Home / Romance / He Hates Me But He Loves Me / Kabanata 81 - Kabanata 90

Lahat ng Kabanata ng He Hates Me But He Loves Me: Kabanata 81 - Kabanata 90

99 Kabanata

Chapter 81

Lumipas ang ilang araw, ngunit hindi pa rin makabangon si Luna mula sa sakit ng pagkawala ni Santino. “Anak, bumangon ka na riyan. Nariyan si Santino,” tawag ng ina niya mula sa labas ng silid. Napabalikwas siya ng bangon, nanlaki ang mga mata, at mabilis na hinanap ang sarili sa salamin. Halos mapamulagat siya, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Si Santino? Narito siya? Mabilis niyang tinanggal ang kumot at tumakbo palabas ng kwarto. Halos matalisod pa siya sa pagmamadali. Ngunit sa pagbukas niya ng pinto—walang Santino. Walang kahit anong bakas ng presensya nito. Dahan-dahan siyang napahawak sa dibdib niya habang humihingal, ang bigat ng nararamdaman ay bumalik nang buo. Panaginip lang pala… Napaupo siya sa gilid ng kama, pilit pinipigilan ang luhang gustong pumatak. Ilang araw na ang lumipas, pero hindi niya pa rin kayang tanggalin si Santino sa isip niya. Akala niya, kaya na niyang tanggapin… pero bakit gano’n? Bakit pakiramdam niya, parang mas lalo lang siyang nawa
last updateHuling Na-update : 2025-03-17
Magbasa pa

Chapter 82

Santino’s POV Masakit ang ulo ko. Napabalikwas ako ng bangon, bahagyang napapikit nang maramdaman ang bigat sa sentido. Diretso ako sa opisina kagabi, hindi na nag-abala pang umuwi. May silid-tulugan naman dito, kaya doon ko na lang itinuloy ang gabi. Huminga ako nang malalim habang umupo sa gilid ng kama. Pumikit ako, pero imbes na makapagpahinga ang utak ko, bumalik sa akin ang usapan namin ni Matteo kagabi. "Papakasalan ko si Luna." Napamura ako nang mahina. Ano bang pakialam ko? Matagal nang tapos ang lahat sa amin ni Luna. Siya ang unang nakalimot. Siya ang lumayo. Siya ang hindi bumalik. Hindi ako ang may kasalanan. Humalukipkip ako at sumandal sa pader, pilit na inaalis ang kung anumang bumabagabag sa isip ko. May Chelsey na ako. Tama. Si Chelsey ang naroon nang kailangan ko ng kasama. Si Chelsey ang tumulong sa akin para makalimutan si Luna. Si Chelsey ang kasama ko ngayon—at siya ang dapat kong alalahanin. Pero bakit kahit anong pilit kong itanim sa isip k
last updateHuling Na-update : 2025-03-17
Magbasa pa

Chapter 83

Luna’s POV Akala ko, tapos na ako. Akala ko, makakahinga na ako nang maluwag. Pero mali ako. Isang babae ang pumasok sa silid—matangkad, nakasalamin, at halatang mataray. Siya pala ang secretary ni Santino. May dala siyang tambak na files, halos hindi ko na makita ang mukha niya sa dami ng papel na bitbit niya. Ibinagsak niya iyon sa mesa sa harapan ko, saka tumingin sa akin nang may bahagyang pagmamataas. "Aasikasuhin mo ‘to," aniya, sabay tulak ng mga papel sa direksyon ko. "Ayusin mo yan by alphabetical order. Kailangang tapos ‘yan bago mag-alas-singko." Napakurap ako. Sandali, ano? Halos natapos ko na nga ang pag-aayos ng files dito, tapos may panibago pa? Pero hindi ako nagreklamo. Kahit gusto kong magtanong kung bakit ako pinapahirapan nang ganito, pinigilan ko ang sarili ko. "Sige po," matipid kong sagot. Umalis ang secretary na parang wala lang, iniwan akong mag-isa kasama ang sandamakmak na papel. Napabuntong-hininga ako bago sinimulan ang gawain. Isa-isa kong
last updateHuling Na-update : 2025-03-17
Magbasa pa

Chapter 84

Santino’s POV Tahimik kong pinagmamasdan si Luna habang inaayos ang huling batch ng mga papel sa storage room. Halatang pinipilit niyang tapusin ang trabaho kahit nanghihina pa rin siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa determinasyon niya o mainis sa katigasan ng ulo niya. Matapos ang ilang minuto, tumayo siya at marahang lumabas ng storage room. Nakataas ang baba niya, para bang gusto niyang ipakita na ayos lang siya, na kaya pa niya. Pero hindi pa siya nakakalayo nang bigla siyang huminto. Kumunot ang noo ko nang makita ang bahagyang pagnginig ng kamay niya. Isang saglit lang—nanginig ang katawan niya at biglang nandidilim ang paningin niya. Nakita ko ang pag-ika ng mga paa niya, ang unti-unting pagkawala ng kontrol sa katawan niya. “Luna—” Mabilis akong umabante para alalayan siya, pero bago ko pa siya maabot, isang kamay ang humarang sa dibdib ko. Si Chelsey. “Huwag, Santino,” malamig niyang bulong. “Hayaan mo siya.” Napatingin ako kay Chelsey, ngu
last updateHuling Na-update : 2025-03-17
Magbasa pa

Chapter 85

Luna’s POV Naramdaman kong may mainit at matigas na bagay na nakadikit sa katawan ko. Dahan-dahan akong dumilat, at halos manlaki ang mata ko sa nakita. Si Santino. At hindi lang basta si Santino—kundi si Santino na walang suot na damit pang-itaas, mahimbing ang tulog, at ang isang braso niya ay mahigpit na nakayakap sa bewang ko. Napatingin ako sa sarili ko—nakabra lang ako at nakapanty! Tangina! Anong nangyari kagabi?! Halos mapatili ako, pero agad kong tinakpan ang bibig ko. Ang puso ko ay parang may sariling buhay na mabilis ang tibok. Teka, teka! Kalma lang, Luna! Baka naman may logical explanation dito. Dahan-dahan kong sinubukang kumalas sa pagkakayakap niya, pero sa bawat kilos ko, lalong humihigpit ang yakap niya. “Ugh…” Ungol ni Santino, at bahagyang gumalaw. Napasinghap ako at nanigas sa pwesto ko. Dahan-dahan siyang dumilat, at nagtagpo ang mga mata namin. Ilang segundo kaming nakatitig lang sa isa’t isa, parehong nag-aalanganin. Hanggang sa… Napa
last updateHuling Na-update : 2025-03-17
Magbasa pa

Chapter 86

Luna POV Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking parang naka-angkas na sa buhay ko. Ano ba 'to? Kanina pa sila rito at parang wala silang balak umalis. Akala mo naman sila ang may-ari ng bahay! “Hindi pa ba kayo aalis?” iritable kong tanong, nakapamewang habang nakatayo sa harapan nila. “Wala ba kayong trabaho ngayon?” Sabay na tumingin sa akin sina Santino at Matteo, parehong may kumpiyansang ekspresyon sa mukha. Para bang wala silang narinig. Ang Inay ko? Aba, tumatawa lang habang patuloy na hinahalo ang niluluto niyang sinigang sa kusina. Mukhang nag-eenjoy siyang panoorin akong naiirita! “Ano ka ba, Luna? Tutulungan ka nga namin sa gawaing bahay,” sagot ni Santino, sabay angat ng isang kilay na parang nagyayabang. “Talaga lang, ha?” sinuklian ko siya ng matalim na tingin. Kailan pa siya naging interesado sa gawaing bahay? “Siyempre naman,” sabat ni Matteo, kaswal na nag-crack ng mga daliri. “Kaya ko ngang gawin lahat ng gawaing bahay nang m
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa

Chapter 87

Luna POV Nagmamadali akong lumabas ng bahay, bitbit ang bag at suot ang simpleng office attire ko. Kailangan kong makarating nang maaga sa trabaho, lalo na’t nagsisimula pa lang ako. Ngunit habang naglalakad papunta sa gate, may napansin akong dyaryo na nakapatong sa mesa sa may sala. Monteclaro Daily. Napakunot-noo ako. Hindi naman nagbabasa ng dyaryo si Inay, kaya sino ang nag-iwan nito? Napahinto ang mga mata ko sa isang headline sa harap. At doon ako napatigil. "KASALAN NG TAON: BUSINESS TYCOON SANTINO MONTECLARO AT CHELSEY EVANS, IKAKASAL NA!" Napanganga ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang beses kong binasa ang nakasulat, umaasang namamalik-mata lang ako. Pero hindi. Maliwanag ang bawat letra. Ang pangalang nakasulat doon ay walang iba kundi Santino Monteclaro. Nalaglag ang bag ko sa sahig. "Imposible..." mahina kong bulong, pero sa lakas ng kabog ng dibdib ko, parang dumadagundong ito sa buong bahay.
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa

Chapter 88

Luna’s POV Nang gabing iyon, hindi ko inasahan ang tawag ni Carla. Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya mula sa kabilang linya. "Lunaaaa! Oh my gosh! Hindi ka pa ba nagche-check ng emails mo?!" sigaw niya, halatang hindi na siya makapaghintay na ibalita ang kung anuman ang nagpapasabik sa kanya. Nagtaas ako ng kilay habang nakaupo sa kama. "Ha? Anong email? Wala akong idea, Carla. Ano ba 'yon?" Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin sa kabilang linya, para bang hindi siya makapaniwala na hindi ko pa nababasa ang tinutukoy niya. "Luna, girl! 'Yung kumpanya na pinag-aaplayan natin abroad—approved na! Pasado tayo, Luna! Ibig sabihin, aalis na tayo papuntang ibang bansa! This is it! Matutupad na ang pangarap natin!" Natulala ako saglit. Hindi agad nagsink-in sa akin ang sinabi niya. Approved? Natanggap kami? Napatingin ako sa cellphone screen ko, para bang kailangan kong makita kung totoo ang narinig ko. Hindi ko namalayan na napanganga ako sa gulat. "Totoo ba 'yan, C
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa

Chapter 89

Third POV Tahimik lang si Luna habang nakaupo sa waiting area ng airport kasama ang kanyang mga kaibigan. Ilang beses siyang napatingin sa kanyang cellphone, umaasang may tawag o mensahe mula kay Santino. Pero wala. Ni isang notification, ni isang simpleng goodbye—wala. Napalunok siya at pinilit na ngumiti habang nakikinig sa usapan ng kanyang mga kasama. Pero kahit anong pilit niyang idaan sa tawa ang sakit, alam niyang sa loob-loob niya, unti-unti na siyang bumibigay. “Boarding time na, Luna,” tawag ng isa niyang kaibigan. Tumango siya at bumuntong-hininga. Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag, pilit na pinapalakas ang loob. Pero sa bawat hakbang papunta sa eroplano, ramdam niya ang bigat sa kanyang dibdib. Habang nasa loob na sila ng plane, doon na tuluyang bumigay ang kanyang pakiramdam. Pinunasan niya ang luha sa pisngi, pero may mga kasunod pa rin itong tumulo. Mas lalo siyang napalayo kay Santino. At sa pagkakataong ito, alam niyang hindi na siya maaaring lumingo
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa

Chapter 90

Luna’s POV Matapos ang lahat ng nangyari, unti-unti kong nararamdaman ang pagbabago sa sarili ko. Hindi ko na hinayaang lamunin ako ng sakit na dulot ni Santino. Hindi ko na rin hinayaan ang sarili kong maghintay sa kanya. Dito sa bago kong trabaho, kasama ang mga kaibigan ko, pakiramdam ko ay may bagong simula. Isang bagong pagkakataon para sa sarili ko. "Luna, bilisan mo naman! May meeting pa tayo!" sigaw ni Mae habang naglalakad ako papunta sa opisina namin. "Oo na! Sandali lang," sagot ko habang inaayos ang ID ko. Pagkapasok sa loob, bumungad sa akin ang bago naming proyekto. Kailangan naming magplano para sa isang malaking event, at ako ang in-charge sa coordination. Dati, hindi ko maisip ang sarili kong may ganitong klaseng responsibilidad, pero ngayon, gusto kong patunayan na kaya ko. Habang abala sa trabaho, napansin kong mas madalas na akong ngumiti. Mas kaya ko nang makipagbiruan sa mga kasamahan ko. Hindi na ako parang isang taong laging may dinadala sa dibdib.
last updateHuling Na-update : 2025-03-18
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status