ASHNung gabing yun ay sinundan ko siya nagkakutob akonv hinahanap siya ngayon ni Knight dahil wala siya sa kanyang upuan. Ngunit tahimik lang si Samantha sa dulo at tila malungkot. Gustuhin ko man siyang lapitan at pagsabihin ay di ko magawa. Lumipas na ang ilang taon at wala ng magbabago. Hahayaan ko nalang si Alana sa lahat ngunit hindi ko siya papabayaan.Ang pagkakaalam ko ay nasa labas nitong hall ang banyo kaya agad akong lumabas at iniwasan ang mga tao. Hindi narin ako nakapagpaalam sa mga magulang namin dahil hindi na ako makakapagtagal pa. Malapit na ako sa labas ng banyo nang makita ko si Knight na naghihintay sa isang sulok. Kahit na madilim at alam kong hindi din siya maaanigan ni Alana ay alam kong si Knight ito. Papasok na sana siya sa loob nang hall nang mapag-isipan niyang maglakad lakad muna. Alam ko ring gagawin iyon ni Alana dahil sa nangyari kanina. She needs air, a fresh air to breath. Naglakad lakad siya hanggang sa tumama ang kanyang mga mata sa isang maliit
ALANA"No, sa tingin ko ay mahal na kita Ash," mahinang saad ko at napahigpit pa ng yakap sa kanya. Nagulat naman ako nang hinawakan niya ang aking mga kamay at inalis ang aking mga braso sa pagkakayakap sa kanya.Naguguluhan akong napatingin sa kanya at ang mga namumuo niyang mga luha ay tuluyan nang bumagsak sa lupa. Agad ko naman ito sanang papahidin gamit ang aking mga kamay ngunit iniwas lamang niya ang kanyang mukha sa akin."No Alana, hindi ko nakikita sa mga mata mo tulad ng mga tingin mo kay Knight. Marahil ngayon...marahil ngayon ay nalilito ka lang sa lahat at naaawa sa akin. Oo...oo gusto ko ring mahalin mo ako ngunit hindi sa ganitong paraan. Mahal kita Alana at higit kitang mas kilala kaya alam ko kung ano ang nararamdaman mo," sambit niya at para naman akong nabingi dahil sa kanyang kasagutan.Dahan- dahan kong ipinoproseso sa aking utak ang lahat at para bang sasabog ako sa galit."Bakit mo ako pinapangunahan sa lahat? Ikaw ba ang may-ari ng puso ko para sabihin yan?
ALANAUmaga na nang magising ako tirik na tirik na ang araw at masarap ang hangin ngunit tila ayaw ko pang bumangon mula sa aking pagkakahiga. Dalawang araw na ang lumipas simula nung gabing iyon at di ko na nga muling nakita si Ash at ni reply sa aking mga messages ay wala hindi ko narin siya matawagan. Napasuklay ako ng aking buhok at dahan-dahang naupo sa aking kama. Tinanaw ko ang ulap s alabas halos kulay asul ang langit. Sariwang hangin rin ang humahaplos sa aking mga pisngi at buhok tila nakalimutan ko kagabi na isara ang mga bintana.Agad ko namang hinanap ang aking cellphone at agad na tinipa-tipa ito di malaman kung saan tutungo hanggang sa naalala ko si Samantha. Agad akong nagtungo sa mga messages ko at hinanap ang di nakarehistrong number sa aking mga contacts.From:09******999Nais sana kitang makausap ng tayong dalawa lang. Sana ay mapagbigyan mo ako hihintayin ko ang sagot mo. Samantha.Saad ng text nung gabing din iyon pagkauwi ko natanggap ang kanyang mensahe. Dapa
ALANA"Pahiram ng asawa mo," sambit niya di ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil tila may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi ngunit nang tignan ko uli ito ay wala na.Nais kong matawa sa kanyang mga bintitawang salita at para bang kumulo at uminit ang aking dugo at napabitaw sa pagkakahawak sa kanyang mga kamay. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagbilang ng hanggang sampu hanggang sa may dumating na waiter na may dala-dalang isang tasa ng tsaa."Heto na po ang order niyo maam," saad ng waiter at inilapag ang tsaa sa harap ni Samantha at agad itong umalis. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita siyang humigop ng kanyang mainit na inumin."Isa lang inorder ko dahil alam ko namang afford mo to," saad niya pagkatapos ng humigop at inilapag uli ito sa isang maliit na platito.Ngumit naman ako at dahan-dahang umupo ng maayos at hinawakan ang handle ng kanyang tasa at siya naman ay pinapanuod lamang ako ng nakakunot na noo. Alam kong mainit pa ito ngunit wala akong pakialam. I
ALANALumabas ako ng aking sasakyan tanaw ko ang dagat mula sa aking kinatatayuan. Walang paroo't parito na mga sasakyan kaya malaya sigurong sumigaw ako. Malamig na hangin ang yumapos sa buo kong katawan.Hangin na galing sa dagat.Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa magsawa ako.Napansin ko rin ang pagdilim ng kalangitan na para bang babagsak at babagsak na mamaya ang ulan ngunit wala akong pakialam.Nanatili akong nakatayo at nakatanaw sa dagat at nagulat nang may nagsalita sa aking likuran.At nang lingunin ko ito ay agad na bumilis ang tibik ng aking puso.Gulong-gulo ang kanyang buhok na para bang ilang beses niya itong sinabunutan at bukas din ang itaas na dalawang butones ng kanyang puting polo.Hindi ko man lang namalayan ang kanyang sasakyan na pumarada malapit sa akin."Alana," tawag niya sa kin na pulang pula ang mga mata at napapaos na boses. Hindi ko aakalain na ang isang Knight Alcantara ay miserableng nakatayo at nakatitig sa akin."Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako
ALANAPumayag ako sa kanyang kagustuhan alam kong hindi dapat at tila nakokonsensya ako kay Ash dahil para akong nagtaksil kahit hindi naman.Naririto kami ngayon sa isang mataas na lugar kung saan tanaw ang mga ilaw galing sa syudad at kung saan tanaw din ang malawak na kalawakan. Napakaraming bituin sa langit na para bang liliparin ka sa itaas at dun mapag-isa. Kahit na malamig ang simoy ng hangin ay hindi ko ito ininda. Ang mga bituin sa langit ay walang katumbas na halaga kaya nararapat lang silang tignan at hangaan. Marahil sa mga oras na ito ay hinahanap na ako nila dad at mom but I will take care of it mamaya pag nakauwi na ako."Ang ganda," mahinang bulong ko habang nakatangla sa kalangitan.Napasinghap naman ako nang may inilagay na kung anong bagay si Knight sa aking braso. "Malamig ngayon baka ka sipunin," saad niya at tinanguan ko lang naman."Salamat," tipid kong sagot at tumingala uli sa kalangitan."Simula nung gabing iyon Alana lagi na akong nandito. Kinakausap ang sa
ALANAKinuwestiyon ako nila daddy at mommy kung saan ako galing at kung bakit ako ginabi at sinagot ko naman sila ng pawang katotohanan. Ayoko ng itago sa kanila ang lahat dahil nararapat din nila kasi itong malaman.Buong atensyon silang nakikinig sa akin hanggang sa matapos ako. Napangita naman si mommy at bahagyang kinuha ang aking mga kamay at pinisil at pabalik ko naman siyang nginitian. Nakakagaan din pala sa loob ang lahat. "So are you going to sign it?" biglang tanong ni daddy dahilan upang tingnan ko siya."Yes dad upang maging malaya na kami sa isa't-isa. Ako naman po ang dahilan kung bakit ganito ang aming sitwasyon and from the start ako lang ang may pag-ibig," sagot ko at tumango-tango naman si daddy.Niyakap ako ni daddy at para bang gumaan ang lahat. Gumaan ang mundo ko. Ito na siguro ang simula ng pagbabago."I'm proud of you anak. Parang kailan lang na lumapit ka sa akin at gusto mong ikasal kay Knight at ngayon pagkatapos ng mga paghihirap mo ngunit kahit mahal niyo
ALANA"I'm dress for your funeral dear Alana," sambit niya at dahan-dahan ko naman siyang hinarap at sa pagharap ko ay nakatutok na sa akin ang isang bagay na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Papaanong may dala-dala siyang baril?"Samantha," mahinang bulong ko at ang siyang paglitaw ng dalawang lalaki sa kanyang likuran."Yes dear?" saad niya at itinuro ang mga lalaki na pumunta sa gilid kung saan ako malapit.Hindi ko maigalaw ang aking mga paa mula sa aking kinatatayuan. Gusto kong tumakbo palabas dahil hindi rin naman kalayuan ang aking sasakyan."Quit thinking dear. Kahit na makalabas ka dito ay wala ka rin namang masasakyan. Ano ako tanga? Syempre pinasira ko na ang mga gulong ng sasakyan mo sa kanila. Kaya kahit tumakbo ka pa mahahabol at mahahabol ka parin nila," ngiting saad niya at pinatik patik pa sa kanyang ulo ang kanyang hawak hawak na baril."Samantha bakit mo to ginagawa?" Napahigpit ako ng hawak sa aking mga kamay upang matigil ang aking panginginig."Bakit ko to g
KNIGHTBatanes, Rakuh a PayamanNapakaganda ng Batanes, ang mga burol ay malawak na pastulan ng mga hayop, mga kalabaw, at mga kabayo. Nag-aalok ito ng isang perpektong tanawin kung saan ang lupa, dagat, at kalangitan ay para bang malapit sa isa’t-isa. Napapikit ako ng aking mata at dinama ang sariwang hangin. Napakapayapa, tahimik at malaya. Napangiti ako at napatingin ako sa kulay bughaw na kalangitan. Hindi ko itinuloy ang pagbabagong anyo dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Thaddeus. Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong nagtatago? Habang buhay na ba akong ganito? Pinalitan na din ang aking pangalan sa tulong ni Thaddeus, ako na ngayon si Mason Hunter Cruz.Pakiramdam ko ay ibang tao na din ako kahit wala namang nagbago sa aking pisikal na anyo. May dala dala akong isang maliit na upuan dahil napagdesisyunan kong dito ipagpatuloy ang aking mga sulat na dapat ay para sa kanya. Mga sulat na gusto kong ibigay sa kanya araw-araw para ipakita kung gaano ko siya kam
THADDEUSWhat is love?Nakakatawang isipin na may nagtatanong sa akin kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. Para sa akin walang kahulugan ang pag-ibig kundi puro katangahan at kagaguhan lang. Maraming naging tanga at nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. Maraming naging miserable dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Maraming ng niloko at higit sa lahat nasaktan. Kamasa na ako doon. Yan ang kahulugan ng pag-ibig para sa akin noon pero iba na ngayon. Ang pag-ibig ang umiba ng pananaw ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay masaya ako at may sigla sa pagsalubong ng bawat araw. Siya ang dahilan kung bakit laging may mga ngiti sa aking labi. Sa kanya na umikot ang buhay ko."Hello my name is Heitcleff thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr. Alcantara." "Tawagin mo na lamang akong kuya Thaddeus or kuya Thad that's okay. Mas maganda pag hindi tayo masyadong pormal para mas maganda ang daloy ng interview right?" saad ko at ngumiti naman
ASHWhat is love?Noon ay hirap na hirap akong sagutin ang isang pinaka simpleng tanong na ito. At ngayon tila alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa akin.Nakaupo ang isang babae sa aking harapan na may hawak hawak na notebook at ballpen habang naka de kwatro. Sa tingin ko din ay isa siyang estudyante at bata pa. Nandirito siya para sa kanyang research tungkol sa kanyang librong isusulat and I find it amusing and cute."Hello my name is Heitcleff. Thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr.?""Call me Ash or kuya Ash. Well I'm honored din kasi isa ako sa mga napili mong interviewhin so ibig sabihin niyan kasali ako sa isusulat mong libro. Pag pumatok yan dapat ilibre mo ako o magpaparty ka at iinvite mo ako ha," saad ko at natawa naman siya at tumango tango."Oo naman kuya Ash iinvite kita pag pumatok ang libro ko ano ka ba. So para hindi na ako magtagal pa kasi may pupuntahan pa ako eh kaya simulan na natin ha. Okay first questio
ALANAWhat is love?Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at tumingin sa babaeng nasa aking harapan. Sa kanyang edad ang tantiya ko ay isa pa siyang estudyante at sa kanyang itsura at postura tiyak ko din na galing siya sa isang mayamang pamilya. "Hello my name is Heitcleff at nandito po ako para sa aking research at kayo po ang nakita ko agad. Kasi parang may sinasabi po ang mga mata niyo eh kaya bigla akong nahatak papunta dito...ngayon sa harapan niyo. Is that okay with you Miss?" "Alana, please call me Alana at kasal na ako at may dalawang anak," saad ko na may mga ngiti sa aking labi. Nagulat naman siya at napahawak sa kanyang bibig at hindi ko mapigilang hindi makyutan sa kanya. "Ow hindi po halata ate Alana, can I call you ate Alana nalang? Para naman may respeto alam mo na student lang ako at mas matanda ka kaysa sa akin. Kasal na po pala kayo at may dalawang anak and you are blooming with love kaya siguro madali lang sa inyo itong mga katanungan ko. Huwag po kayong mag-alala
KNIGHTWhat is love?The ocean breeze whispers like a lover. Naririto ako ngayon sa labas at may isang estudyante na may ginagawang research about love. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit yun pa ang gusto niyang iresearch. Kita ko din sa suot niyang uniporme na mula siya sa sang elite school. Nag-iisa lang siya at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa bahay ko. I think I need to hire securities kung ganoon. I need my private life ngunit wala na akong magagawa dahil nandirito na siya."Hi Mr?" tanong niya na komportableng nakaupo sa upuan na para bang hindi siya bisita. "Call me Knight," tipid kong sagot gusto ko sana siyang singhalan dahil sa napaka presko niyang dating ngunit babae parin siya. Sasagutin ko na agad ang kanyang mga tanong para tuluyan na siyang makaalis."Okay Knight, my name is Heictleff sounds weird right? Isa akong estudyante and kasalukuyan akong nagsusulat ng libro so I have to do my research and dahil nakita kita kaya ikaw agad ang natarget ko.
THADDEUSAng nakaraan...Madilim, maingay, mainit, mausok at masakit sa mga mata ang paiba-iba ng mga ilaw sa loob ng bar. Pinagmasadan ko si Knight na ngayon ay walang tigil sa pagbuga ng usok ng kanyang sigarilyo. Walang tigil din sa paglagok nga lak ang kanyang lalamunan at napapasuklay ng buhok.Yan ang mukha ng isang miserableng lalaki ngunit kung para sa aking pananaw ay hindi naman siya miserable sa mga kamay ni Alana na ilang taon na niyang asawa. Maganda, maasikasuhin, mabait at halos package na si Alana kung sino mang lalaki ang tatanungin. Kung siguro ay hindi naging duwag si ash sa kanyang nararamdaman para sa kanya ay siguro sila ang ikinasal ni Alana at hindi si Knight.Hindi ko rin masisisi si Alana dahil marami ng nahulog na mga babae sa kanya at isa na siya doon ang pinagkaiba lang ay nagawa ni Alana na maikasal sa kanya kahit labag sa loob ni Knight. Isang malaking pagkakamali dahil alam ko kung ano ang magiging buhay ni Alana sa mga kamay n Knight, buhay na hindi a
SAMANTHAChains to Good Jail Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong naririto? Napangiti ako habang nakaupong mag-isa sa sementong upuan. Papalubog na naman ang araw at madaragdagan na naman ang araw ng nilalagi ko dito. Ngunit hindi naman ako nagsisisi at mas maigi narin ito dahil sa malaking kasalanang nagawa ko na hindi nararapat bigyan ng kapatawaran.At kahit ilang taon pa akong manatili sa bilangguang ito ay hindi maibabalik ang buhay na aking kinuha. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa pagkawala ni Knight. Dalawang tao na ang napatay ko at hindi pa sapat ang mga taong inilagi ko dito dapat ay mas matagal pa.Bahagya akong napangiti nang biglang maalala si Constantine. Kahit hindi ko siya kadugo at kahit hindi ko siya anak ay minahal ko nadin siya nung sandaling nahawakan ko siya at nayakap. Napalapit agad siya sa puso ko. Binata na siguro siya ngayon at ni isang beses ay hindi ko na siya nakita simula nung araw na iyon. Ganito pala ang napapala ng
KNIGHT"Anong pabor na naman yan ha?" tanong ni Thaddeus habang naka krus ang kanyang mga kamay."Palabasin mong patay ako," diritsang saad ko at natigilan naman siya at napatitig lang sa akin ng halos ilang segundo.Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan."Knight nasisiraan ka na ng ulo o mali lang ako ng narinig sayo?" Tila nababaliw siyang napasuklay sa kanyang buhok.Alam kong napakalaking pabor, isang katangahan at alam kong pagsisisihan ko din ito sa bandang huli ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya siya. Paraan upang maging malaya kaming dalawa. Isang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa. Alam kong pagsisisihan ko din ito sa huli ngunit alam ko din na magiging maganda din ang kalabasan nito. Ang hindi ko lang ay alam ay kung magiging successful ba ang operasyon ko at mapagpapatuloy ba ang aking pabor. "I'm serious Thaddeus," seryosong saad ko at napaface palm naman siya ng wala sa oras."So sa tingi
Somewhere in MalaysiaTHADDEUSLumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang. Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life."Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya. She's my life.She's my antidote.She is my happiness."Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo."Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako."Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin t