubusan ng katas ang b
Hindi na nagreklamo si Ava nang dinala siya sa condominium ng binata. Ayaw na nitong pumayag na bumalik siya sa apartment at mag isa lang doon."Mula ngayon ay dito ka na titira. Alam kong ayaw mong magsasama na tayo sa iisang bubong. Huwag kang mag alala at sa kabilang pad ako matutulog." Inayos ni Alexander ang kama upang makahiga na ang dalaga.Nakangiting pinagmasdan ni Ava ang binata. Hindi niya akalaing may alam ito sa ganoong gawain. Maayos naman ang tulugan pero binago ng binata ayun sa gusto nito para sa kaniya. "So, ok ka na ba dito? Kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ako or tawagan sa telepono." Sa halip na sagutin ang binata ay niyakap niya ito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at hindi agad ito nakakilos. "Thank you!""For what?" nakangiting tanong ni Alexander at hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga."Sa pag intindi sa akin at pagmamahal."Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga saka bahagyang inilayo sa katawan niya ang ulo nito upang mapagmasdan i
"Kung wala ka nang ibang kailangan, umalis ka na at nakakaabala ka nang husto." Pagtataboy ni Alexander sa lalaki. Kung wala lang si Ava sa tabi niya ah nabigwasan na niya ito ng suntok sa mukha."Fine, gagawin ko na ang gusto mo pero huwag dito." Mukhang napipilitang pakiusap ni Brix.Naiiling na tinalikuran ni Alexander ang lalaki kasama si Ava.Muling hinabol ni Brix sina Ava at humarang sa daraanan. "Ano pa ba ang gusto ninyo? Nagpapakumbaba na nga ako!" "Brix, hindi mapagkumbaba iyang ginagawa mo." Mahinahon na kausap ni Ava sa binata."Ma'am, alam kong mabait ka. Baka naman puwede mo mapakiusapan ang boylet mo?" Tangkang hahawak niya sa kamay ang dalaga ngunit mabilis siyang kinuwelyohan ni Alexander. "Don't you dare to touch her! And also, Watch your mouth at baka ngayon mismo ay masira ang pangalan ng ama mo!"Takot na umurong ng hakbang si Brix at titig pa lang ni Alexander ay nakakamatay na. Hindi na niya nagawang makapagsalita pa o kilos sa kinatayuan nang tumalikod na si
Hindi magawa nang ngumiti ni Ben nang magsalubong ang tingin nila ng binatang minamaliit kanina lang. Kung masamang panaginip lang sana ang ngayon, ayaw na niyang magising muna. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang sagot-sagutin kanina ang pamilya ni Vice Mayor." Mukhang gulat ding naibulalas ng isa sa saksi kanina ng ginawa na pamamahiya sa binata."Ang yabang din kasi ng asawa at anak ni Vice Mayor, matapobre pa. Karma sa kaniya ngayon kung matalo ang asawa niya sa election." Nakaismid na kumento ng isa pang babae.Mariing naglapat ang mga labi ni Lucy nang marinig ang malakas na bulungan sa paligid. Kung sa ibang pagkakataon lang ay tiyak na nakalbo na niyat Ayaw niyang bumaba ng stage at kailangan pangatawan ang nais na pakipagkaibigan sa anak ng chairman. "May problema ba kanina?" tanong ng mayor at narinig din ang ingay."Ah kaunting misunderstanding lamang, mayor. Alam mo naman ang kabataan, maiinit ang ulo lalo na pagdating sa babae pareho nilang nagustohan." Pgadadahilan ni
"But before anything else!" Agaw eksina ni Ben. "Kunin ko na rin itong opportunity upang makilala ng apo ninyo ang anak ko. Kung puwede ay gusto kong mahawaan ng kasipagan ng apo ninyo ang anak ko, kung okay lang po?" nakangiting tanong pa niya sa chairman. Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander nang makitang nagmamadali sa pag akyat su Brix sa stage kahit wala pa naman ang approve. Napaghalataang mga uhaw sa fame ang pamilya nito at lahat ay gagawin upang makuha ang gusto. Sumunod na rin si Lucy sa anak at gustong maging applle of the eye din kasama ang tinitingalang pamilyang negosyante ng mga tao. Pinigilan ni Arriana ang umikot ang mga mata nang makipag beso sa kaniya si Lucy. Mas ok na nakaharap ang mga ito sa lahat ngayon upang makita kung ano ang maging rection kapag ipinakilala na ang anak niya.Tumikhim si Travis bago nagsalita. "You can ask my grandson." Sinundan ng tingin nila Brix, Bem at Lucy kung saan nakaturo ang chairman. Mukhang mga namalikmata sila at ang
"Ano ang nangyari?" tanong ni Ava sa binata habang sinusundan ng tingin sina Brix at mga magulang nito. Halatang excited ang mga ito sa kung sino ang babatiin at parang walang nangyaring gulo kanina lamang."Bakit hindi mo sinabi na dito ang punta mo ngayong gabi?" Napalabi si Ava at hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tinanong din. Gusto siyang isama nito kanina ngunit tumanggi siya dahil sa ina nito. Ayaw rin ipasabi ng ina at surprise sana pero gulo naman ang naabutan niya.Mataman na pinagmasdan ni Alexander ang mukha ng dalaga saka sinuri ang suot nito. Agad niyang hinubad ang coat at ipinatong sa balikat nito dahil walang manggas ang suot ng dalaga. Nakakaakit ang maganda nitong mukha lalo na at may lipstick ang labi. Ang suot na dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba ay fit na fit sa makurba nitong katawan. Ang sexy nitong tingnan at nang tumingin sa paligid at parang gusto na niyang iuwi ang dalaga. Halata ang paghanga sa tingin ng kalalakihang naroon kay Ava."Baby
"Ikaw ang biktima at ang anak mo? Sa anong dahilan?" kalmadong tanong ni Arriana kay Lucy.Biglang nag alinlangan si Lucy na sagutin ang tanong ng babae. Marami ang nakikinig at nakatingin na taga media. Kapag sinabi niya ang totoo ay mas maapiktohan ang pangalan ng kaniyang asawa.Tumikhim si Ben at iniba ang paksa nang hindi na nakapagsalita ang asawa. "Mrs. Aragon, nice to see you again. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko at naging selosa lamang. Huwag kayong mag alala ay aayusin ko bukas ang gulo at panagutin ang dapat managot." Pinukol ni Ben ng nagbabantang tingin si Alexander. Ngumiti si Arriana sa mag asawa. "Siya ba ang tinutukoy mong panagutin bukas?" Turo niya sa anak na tahimik lang nakatayo sa tabi niya."Mrs. Aragon, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa ganitong pagtitipon. Huwag kayong mag alala at hindi ako magdedemanda laban sa university kung alisin ninyo sa trabaho ang professor na iyon at ang lalaking iyan." Ngumiti pa si Lucy sa ginang."Kilala niyo ba siya