Home / Romance / HIRAYA The Blind Lady / CHAPTER LV: PROMISE

Share

CHAPTER LV: PROMISE

last update Last Updated: 2023-06-27 12:00:14

“Sino ‘yun?” tanong ko sa kanya nang matapos silang mag-usap.

Matagal pa akong tinitigan ni Galen, bago niya sagutin ang aking tanong. “One of our clients. Kailangan namin puntahan ni Richard ngaun, Hon.”

“Bakit?”

“May mahalaga kaming pag-uusapan. Halika na sa loob doon kana mag-stay,” tinulungan pa niya akong tumayo at dinala niya ang iba niyang pinamili. Nang maihatid niya ako sa loob ay dali-dali siyang umalis. Nanatili na lamang ako sa loob ng aming silid dahil mas gusto kong matulog matapos nabusog sa aking mga kinain.

-

Nagkita si Galen at Richard sa police station. Hindi lamang niya sinabi kay Haya na si SPO1 Legazpi ang tumawag sa kanya. Ang pulis na may hawak sa kaso nila ni Richard, nang naaksidente sila.

“Nahuli na ang dalawang lalaki na nakita sa cctv sa parking area ng company ninyo, sir,” saad ni SPO1 Legazpi.

“Kilala n’yo ba sila? Si Brando Uno at Luis Cruz.”

Saglit na tinitigan ni Galen at Richard, ang dalawang lalaking nakaposas. Si Brando ay medyo may edad na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LVI: MASTERMIND

    “Hello, Hon, pauwi na rin ako,” mabilis kong saad nang masagot ko ang tawag ni Haya. “Hon, malayo ka pa ba?” malamlam ang boses ni Haya, mula sa kabilang linya. “Malapit na rin ako, kumusta ka? May gusto ka bang ipabili?” “Ok lang sayo na magpabili ako?” ramdam niyang nabuhay ang tinig ni Haya na kanina ay parang walang kabuhay-buhay. “Ou, naman, may mga bukas pa naman na bilihan,” napasulyap pa ako sa aking relong pambisig at noon ko lamang napagtanto na mag-a-alas onse na. “Gusto ko ng pizza.” “Yun lang ba ang ipapabili mo, Hon?” tanong ko sa kanya, habang inililiko ang sasakyan para balikan ang pizza house na nadaanan ko kanina. “Chocolate, Hon, kahit anong brand ng chocolate basta kasing sweet ng mister ko. Mag-iingat ka, bye-bye,” sunud-sunod na saad ni Haya bago ini-off ang cellphone. Natuwa ako sa narinig ko kay Haya, ipinagpasalamat ko rin na may bukas pa na bilihan ng pizza ng ganoong oras. Ngunit ang chocolate na request n’ya ay kailangan ko pang maghanap ng pagbibil

    Last Updated : 2023-06-27
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LVII: FRIGHTEN

    “Hon, ok ka lang ba?” maagap ko s’yang niyakap nang makita ko ang takot sa kanyang mukha. Kumalas s’ya mula sa pagkayakap sa ‘kin, “masaya ko na nakulong na s’ya,” pilit niyang saad. Kasunod ng pagtakbo niya sa loob ng banyo at halos lahat ng kanyang kinain ay inilabas niya. Sobra ako naawa sa asawa ko habang inahagod ang kanyang likod ramdam ko na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. Dahil kahit gusto ng bibig n’ya ay saglit lamang na nagtatagal sa tiyan niya ay inilalabas din niya. Hinang-hina siya nang matapos niya mailabas lahat ng kanyang kinain. Pinangko ko na lamang siya palabas sa banyo pinaupo ko siya sa sofa na nasa loob ng aming silid, “Hon, ok ka lang ba?” nag-alala kong tanong sa kanya. Tumango lamang siya at mariin na ipinikit ang kanyang mata habang nakasandal sa ‘king balikat. “Hindi mo ba nagustuhan ang mga binili kong prutas?” “Gusto. Ang sarap nga lahat, gusto nga ng bibig ko, hindi ko rin alam bakit ko inilabas. Kanina yun kinain ko rin na mangga inilabas

    Last Updated : 2023-06-27
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LVIII: SEARCHING

    “Damn, review the CCTV footage,” utos ko kay Richard. Labis akong natatakot at kinakabahan nang mahawakan ko ang cellphone ni Haya. Madali kong na open ‘yun hindi n’ya pa rin pinalitan ng security lock na inilagay ko noong ibingay ko sa kanya ang cellphone na iyon. Wala akong nakita na ibang number sa receive call, text message kung hindi ang number ko lang. Hindi ko alam kung ano ang nakita at narinig n’ya, pero sigurado akong may nalaman s’ya na hindi n’ya na gustuhan. Napahilamos ako sa sarili kong mukha nang makita ko ang footage. “Sir, tingin ko nakita n’ya lah-,” hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Richard, mabilis na akong lumabas para hanapin ang asawa ko. “Ikaw na muna ang bahala rito.” Una kong tinawagan sina Cristy sa bahay, “nand’yan ba si Haya?” “Nagpahatid kanina d’yan sa opisina mo, Sir, hindi na nga nagpasama sa ‘kin sabi n’ya kasama ka naman na n’ya. Susorpresahin ka nga daw n’ya,” dama ko pa kung gaano kasaya si Cristy habang kausap ko. “Tawagan n’yo ako kapag

    Last Updated : 2023-06-27
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LIX: THE TRUTH

    “Sino ‘yun?” taka kong tanong nang matapos n’yang sagutin ang tumawag sa cellphone n’ya na sadya pang lumabas ng silid. “Wrong number lang, Hon.” “Wrong number? Pero bakit ang tagal n’yong nag-usap?” taka ko pang tanong. “Nagtanong about sa construction materials nang malaman niya na nasa construction business tayo. Buti pa, Hon, kumain muna tayo tiyak na gutom na rin sila baby.” Inakay pa niya akong tumayo kaya wala rin akong nagawa. Pagpasok namin sa kusina ay may mga pagkain na nakalagay sa paper bag iinitin na lamang. “Saan galing ‘yan?” “Binili ko kaninang madaling araw bago ako pumasok dito. Iinitin ko lang sandali.” Mabilis lamang niyang ininit ang lahat ng iyon, wala rin naman ako sa mood na magluto kaya pabor sa ‘kin ‘yun. “Hindi ka ba papasok ngaun?” “Hindi, Hon, nagbilin na ako kay Richard.” Naubos namin lahat ng pagkain na binila n’ya, marahil parehas kaming gutom. Mula nang umalis ako ngaun lang din ako nakakain ng maayos. Natigil ako sa pag-inom ng tubig nang

    Last Updated : 2023-06-27
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LX: GOODNESS

    Nang mailabas si Tricia, ng mga pulis, ay umalis na rin ang secretary ni Mr. Harold at dalawa pang investor. Naiwan kami nila Galen, Richard, Donya Ysabel at Don Samuel sa loob ng conference room. Nabigla man ako sa mga nalaman ko, ang pinakamahalaga ay matatahimik na kami ngaun.“Richard, nagpa-book ako ng lunch today sumama ka sa ‘min ha.”“Opo, Donya Ysabel.”“Hey, ilang beses ko bang sasabihin na tita ang itawag mo sa ‘kin at tito kay Samuel.”“Ah, sorry po, sige po, Tita Ysabel,” naiilang na saad ni Richard.“Sumunod na kayo sa ‘min, Galen,”“Yes, Dad.”“Bro, salamat sa tulong mo,” inakbayan pa s’ya ni Galen.“Wala ‘yun, Sir, kulang pa ‘yan sa mga tul-”“H’wag ka ng magdrama ‘di mo bagay. Ipag-drive mo kami,” putol na saad ni Galen sa pagsasalita ni Richard at mabilis na inabot ang susi ng sasakyan. Inakbayan pa niya ako at giniya na maglakad. “Let’s go,” tawag ni Galen kay Richard na nanatiling nakatayo habang nakangiti sa reaksyon ng asawa ko.Sa isang exclusive restaurant ka

    Last Updated : 2023-06-27
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXI: CHILD

    Naging tahimik na ang buhay namin mula nang maikulong si Tricia at Gabriel, wala na rin kaming balita kay Tiya Cynthia, ang sabi ni Lolo Bernardo ay umalis na walang paalam. Sila Mommy Ysabel, naman ay madalas na rin manatili sa bahay palagi kaming nag-uusap tungkol sa pagkakaroon ng baby. Nanguha na rin sila ng mga kasambahay paghahanda raw iyon para sa panganganak ko, kahit dalawang buwan pa naman. “Mrs. Sebastian, ayan ang baby ninyo,” nakangiti si Dra. Mendez habang itinuturo ang monitor. Nagpa-ultrasound ulit ako gusto ko silang makita at makasiguro na maayos sila sa t’yan ko. “Hon, tignan mo ang cute ng mga baby natin,” naluluha ko pang saad. “Mana sa atin, Hon,” ginawaran pa ni Galen ng halik ang aking t’yan. Sobrang sarap sa pakiramdam, sigurado akong magiging mabuting magulang din kami sa kanila. Nang matapos ang check-up ko, at makuha ang mga bilin sa ‘kin ni Dra. Mendez, ay saglit kaming namili ng mga gamit ng anak namin at isinama ako ni Galen sa kanyang opisina dahil

    Last Updated : 2023-06-27
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXII: CONFERENCE ROOM

    Mataas ang tensyon na namamagitan sa kanilang lahat hindi man lang nila naramdaman na nabuksan ko na ang pinto.Galit na galit si Mr. Harold, “hindi totoong anak ko si Haya, paano ko s’yang magiging anak? Ang hirap paniwalaan ng sinasabi mo, dahil patay na ang anak. Isa pa ginagamit lang ninyo ‘yan para hindi ko kuhanin ang share ko rito sa kumpanya ninyong palubog na. Mga manggagamit kayo, at hindi ninyo ako mauuto kahit na ipakita mo sa ‘kin yang mga larawan at impormasyon na ‘yan, Galen. Madali lang naman gumawa ng kwento madali lang kumuha ng mga ganyang larawan. Wala akong pakialam kung tuluyang bumagsak ang kumpanya ninyo, nag-aaksaya lang ako ng panahon sa kumpanya ninyo at sa bulok na sistema na meron dito. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit kayo naiisahan ng mga empleyado ninyo, dahil ikaw Galen, kayo ang walang magandang pamamalak –““Nagkakamali ka,” madiin kong saad. Ikinagulat nilang lahat ang pagpasok ko. Hindi ko na matiis ang pinagsasabi ni Mr. Harold, sobrang pang-ii

    Last Updated : 2023-06-27
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXIII: PRIDE

    Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa company ay hindi na muli pumasok si Galen. Sa bahay na niya ginagawa ang kanyang mga gawain para masiguro niyang masamahan ako. “Hon, naka-prepare na ang breakfast. Kumain muna tayo,” tinulungan pa niya akong bumangon at inalalayan patungo sa balkonahe na nasa gilid ng aming silid kung saan nakahain ang pagkain. “Hindi ka ba papasok sa office?” “Hindi na muna, Hon, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit nandito ako sa bahay.” Masarap lahat ng nakahain kaya naman mas natuon ang atensyon ko na kumain muna. Nang matapos ako ay muli akong nagtanong tungkol sa kalagayan ngayon ng kumpanya. “Hon, kumusta na ang company ngayon? Wala bang na apektuhan na empleyado sa biglaang pagkuha ng share ni Mr. Harold, kahit hindi pa lubusan na nakakabawi?” pansin kong natahimik si Galen sa tanong kong iyon. “Meron, Hon, may mga pinagbakasyon muna ako, habang inaayos ang financial status ng company. Pero h’wag kang mag-alala dahil malapit ko ng matapos ang

    Last Updated : 2023-06-27

Latest chapter

  • HIRAYA The Blind Lady   FINALE: HIRAYA

    Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay. Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira. Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya. Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXX: HIRAYA

    “Sino ka ba? Wala akong utang sayo,” sinikap kong itago ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng mamatay rito, kawawa ang mga anak ko.“Ikaw, wala, pero ang tatay mo meron.” Nagimbal ako sa narinig sa kanya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya sinadya pa niyang e-loudspeaker iyon:“Hello my dear, husband, na miss mo ba ako kaya ka tumawag?” malandi niyang bati mula sa kabilang linya.“Walang hiya ka talaga, Mildred, huwag mong idamay ang anak ko. Pakawalan mo si Haya, at ibibigay ko ang perang kailangan mo,” boses iyon ni Papa Harold. Mildred pala ang pangalan ng babaeng baliw na ito. Sayang lang at hindi ko makita ang itsura n’ya, pero sigurado akong kamukha s’ya ng mga kontrabida sa pelikula.“Oh, come on, Harold. Hindi lang pera ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko, ang pagmamahal mo,” pasigaw na saad ni Mildred.“Sige, kapalit ng buhay at kalayaan ng anak ko, ibibigay ko ang gusto mo.”“Talaga?”“Maawa ka sa anak ko, Mildred, pakawalan mo na s’ya.”“Pakakawalan ko,

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXIX: HIRAYA

    Kumalas ako sa pagkakayakap sa asawa ko. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko, at ginawaran pa n’ya ako ng magaan na halik sa ‘king noo. “Do what you know will be good for you, Hon, nasa likod mo kami ng mga anak natin.” Masuyong saad ni Galen. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita. Sa sandaling ito ay ayoko ng umiyak tama na ang mga luhang pinakawalan ko para sa maling akala mula sa ‘king nakaraan. “Anak, mapapatawad mo ba ako? Please patawarin mo ako. Kahit anong kapalit ibibigay at gagawin ko patawarin mo lang ako. Gusto kong maging ama sa’yo kahit sa maikling panahon.” Pakiusap niya sa ‘kin. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. Naramdaman ko ang paghalik ni Galen sa likod ng aking kamay. Ramdam ko rin ang presensya nila daddy at mommy na natuwa sa aking sagot. “Talaga anak?” Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Mr. Harold. Inabot ni Galen ang aking kamay sa kanya. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa ‘kin si Mr. Harold at ginawaran n’ya ng halik ang kam

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXVIII: HIRAYA

    Tahimik din sila mommy sa susunod na mangyayari naramdaman ko ang paghawak ni Galen sa ‘king mga kamay. “Hon, pakinggan natin ang video na dala ni Mr. Harold. Baka ito na rin ang daan para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, alam kong tuwing hating gabi ay lumalabas ka sa balkonahe para doon umiiyak.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Galen, ibig sabihin ay narinig niya ang mga sinasabi ko tungkol sa tatay ko. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya, nahirapan si mama dahil sa kapabayaan n’ya. Kung nasa tabi siya ni mama habang ipinagbubuntis ako at noong ipinanganak ako baka nasustentuhan ng maayos ang pangangailangan namin. Baka hindi ako ipinanganak sa labas ng orphanage habang malakas ang ulan. Baka hindi ako nabulag. Baka napagamot si mama ng mas maaga at humaba pa ang buhay n’ya at baka na tanggap na rin sila ng mga magulang ni Mama Hana, kung naging mabuting asawa at ama s’ya sa amin. “Sige, Harold, pakikinggan namin ang video,” ma

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXVII: UNEXPECTED VISITOR

    Dahan-dahan akong naglakad palabas nang aming silid patungo sa nursery room ng aming mga anak. Gamay ko na rin ang kabuuan ng aming bahay kaya kahit na wala akong kasama ay nakakapaglakad ako mag-isa. “Hon? Bakit hindi mo ako hinintay na makabalik sa silid natin para na alalayan kita.” Boses iyon ni Galen, katatapos lamang niyang mag-jogging. Mas naging health conscious din siya mula nang maaksidente siya, at tuwing weekend ay inilalaan niya ang kanyang oras sa mga anak namin. “Ok lang naman gamay ko na rito sa bahay.” “Ihahatid na kita sa room ng mga anak natin,” inalalayan niya ako sa paglalakad. “Good morning, Ma’am Haya, Sir Galen,” boses iyon ni Cristy. “Gising na ba ang mga baby namin?” “Tulog pa sila, sir, pero maya-maya gigising na rin po sila.” “Sige. Hon, maiwan na muna kita rito maliligo lang ako.” “Buti pa nga para paggising nila nakaligo kana rin.” mabilis naman siyang umalis. “Kumusta ang tulog ng mga baby namin, Cristy?” “Palagi po masarap ang tulog nila, ma’a

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXVI: HOME

    “Naniniwala akong babalik ang paningin mo, Hon,” saad ni Galen sa ‘kin. Nang makarating kami sa bahay ay nandoon ang mga malalapit naming kaibigan. Sina Sister Lucy, Sister Bea, Sir Bryan, Teacher Ann, Richard maging si Lyza na nasa ospital kanina ay nauhan pa kaming makauwi. Sabi n’ya ay s’ya ang punong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Nagkaroon ng salu-salo at masayang nagkuwentuhan sobrang na mis ko rin sila. Kahit na wala akong makita at naninibago sa sitwasyon ko ay pinilit kong maging masaya sa harapan nila. Ang pangarap kong pamilya ay nasa kamay ko na ngayon kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit tila may kulang pa rin sa ‘king pagkatao marahil iyon ang pagbabalik ng aking paningin “Haya, anak,” naagaw ang aking atensyon sa boses na tumawag sa ‘kin. “Sister Bea?” “Ako nga, hindi na kami nakabalik sa ospital may mga kailangan asikasuhin sa orphanage.” Inalalayan pa niya akong makaupo sa silong ng puno na madalas kong tambayan noong buntis pa ako. Nagtataka man ako

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXV: AWAKE

    ILANG sandali lamang ay dumating na si Dr. Flores at Lyza. Dumistansya ako para mabigyan sila ng espasyo, nakita ko ang kanilang ginagawa sa ‘king asawa. Tinulungan pa s’yang makainom ni Lyza, may malay na s’ya, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. “Galen,” tawag sa ‘kin ni Dr. Flores. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “H-hon, Haya,” humigpit ang paghawak n’ya sa ‘kin, luminga-linga pa s’ya sa paligid bago tumingin sa gawi ko. “G-galen?” “Yes, Hon, kumusta na ang pakiramdam mo?” “B-bakit p-puro kulay puti ang n-nakikita ko?” nahihirapan niyang usal. Napatingin ako kay Dr. Flores at Lyza. “H-hon, ang b-baby natin s-safe ba s-sila?” naiiyak na s’ya. “Nasa incubator ang baby ninyo ate, safe na safe na sila. Kaya magpalakas ka para mabuhat mo na ang mga baby mo.” “L-lyza?” “Yes, ate.” “A-anong nangyayari, hindi ko kayo makita?” “Nakaranas ka ng temporary blindness. Habang wala kang malay nag-undergo ka ng cesarian session para ilabas ang baby ninyo. Bumaba rin ang pulse

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXIV: LIFELESS

    Lyza: Oh, my God. Wala kayo sa ambulance?Galen: Wala.Lyza: Ok, sige, ituloy mong bigyan s’ya ng hangin hanggang sa makarating kayo sa ospital. H’wag kang mataranta, ok. Pupuntahan ko kayo.Nang makapagbigay ng instruction si Lyza ay naputol na ang aming pag-uusap. Ilang beses kong inulit-ulit ang pagbibigay ng hangin sa asawa ko bago makarating sa ospital. Pagdating namin ay sumalubong sa ‘min sina Dra. Mendez, Dr. Flores, Nurse Lyza at may dalawa pang doctor silang kasama.“Doc, please iligtas ninyo ang mag-iina ko.”“Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya,” saad ni Dra. Mendez bago sila tuluyang nagtungo sa emergency room. Sumama rin si Lyza sa loob ng Emergency Room.“Sir, tumawag si Donya Ysabel papunta na rin sila rito ng daddy mo,” saad ni Cristy.Ngunit tila wala akong narinig, wala akong tigil sa paglalakad ng pabalik-balik. “Sir, nahihilo na ako sa’yo, maupo ka muna rito ipagdasal natin sila ma’am,” hindi na nakatiis si Cristy na sitahin ako. Tumigil naman ako at

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXIII: PRIDE

    Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa company ay hindi na muli pumasok si Galen. Sa bahay na niya ginagawa ang kanyang mga gawain para masiguro niyang masamahan ako. “Hon, naka-prepare na ang breakfast. Kumain muna tayo,” tinulungan pa niya akong bumangon at inalalayan patungo sa balkonahe na nasa gilid ng aming silid kung saan nakahain ang pagkain. “Hindi ka ba papasok sa office?” “Hindi na muna, Hon, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit nandito ako sa bahay.” Masarap lahat ng nakahain kaya naman mas natuon ang atensyon ko na kumain muna. Nang matapos ako ay muli akong nagtanong tungkol sa kalagayan ngayon ng kumpanya. “Hon, kumusta na ang company ngayon? Wala bang na apektuhan na empleyado sa biglaang pagkuha ng share ni Mr. Harold, kahit hindi pa lubusan na nakakabawi?” pansin kong natahimik si Galen sa tanong kong iyon. “Meron, Hon, may mga pinagbakasyon muna ako, habang inaayos ang financial status ng company. Pero h’wag kang mag-alala dahil malapit ko ng matapos ang

DMCA.com Protection Status