ASHSuite Room A (6:00 pm)Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kahit tapos na at ayos na ang lahat ay hindi parin ako mapakali. Andito na kami sa isang suit room dahil medyo maliit ang isang private room. Baka masyadong masikipan o hindi makahinga si Alana pag andoon kami o baka ako lang ang nag-iisip nun dahil ngayon ako ata ang nasisikipan at hindi makahinga sa kung ano ang gagawin.Papaano ko sasabihin sa kanya na wala na ang kanyang anak? Papaano ko kakaharapin pag nagising na siya? Stable na siya at laking pasasalamat ko sa maykapal dahil malayo na siya sa disgrasya ngunit tila ata ako ang disgrasya ngayon dahil sa kabang nararamdaman ko. Bigla akong natigilan sa aking pag-isip nang tumunog ang aking cellphone. Agad ko naman itong kinuha sa aking bulsa dahil baka mga magulang ito ni Alana pero hindi ko pa naman sila tinatawagan. Praning na ata ngayong araw. Tinignan ko ang caller ID at di ko napigilang di magmura.Knight calling…“Ano na n
KNIGHTHindi ko sinasadya, hindi ko sinasadya ang mga pangyayari kanina. Nasampal ko siya at hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa. Marahil sa galit dahil nakita ko silang dalawang magkasama? Dahil sa ilang buwan siyang nagtago sa akin at kasama niya pa sa iisang bubong ang kapatid ko? O ang paglihim din ng kapatid ko sa akin? O ang di ko pagtanggap na buntis siya, hindi ko alam kung anong ang sumapi sa akin upang itanong sa kanyang ang mga atanong na iyon. Kilala ko si Alana at alam kong hindi niya gagawin kailanman ang inaakusa ko sa kanya, but the worse is pinipilit ko parin ito sa kanya.Dahil ba hindi ko parin matanggap tanggap ang rebelasyon na naganap? Kung hindi pa namin siguro sinugod ang manager ni Ash ay hindi pa namain sila matutunton at hindi ko pa malalaman na buntis siya. Alam ba ito ng mga magulang niya? Pero kung alam nila siguro nakita ko na silang aliaga at hindi na nagtatrabaho sa kompanya. Wala parin siguro silang kaalam-alam sa nangyari sa anak nila.“F*ck! Sh*t
ALANAMakalipas ang dalawang taon..."You ready?" tanong ni Ash mula sa aking likuran at nginitian ko siya sa repleksyon niya sa salamin kung saan ako nakatingin.Dalawang taon narin ang nakalipas simula nung trahedyang iyon. Dalawang taon narin simula ng hindi na kami nagkita ni Knight na hindi ko akakalaing makakaya ko pala. I thought he was my life, my air and my everything kaya hindi ako mabubuhay na wala siya but it was all in my thoughts, it was all a lie. Hindi ko lang kilala ang sarili ko dahil sa sobrang pagkalunod sa kanya. Ibinuhos ko ang ilang taon sa kanya and yet I got nothing, it's all heartaches. Simula nung araw na iyon ay yun din ang pagkagimbal sa akin ng aking mga magulang. Galit sila at nagtampo dahil sa mga nangyayari sa akin at naiintindihan ko naman sila. Mga magulang ko sila at kasalanan ko rin ang lahat lahat, ako ang nagdala sa kanila dito. Sila dad at mom dapat ang nakaunang nakaalam nito pero wala akong lakas ng loob. Laking pasasalamat ko dahil sila ang
ALANAHinalikan ko siya sa pisngi dahilan upang maistatwa siya sa kanyang kinatatayuan ngayon. At para bang nagkaroon ng ibang hangin ang apat na sulok ng kwarto. It was my first time to kiss him hindi ko din alam kung bakit pero hindi naman ako nagsisisi."Ayan bayad na ako," saad ko at hinaplos ang kanyang pisngi at walang ano ano ay natawa naman siya at nakita ko rin ang di niya pagkakomportable dahil ugali niya ang mapakamot sa kanyang batok kapag medyo nahihiya siya o hindi komportable sa isang bagay."O-oo bayad ka na," nauutal niyang saad at tumawa naman ako."Hoy! Hindi ka pa bayad mahal yan kaya ingatan mo yan huwag mong walain yan ha hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag nawala yan," dagdag niya na hindi makatingin sa aking mga mata at hindi ko naman mapigilang di mapangiti."Paano kung mawala ko anong gagawin mo?" Paghahamon ko at tinitigan naman niya ako ng seryoso."Parang iniwala mo narin ako," sambit niya na medyo may kalungkutan sa kanyang mga mata o ako lan
ALANAOneTwoThreeFourFiveSixSo pleaseSevenWelcomeEightNineMs. Alana Zelith Herrera!TenDahan-dahan akong lumabas at nang iangat ko ang aking mukha upang makita silang lahat ay sari-saring mga photographer ang nagsisiflash ng kanilang mga camera. Ngumiti ako at kumaway sabay lapit sa akin ng emcee."My my my hindi ata ako nababagay sa stage na ito out of place ang aking kagandahan. But sad to say na ako ang emcee kaya magtitiis po kayong lahat," saad niya na ikinatawa naman ng lahat, napangiti naman ako dahil medyo pinagaan niya ang aking loob.Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Ash ngunit nagtama lamang ito sa mga mata ni Knight na kasalukuyan ding nakatingin sa akin. Para akong muling nahigop ng kanyang mga tingin making my heart beat stops. Hindi parin ba ako nakakaget-over sa kanya?"So Miss Alana can I ask you?" tanong ng emcee na tinanguan ko naman."Nakakailang events na po ang Pristine at ako rin ang emcee ngunit bakit tila ngayon ka lang po nagpakita?
ALANA"Knight," I breath and I also notice that he somehow losses his weight. Kitang kita rin sa kanyang mga mata ang kalungkutan o nililinlang lamang ako ng aking paningin. Bakit ba naman siya magiging malungkot. This is what he wants right? Ang mawala na ako sa kanya."I think I need to go inside at bumalik ka na rin sa asawa mo. Hindi magandang tignan na magkasama tayong dalawa," saad ko at akma na sanang aalis nang bigla siyang nagsalita."Can we go back to the time that we met? The time you asked me to marry you," saad niya na bahagya pang natawa ngunit agad naman itong napalitan ng mga malulungkot na mga mata.Napatingala si Knight sa langit na ngayon ay punong-puno ng mga bituin."You can find someone's better than me Alana. Someone who can love you back," dagdag pa niya at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi dahil tila nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. Bahagya na naman siyang natawa at agad na pinahid ang mga luha na namumuo ulit sa kanyang m
KNIGHTPagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko parin makalimutan ang kanyang mga mata, mga matang dapat nakita ko na noon pa. Ito na ata ang kabayaran sa laht ng mga nagawa ko sa kanya. Ibang Alana ang nakita ko nung gabing iyon. Pinatay ko siya at pati anak namain ay pinatay ko narin. I was asking for abortion for christ’ sake and what did I get?Dapat lang na ganito ang danasin ko. Huling hawak ng kanyang mga kamay na para bang ayaw ko na siyang bitawan pang muli ngunit nagawa ko na. Nagawa ko na siyang bitawan noon pa. Ako lang itong si gagong sinasaktan siya ng paulit-ulit at di nakikita ang kanyang importansya.“Iho kanina ka pa dito sa labas hindi ka ba nilalamig? Ang lamig ng simoy ng hangin baka ka magkasakit niyan at sipunin.” Biglang sulpot ni nanang na may dala-dalang mainit na kape at toasted bread.“May iniisip lang nanang,” mahinang sagot ko at narinig siyang humila ng kanyang upuan at umupo. Bahagya siyang bumuntong-hininga dahilan upang lingunin ko siya.“Matagal tagal d
ASHNung gabing yun ay sinundan ko siya nagkakutob akonv hinahanap siya ngayon ni Knight dahil wala siya sa kanyang upuan. Ngunit tahimik lang si Samantha sa dulo at tila malungkot. Gustuhin ko man siyang lapitan at pagsabihin ay di ko magawa. Lumipas na ang ilang taon at wala ng magbabago. Hahayaan ko nalang si Alana sa lahat ngunit hindi ko siya papabayaan.Ang pagkakaalam ko ay nasa labas nitong hall ang banyo kaya agad akong lumabas at iniwasan ang mga tao. Hindi narin ako nakapagpaalam sa mga magulang namin dahil hindi na ako makakapagtagal pa. Malapit na ako sa labas ng banyo nang makita ko si Knight na naghihintay sa isang sulok. Kahit na madilim at alam kong hindi din siya maaanigan ni Alana ay alam kong si Knight ito. Papasok na sana siya sa loob nang hall nang mapag-isipan niyang maglakad lakad muna. Alam ko ring gagawin iyon ni Alana dahil sa nangyari kanina. She needs air, a fresh air to breath. Naglakad lakad siya hanggang sa tumama ang kanyang mga mata sa isang maliit
KNIGHTBatanes, Rakuh a PayamanNapakaganda ng Batanes, ang mga burol ay malawak na pastulan ng mga hayop, mga kalabaw, at mga kabayo. Nag-aalok ito ng isang perpektong tanawin kung saan ang lupa, dagat, at kalangitan ay para bang malapit sa isa’t-isa. Napapikit ako ng aking mata at dinama ang sariwang hangin. Napakapayapa, tahimik at malaya. Napangiti ako at napatingin ako sa kulay bughaw na kalangitan. Hindi ko itinuloy ang pagbabagong anyo dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Thaddeus. Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong nagtatago? Habang buhay na ba akong ganito? Pinalitan na din ang aking pangalan sa tulong ni Thaddeus, ako na ngayon si Mason Hunter Cruz.Pakiramdam ko ay ibang tao na din ako kahit wala namang nagbago sa aking pisikal na anyo. May dala dala akong isang maliit na upuan dahil napagdesisyunan kong dito ipagpatuloy ang aking mga sulat na dapat ay para sa kanya. Mga sulat na gusto kong ibigay sa kanya araw-araw para ipakita kung gaano ko siya kam
THADDEUSWhat is love?Nakakatawang isipin na may nagtatanong sa akin kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. Para sa akin walang kahulugan ang pag-ibig kundi puro katangahan at kagaguhan lang. Maraming naging tanga at nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. Maraming naging miserable dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Maraming ng niloko at higit sa lahat nasaktan. Kamasa na ako doon. Yan ang kahulugan ng pag-ibig para sa akin noon pero iba na ngayon. Ang pag-ibig ang umiba ng pananaw ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay masaya ako at may sigla sa pagsalubong ng bawat araw. Siya ang dahilan kung bakit laging may mga ngiti sa aking labi. Sa kanya na umikot ang buhay ko."Hello my name is Heitcleff thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr. Alcantara." "Tawagin mo na lamang akong kuya Thaddeus or kuya Thad that's okay. Mas maganda pag hindi tayo masyadong pormal para mas maganda ang daloy ng interview right?" saad ko at ngumiti naman
ASHWhat is love?Noon ay hirap na hirap akong sagutin ang isang pinaka simpleng tanong na ito. At ngayon tila alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa akin.Nakaupo ang isang babae sa aking harapan na may hawak hawak na notebook at ballpen habang naka de kwatro. Sa tingin ko din ay isa siyang estudyante at bata pa. Nandirito siya para sa kanyang research tungkol sa kanyang librong isusulat and I find it amusing and cute."Hello my name is Heitcleff. Thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr.?""Call me Ash or kuya Ash. Well I'm honored din kasi isa ako sa mga napili mong interviewhin so ibig sabihin niyan kasali ako sa isusulat mong libro. Pag pumatok yan dapat ilibre mo ako o magpaparty ka at iinvite mo ako ha," saad ko at natawa naman siya at tumango tango."Oo naman kuya Ash iinvite kita pag pumatok ang libro ko ano ka ba. So para hindi na ako magtagal pa kasi may pupuntahan pa ako eh kaya simulan na natin ha. Okay first questio
ALANAWhat is love?Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at tumingin sa babaeng nasa aking harapan. Sa kanyang edad ang tantiya ko ay isa pa siyang estudyante at sa kanyang itsura at postura tiyak ko din na galing siya sa isang mayamang pamilya. "Hello my name is Heitcleff at nandito po ako para sa aking research at kayo po ang nakita ko agad. Kasi parang may sinasabi po ang mga mata niyo eh kaya bigla akong nahatak papunta dito...ngayon sa harapan niyo. Is that okay with you Miss?" "Alana, please call me Alana at kasal na ako at may dalawang anak," saad ko na may mga ngiti sa aking labi. Nagulat naman siya at napahawak sa kanyang bibig at hindi ko mapigilang hindi makyutan sa kanya. "Ow hindi po halata ate Alana, can I call you ate Alana nalang? Para naman may respeto alam mo na student lang ako at mas matanda ka kaysa sa akin. Kasal na po pala kayo at may dalawang anak and you are blooming with love kaya siguro madali lang sa inyo itong mga katanungan ko. Huwag po kayong mag-alala
KNIGHTWhat is love?The ocean breeze whispers like a lover. Naririto ako ngayon sa labas at may isang estudyante na may ginagawang research about love. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit yun pa ang gusto niyang iresearch. Kita ko din sa suot niyang uniporme na mula siya sa sang elite school. Nag-iisa lang siya at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa bahay ko. I think I need to hire securities kung ganoon. I need my private life ngunit wala na akong magagawa dahil nandirito na siya."Hi Mr?" tanong niya na komportableng nakaupo sa upuan na para bang hindi siya bisita. "Call me Knight," tipid kong sagot gusto ko sana siyang singhalan dahil sa napaka presko niyang dating ngunit babae parin siya. Sasagutin ko na agad ang kanyang mga tanong para tuluyan na siyang makaalis."Okay Knight, my name is Heictleff sounds weird right? Isa akong estudyante and kasalukuyan akong nagsusulat ng libro so I have to do my research and dahil nakita kita kaya ikaw agad ang natarget ko.
THADDEUSAng nakaraan...Madilim, maingay, mainit, mausok at masakit sa mga mata ang paiba-iba ng mga ilaw sa loob ng bar. Pinagmasadan ko si Knight na ngayon ay walang tigil sa pagbuga ng usok ng kanyang sigarilyo. Walang tigil din sa paglagok nga lak ang kanyang lalamunan at napapasuklay ng buhok.Yan ang mukha ng isang miserableng lalaki ngunit kung para sa aking pananaw ay hindi naman siya miserable sa mga kamay ni Alana na ilang taon na niyang asawa. Maganda, maasikasuhin, mabait at halos package na si Alana kung sino mang lalaki ang tatanungin. Kung siguro ay hindi naging duwag si ash sa kanyang nararamdaman para sa kanya ay siguro sila ang ikinasal ni Alana at hindi si Knight.Hindi ko rin masisisi si Alana dahil marami ng nahulog na mga babae sa kanya at isa na siya doon ang pinagkaiba lang ay nagawa ni Alana na maikasal sa kanya kahit labag sa loob ni Knight. Isang malaking pagkakamali dahil alam ko kung ano ang magiging buhay ni Alana sa mga kamay n Knight, buhay na hindi a
SAMANTHAChains to Good Jail Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong naririto? Napangiti ako habang nakaupong mag-isa sa sementong upuan. Papalubog na naman ang araw at madaragdagan na naman ang araw ng nilalagi ko dito. Ngunit hindi naman ako nagsisisi at mas maigi narin ito dahil sa malaking kasalanang nagawa ko na hindi nararapat bigyan ng kapatawaran.At kahit ilang taon pa akong manatili sa bilangguang ito ay hindi maibabalik ang buhay na aking kinuha. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa pagkawala ni Knight. Dalawang tao na ang napatay ko at hindi pa sapat ang mga taong inilagi ko dito dapat ay mas matagal pa.Bahagya akong napangiti nang biglang maalala si Constantine. Kahit hindi ko siya kadugo at kahit hindi ko siya anak ay minahal ko nadin siya nung sandaling nahawakan ko siya at nayakap. Napalapit agad siya sa puso ko. Binata na siguro siya ngayon at ni isang beses ay hindi ko na siya nakita simula nung araw na iyon. Ganito pala ang napapala ng
KNIGHT"Anong pabor na naman yan ha?" tanong ni Thaddeus habang naka krus ang kanyang mga kamay."Palabasin mong patay ako," diritsang saad ko at natigilan naman siya at napatitig lang sa akin ng halos ilang segundo.Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan."Knight nasisiraan ka na ng ulo o mali lang ako ng narinig sayo?" Tila nababaliw siyang napasuklay sa kanyang buhok.Alam kong napakalaking pabor, isang katangahan at alam kong pagsisisihan ko din ito sa bandang huli ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya siya. Paraan upang maging malaya kaming dalawa. Isang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa. Alam kong pagsisisihan ko din ito sa huli ngunit alam ko din na magiging maganda din ang kalabasan nito. Ang hindi ko lang ay alam ay kung magiging successful ba ang operasyon ko at mapagpapatuloy ba ang aking pabor. "I'm serious Thaddeus," seryosong saad ko at napaface palm naman siya ng wala sa oras."So sa tingi
Somewhere in MalaysiaTHADDEUSLumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang. Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life."Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya. She's my life.She's my antidote.She is my happiness."Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo."Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako."Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin t