"Nasaan si Adrian at Natasha?" tanong ni Travis sa asawa.Nakagat ni Shaina ang loob ng labi at hindi alam kung ano ang isagot sa asawa."Dad, sinusundo po ni Kuy—""What the hell? Paanong sinusundo? Nakikita niyo ba ang oras?" Turo ni Travis sa suot na orasan. Lagpas alas singko na at kaninang umaga pa umalis ng bahay ang bunso niyang anak."Daddy..." naiiyak na tawag ni Trisha sa ama."Honey, huwag mong takutin ang anak natin at baka mabinat." Naiiyak na pakiusap ni Shaina sa asawa upang huminahon ito. Napabuga ng hangin sa bibig si Travis at pilit na nagpakihinahon. Lumakas ang kutob niya na mayroon hindi magandang nangyari sa isa niyang anak. "Ayos lang ako, sabihin niyo na ang totoo."Mabilis na lumapit si Arriana sa ama at niyakap ito. Hindi na rin niya kayang itago sa ama ang katotohanan lalo na at wala pa ring kumukuntak sa kanila na kidnaper."Honey, na-nawala si Natasha!" Nautal si Shaina kasabay ng pag iyak.Pakiramdam ni Travis ay bigla siyang nabingi sa narinig. Parang
Last Updated : 2024-03-13 Read more