ALANA"May malapit bang drug store dito?" saad ko na nanghihina. Napaupo ako sa kama at napasuklay ng aking buhok. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. "Sa kabilang bayan pa. But if you want we could go may sasakyan naman ako and I cancelled all of my appointments. Pero kung di mo pa kaya ako nalang ang bibili. You want me to buy you a pregnancy test? It's okay you don't have to hide it from me. Sige bibili na muna ako maghintay ka lang dito at kung may gusto ka mang kainin may tao sa baba at ipagluluto ka niya agad. Pagsasabihan ko siya at-," hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin nang bigla akong nagsalita at tila naman natigilan siya sa kanyang kinatatayuan. Heto naman ang mga taksil kong luha, lagi nalang ganito I am so weak.Agad kong pinahid ang aking mga luha at ngumiti ng pilit."Ash, salamat," saad ko at agad na nag-iwas ng tingin. Narinig ko na lamang ang kanyang mga yabag at ang pagsara ng pinto.Nagpalinga-linga ako sa buong kwarto nang mahagip ng aking mga mata
Last Updated : 2023-04-08 Read more