ASH"Ash," isang mahinang boses ang tumawag sa akin dahilan upang lingonin ko ito.Nagulat ako nang malaman kong si mamay ito."Mamay?" Tanong ko na hindi makapaniwala. Kakatawag ko palang kay daddy at imposible namang nalaman niya agad."Ash, bakit ka naririto?" Tanong niya na dapat ay ako ang nagtatanong nito.Ngunit habang papalapit siya sa akin ay ngayon ko lang napagtanto na may bitbit siyang dextrose na nakakabit sa kanya."Mamay? B-bakit ka may ganyan?" Salubong ko sa kanya at inalalayan siyang maupo sa isang bakanteng upuan. Naguguluhan din ako kung bakit may isang upuan sa rooftop ngunit binalewala ko na lamang iyon. Marahil ay minsan may tumatambay rin dito tulad ko ngayon."Alam mo naman ang tumatanda iho hindi na ko bumabata," ngiting saad niya nang mapaupo ko na siya."Ba't hindi ka man lang po nagpasabi sa amin," saad ko dahil wala akong kaalam-alam na may dinaramdam na pala siyang sakit."Isang araw lang naman ito iho bukas na bukas din ay madidischarged na ako. Nakara
Read more