"Cherry, salamat at pumayag kang maging alalay ko." Niyakap ni Natasha ito.Pilit na ngumiti si Cherry sa dalaga. Sa totoo lang ay hindi siya komportableng tumira kasama ito. Sa tuwing napapatitig siya sa mukha nito ay para bang nakikita niya ang sarili dito. Dumagdag pa na naging abnormal ang tibok ng puso niya sa tuwing nasa paligid si Dark gayong kahapon niya lang ito nakilala."Natasha, bakit mukhang malungkot ka?" tanong ni Dalia sa dalaga."Ate Dalia, ang lungkot sa bahay na ito at puro katulong ang kasama." Inilibot ni Natasha ang tingin sa paligid. Kaninang umaga pa siya sa bahay ni Dark ngunit umalis ang lalaki pagkahatid sa kaniya roon."Huwag ka nang malungkot at narito na kami ni Cherry." Hinaplos ni Dalia ang buhok ng dalagita.Ngumiti si Natasha at pilit na pinasigla ang tinig. "Ihatid ko po kayo sa maging silid niyo."Tahimik na sumunod si Cherry sa dalawa na umakyat na sa hagdan. Napatigil siya sa pag apak sa baitang nang lumingon sa kaniya si Natasha."Che, nakalimuta
Hindi mapakali si Cherry habang kumakain. Madalas niyang nahuhuli na tumitingin sa kaniya si Dark na para bang pinag aaralan pati ang paghawak niya ng kutsara. Then titingin din ito kay Natasha. Napansin na rin niya ang pagsimangot ng kaibigan."Are you done?"Muling napaangat ng tingin si Cherry nang marinig ang tanong ng binata. Ang akala niya ay si Natasha ang tinatanong nito ngunit sa kaniya nakatingin."Cherry, ayan ka na naman at nag aaksaya ng pagkain!" sermon ni Patricia sa dalaga at kanina pa rin napapansin na parang pinag aaralan ng binata ang bawat kilos nito.Nagtatakang napatingin si Cherry sa tiyahin bago sa plato. Hindi na pala niya nagagalaw ang natirang pagkain sa plato. "Dark, pagpasensyahan mo na ang pamangkin ko. Ganiyan talaga siya kumain lalo na kapag may lalaki sa paligid. Ayaw niyang tumaba kaya matipid kumain." Sa halip na sagutin ang ginang ay si Cherry ang hinarap ni Dark at dinagdagan ng pagkain ang plato nito. "Ubusin mo iyan."Mukhang takot at agad na di
Kinabukasan, nagising si Cherry na masakit ang ulo. Mabilis niyang hinanap ang lens sa mga mata niya at naisip na iyon ang gamot. Naiwan niya yata ang bagay na iyon sa banyo kagabi dahil nagmamadali na siyang makabalik sa silid niya. Lumabas siya ng silid na hawak ang ulo"What's wrong?" Gulat na nag angat ng tingin si Cherry nang marinig ang baritonong tinig ni Dark. Ang bilis na naman ng tibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan.Napatitig si Dark sa mga mata ng dalaga. Nalilitong nag iwas ng tingin si Cherry sa binata at luminga sa paligid. Parang bigla siyang nablangko at nalilito kung nasaan siya. Pagtingin niya sa paligid ay maliwanag na pala. Hindi niya alam kung bakit hindi siya ginising ng tiyahin gayong alam nitong nasa ibang bahay sila. Pagtingin niya sa isang tabi ay naroon ang tiyahin at nagmamadaling lumapit sa kanila."Dark, pasensya na talaga sa pamangkin ko. Nasanay kasi siya sa bahay namin na ok lang kahit tanghali na gumising."Muling napahawak si Cherry sa kan
"Ate, paano kung maagaw niya sa akin si Dark? Ayaw ko naman po silang paalisin na magtiya dahil utang ko sa kanila ang pagkatagpo ninyo sa akin. Naaawa rin po ako sa kaniya at ayaw kong bumalik siya sa hindi magandang trabaho." Naiiyak na nagyuko ng ulo si Cherry. Hindi niya kasi kayang salubungin ang tingin ni Trisha at kinakabahan siya na baka madiskubre nitong impostora siya.Malungkot na ginagap ni Trisha ang palad ng kapatid. Naninibago din siya sa ugali ng kapatid pero iniisip na lang niya na dahil wala itong maalala. Mabait naman talaga ang kapatid niya pero iba ang ugali nito noon kapag inaagawan. "Ate, ayaw kong masama ang maging tingin sa akin ni Dark kapag pinaalis dito ang babaing iyon." Nagsusumamo na ang tingin niya kay Trisha."Huwag kang mag alala at ako na ang bahala diyan. Hindi iisipin ni Dark na ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko siyang paalisin dito." Ngumiti si Trisha sa kapatid kasabay ng pagpunas ng luha sa mga mata nito. Mabilis na niyakap ni Cherry si Tri
"Kailangan niya lang magpahinga, mamaya lang ay magising na rin siya" ani ng doctor matapos na masuri muli si Natasha.Nqpatitig si Dark sa dalagang natutulog. Nang magpaalam ang doctor ay tangkang ihatid niya ito ngunit biglang nagising si Natasha."Dark?" nanatiling nakapikit si Cherry at tinawag ang binata. Hindi naman talaga siya nawalan ng malay. "Please, huwag mo akong iwan.""Ihatid ko lang sa labas ang doctor at babalik din agad." Gustong magdabog ni Cherry nang hindi nagpapigil si Dark. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin upang mapigilan sana ito. Pero nang marinig na ihatid lang sa labas ang doctor ay napanatag ang kalooban niya. Siguradong hindi na nito patingnan sa doctor ang tunay na Natasha."Mr. Dark, nagawa ko na po ang iniutos niyo," halos pabulong lang na ani ng doctor habang mabagal ang lakad nila papuntang hagdanan."Ayaw kong may ibang makakaalam." Malamig na bilin ni Dark sa ginoo."May isa pa nga pala akong napuna."Tumigil sa paghakbang si Dark at tumingin
"Hindi kayo nag-iingat! Ilang beses kong pinaalala sa inyo na huwag hayaan mapalapit ang babaing iyan sa pamilya nila!" bulyaw ni Grace mula sa kabilang linya.Nailayo ni Patricia ang cellphone na nakadikit sa tainga at halos mabingi siya sa lakas ng boses ng babae. "Gusto ko lang na pahirapan siya sa harap ng pamilya niya dahil doon lang ako sumasaya." Pangatwiran niya sa doctor."Tunta! Pinapairal mo lagi ang kabaliwan mo! Iyan ang magpapahamak at sisira sa mga plano natin!" angil ni Grace kay Patricia.Tumalim ang tingin ni Patricia at kung kaharap lang ang doctor at nasakal na niya ito. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na tila ba iyon ang leeg ng kausap na lumalait sa kaniya."Gawin niyo na ang sunod na plano upang sumama lalo ang tingin sa kaniya ng sarili niyang pamilya at mapalayas na diyan!" galit pa ring utos ni Grace kay Patricia. Walang paalam na ibinaba na ni Patricia ang tawag ng doctor. Mukhang hindi na nito kailangan ang tunay na Natasha dahil tapos nang isagawa a
Hindi umalis si Patricia sa tabi ng pamangkin nang dumating ang doctor. Si Dark ay naroon din at mukhang gustong makasisiguro na tama ang gagawin ng doctor."Walang problema sa kaniya at mukhang mayroon siyang nagamit na cream sa balat kaya siya nangangati," ani ng dotcor.Nakahinga nang maluwag si Patricia at wala naman pa lang seryusong nangyari sa pamangkin. Pagtingin niya kay Dark ay hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito.Sumunod si Dark sa manggagamot nang lumabas na ito ng silid."Tita, inaantok na po ako." Nakapikit ang mga mata na ani Cherry."Sandali, guwag ka munang matulog at kailangan mo pang uminum ng gatas." Nagmamadali nang lumabas ng silid si Patricia upang ipagtimpla ang pamangkin.Sa library, napailing ang doctor nang mapatingin kay Dark. "Mabuti at kaunti lang ang naihalo mo sa pagkain at may gamot kang nakahanda."Marahas na napabuntonghininga si Dark at pabagsak na naupo sa upuan. "Matagal pa ba ang result na pinagagawa ko sa iyo?""Pinakabilis na ang ginawa
"Relax, mula sa araw na ito ay ako na lang ang susundin mo at manatili ka lagi sa tabi ko, maliwanag?""Why?" Napalabi siya at biglang parang naging possessive ang binata."Dahil akin ka lang at maging ligtas ka lamang sa tabi ko.""Fuck me, first." Ngumisi siya nang biglang dumilim ang aura sa mukha ng binata. Ewan ba niya at parang dati na niyang tinutukso ito gayong ngayon lang naman niya ito nahawakan ng ganito. Hindi na rin niya initindi ang iba nitong sinabi at parang nilalamon na ng kalibugan ang isipan niya."Naughty, huwag mo akong sisihin balang araw." Pagkasabi niyon ay walang ingat na hinubad ang suot nitong short, kasama ang underwear. Nakaramdam ng hiya si Cherry nang maging expose na ang kahubdan sa mata ng binata. Pero mas nananaig ang makamundong pangangailangan. Kusang naghiwalay ang mga hita niya nang humaplos muli ang kamay ng binata doon. "Dark, please faster! Fuck me now!" Sobrang bitin ang pakiramdam niya lalo na nang nasa hiwa na ng hiyas niya ang daliri ng
Hello everyone! First of all po ay salamat sa pagbabasa sa nobelang ito hanggang sa dulong ito. Alam ko po na marami ang naiinis at nagagalit sa akin dito lalo na kung walang update. Pasensya po, tao lang din ako na nagkakasakit, kailangan magpahinga at may ibang gawain sa buhay na kailangang gampanan. Salamat pa rin po dahil kahit naiinis na kayo sa akin ay hindi ninyo binibitiwan ang librong ito. Hanggang dito na lang po ang Kuwentong ito. Pero huwag kayong mag-alala at gagawan ko rin ng libro ang iba pang apo nila Travis at Shaina. Yun nga lang at hindi ko rito idudugtong. Kaya abangan ninyo po ang kuwengo nila sa season 2 at e publish ko soon. Muli, maraming salamat po! Maari niyo ring basahin ang iba ko pang akda, just open my profile at makita po ninyo. Pinaka trending sa ngayon na book ko bukod dito ay PLAYED BY FATE. Sure ako na magustohan ninyo iyan tulad sa pagkagusto sa librong ito. May bagong book din po akong ginagawa na e publish dito kaya winakasan ko na ito. Please supp
Maaga pa lang ay nasa school na sina Lucy at ang anak. Nagmakaawa sa dean na tulungan silang makausap sina Alexander at Ava. Ang asawa kasi ay nagtatago na ngayon dahil nakumpiska ang bawal na gamot sa bodegang pag aari nito. Gusto niyang makiusap na huwag siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawang pananakit kay Ava at ganoon din ang anak niya."Linisin mo ang pangalan ng nobya ko dito sa university at baka sakaling maawa ako sa inyong dalawa." Matigas na utos ni Alexander na kararating lang din.Nagkukumahog na lumapit si Lucy sa dalawang bagong dating. "Gagawin ko ang gusto ninyo. Huwag niyo lang idamay ang anak ko."Napatingin si Ava kay Brix na mukhang napilitan lamang sumama sa ina nito. "Misis, tingin ko ay kailangan mong ipa rehab ang anak mo.""No!" Matigas na tutol ni Brix at naglikot ang tingin sa paligid."Tsk, pasalamat ka at binibigyan ka pa ng pagkakataon na makapagbagong buhay. Kung ayaw mong magpagamot ay maglimas ka ng rehas kasama ang ama mo." Aroganteng singhal ni Al
Lalo siyang ginanahan sa pagsubo sa shaft ng binata dahil sa ungol nito. Ang sarap lang hawakan ang matigas at mahaba nitong pagkalalaki."Fuck, enough baby!" Sapilitan niyang inilayo na ang pagkalalaki sa bibig ng dalaga at pinahiga ito sa kama. Pagkadagan ay kinuyumos niya ng halik sa labi ito."Uhmm, Alexander!" Umangat ang katawan niya sa bandang dibdib nang pinagpala na ng bibig ni Alexander ang magkabila niyang dibdib.Mabilis na itinaas ni Alexander ang dalawang binti ng dalaga st nakabuka iyong isinampay sa mga balikat. "Ahhh shit, uhmmm harder!" Halinghing niya habang nakahawak sa mga braso ng binata na nakatukod sa magkabing gilid niya. Pinagbigyan niya ang dalaga at animo'y may hinahabol sa bilis ng paglabas masok sa pagkababae ng dalaga ang shaft niya. Kahit sumabog na ang init sa katawan ay patuloy siya sa pag ulos sa lagusan ng hiyas ng dalaga."Ahhhh ahhhh Alex uhmmmm shit!" Halos mangisay siya sa ilalim ng binata dahil sa sarap. Mukhang hindi nauubusan ng katas ang b
Hindi na nagreklamo si Ava nang dinala siya sa condominium ng binata. Ayaw na nitong pumayag na bumalik siya sa apartment at mag isa lang doon."Mula ngayon ay dito ka na titira. Alam kong ayaw mong magsasama na tayo sa iisang bubong. Huwag kang mag alala at sa kabilang pad ako matutulog." Inayos ni Alexander ang kama upang makahiga na ang dalaga.Nakangiting pinagmasdan ni Ava ang binata. Hindi niya akalaing may alam ito sa ganoong gawain. Maayos naman ang tulugan pero binago ng binata ayun sa gusto nito para sa kaniya. "So, ok ka na ba dito? Kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ako or tawagan sa telepono." Sa halip na sagutin ang binata ay niyakap niya ito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at hindi agad ito nakakilos. "Thank you!""For what?" nakangiting tanong ni Alexander at hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga."Sa pag intindi sa akin at pagmamahal."Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga saka bahagyang inilayo sa katawan niya ang ulo nito upang mapagmasdan i
"Kung wala ka nang ibang kailangan, umalis ka na at nakakaabala ka nang husto." Pagtataboy ni Alexander sa lalaki. Kung wala lang si Ava sa tabi niya ah nabigwasan na niya ito ng suntok sa mukha."Fine, gagawin ko na ang gusto mo pero huwag dito." Mukhang napipilitang pakiusap ni Brix.Naiiling na tinalikuran ni Alexander ang lalaki kasama si Ava.Muling hinabol ni Brix sina Ava at humarang sa daraanan. "Ano pa ba ang gusto ninyo? Nagpapakumbaba na nga ako!" "Brix, hindi mapagkumbaba iyang ginagawa mo." Mahinahon na kausap ni Ava sa binata."Ma'am, alam kong mabait ka. Baka naman puwede mo mapakiusapan ang boylet mo?" Tangkang hahawak niya sa kamay ang dalaga ngunit mabilis siyang kinuwelyohan ni Alexander. "Don't you dare to touch her! And also, Watch your mouth at baka ngayon mismo ay masira ang pangalan ng ama mo!"Takot na umurong ng hakbang si Brix at titig pa lang ni Alexander ay nakakamatay na. Hindi na niya nagawang makapagsalita pa o kilos sa kinatayuan nang tumalikod na si
Hindi magawa nang ngumiti ni Ben nang magsalubong ang tingin nila ng binatang minamaliit kanina lang. Kung masamang panaginip lang sana ang ngayon, ayaw na niyang magising muna. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang sagot-sagutin kanina ang pamilya ni Vice Mayor." Mukhang gulat ding naibulalas ng isa sa saksi kanina ng ginawa na pamamahiya sa binata."Ang yabang din kasi ng asawa at anak ni Vice Mayor, matapobre pa. Karma sa kaniya ngayon kung matalo ang asawa niya sa election." Nakaismid na kumento ng isa pang babae.Mariing naglapat ang mga labi ni Lucy nang marinig ang malakas na bulungan sa paligid. Kung sa ibang pagkakataon lang ay tiyak na nakalbo na niyat Ayaw niyang bumaba ng stage at kailangan pangatawan ang nais na pakipagkaibigan sa anak ng chairman. "May problema ba kanina?" tanong ng mayor at narinig din ang ingay."Ah kaunting misunderstanding lamang, mayor. Alam mo naman ang kabataan, maiinit ang ulo lalo na pagdating sa babae pareho nilang nagustohan." Pgadadahilan ni
"But before anything else!" Agaw eksina ni Ben. "Kunin ko na rin itong opportunity upang makilala ng apo ninyo ang anak ko. Kung puwede ay gusto kong mahawaan ng kasipagan ng apo ninyo ang anak ko, kung okay lang po?" nakangiting tanong pa niya sa chairman. Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander nang makitang nagmamadali sa pag akyat su Brix sa stage kahit wala pa naman ang approve. Napaghalataang mga uhaw sa fame ang pamilya nito at lahat ay gagawin upang makuha ang gusto. Sumunod na rin si Lucy sa anak at gustong maging applle of the eye din kasama ang tinitingalang pamilyang negosyante ng mga tao. Pinigilan ni Arriana ang umikot ang mga mata nang makipag beso sa kaniya si Lucy. Mas ok na nakaharap ang mga ito sa lahat ngayon upang makita kung ano ang maging rection kapag ipinakilala na ang anak niya.Tumikhim si Travis bago nagsalita. "You can ask my grandson." Sinundan ng tingin nila Brix, Bem at Lucy kung saan nakaturo ang chairman. Mukhang mga namalikmata sila at ang
"Ano ang nangyari?" tanong ni Ava sa binata habang sinusundan ng tingin sina Brix at mga magulang nito. Halatang excited ang mga ito sa kung sino ang babatiin at parang walang nangyaring gulo kanina lamang."Bakit hindi mo sinabi na dito ang punta mo ngayong gabi?" Napalabi si Ava at hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tinanong din. Gusto siyang isama nito kanina ngunit tumanggi siya dahil sa ina nito. Ayaw rin ipasabi ng ina at surprise sana pero gulo naman ang naabutan niya.Mataman na pinagmasdan ni Alexander ang mukha ng dalaga saka sinuri ang suot nito. Agad niyang hinubad ang coat at ipinatong sa balikat nito dahil walang manggas ang suot ng dalaga. Nakakaakit ang maganda nitong mukha lalo na at may lipstick ang labi. Ang suot na dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba ay fit na fit sa makurba nitong katawan. Ang sexy nitong tingnan at nang tumingin sa paligid at parang gusto na niyang iuwi ang dalaga. Halata ang paghanga sa tingin ng kalalakihang naroon kay Ava."Baby
"Ikaw ang biktima at ang anak mo? Sa anong dahilan?" kalmadong tanong ni Arriana kay Lucy.Biglang nag alinlangan si Lucy na sagutin ang tanong ng babae. Marami ang nakikinig at nakatingin na taga media. Kapag sinabi niya ang totoo ay mas maapiktohan ang pangalan ng kaniyang asawa.Tumikhim si Ben at iniba ang paksa nang hindi na nakapagsalita ang asawa. "Mrs. Aragon, nice to see you again. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko at naging selosa lamang. Huwag kayong mag alala ay aayusin ko bukas ang gulo at panagutin ang dapat managot." Pinukol ni Ben ng nagbabantang tingin si Alexander. Ngumiti si Arriana sa mag asawa. "Siya ba ang tinutukoy mong panagutin bukas?" Turo niya sa anak na tahimik lang nakatayo sa tabi niya."Mrs. Aragon, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa ganitong pagtitipon. Huwag kayong mag alala at hindi ako magdedemanda laban sa university kung alisin ninyo sa trabaho ang professor na iyon at ang lalaking iyan." Ngumiti pa si Lucy sa ginang."Kilala niyo ba siya