Semua Bab HIRAYA The Blind Lady: Bab 31 - Bab 40

71 Bab

CHAPTER XXXI: STRANDED

Nang matapos ang aming pag-uusap ay umalis na rin kami sa lugar, kung ano ang bilis ng aming byahe noong papunta kami ay kabaliktaran naman ng aming pag-uwi dahil sa haba ng trapik sanhi ng dalawang aksidente na aming nadaanan sinabayan pa ng malakas na pag-ulan.“Naabutan na tayo ng ulan,” mahina kong saad habang nakatingin ako sa labas ng bintana puro dilim ang aking nakikita tanging ilaw ng sasakyan ang nagbibigay ng liwanag sa aming dinadaan dahil nawalan na rin ng kuryente.“Blessing yan,” kalmadong tugon ni Galen.Wala man lang bakas ng pagkabahala sa kanyang anyo kahit na napakalakas ng ulan at may kasama pang hangin. Samantalang ako ay kanina pa kinakabahan dahil halos lahat ng aming daanan ay mataas na ang tubig sa kalsada. Buti na lamang ay medyo mataas ang sasakyan na dala ni Galen.Mag-aalas dose na kaming nakarating sa aking bahay. Laking gulat namin nang biglang may pumutok sa gawing likuran ng sasakyan ni Galen nang ihinto niya iyon. Nagkatinginan kaming dalawa at dali-
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-05-20
Baca selengkapnya

CHAPTER XXXII: WEDDING

“Ou naman, ano bang maitutulong ko?” lumapit ako sa kinaroroonan niya at naupo rin malapit sa kanya, pawisan na siya sa pagpapalit ng bagong gulong. “Pakipunasan naman ang pawis ko,” saad niyang hindi lumilingon sa akin. “Ha?” “Sige na, madumi na yung kamay ko mahapdi sa mata,” muli niyang saad saka humarap at itinaas ang dalawa niyang kamay. Pinunasan ko na lamang para matapos na rin siya. Ilang sandali lang at natapos na niya ang pagpapalit ng gulong. Mabilis niyang nagawa iyon, halatang sanay siya sa mga ganoong gawain hindi lang siya famous multi-tasking din. Nang natapos niya iyon ay nagpaalam na rin siya na aalis. “Maraming salamat sa food and accommodation at sa pag-aalaga mo sa akin kagabi. Matulog kana rin para makapagpahinga ka, marami tayong aasikasuhin sa mga susunod na araw.” “Walang anuman, mag-iingat ka.” Halos mabilis na lumipas ang araw pagkatapos ng aking trabaho ay nagkikita kami ni Galen upang puntahan ng personal ang mga taong malalapit sa amin na nais imb
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-05-25
Baca selengkapnya

CHAPTER XXXIII: SPECIAL GIFT

“Mommy nag-abala pa po kayo, kami na ang bahala ni Haya sa honey--,” hindi na naituloy ang sasabihin ni Galen.“Ok lang ‘yan anak, s’ya sige lumakad na kayo. Lahat ng kailangan ninyo ay nasa chopper na,” saad ni Donya Ysabel.Bumalik ang aking atensyon ng tapikin ako ni Donya Ysabel sa aking balikat na hindi pa rin mawala ang tingin sa laman ng sobre na ibinigay sa amin. Reservation iyon ng magiging room namin sa isang exclusive hotel sa Palawan.Hindi man lang sumagi sa isip ko na sila ang magpo-provide ng honeymoon namin na hindi man lang din namin napag-usapan ni Galen.“Lets go,” saad ni Galen sa akin.Tumango lamang ako at bumeso sa dalawang matanda na hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga labi habang patungo kami sa gawing likod ng resort kung saan nandoon ang sasakyan na maghahatid sa amin sa nasabing lugar.Inalalayan ako ni Galen na makaakyat, “Ok ka lang?” tanong niya sa akin nang makaupo na siya sa tabi ko.Tango lang ulit ang aking naitugon dahil literal na nakaramdam ako
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-05-26
Baca selengkapnya

CHAPTER XXXIV: HOME SWEET HOME

“Galen ano ba? hindi ako makagalaw,” reklamo ko sa kanya nalalanghap ko ang mabango niyang hininga. Ginawaran niya ako ng magaan na halik sa aking labi bago siya tuluyan na lumayo sa akin, “may bibilhin lang ako sandali,” saad niya at tuluyan na akong iniwan sa aming silid. Sa inis ko ay itinuloy ko ang pagliligpit ng mga gamit namin na nagkalat ang iba sa ibabaw ng kama. Pinaghiwalay ko ang mga gamit naming dalawa nag-ready na rin ako para sa aming pag-alis mamaya, nang matapos ako ay nahiga ako sa sofa habang naghihintay sa kanya. Ilang sandali pa lang akong nakahiga nang makabalik si Galen, may dala siyang dalawang paper bag. Nangiti pa siya nang makita na nakaligpit na ang aming mga gamit. “Thank you mahal ko, naka-prepare kana rin ba?” diretsong tanong niya sa akin. “Ou, bakit?” “Napaaga ang pagdating ng susundo sa atin nandyan na sila sa ibaba.” “Mabuti naman para maaga tayo makauwi,” saad ko na hindi ko maiwasan na matuwa dahil gusto ko na talagang umuwi. Ilang sandali
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-05-28
Baca selengkapnya

CHAPTER XXXV: AGREEMENT

“Good morning Hon,” masuyong bati niya sa akin nang magising ako nang umaga na iyon. Kapansin-pansin din ang pag-iba niya ng tawag sa akin. Kasalukuyan niyang iginagayak ang kanyang mga gamit, nakaligo na rin siya.“Kailangan kong pumasok ngaun, mag-stay kana lang muna rito sa bahay susunduin kita after ng work ko uuwi tayo sa bahay mo kung hindi ka kumportable rito sa bahay,” diretso niyang saad.Naupo ako at sumandal sa head board habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa paghingi ng paumanhin sa kanya. Alam kong may kasalanan din ako sa kanya kagabi.“Sumunod kana sa akin sa ibaba naka-ready na ang breakfast natin,” saad niya habang isinusuot ang kanyang long sleeves,Kusa humakbang ang aking mga paa at nagtungo sa kanya kusa rin na kumilos ang aking mga kamay para tulungan siya sa pagbutones sa kanyang damit, “sorry sa inasal ko kagabi, pasensya kana kung nasasaktan kita at hindi ko kayang suklian ang lahat ng pinaram---,” hindi ko na
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-05-29
Baca selengkapnya

CHAPTER XXXVI: UNCOMFORTABLE

Naguguluhan ako sa tanong niya sa akin, “maaga pa ang pasok natin bukas Hon,” wala sa loob kong naisaad sa kanya. “Yes Hon,” tugon niya habang paakyat muli ang kanyang labi sa aking mga labi. Tila uhaw na uhaw siya sa paraan ng paghalik niya sa akin. Tinugon ko pa iyon dahil pakiramdam ko ay nalalasing na ako sa ipinaparanas niya sa akin. Naramdaman ko rin na dumako na sa aking dibdib ang isa niyang kamay na labis kong ikinagulat, iyon ang unang pagkakataon na ginawa niya iyon. “Ga_len,” nauutal kong saad. “Hon, tell me if you want to contin--.” Tila ako nagising sa sinabi niyang iyon nabuhay ang kakaibang kaba sa dibdib ko baka ibang pangalan na naman ang lumabas sa bibig ko kaya naman pinilit kong banggitin ang kanyang pangalan, “Gale-,” naramdaman ko ang kusang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Naramdaman ko na pinunasan niya iyon. Mahigpit niya akong niyakap at bumalik siya sa aking tabi, “sorry Hon,” bulong niya sa akin. “Tumango lamang ako sa kanya at saka niya kinabig ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-05-30
Baca selengkapnya

CHAPTER XXXVII: CURIOSITY

“Hon wake up!” boses ni Galen ang gumising sa akin. Nagulat pa ako nang magising akong nakayapos din sa kanya. Pilyo ang ngiti na sumilay sa kanya.Dali-dali kong tinanggal ang pagkayapos ko sa kanya, “Anong nginingiti-ngiti mo d’yan?” irita kong tanong sa kanya.“Sobra mo naman akong namiss halos hindi ko matanggal ang pagkakayakap mo sa akin kaya napilitan tuloy akong gisingin ka,” nangingiti pa rin niyang saad. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa tagpong iyon.“Ikaw kaya naunang yumakap kagabi sa akin halos hindi ako makahinga,” saad ko bago ako pumasok sa loob ng banyo.Mabilis siyang bumangon sa kama at pinigilan ang pagsara ng pinto, “pero bakit hindi ka nagreklamo ibig sabihin gusto mo rin ang yakap ko,” sinadya pa niyang ilapit sa akin ang kanyang katawan.“Paano ako makakareklamo kung para kang mantika matulog,” saka ko isinara ang pinto ng banyo.“Aray!” sigaw pa niya “naglilihi na yata ang misis ko” dugtong pa niyang saad.Tulad ng aming morning routine ay inihatid pa rin niya
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-05-31
Baca selengkapnya

CHAPTER XXXVIII: HECTIC

Nakahinga ng maluwag si Haya nang makapasok sila sa kanilang silid. Pabagsak niyang inihiga ang kanyang katawan sa kanilang kama saka mariin na ipikit ang kanyang mga mata. “Ok ka lang ba Hon?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Galen. Ngunit nanatili siyang nakapikit nasa isip pa rin niya ang pagtatanong ni Donya Ysabel sa kanya kanina. “Huwag mo na isipin ang sinabi ni Mommy masanay kana sa kanila. Mag-clean up kana para makapagpahinga na tayo,” patuloy na saad ni Galen. Tila may hatid na kilabot sa kanyang pandinig ang huling sinabi ni Galen kaya naman napabalikwas siya ng bangon. Napamulagat pa siya nang makita na naghuhubad ng damit si Galen ng imulat niya ang kanyang mga mata. “Anong ginagawa mo?” bigla niyang tanong. Nagulat din si Galen sa biglang pagtanong ni Haya na nagpatigil sa kanyang pagtatanggal ng belt ng kanyang pantalon. “Mag-aalis ng damit para mag-shower Hon, mukhang busy ka pa sa pagmumuni-muni kay-.” “Dito?” putol niyang saad sa kanyang sasabihin pa. “Ou, na
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-06-01
Baca selengkapnya

CHAPTER XXXIX: MISUNDERSTANDING

Lihim ko s’yang sinundan nakita kong pumasok siya sa library, dahan-dahan ko iyon binuksan ng kaunti para makita ang kanyang ginagawa. Pasado alas-dyes na rin ng gabi kaya sigurado akong nasa kwarto na rin sila Manang Zeny ang mga magulang naman ni Galen ay sa resort nila namamalagi. Naririnig kong may kausap si Galen sa kanyang laptop, “ipa-resched na lang hindi pa ko pwede nitong darating na weekend. Kapag nagkaroon ng pagkakataon nitong weekdays, susubukan ko na lang na kumbinsihin siya baka sakaling pumayag. Hindi pa ako handa sa pwedeng mangyari. ” Saad ni Galen mula sa kanyang kausap saka niya isinara ang kanyang laptop. Dali-dali akong bumalik sa silid namin at nahiga muli, pinilit kong matulog kahit na maraming tanong sa isipan ko ngaun dahil na curious ako sa aking mga narinig. Sino kayang kausap n’ya? Anu ba kasing nakain mo Haya bakit mo pa sinundan ngaun nag-iisip ka? Naitanong ko pa sa aking sarili. Natigil lamang ako nang muling bumukas ang pinto ng aming silid at na
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-06-02
Baca selengkapnya

CHAPTER XL: LEGACY

“Hello Sir Galen,” bungad na saad ni Teacher Ann.“Hello Teacher Ann,” nakangiti niyang bati.Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa pag-aayos ng aking mga gamit ang aking atensyon.Humalik pa siya sa akin na lalo kong ikinairita ngunit hindi ako nagpahalata, “Hon akina na yang mga gamit mo ilalagay ko na sa kotse,” wala na akong nagawa dahil kinuha na niya sa kamay ko ang aking mga dala.Hindi ako nagpahalata kay Teacher Ann na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan kaya naman nagpaalam na lamang ako at tahimik na sumunod kay Galen.Nang makarating ako sa sasakyan ay diretso akong umupo nang buksan niya ang pinto sa gawing harapan. Sinadya kong iwasan ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.“Hon pasensya kana kung hindi ko na nasagot ang tanong mo at hindi pag-reply sa mga message mo,” kalmadong saad niya sa akin habang nakapokus ang kanyang mga mata sa daan.Nanatili akong tahimik at itinuon ko rin ang aking paningin sa daan.“Hon gusto mo bang kumain muna tayo bago tayo umuwi?” tano
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-06-03
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234568
DMCA.com Protection Status