Naiyak si Shaina at hinayaang ang sariling mga paa kung saan siya dalhin niyon. Gusto niyang lumayo kay Travis, at hindi kayang marinig ang tunay nitong naramdaman sa kaniya."Mommy, what's wrong?"Gulat na napalingon si Shaina, nang marinig ang tinig ni Adrian. Hindi niya namalayang sa silid nito siya pumasok.Nag-aalang nilapitan ni Adrian ang inang umiiyak at nakaupo sa sofa na naroon lang din sa kaniyang silid.Mabilis na pinunasan ni Shaina ang luha sa pisngi at pilit na ngumiti sa anak sabay iling."No, you're not ok. Tell me, mommy, sino ang nagpaiyak po sa iyo?"Lalo lamang naging emosyonal si Shaina dahil sa pang-aalo sa kaniya ng anak. Para itong matanda at handa siyang ipagtangol sa kung sino man ang salarin."I know it, marahil ay nalaman mo na rin ang tungkol sa bagong babae ni Daddy!" Bakas sa mukha ni Adrian ang galit.Umawang ang mga labi ni Shaina at manghang nakatitig sa mukha ng anak. Pero paano nito nalaman gayong ngayon lang naman sinabi sa kaniya ni Travis?"I sa
Read more