Home / Romance / HIRAYA The Blind Lady / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of HIRAYA The Blind Lady: Chapter 51 - Chapter 60

71 Chapters

CHAPTER LI: LOST CONTROL

Kahit sobrang hapdi ng aking mata at nanakit ang aking mga binti ay pilit pa rin akong tumayo para pagbuksan ang kumakatok. “Manang, bakit po?” “Naku ma’am, buti nahanap na kita. Si sir, nagwawala akala ko ay nasa silid ka ninyo kaya dali-dali akong pumasok doon nang hindi kita makita ay umakyat ako sa taas. “Pasensya kana, manang, gusto ko lang naman magpalamig muna. Sige na manang, matulog kana ako ng bahala kay Galen.” Nagtungo ako sa silid namin totoo nga ang sabi ni manang, parang may gerang naganap sabog ang isang unan kaya nagkalat ang feather sa kabuuan ng silid. Madilim ang anyo ni Galen, habang nakaupo sa kama sadya sigurong hinihintay niya akong bumalik. “Where have you been?” “To hell,” hindi ko napigilan ang aking bibig mas lalong dumilim ang tingin niya sa ‘kin. Hindi ko s’ya pinansin inabala ko ang sarili ko na iligpit ang mga ikinalat n’ya, dis oras ng gabi pero naglilinis pa rin ako. “I’m asking you, Haya?” “Matulog kana, maaga ang check-up mo bukas. Ililigpi
last updateLast Updated : 2023-06-20
Read more

CHAPTER LII: PUNISHMENT

Ibang saya ang naramdaman ko nang tawagin n’ya ulit ako ng “Hon.” mula nang maaksidente s’ya ay ngaun ko na lamang narinig iyon sa kanya. Tinugon ko iyon ng maalab na halik nakaliliyo, bumaba pa ang aking labi sa malapad niyang dibdib. Mas lalong akong nadadarang sa paraan ng paghaplos niya sa ‘king katawan dama ko ang init na tumatagos sa ilalim ng aking damit. “You are punishing me?” nahihirapan na saad niya, habang malayang naglalakbay ang aking labi sa kanyang kanyang malapad na dibdib. May hatid na saya sa ‘king pandinig iyon, he totally loses control pero hindi s’ya makagalaw dala ng kondisyon ng binti n’ya. “N-no, Hon., b-but I have an a-amazing idea,” umalis ako sa kanyang ibabaw kahit na nahihilo ay hinila ko ang tali ng robe na suot niya, ikinaliyad niya iyon. “Hey, what are you doing?” “W-wait, I think you want this,” nababaliw na nga talaga ako ibang klase ang tama ng alcohol sa ‘kin. Itinali ko iyon sa kanyang mga kamay. “What the hell?” “O-oops, gusto ko lang naman
last updateLast Updated : 2023-06-20
Read more

CHAPTER LIII: HIDDEN AGENDA

“Tungkol naman saan?” usisa kong tanong sa kanya. “Hindi ko pa alam,” pinindot na niya ang push button ng kanyang wheelchair palabas sa aming silid. “Saan ka pupunta?” “Sa library, Hon, papuntahin n’yo si Ricahrd sa library kapag dumating s’ya.” “Ok, wala ka bang ipagagawa sa ‘kin ngaun?” habol ko pang tanong sa kanya. “Nothing. But we’ll talk later,” tumingin pa siya sa akin bago tuluyang lumabas. Nahihiwagan man ako sa kanya dahil sa pagbabago ng mood n’ya ngaun na tila bumait na tupa ay hindi ko na lamang pinansin iyon. Saglit lamang akong naglinis sa silid namin at nagpalit ng damit dahil nabasa ako kanina nang alalayan kong maligo si Galen. Nang matapos ako sa paglilinis ay nagtungo ako sa kusina upang maghanda ng aming pananghalian naisip kong dagdagan ang iluto para doon na rin pakainin si Richard. Natigil ako sa ‘king ginagawa nang may marinig akong kausap si Cristy, kaya naman lumabas din ako at tinignan. “Hello, Ma’am Haya,” si Richard ang aming bisita. “Richard, k
last updateLast Updated : 2023-06-20
Read more

CHAPTER LIV:  AFTER TWO MONTHS

“Hon, hindi ka pa ba babangon? It’s already 8am,” saad ni Galen ng makalabas sa banyo. Kasalukuyang katatapos lamang niyang maligo. Magaling na rin ang kanyang mga paa kaya naman nakagagalaw na ulit siya ng normal. Iyon din ang unang araw ng regular na pagbabalik n’ya sa opisina. Dahil mula nang maaksidente siya, sina Donya Ysabel at Don Samuel ang nag-aasikaso sa company. Ang mga documents na kailangan niyang pirmahan at reviewhin ay dinadala ni Richard dito sa bahay. “Maya-maya na tinatamad pa ‘ko,” hindi ko alam kung bakit palagi akong tinatamad at ang gusto ko ay palaging nakahiga. “Kailangan ko ng umalis, Hon,” lumapit pa s’ya sa ‘kin, ngunit wala akong plano na magmulat ng mata. “Ingat ka, si manang, na muna ang bahala sa breakfast mo.” “Sure, no worries, kumain ka na rin mamaya,” humalik pa siya sa ‘king noo at labi. Nalanghap ko ang kanyang paboritong pabango. Biglang lalong sumakit ang aking sintido at kasunod ng pagbaliktad ng aking sikmura. Dali-dali akong bumangon at p
last updateLast Updated : 2023-06-27
Read more

CHAPTER LV: PROMISE

“Sino ‘yun?” tanong ko sa kanya nang matapos silang mag-usap. Matagal pa akong tinitigan ni Galen, bago niya sagutin ang aking tanong. “One of our clients. Kailangan namin puntahan ni Richard ngaun, Hon.” “Bakit?” “May mahalaga kaming pag-uusapan. Halika na sa loob doon kana mag-stay,” tinulungan pa niya akong tumayo at dinala niya ang iba niyang pinamili. Nang maihatid niya ako sa loob ay dali-dali siyang umalis. Nanatili na lamang ako sa loob ng aming silid dahil mas gusto kong matulog matapos nabusog sa aking mga kinain. - Nagkita si Galen at Richard sa police station. Hindi lamang niya sinabi kay Haya na si SPO1 Legazpi ang tumawag sa kanya. Ang pulis na may hawak sa kaso nila ni Richard, nang naaksidente sila. “Nahuli na ang dalawang lalaki na nakita sa cctv sa parking area ng company ninyo, sir,” saad ni SPO1 Legazpi. “Kilala n’yo ba sila? Si Brando Uno at Luis Cruz.” Saglit na tinitigan ni Galen at Richard, ang dalawang lalaking nakaposas. Si Brando ay medyo may edad na
last updateLast Updated : 2023-06-27
Read more

CHAPTER LVI: MASTERMIND

“Hello, Hon, pauwi na rin ako,” mabilis kong saad nang masagot ko ang tawag ni Haya. “Hon, malayo ka pa ba?” malamlam ang boses ni Haya, mula sa kabilang linya. “Malapit na rin ako, kumusta ka? May gusto ka bang ipabili?” “Ok lang sayo na magpabili ako?” ramdam niyang nabuhay ang tinig ni Haya na kanina ay parang walang kabuhay-buhay. “Ou, naman, may mga bukas pa naman na bilihan,” napasulyap pa ako sa aking relong pambisig at noon ko lamang napagtanto na mag-a-alas onse na. “Gusto ko ng pizza.” “Yun lang ba ang ipapabili mo, Hon?” tanong ko sa kanya, habang inililiko ang sasakyan para balikan ang pizza house na nadaanan ko kanina. “Chocolate, Hon, kahit anong brand ng chocolate basta kasing sweet ng mister ko. Mag-iingat ka, bye-bye,” sunud-sunod na saad ni Haya bago ini-off ang cellphone. Natuwa ako sa narinig ko kay Haya, ipinagpasalamat ko rin na may bukas pa na bilihan ng pizza ng ganoong oras. Ngunit ang chocolate na request n’ya ay kailangan ko pang maghanap ng pagbibil
last updateLast Updated : 2023-06-27
Read more

CHAPTER LVII: FRIGHTEN

“Hon, ok ka lang ba?” maagap ko s’yang niyakap nang makita ko ang takot sa kanyang mukha. Kumalas s’ya mula sa pagkayakap sa ‘kin, “masaya ko na nakulong na s’ya,” pilit niyang saad. Kasunod ng pagtakbo niya sa loob ng banyo at halos lahat ng kanyang kinain ay inilabas niya. Sobra ako naawa sa asawa ko habang inahagod ang kanyang likod ramdam ko na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. Dahil kahit gusto ng bibig n’ya ay saglit lamang na nagtatagal sa tiyan niya ay inilalabas din niya. Hinang-hina siya nang matapos niya mailabas lahat ng kanyang kinain. Pinangko ko na lamang siya palabas sa banyo pinaupo ko siya sa sofa na nasa loob ng aming silid, “Hon, ok ka lang ba?” nag-alala kong tanong sa kanya. Tumango lamang siya at mariin na ipinikit ang kanyang mata habang nakasandal sa ‘king balikat. “Hindi mo ba nagustuhan ang mga binili kong prutas?” “Gusto. Ang sarap nga lahat, gusto nga ng bibig ko, hindi ko rin alam bakit ko inilabas. Kanina yun kinain ko rin na mangga inilabas
last updateLast Updated : 2023-06-27
Read more

CHAPTER LVIII: SEARCHING

“Damn, review the CCTV footage,” utos ko kay Richard. Labis akong natatakot at kinakabahan nang mahawakan ko ang cellphone ni Haya. Madali kong na open ‘yun hindi n’ya pa rin pinalitan ng security lock na inilagay ko noong ibingay ko sa kanya ang cellphone na iyon. Wala akong nakita na ibang number sa receive call, text message kung hindi ang number ko lang. Hindi ko alam kung ano ang nakita at narinig n’ya, pero sigurado akong may nalaman s’ya na hindi n’ya na gustuhan. Napahilamos ako sa sarili kong mukha nang makita ko ang footage. “Sir, tingin ko nakita n’ya lah-,” hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Richard, mabilis na akong lumabas para hanapin ang asawa ko. “Ikaw na muna ang bahala rito.” Una kong tinawagan sina Cristy sa bahay, “nand’yan ba si Haya?” “Nagpahatid kanina d’yan sa opisina mo, Sir, hindi na nga nagpasama sa ‘kin sabi n’ya kasama ka naman na n’ya. Susorpresahin ka nga daw n’ya,” dama ko pa kung gaano kasaya si Cristy habang kausap ko. “Tawagan n’yo ako kapag
last updateLast Updated : 2023-06-27
Read more

CHAPTER LIX: THE TRUTH

“Sino ‘yun?” taka kong tanong nang matapos n’yang sagutin ang tumawag sa cellphone n’ya na sadya pang lumabas ng silid. “Wrong number lang, Hon.” “Wrong number? Pero bakit ang tagal n’yong nag-usap?” taka ko pang tanong. “Nagtanong about sa construction materials nang malaman niya na nasa construction business tayo. Buti pa, Hon, kumain muna tayo tiyak na gutom na rin sila baby.” Inakay pa niya akong tumayo kaya wala rin akong nagawa. Pagpasok namin sa kusina ay may mga pagkain na nakalagay sa paper bag iinitin na lamang. “Saan galing ‘yan?” “Binili ko kaninang madaling araw bago ako pumasok dito. Iinitin ko lang sandali.” Mabilis lamang niyang ininit ang lahat ng iyon, wala rin naman ako sa mood na magluto kaya pabor sa ‘kin ‘yun. “Hindi ka ba papasok ngaun?” “Hindi, Hon, nagbilin na ako kay Richard.” Naubos namin lahat ng pagkain na binila n’ya, marahil parehas kaming gutom. Mula nang umalis ako ngaun lang din ako nakakain ng maayos. Natigil ako sa pag-inom ng tubig nang
last updateLast Updated : 2023-06-27
Read more

CHAPTER LX: GOODNESS

Nang mailabas si Tricia, ng mga pulis, ay umalis na rin ang secretary ni Mr. Harold at dalawa pang investor. Naiwan kami nila Galen, Richard, Donya Ysabel at Don Samuel sa loob ng conference room. Nabigla man ako sa mga nalaman ko, ang pinakamahalaga ay matatahimik na kami ngaun.“Richard, nagpa-book ako ng lunch today sumama ka sa ‘min ha.”“Opo, Donya Ysabel.”“Hey, ilang beses ko bang sasabihin na tita ang itawag mo sa ‘kin at tito kay Samuel.”“Ah, sorry po, sige po, Tita Ysabel,” naiilang na saad ni Richard.“Sumunod na kayo sa ‘min, Galen,”“Yes, Dad.”“Bro, salamat sa tulong mo,” inakbayan pa s’ya ni Galen.“Wala ‘yun, Sir, kulang pa ‘yan sa mga tul-”“H’wag ka ng magdrama ‘di mo bagay. Ipag-drive mo kami,” putol na saad ni Galen sa pagsasalita ni Richard at mabilis na inabot ang susi ng sasakyan. Inakbayan pa niya ako at giniya na maglakad. “Let’s go,” tawag ni Galen kay Richard na nanatiling nakatayo habang nakangiti sa reaksyon ng asawa ko.Sa isang exclusive restaurant ka
last updateLast Updated : 2023-06-27
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status