Nagwala si Lovely, habang umiiyak matapos nilang mag-usap ni Rex, sa cellphone. Ayaw din nitong makipag-usap sa kaniya ng personal upang magkalinawan sila."Anak, huminahon ka nga muna. Ano ba ang problema?" Niyakap ni Matilda anak upang damayan ito. Ang gulo na ng silid nito at may mga nabasag na rin. Mabuti na lang at wala ang matanda at ang kaniyang asawa."Mommy, ayaw na sa akin ni Rex! Iiwan na niya ako at pupunta siya sa ibang bansa!" Naipadyak niya ang mga paa habang umiiyak sa balikat ng ina."What? Hindi niya maaring gawin iyan sa iyo, hindi kami makakapayag ng iyong ama!" Galit na rin si Matilda at gusto ring magwala."Ano na po ang gagawin ko, mommy? Tiyak na kaawaan ako ng mga kaibigan ko. At hindi ko rin matanggap na lalabas na isang talunan sa mga mata ni Shaina!" Napasalampak na si Lovely ng upo sa sahig at hilam ng luha ang mukha."Hindi rin ako makakapayag! Tumayo ka riyan at ayusin ang iyong sarili. Puntahin natin ang kaniyang pamilya, ngayon din!"Sinunod ni Lovely
Last Updated : 2023-05-17 Read more