Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Chapter 351 - Chapter 360

All Chapters of THE BEST MISTAKE: Chapter 351 - Chapter 360

562 Chapters

Chapter 348-Apo

Pagpasok ni Adrian sa loob ng silid ng mga magulang ay napatingin agad siya sa babaeng doctor. "Anak, mabuti naman ay dumating ka na. Kasama mo ba ang apo ko?" Nagagalak na yumakap si Shaina sa anak na lalaki."Yes, mom, nasa kusina pa po at kinukulit ang katulong." Hinalikan niya sa noo ang ina bago gumanti ng yakap.Ngumiti si Grace sa binata nang magsalubong ang tingin nila. Pero sa kaloob-looban niya ay ningangatngat na naman ng inggit ang puso niya. Hindi na niya naranasang magkaroon ng sariling anak kaya ganito na lang ang galit niya sa pamilyang ito. Ang paglumpo sa haligi ng pamilya ang the best way upang humina ang pundasyon ng tahanan ng mga ito."How are you, doctora?" pormal na bati ni Adrian sa babae."I'm fine, thank you!" Muling humulma ang magiliw na ngiti sa labi ni Grace."Kumusta po ang kundisyon ni Daddy today?" tanong ni Adrian habang hinahawakan ang braso ng ama at sinuri iyon."Maganda ang kundisyon niya at malaki ang improvement. Hindi magtatagal at makapagsa
Read more

Chapter 349-Larawan

"Dad, ito po ang mga nakalap na impormasyon namin ni Detective Jay, kaya tumitibay ang hinala ko na ang doctor na iyon nga ang susi upang maresolba ang kaso ni Tita Natasha.Binasa ni Adrian ang report papers na nakalap ng anak. Naroon ang background ng anak ng kanilang doctor."Isa po siyang plastic surgeon at nag aral rin bilang dermatologist sa ibang bansa. Araw na nawala po si Tita Natasha ay narito siya sa Pilipinas for vacation. Nagkaroon din siya ng kaugnayan sa baklang may ari ng coffee shop. Then last year, nag aral siya ng medisina nang katulad sa propsiyon ng kaniyang ama."Naikuyom ni Adrian ang kamao at tama nga yata si Tristan sa hinala nito. Naisip agad ng pinsan na maari ring nagpalit anyo ang isang doctor upang makalapit sa kanilang pamilya."Look at her previous picture, dad." Iniharap ni Aldrin ang laptop sa ama at naka display sa screen ang mga larawan ng babae.Pinakatitigan ni Adrian ang larawan ni Grace. Sa unang tingin ay wala siyang napapansin na kakaiba.I
Read more

Chapter 350-Magandang regalo

Nagising si Natasha nang makarinig ng pagbukas ng pintuan. Sa una ay natakot pa siya nang makita ang anino ng isang lalaki. Pero nang makilala ito ay nawala na ang takot na nadarama.Binuksan ni Dark ang ilaw sa silid ng dalaga bago humakbang palapit dito. "Happy birthday, baby!"Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Natasha at binati siya ng binata. Saka niya lang napansin ang hawak nitong maliit na cake. Pagtingin niya sa orasan at eksaktong twelve a.m na. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Nagtataka siya kung bakit binabati siya ng binata gayon ibang pagkatao ang kilala nito sa kaniya. "C'mon, don't cry."Sunod-sunod na napakurap si Natasha at hindi namalayang umiiyak na pala siya."Make a wish!" ani Dark at inilapit ang cake na siya mismo ang gumawa kanina habang tulog ang dalaga. "Ako ang gumawa niyan."Lalo lamang napaluha si Natasha at naalala ang pangako noon ni Dark, na ito ang gagawa ng cake sa kaniyang kaarawan. "Bi-birthday ko ba ngayon?" Pagpapanggap pa rin niya
Read more

Chapter 351-Hotel

Halos hindi makabangon si Natasha kinabukasan. Ang sakit ng katawan niya lalo na ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Hindi niya nabilang kung ilang beses siyang inangkin ni Dark kaninang madaling araw. Parang wala itong kapaguran at ang lakas ng stamina. "Goodmorning, baby!" Nakangiting bati ni Dark sa dalaga at bitbit ang tray na may lamang pagkain.Nahihiyang ngumiti si Natasha sa binata. Malinaw na sa kaniya ang lahat na kilala siya nito na siyang tunay na Natasha.Napangiti si Dark nang mapansin na namula ang pisngi ng dalaga. May suot na itong t-shirt niya at binihisan niya ito kanina bago matulog. Tinulungan niya ang dalaga na makaupo nang maayos at pinasandal sa headboard bago 8nayos ang maliit na table at inilagay sa bed. Biglang nagutom si Natasha at hinayaang subuan siya ng binata. Sobrang saya niyaat naramdaman niyang muli ang pagmamahal ng mga taong mahalaga sa buhay niya. "Dark...""Hmmm?" Masuyong tingin ang ipinukol niya sa dalaga."Thank you!"Sa halip na sagutin
Read more

Chapter 352-Duplicate

Pansamantalang naiwan si Grace sa silid ni Cherry at tinawag ng isang anak si Shaina."Doc, ano na po ang sunod na hakbang?" pabulong na tanong ni Cherry sa ginang."Pabor sa atin itong masquerade party mo at nakakapasok ang tauhan ko nang malaya at hindi agad makilala. After nitong party, siguraduhin mong maangkin ka na ni Dark. May inutusan na akong tao na siyang maglalagay ng gamot sa kaniyang inumin mamaya."Nakangiting tumango si Cherry. Sa wakas ay maangkin na rin niya si Dark. Hindi rin nito mapansin na wala na siyang iniingatang puri dahil maging lango ito sa droga.Ilang minuto pa ang lumipas ay tumawag na ang tauhan ni Grace. "Ma'am, nagawa na po namin ang unang pinatatrabaho niyo sa amin."Pati tainga ni Grace ay gustong pumalakpak matapos marinig ang magandang balita mula inutasang tauhan. Alam niyang hindi agad eepikto ang gamot na itinurok kay Travis. Bukas pa iyon mangyari at palalabasin niyang dahil napagod sa naganap na party."Doc, may kumakatok po." Pukaw ni Cherry
Read more

Chapter 353-Kabaliwan

"Natasha!" Hagulhol na iyak ni Trisha habang yakap nang mahigpit ang kapatid. "Patawarin mo ang ate kung napagsalitaan kita nang hindi maganda.""Ate, naintindihan ko po. Kamakailan lang din bumalik ang ilan sa alaala ko." Umiyak na rin si Natasha. Naawa siya sa kapatid at alam niyang masakit isiping nasaktan siya nito nang hindi sinasadya."Si Ate Arriana, hindi pa niya alam ang lahat at kababalik niya lang galing sa bakasyon." Pinunasan na ni Trisha ang luha sa mga mata.Mapait na ngiti ang humulma sa labi ni Natasha. Alam niyang pati ang ina ay wala ring alam pa. "Tama na iyan at pumapangit na kayong dalawa." Sita ni Adrian sa dalawang kapatid pero pinupunasan din ang luha sa mga mata.Nagkatawanan sina Trisha at Natasha sa nakikita sa kanilang kuya. Sabay nilang niyakap ito.Umangat ang isang bahagi ng sulok ni Dark habang pinagmamasdan ang magkapatid. Masaya siya dahil maging maayos na ang buhay ni Natasha. Sa sunod na araw ay e schedule na nila ang pagbalik ng tunay nitong mukh
Read more

Chapter 354-Pangangamusta

Matapos masuri si Travis ay lumabas na si Grace ng silid. Nakihalubilo na siya sa mga naroon. Nagulat pa siya nang makita na naroon din ang kamag anak ni Shaina."Doctora!" Nakangiting sinalubong ni Arriana si Grace. "Natatandaan niyo pa po ba si Tita Angeline?"Pilit na ngumiti si Grace at nagkunwaring nag isip muna. "Sorry, sa dami ko nang nakasalamuha ay hindi ko na matandaan ang mga pangalan. Pero pamilya siya sa akin.""Siya po ang kapatid ng naging pasyente niyo noon, limang taon na ang nakalipas." Paalala ni Arriana. Inutusan lang siya kanina ng kakambal na samahan si Angeline na hanapin ang doctor.Muling nangunot ang noo ni Grace at hindi niya alam na updated si Arriana sa buhay niya noon."Naikuwento nila sa akin na ikaw ngayon ang nag aalaga kay Travis kaya hinanap kita upang mangamusta na rin." Ngumiti si Angeline sa manggagamot."Ah, naalala ko na si Lovely, right?"Malungkot na tumango si Angeline. "Yes.""Sorry sa nangyari sa kaniya noon. Hindi ko akalaing mauwi sa dep
Read more

Chapter 355-Basement

Hindi na tumigil si Cherry sa pag-iyak hanggang sa maibaba siya ng sasakyan. Pamilyar sa kaniya ang lugar na binabaan nila kaya lalo siya nakaramdam ng takot. Ang akala niyang masayang araw ngayong gabi ay nauwi sa isang bangungot. Tiyak na hindi lang siya basta pahihirapan ng mga taong may hawak sa kaniya ngayon. Kung maibabalik lang niya ang dating buhay, hindi na niya pangaraping magkaroon ng magandang buhay at instant na milyonaryong asawa."Lakad!" Tulak ng isang lalaki kay Cherry."Kamuntik na siya madapa dahil sa ginawa ng lalaki. Hindi niya maipagtanggol ang sarili at may tali ang mga kamay at patalikod pa. Ang bibig ay may busal pa rin upang hindi makalikha ng ingay. Pagtingin niya sa paligid ay wala na ang mga dating gusali katulad ng mga maliliit na tindahan. Mukhamg inabanduna na ang malawak na lote at naiwang nakatayo na lang ay ang gusali kung saan itinago noon si Natasha."Kaladkarin mo na nga iyan at ang bagal maglakad." Galit na utos ng isa pang lalaki sa lalaking nag
Read more

Chapter 356-Gimbal

"Doctora, hindi ka ba nag-e enjoy?" puna ni Angeline sa babae.Napakurap si Grace nang malingunan niya si Angeline. Ngumiti siya rito, "bakit narito ka?" tanong niya dahil buong pamilya nila Shaina ay naroon sa iisang umpukan."Napansin kasi kitang nag iisa lang dito. Halika at maki join ka sa amin." Hinawakan ni Angeline sa kamay ang babae.Napilitan si Grace na sumama kay Angeline. Hindi nito binitawan ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa harapan nila Shaina."Doc, pasensya na kung nakalimutan ka namin." Paumanhin ni Shaina sa manggamot."Ayos lang, enjoy ako habang pinapanood kayo at ang saya ninyo." Ngumiti si Grace kay Shaina."Ngayon lang kasi nabuo muli ang pamilya namin kasama ang malalayong kamag-anak. Ikaw, doc? Wala ka bang planong magkaroon ng sariling pamilya?" Biglang napalis ang ngiti sa labi ni Grace dahil sa tanong ni Trisha. Alam niyang wala iyong pakahulugan pero nainsulto pa rin siya. Pilit siyang ngumiti muli bago sumagot. "Masaya na akong mamuhay na ma
Read more

Chapter 357-Panghihina

"Oh, paano ba iyan? Hindi mo na ako maturukan ng gamot?" pang-aasar ni Natasha sa babae."Bitch, ano ang ginawa mo sa akin?""Simple lang, kung ano ang pinainum niyo sa akin noon upamg magmistulang lantang gulay at hindi makatakas.""Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo." Pagkaila ni Grace. Kailangan na lang niyang malinlang ang babae habang wala pang ibang tao sa paligid."Oh, huwag na magdrama at hindi bagay sa iyo. Nakaalala na ako at lahat ng kahayupang ginawa niyo sa akin noon ay ibabalik ko sa inyo!" Tumalim ang tingin ni Natasha sa babae.Nangangalit ang ngipin at nanlilisik ang tingin ni Grace sa dalaga. Hindi niya matanggap na sa isang iglap lang ay mahuli siya ng isang tulad ni Natasha. "Bitch, ang akala mo ba ay ganoon kadali mo akong mapatumba?"Napatikwas ang mga kilay ni Natasha at nanghahamon ang tingin sa babae."Kapag hindi mo ako pinakawalan ngayon din, hindi mo na makitang muli na humihinga pa ang ama mo!" Pumaskil sa labi ni Grace ang kakaibang ngiti dahil ma
Read more
PREV
1
...
3435363738
...
57
DMCA.com Protection Status