Nakahinga ng maluwag si Haya nang makapasok sila sa kanilang silid. Pabagsak niyang inihiga ang kanyang katawan sa kanilang kama saka mariin na ipikit ang kanyang mga mata. “Ok ka lang ba Hon?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Galen. Ngunit nanatili siyang nakapikit nasa isip pa rin niya ang pagtatanong ni Donya Ysabel sa kanya kanina. “Huwag mo na isipin ang sinabi ni Mommy masanay kana sa kanila. Mag-clean up kana para makapagpahinga na tayo,” patuloy na saad ni Galen. Tila may hatid na kilabot sa kanyang pandinig ang huling sinabi ni Galen kaya naman napabalikwas siya ng bangon. Napamulagat pa siya nang makita na naghuhubad ng damit si Galen ng imulat niya ang kanyang mga mata. “Anong ginagawa mo?” bigla niyang tanong. Nagulat din si Galen sa biglang pagtanong ni Haya na nagpatigil sa kanyang pagtatanggal ng belt ng kanyang pantalon. “Mag-aalis ng damit para mag-shower Hon, mukhang busy ka pa sa pagmumuni-muni kay-.” “Dito?” putol niyang saad sa kanyang sasabihin pa. “Ou, na
Lihim ko s’yang sinundan nakita kong pumasok siya sa library, dahan-dahan ko iyon binuksan ng kaunti para makita ang kanyang ginagawa. Pasado alas-dyes na rin ng gabi kaya sigurado akong nasa kwarto na rin sila Manang Zeny ang mga magulang naman ni Galen ay sa resort nila namamalagi. Naririnig kong may kausap si Galen sa kanyang laptop, “ipa-resched na lang hindi pa ko pwede nitong darating na weekend. Kapag nagkaroon ng pagkakataon nitong weekdays, susubukan ko na lang na kumbinsihin siya baka sakaling pumayag. Hindi pa ako handa sa pwedeng mangyari. ” Saad ni Galen mula sa kanyang kausap saka niya isinara ang kanyang laptop. Dali-dali akong bumalik sa silid namin at nahiga muli, pinilit kong matulog kahit na maraming tanong sa isipan ko ngaun dahil na curious ako sa aking mga narinig. Sino kayang kausap n’ya? Anu ba kasing nakain mo Haya bakit mo pa sinundan ngaun nag-iisip ka? Naitanong ko pa sa aking sarili. Natigil lamang ako nang muling bumukas ang pinto ng aming silid at na
“Hello Sir Galen,” bungad na saad ni Teacher Ann.“Hello Teacher Ann,” nakangiti niyang bati.Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa pag-aayos ng aking mga gamit ang aking atensyon.Humalik pa siya sa akin na lalo kong ikinairita ngunit hindi ako nagpahalata, “Hon akina na yang mga gamit mo ilalagay ko na sa kotse,” wala na akong nagawa dahil kinuha na niya sa kamay ko ang aking mga dala.Hindi ako nagpahalata kay Teacher Ann na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan kaya naman nagpaalam na lamang ako at tahimik na sumunod kay Galen.Nang makarating ako sa sasakyan ay diretso akong umupo nang buksan niya ang pinto sa gawing harapan. Sinadya kong iwasan ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.“Hon pasensya kana kung hindi ko na nasagot ang tanong mo at hindi pag-reply sa mga message mo,” kalmadong saad niya sa akin habang nakapokus ang kanyang mga mata sa daan.Nanatili akong tahimik at itinuon ko rin ang aking paningin sa daan.“Hon gusto mo bang kumain muna tayo bago tayo umuwi?” tano
“Hon next time huwag mo na uulitin iyon ha,” nag-aalalang saad niya habang binubuhay ang makina ng sasakyan. “Hindi ko ‘yan maipapangako Galen, sumusobra na yang pinsan mo,” naiinis kong saad, hanggang ngaun ay nanginginig pa rin ako sa sobrang galit. “Please Haya, makinig ka sa akin. Hindi mo kilala ang pinsan kong iyon hindi natin alam kung ano ang pwede pa niyang gawin.” “Wala akong dapat na ikatakot sa pinsan mo dahil wala akong ginagawang mali sa kanya.” Napabuntong hininga na lamang siya saka nagpatuloy sa pagda-drive ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay dahil sa bilis ng kanyang pagmamaneho. Nagdiretso ako sa silid namin na hindi man lang pinansin ang pagsunod niya sa akin pakiramdam ko ay hindi pa rin nababawasan ang galit na nabuhay sa aking pagkatao. “Hon mangako ka sa akin na iiwasan mo si Gabriel,” saad niya na naupo rin sa pang-isahan na sofa na katapat ng inupuan ko. “Yang pinsan mo ang dapat mong pagsabihan hindi ako.” “Ok sige kakausapin ko s’ya,” t
“Bukas na ako makakapunta d’yan sa opisina Richard, paki-email na lang sa akin ang mga kailangan kong tapusin ngaun,” saad ni Galen habang kausap niya sa kabilang linya ang kanyang secretary. Ilang sandali pa ay ibinaba na rin niya iyon matapos na magbilin kay Richard, at muling humarap sa monitor ng kanyang laptop. Kasalukuyan siyang nasa library doon niya ginawa ang kanyang mga gawain na sana ay sa opisina niya gagawin. Halos dalawang oras din siyang namalagi sa loob ng library bago muling bumalik sa kanilang silid. Nadatnan pa rin niyang natutulog si Haya, halata sa kanya ang pagod at puyat kaya naman hindi na siya ginambala ni Galen. Bumalik na lamang siya sa kusina para maghanda ng kanilang hapunan na abutan pa niya doon si Manang Zeny, na naghuhugas ng mga gulay. “Manang, ako na po ang magluluto.” “Sigurado po ba kayo? Baka may gagawin po kayo?” “Wala naman na po Manang. Ok lang din para makabawi ako kay Haya.” “Sige po sir, kung yan ang gusto mo. Sayang nga po noong naglu
“Hon, may gagawin ka ba bukas?” weekend naman kinabukas kaya nagbaka sakali ako kung wala siyang gagawin. Halos magdadalawang buwan na rin mula nang aminin ko sa kanya na mahal ko na rin s’ya. Napatingin pa siya sa akin na tila nanunuri. Kasalukuyan siyang nakahiga sa sofa na nasa loob ng aming silid habang nagpapahinga. “May isang site pa akong papasyalin, Hon. Pero kung para sayo ay magagawan naman ng paraan.” Hindi ko maiwasan na hindi mangiti sa kanya, “magpapasama sana ako sayo, magpapapalit ako ng salamin sa mata. Madalas na kasi akong mahilo sa salamin ko,” paliwanag ko sa kanya. “Sige, hon, after mo magpapalit saka ko na lang pupuntahan yung site,” muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. “Thank you, hon,” lumapit ako sa kanya at ginawaran siya ng halik sa kanyang pisngi ngunit bigla siyang humarap sa 'kin kaya naman sa labi niya tumama ang halik na iginawad ko sa kanya. Abot tenga pa ang ngiti niya saka muling idinilat ang kanyang mga mata. “Ang sweet naman ng misis k
“Hon, ok ka lang ba d’yan?” boses iyon ni Galen, na nagpabalik sa aking presensya. Paglabas ko ay halatang naghihintay ng sagot si Galen, kahit na hindi siya magtanong ngunit bakas sa kanyang mga mata ang sagot na gusto n’yang malaman. “Let me see, Mrs. Sebastian,” awtomatikong iniabot ko kay Dra. Mendez, ang kit na hawak ko at hindi ko man lang namalayan na nakatayo rin siya sa kabilang gilid. “WOW, Congratulations! Masayang bati ni Dra. Mendez, “sabi na at buntis ka Mrs. Sebastian, awra mo pa lang ay halata na.” dugtong pa niyang saad habang hindi pa rin ako makapaniwala. Mahigpit na yakap ang iginawad ni Galen, sa 'kin na nagpabalik sa 'king presensya, “magiging magulang na tayo, hon.” Unti-unti kong na a-absorb ang nangyayari sa 'kin, ibang saya ang nabubuhay sa aking dibdib. “Hon, paano kung mali itong result ng pregnancy test?” naguguluhan ko pang tanong. “Paano po makakasiguro na tama ang result nito?” Tila sumang-ayon din sa akin si Galen. “Ok sige, mahiga ka sandali do
“Sige, hon, ipapa-experience ko ang sinasabi mong dahan-dahan,” patol kong saad sa kanya habang paakyat kami sa hagdan. “Talaga ba?” excited pa niyang tanong sa akin habang ginagawaran ako ng panaka-nakang halik sa pisngi ko. “Yes, hon, dahan-dahan,” ako pa ang nagsara ng pinto ng aming silid at ini-lock ko iyon. Mabilis din ang labi niya hinuli ang aking labi tinugon ko iyon ayon sa galaw na ipinaparamdam n’ya isiniksik ko pa ang aking sarili sa kanya. Ramdam kong nabubuhay ang init sa kanyang katawan iniisa-isa ko pang alisin ang kanyang damit na labis niyang ikinatutuwa. Hindi ko maiwasan na hindi mangiti sa kalokohan na nabubuhay sa isip ko. “Hon, gusto mo talaga ng dahan-dahan?” nanunukso ko pang saad. “Yes, hon,” namumungay na ang kanyang mga mata. Hinagip ng kamay ko ang remote ng aircon at pinalakasan ko iyon. Habang ginigiya ko s’yang magtungo sa harap ng pinto ng banyo, huminto kami sandali para tanggalin lahat ng kanyang damit. “Ang macho naman ng mister ko,” ginawaran
Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay. Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira. Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya. Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.
“Sino ka ba? Wala akong utang sayo,” sinikap kong itago ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng mamatay rito, kawawa ang mga anak ko.“Ikaw, wala, pero ang tatay mo meron.” Nagimbal ako sa narinig sa kanya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya sinadya pa niyang e-loudspeaker iyon:“Hello my dear, husband, na miss mo ba ako kaya ka tumawag?” malandi niyang bati mula sa kabilang linya.“Walang hiya ka talaga, Mildred, huwag mong idamay ang anak ko. Pakawalan mo si Haya, at ibibigay ko ang perang kailangan mo,” boses iyon ni Papa Harold. Mildred pala ang pangalan ng babaeng baliw na ito. Sayang lang at hindi ko makita ang itsura n’ya, pero sigurado akong kamukha s’ya ng mga kontrabida sa pelikula.“Oh, come on, Harold. Hindi lang pera ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko, ang pagmamahal mo,” pasigaw na saad ni Mildred.“Sige, kapalit ng buhay at kalayaan ng anak ko, ibibigay ko ang gusto mo.”“Talaga?”“Maawa ka sa anak ko, Mildred, pakawalan mo na s’ya.”“Pakakawalan ko,
Kumalas ako sa pagkakayakap sa asawa ko. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko, at ginawaran pa n’ya ako ng magaan na halik sa ‘king noo. “Do what you know will be good for you, Hon, nasa likod mo kami ng mga anak natin.” Masuyong saad ni Galen. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita. Sa sandaling ito ay ayoko ng umiyak tama na ang mga luhang pinakawalan ko para sa maling akala mula sa ‘king nakaraan. “Anak, mapapatawad mo ba ako? Please patawarin mo ako. Kahit anong kapalit ibibigay at gagawin ko patawarin mo lang ako. Gusto kong maging ama sa’yo kahit sa maikling panahon.” Pakiusap niya sa ‘kin. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. Naramdaman ko ang paghalik ni Galen sa likod ng aking kamay. Ramdam ko rin ang presensya nila daddy at mommy na natuwa sa aking sagot. “Talaga anak?” Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Mr. Harold. Inabot ni Galen ang aking kamay sa kanya. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa ‘kin si Mr. Harold at ginawaran n’ya ng halik ang kam
Tahimik din sila mommy sa susunod na mangyayari naramdaman ko ang paghawak ni Galen sa ‘king mga kamay. “Hon, pakinggan natin ang video na dala ni Mr. Harold. Baka ito na rin ang daan para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, alam kong tuwing hating gabi ay lumalabas ka sa balkonahe para doon umiiyak.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Galen, ibig sabihin ay narinig niya ang mga sinasabi ko tungkol sa tatay ko. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya, nahirapan si mama dahil sa kapabayaan n’ya. Kung nasa tabi siya ni mama habang ipinagbubuntis ako at noong ipinanganak ako baka nasustentuhan ng maayos ang pangangailangan namin. Baka hindi ako ipinanganak sa labas ng orphanage habang malakas ang ulan. Baka hindi ako nabulag. Baka napagamot si mama ng mas maaga at humaba pa ang buhay n’ya at baka na tanggap na rin sila ng mga magulang ni Mama Hana, kung naging mabuting asawa at ama s’ya sa amin. “Sige, Harold, pakikinggan namin ang video,” ma
Dahan-dahan akong naglakad palabas nang aming silid patungo sa nursery room ng aming mga anak. Gamay ko na rin ang kabuuan ng aming bahay kaya kahit na wala akong kasama ay nakakapaglakad ako mag-isa. “Hon? Bakit hindi mo ako hinintay na makabalik sa silid natin para na alalayan kita.” Boses iyon ni Galen, katatapos lamang niyang mag-jogging. Mas naging health conscious din siya mula nang maaksidente siya, at tuwing weekend ay inilalaan niya ang kanyang oras sa mga anak namin. “Ok lang naman gamay ko na rito sa bahay.” “Ihahatid na kita sa room ng mga anak natin,” inalalayan niya ako sa paglalakad. “Good morning, Ma’am Haya, Sir Galen,” boses iyon ni Cristy. “Gising na ba ang mga baby namin?” “Tulog pa sila, sir, pero maya-maya gigising na rin po sila.” “Sige. Hon, maiwan na muna kita rito maliligo lang ako.” “Buti pa nga para paggising nila nakaligo kana rin.” mabilis naman siyang umalis. “Kumusta ang tulog ng mga baby namin, Cristy?” “Palagi po masarap ang tulog nila, ma’a
“Naniniwala akong babalik ang paningin mo, Hon,” saad ni Galen sa ‘kin. Nang makarating kami sa bahay ay nandoon ang mga malalapit naming kaibigan. Sina Sister Lucy, Sister Bea, Sir Bryan, Teacher Ann, Richard maging si Lyza na nasa ospital kanina ay nauhan pa kaming makauwi. Sabi n’ya ay s’ya ang punong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Nagkaroon ng salu-salo at masayang nagkuwentuhan sobrang na mis ko rin sila. Kahit na wala akong makita at naninibago sa sitwasyon ko ay pinilit kong maging masaya sa harapan nila. Ang pangarap kong pamilya ay nasa kamay ko na ngayon kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit tila may kulang pa rin sa ‘king pagkatao marahil iyon ang pagbabalik ng aking paningin “Haya, anak,” naagaw ang aking atensyon sa boses na tumawag sa ‘kin. “Sister Bea?” “Ako nga, hindi na kami nakabalik sa ospital may mga kailangan asikasuhin sa orphanage.” Inalalayan pa niya akong makaupo sa silong ng puno na madalas kong tambayan noong buntis pa ako. Nagtataka man ako
ILANG sandali lamang ay dumating na si Dr. Flores at Lyza. Dumistansya ako para mabigyan sila ng espasyo, nakita ko ang kanilang ginagawa sa ‘king asawa. Tinulungan pa s’yang makainom ni Lyza, may malay na s’ya, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. “Galen,” tawag sa ‘kin ni Dr. Flores. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “H-hon, Haya,” humigpit ang paghawak n’ya sa ‘kin, luminga-linga pa s’ya sa paligid bago tumingin sa gawi ko. “G-galen?” “Yes, Hon, kumusta na ang pakiramdam mo?” “B-bakit p-puro kulay puti ang n-nakikita ko?” nahihirapan niyang usal. Napatingin ako kay Dr. Flores at Lyza. “H-hon, ang b-baby natin s-safe ba s-sila?” naiiyak na s’ya. “Nasa incubator ang baby ninyo ate, safe na safe na sila. Kaya magpalakas ka para mabuhat mo na ang mga baby mo.” “L-lyza?” “Yes, ate.” “A-anong nangyayari, hindi ko kayo makita?” “Nakaranas ka ng temporary blindness. Habang wala kang malay nag-undergo ka ng cesarian session para ilabas ang baby ninyo. Bumaba rin ang pulse
Lyza: Oh, my God. Wala kayo sa ambulance?Galen: Wala.Lyza: Ok, sige, ituloy mong bigyan s’ya ng hangin hanggang sa makarating kayo sa ospital. H’wag kang mataranta, ok. Pupuntahan ko kayo.Nang makapagbigay ng instruction si Lyza ay naputol na ang aming pag-uusap. Ilang beses kong inulit-ulit ang pagbibigay ng hangin sa asawa ko bago makarating sa ospital. Pagdating namin ay sumalubong sa ‘min sina Dra. Mendez, Dr. Flores, Nurse Lyza at may dalawa pang doctor silang kasama.“Doc, please iligtas ninyo ang mag-iina ko.”“Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya,” saad ni Dra. Mendez bago sila tuluyang nagtungo sa emergency room. Sumama rin si Lyza sa loob ng Emergency Room.“Sir, tumawag si Donya Ysabel papunta na rin sila rito ng daddy mo,” saad ni Cristy.Ngunit tila wala akong narinig, wala akong tigil sa paglalakad ng pabalik-balik. “Sir, nahihilo na ako sa’yo, maupo ka muna rito ipagdasal natin sila ma’am,” hindi na nakatiis si Cristy na sitahin ako. Tumigil naman ako at
Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa company ay hindi na muli pumasok si Galen. Sa bahay na niya ginagawa ang kanyang mga gawain para masiguro niyang masamahan ako. “Hon, naka-prepare na ang breakfast. Kumain muna tayo,” tinulungan pa niya akong bumangon at inalalayan patungo sa balkonahe na nasa gilid ng aming silid kung saan nakahain ang pagkain. “Hindi ka ba papasok sa office?” “Hindi na muna, Hon, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit nandito ako sa bahay.” Masarap lahat ng nakahain kaya naman mas natuon ang atensyon ko na kumain muna. Nang matapos ako ay muli akong nagtanong tungkol sa kalagayan ngayon ng kumpanya. “Hon, kumusta na ang company ngayon? Wala bang na apektuhan na empleyado sa biglaang pagkuha ng share ni Mr. Harold, kahit hindi pa lubusan na nakakabawi?” pansin kong natahimik si Galen sa tanong kong iyon. “Meron, Hon, may mga pinagbakasyon muna ako, habang inaayos ang financial status ng company. Pero h’wag kang mag-alala dahil malapit ko ng matapos ang