Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Chapter 331 - Chapter 340

All Chapters of THE BEST MISTAKE: Chapter 331 - Chapter 340

562 Chapters

Chapter 329-Parusa

Halos mamutla si Patricia nang makita kung ano ang suot ng babaing kasama ng pamangkin. Halatang galing sa pag iyak ang tunay na si Natasha at masama ang loob na tumingin sa kaniya."Ano ang nangyari at bakit pulis ang kasama mo?" Nag aalalang hinawakan ni Dark sa magkabilang balikat ang dalaga.Hindi napigilan ni Cherry ang sarili na yumakap kay Dark. Sobrang natakot siya kanina nang iwan siya ng tiyahin. Ang akala niya ay tuluyang masisira na ang pagkababae niya kanina sa kamay ni Mr. Ching."Cherry, ano ang nangyari? Halika dito at baka makita ka ni Natasha na nakayakap kay Dark.' Mabilis na nilapitan ni Patricia ang dalaga at tangkang hahawak sa kamay ito ngunit tinabig ni Dark ang kamay niya."Don't touch her! Isa kang pabayang tiyahin!" Galit na singhal ni Dark sa babae.Napaurong ng hakbang si Patricia at natakot sa galit na nakikita sa mga mata ni Dark. "Sir, hinatid ko na po siya at itong adress ang sinabi niya nang tanongin ko," ani ng babaing police kay Dark. "Maraming s
Read more

Chapter 330-Larawan

Mabilis na tumayo si Patricia mula sa pagkasalampak sa lupa nang humarap sa kaniya si Dark. Ang tingin niya dito ngayon ay demonyo. Natakot siya na baka pati siya ay saktan dahil iniwan kanina si Cherry."Mula ngayon ay hindi ka na maaring lumapit kay Cherry!" matigas na turan ni Dark."N-no..." umiling-iling si Patricia. "Hindi maari iyang gusto mo lalo na at alam ko na ang kasamaan mo! Hindi ko hahayaang ang isang tulad mo ang maasawa ng pamangkin ko dahil kriminal ka!" Pagmamatapang na tutol niya.Muling humulma ang kakaibang ngiti sa labi ni Dark at nilapitan ang babae. "Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang ina ni Cherry. Pag-aari ko na siya at kaya rin kitang isunod sa lalaking iyon kapag sinuway mo ako, maliwanag?"Nangatal ang labi ni Patricia at nangingilag ang tingin. Ang akala niya ay siya na ang pinakamasama at walang awa gumawa ng kasamaan sa kapwa. Pero sa nakikita kay Dark ngayon ay parang gusto niyang magsisi at hinayaan pang mapalapit dito ang tunay na Natasha. Kung n
Read more

Chapter 331-Obsesed

Napaiyak na si Cherry nang may mga malabong alaala ang bumabalik sa isipan niya. Alam niyang hindi lang iyon hallucinations. Pagkapasok ni Dark sa loob ng library ay mabilis niyang niyakap ang dalaga. "Baby, what's wrong?"Lalo lamang napahagulhol ng iyak si Cherry nang mahamig sa tinig ni Dark ang labi na pag aalala sa kaniya. "Shhhh, huwag kang matakot. Halika at huwag pilitin ang sarili kung masakit ang ulo mo." Pinangko na ni Dark ang dalaga at sa sariling silid dinala sa halip na sa silid nito."Ano ang nangyari? Bakit narinig kong umiiyak ang pamangkin ko?" tanong ni Patricia at humarang sa daraanan ni Dark. Pilit na kinuntrol ni Dark ang galit nang makita si Dalia. Kung hindi niya lang gustong malaman kung sino pa ang kasabwat nito ay nabalatan na niya ito ng buhay. "Cherry, ano na naman ba ang drama mo at bagpapabuhat ka kay Dark? Hindi ka ba nahihiya? Baka biglang dumating si Natasha at—""Hindi mo na kailangan siyang pagalitan dahil ako ang may gustong buhatin siya. Masa
Read more

Chapter 332-Pagkamuhi

Nagising siya na hinahapo at pawisan. Pakiramdam niya ay nagising siya mula sa kumunoy. Ramdam pa niya ang panginginig ng katawan niya dahil sa sobrang takot. Iginala niya ang tingin sa paligid at maliwanag na. Napababa siya sa kama at humarap sa salamin."Ano ang nangyayari?" kausap niya sa sarili habang nakipagtitigan siya sa ibang mukha na nasa salamin.Nasabununtan niya ang sariling buhok nang may kumudlit na alaala sa isipan. Ayaw niyang maputol iyon kahit masakit sa ulo kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Huwag, parang awa niyo na! Huwag niyong palitan ang mukha ko!" Pagmamakaawa niya sa babaeng nakaputi ng suot na damit. Hindi siya pinakinggan ng babae kahit nagmamakaawa na siya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak at hindi makapanlaban dahil nakatali siya sa kinahigaan. Napahiyaw siya sa sakit nang bigla siyang tinurukan at walang ingat na pinisil ang braso niya.Napamulat siya nang mga mata matapos maalala ang tagpong iyong. Pagtingin niya sa braso ay naroon pa nga an
Read more

Chapter 333-Office

"Hello, sir, good morning!" masayang bati ni Patricia kay Tristan. Nangunot ang noo ni Tristan at parang kilala niya ang boses ng bumati sa kaniya. Paglingon niya ay si Dalia lang pala. Natandaan niya ito at naipakilala sa kaniya ni Adrian. Bukod doon ay nakalapit na rin ito sa kaniya noong nagkaroon ng welcome party para kay Natasha. Lihim na napangiti si Patricia nang walang salitang tinalikuran siya ng binata. Hindi na ito nagbago, ganoon pa rin ka-snab kapag hindi close ang isang tao. Ngayong nakabalik na siya ngunit sa ibang katauhan ay siguraduhin niyang maagaw muli si Tristan. Alam niyang mas naging agresibo ang lalaking pamilyado na lalo na kapag may anak na ang asawa. Mas madaling matukso ang mga ito at mapaghanap ng ibang putahe.Mula sa pagtutok sa screen sa laptop ay nag-angat ng tingin si Tristan nang bumukas ang pintuan ng opisina."Sir, dinalhan po kita ng maiinum." Ngumiti si Patricia nang tila napatulala si Tristan habang nakatitig sa kaniyang mukha.Naipilig ni T
Read more

Chapter 334-Yakap

Mula sa sariling silid, sinilip ni Natasha ang mga bagong dating. Inaasikaso ni Dark ang ama niya at inalalayan itong makalipat ng upo sa sofa. Ilang beses siyang napakurap at nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Pinigilan niya ang mapaiyak dahil sa asawa sa ama. Parang kailan lang sila nag-uusap nito at malusog pa ito. Ngayon ay mukhang walang buhay na ang katawan at walang alam sa nangyayari sa mundo. Napatingin si Natasha sa ina. Nakangiti ito ngunit bakas sa mukha ang kalungkutan. Alam niyang dahil iyon sa kalagayan ng kaniyang ama. Mabilis niyang pinunasan ang luhang pumatak sa kaniyang pisngi. Sobrang miss na niya ang mga magulang at gustong mayakap. "Witch, magsaya ka ngayon!" bulong ni Natasha habang kuyom ang kamao. Kung nakakasunog lang ang tingin ay tiyak na balot na ng apoy ang impostora niya.Mabilis na isinara ni Natasha ang pintuan ng silid nang lumingon sa gawi niya si Trisha. Sobrang nalulungkot siya dahil hindi manlang nakaramdam ng duda ang pamilya sa kaniyang
Read more

Chapter 335-Improvement

Mabilis na binuhat ni Dark ang ginoo at dinala sa isang silid upang makapagpahinga ng maayos. Malaking tao ito pero kinaya niya at bumaba rin ang timbang nito dahil sa sakit. "Mommy, ano po ang nangyari kay Daddy?" nag aalalang tanong ng impostora."Marahil dahil sa mga narinig kanina ay nagalit ang daddy mo. Kaya mula ngayon, huwag kayong magsalita ng hindi maganda sa harapan ng daddy ninyo." Kay Trisha tumingin si Shaina. Naapiktohan ang asawa niya sa kaalaman na nagkaroon ng ibang babae si Dark."Sorry po, mommy. Parating na po si Dr. Chavez. Nagyuko ng ulo si Trisha. "I'm sorry at kasalanan ko ang nangyari." Mapagkumbaba na paghingi ni Dark ng paumanhin sa ginang.Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Shaina at nahahati ang puso niya ngayon. Nagugulohan siya sa tuwing kasama ang bunso nilang anak. Parang may kulang lalo na kapag tinawag siya nitong ina. Tinawagan niya si Adrian upang sunduin sila doon. Nakakahiya na kay Dark na siyang umaalalay sa asawa niya.Nang masiguro n
Read more

Chapter 336-Palaban

Pagkauwi ni Patricia ay hinanap niya agad ang tunay na si Cherry. "Mabuti po at dumating na kayo. Narito kanina ang pamilya niya at nagkaroon ng problema." Pagsusumbong ni Cherry kay Patricia. Kinuwento niya dito pati ang sinabi ng doctor na may improvement sa kalusugan ni Travis."Kailangang malaman ni Grace ito. Hindi dapat na makabawi ng lakas ang matandang iyon. Dapat ay habambuhay lang siyang walang silbi at unting-unting mamatay habang sinasaksihan kung paano natin pahirapan ang pinakamamahal niyang anak!" Pagigil na ani ni Patricia. "Ano na po ang gawin natin? Si Natasha ay mukhang kinakarer na ang pagiging mang aagaw. Napapansin kong sinasadya na niyang landiin si Dark." Pagsusumbong ng impostora."Ako na ang bahala sa kaniya. Patuloy mo lang ang galing sa pag arte kapag kaharap sila at sikapin mong mailayo lagi sila sa tunay na Natasha."Nakangiting tumango si Cherry. Lumabas na sila ng silid at hinanap si Dark. Kanina pa niya hindi nakikita si Dark at mukhang nagkukulong
Read more

Chapter 337-Drama

"Cherry, maari ba tayong mag-usap?"Lumingon muna si Natasha sa paligid, nang masigurong walang ibang tao sa hallway ay saka niya nilapitan ang kaniyang impostora na siyang nakikiusap. Pinakatitigan niya ang mukha nito.Para lang siya nanalamin at talagang kuhang-kuha kahit aling angulo sa mukha niya. Maging ang mga mata, alam niyang nakasuot lang din ito ng contact lens. Naikuyom ni Natasha at pilit inaalala ang mukha ng doctor na siyang nagbaboy sa mukha niya. Kailangan niyang makita muli o marinig ang boses nito upang makilala. Si Dalia, naalala na niya ngayon kung sino ba talaga ito at alam niyang matalinong baliw kaya kailangan niyang mag ingat. Ang impostora niya ay hindi niya kilala ang tunay nitong pagkatao."Ano ang tinitingin-tingin mo?" mataray na sita ng impostora kay Natasha.Ngumiti si Natasha at ipinakita niya sa babae ang tunay na ugali ng isang Natasha. "Nagtataka lang ako kung bakit nagawa pang tumingin sa akin ni Dark, sa kabila ng kagandahan mong taglay at karang
Read more

Chapter 338-Selos at galit

"Ano ang kailangan mo?" Nilunok muna ni Patricia ang sariling laway bago sumagot kay Dark. "Dinalhan ko ng gatas ang pamangkin ko at hindi siya nakakatulog ng maayos kapag hindi ko siya napainum ng gatas.Walang salitang kinuha ni Dark ang maliit na tray na hawak ni Dalia, kung saan nakapatong ang basong may lamang gatas."Maari ko bang makita ang pamangkin ko?" Pakiusap ni Patricia nang tangkang isasara na nito ang pinto."Huwag mo na siyang abalahin at mahimbing na ang tulog niya." Malamig pa ring pakitungo ni Dark sa babae.Malungkot na nagbuntonghininga si Patricia at sinalubong ang nang aarok na tingin ni Dark. "Pamangkin ko pa rin si Cherry at gusto ko makasiguro na maayos ang kalusugan niya. Hindi ko hinahayaang matulog siya na hindi nakainum ng gatas dahil nagigising siya ng des oras ng gabi.""Ako na ang magpapainum sa kaniya."Inis na nanatili si Patricia sa bukanan ng pintuan nang tumalikod na si Dark. Gusto niyang makita kung ipapainum ba talaga nito ang gatas sa dalaga.
Read more
PREV
1
...
3233343536
...
57
DMCA.com Protection Status