Iniwan na muna ni Shaina ang tatlo sa kaniyang silid at pumunta sa kusina. Mabuti na lang at naroon pa rin ang kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang lulutuin na para kay Travis."Ano ang problema?" pabulong na tanong ni Daisy nang mapansing hindi mapakali ang kaibigan."Gusto ng mga bata na dito siya matutulog."Biglang binitiwan ni Daisy ang sandok at dumikit kay Shaina. "Talaga? Oh my gosh, kailangan mong maligo at magpabango!"Biglang dinampot ni Shaina ang sandok na binitiwan ng kaibigan at inambang ihampas sa kaibigan. Ngunit mabilis na nakalayo sa kaniya ang bakla. "Ikaw, ano ang iniiisp mo ha?""Hey, gusto ko lamang na maging mukhang fresh ka kahit tulog." Tumatawa na itinaas ni Daisy ang dalawang kamay bilang pagsuko kay Shaina."Hala, ate, saan matutulog si Sir Pogi? Oh my gosh, kapag nagtabi kayo, baka triplets na ang mabuo ninyo!" eksahiradong naibulalas ni Nida."Isa ka pa!"Mabilis din na lumayo si Nida sa amo at baka siya ang masandok nito."Kung ayaw mo siya itabi, ate
Huling Na-update : 2023-04-30 Magbasa pa