Pagkapasok sa loob ng library ay masama pa rin ang loob na humarap si Trisha sa dalawa. "Ate, hindi ka manlang ba nagagalit o nagseselos?"Napabuntonghininga si Sunshine, alam niya ang lahat at walang inililihim sa kaniya ang asawa. Naaawa siya rito dahil naiipit sa pagitan ng mga kapatid. "Love, mmas nakabubuting ipaalam mo na sa kaniya ang katotohanan."Awang ang bibig at hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin ni Trisha sa dalawa. "Ano ang dapat kong malaman?"Humugot ng malalim na hinga si Adrian bago nagsalita. "Fake ang DNA test na nakuha natin noong una."Namilog ang medyo singkit na mga mata ni Trisha at nabuway sa kinatayuan. Mabuti na lang at nasa tabi niya lang ang hipag at mabilis siyang inalalayang makaupo. "A-ano ang ibig mong sabihin, kuya? Hindi natin kapatid ang babaeng iyon?"Marahang umiling si Adrian.Parang gripong tumulo ang luha sa mga mata ni Trisha at naiiling. "Paano? Nasaan ang kapatid natin, kuya? Sino ang babaeng kamukha ni Natasha?" magkasunod at
Magbasa pa