Home / Romance / He Hates Me But He Loves Me / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of He Hates Me But He Loves Me: Chapter 61 - Chapter 70

99 Chapters

Chapter 61

LUNA POV Pagpasok ko sa quarters ng mga kasambahay, hindi ko inaasahan ang presensya ni Santino. Nakapangalumbaba siya sa lamesa, nakatingin sa akin na parang may pinaplanong sermon. "Bakit ngayon ka lang umuwi?" malamig niyang tanong, ngunit halata sa tono ang inis. Napangiti ako. "Naglakad-lakad lang kasama si Jake. Ang saya nga eh—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumayo. Lumapit siya sa akin, at sa isang iglap, nasa harapan ko na siya. "Luna, gabi na. Alam mo namang hindi safe sa labas, lalo na kung kung kani-kanino ka sumasama." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Kung kani-kanino?" Napailing ako. "Jake ang kasama ko, at kaibigan natin siya, 'di ba?" "Hindi ko sinabing hindi siya mabuting tao," sagot niya, pero kita ko ang paninigas ng panga niya. Lumapit ako para yakapin siya—o kahit man lang dampian ng halik sa pisngi tulad ng dati naming ginagawa—pero umiwas siya. Napahinto ako. Napalunok. Hindi ko alam kung bakit biglang nanikip
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 62

LUNA’S POV Pagdating ko sa school, agad akong sinalubong ni Jake. Naka-ngiti siyang lumapit at inakbayan ako. "Good morning, Luna! Sabay na tayo sa cafeteria? May bago raw silang tinitindang milktea doon." Napangiti ako. "Sige, pero sagot mo." Napahalakhak si Jake. "Gano'n? Mukha yatang gusto mong manlibre ako ngayon, ah?" Sasagot pa sana ako nang biglang napahinto si Jake at tumingin sa isang direksyon. "Aba, nariyan pala si bossing." Napalingon ako at nakita ko si Santino kasama ang girlfriend niya. Magkahawak-kamay ang dalawa habang may sinasabi ang babae sa kanya, pero halata sa mukha ni Santino na hindi ito nakikinig nang maayos. Ngumiti ako. "Oh, nariyan na ang lovebirds." Pero nang tumama ang tingin ko kay Santino, imbes na ngitian din niya ako pabalik, isang malamig na tingin lang ang isinagot niya. Para bang naiinis siya… o may bumabagabag sa kanya. Nagtaka ako. Bakit parang ang sungit niya? Dati naman, kahit may girlfriend siya, hindi niya ako tinitingnan n
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 63

SANTINO’S POV Napansin ko na lang na unti-unting lumalayo si Luna. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero mula nang maging kami ni Denise, parang may malaking pader na namamagitan sa amin ng best friend ko. Dati, siya mismo ang kusang lumalapit sa akin. Siya ang unang nagme-message, unang sumasalubong sa akin sa hallway, unang nagyayayang kumain sa cafeteria. Pero ngayon, ni hindi ko na nga siya makausap nang matagal. At mas lalo kong napansin kanina—ayaw niyang sumabay sa amin ni Denise pauwi. Noon, kahit anong pilit ko, kahit anong pang-aasar ko, sasama ‘yon. Pero ngayon? Wala. Nakita kong mabilis siyang naglakad palayo, hindi man lang lumingon. "Santino, let’s go," sabay hawak ni Denise sa braso ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Tumango lang ako at pumasok sa sasakyan. Habang nagda-drive ako, hindi ko maiwasang mapaisip. Lumalayo ba talaga si Luna? O ako lang ang hindi nakapansin na matagal na siyang lumulayo? Tahi
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 64

Habang naglalakad sila sa plaza, napadako ang tingin ni Luna sa isang vendor na nagbebenta ng iba't ibang klase ng pagkain. Napahinto siya at biglang tinapik si Santino. "Tingnan mo ‘yon oh," turo niya sa isang stall na may nakahilerang mahahabang saging na binalot ng caramelized sugar. "Ang laki, ‘no?" Napahinto si Santino at tumingin sa direksyon na tinuturo ni Luna. Pagtingin niya sa saging, napangisi siya. "Mahilig ka pala sa mahahaba, Luna." Napakunot-noo siya. "Ha?" Lumingon si Santino sa kanya na may mapanuksong ngiti. "I mean, sa pagkain. Mahilig ka pala sa mahahabang pagkain." Namula si Luna at mabilis siyang bumawi. "Duh, anong iniisip mo?!" kinuha niya ang isang stick ng banana cue at sinadya niyang dahan-dahang kagatin ito habang nakatingin kay Santino. "Tingnan mo, ang sarap pa." Napakagat-labi si Santino at umiling habang tumatawa. "Luna, kung hindi kita kilala, iisipin kong sinasadya mo ‘yan." Sinamaan siya ng tingin ni Luna pero halatang aliw na aliw ito
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 65

Habang nasa classroom, masayang nagkukwentuhan si Luna at ang kanyang mga kaklaseng babae tungkol sa nalalapit na socialization event sa school. "Sino kaya ang magiging partner natin sa sayaw?" tanong ng isa sa kanila, sabik na sabik sa ideya ng isang eleganteng gabi. "Sana magka-partner tayo ng crush natin!" sabat naman ng isa, kinikilig habang pasimpleng tumingin sa isang grupo ng lalaki sa kabilang bahagi ng silid. Ngumiti lang si Luna at umiling. Hindi naman siya ganoon ka-excited tulad ng iba. Para sa kanya, isa lang itong simpleng event kung saan magsasaya ang lahat. Pero syempre, may isang bagay siyang kinatatakutan—baka hindi siya piliin ni Santino bilang partner. "Luna, ikaw? Sinong gusto mong maging partner?" biglang tanong ng isa sa kanya. Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Kahit sino. Hindi naman ako choosy." Pero sa loob-loob niya, alam niya kung sino ang gusto niyang makasama. Kaya lang, may girlfriend na ito. At hindi niya alam kung may lugar pa siya sa mund
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 66

Luna POV "Hindi na muna kita lalapitan, Santino." Mahina lang ang bulong ni Luna sa sarili habang patuloy siyang naglalakad pauwi. "Kung lakas-loob kitang kausapin, baka buong eskwelahan pa ang magalit sa akin. Ayoko ng gulo." Pagkarating niya sa mansion, nagbuntong-hininga siya at pumasok sa quarters ng mga kasambahay. Akala niya ay makakapagpahinga na siya, pero agad siyang tinawag ng kanyang mama. "Luna, anak, pakilagay nga ang mga nilabhan kong damit ni Santino sa kwarto niya," utos nito habang abala sa paghuhugas ng pinggan. Nanlaki ang mga mata ni Luna. "Ha? Bakit ako? Eh, hindi ba pwedeng ikaw na lang, Ma?" "Huwag ka nang makulit. Abala ako rito, saka mabilis lang ‘yan. Wala naman si Santino sa kwarto niya, nasa baba pa ‘yon," sagot ng kanyang ina bago siya sinenyasan na dali-dali nang tapusin ang gawain. Wala nang nagawa si Luna kundi kunin ang mga damit at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kwarto ni Santino, pilit pinapa
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 67

Habang tahimik na nagtatago si Luna sa loob ng closet, halos hindi siya makahinga sa kaba. Pinakiramdaman niya ang bawat galaw sa labas. Lumabas si Santino, pilit na pinapanatiling kalmado ang sarili. "Oh, Denise, andito ka na pala," aniya, pilit na nililihis ang usapan. "Ang tagal mo namang lumabas," reklamo ni Denise, sabay akbay kay Santino. Pero bago pa makasagot si Santino, napansin nito ang mama ni Luna na nakatayo sa gilid ng kama. "Ay, Manang, ano pong ginagawa ninyo rito?" tanong ni Denise. "Ilalagay ko lang sana 'tong mga tiniklop na damit ni Santino sa closet," sagot ng mama ni Luna habang papalapit sa pinto ng closet. Halos lumuwa ang mata ni Santino. Tangina! Hindi puwedeng makita si Luna sa loob! Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng mama ni Luna. "Ako na po d'yan, Manang. Sige na po, magpahinga na kayo," aniya, pilit na nginingitian ito. "Naku, hindi, iho. Ako na, sandali lang naman ito," sagot ng matanda, pilit na tinutulak ang kamay ni Santino para makal
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 68

Luna’s POV Pagkapasok ko sa kwarto, agad akong dumapa sa kama at tinakpan ang mukha ko ng unan. Ano ba ‘yon?! Ramdam ko pa rin ang init sa mukha ko habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina sa loob ng closet. Bakit kasi ang lapit niya? Napapikit ako nang mahigpit habang naaalala ko kung paano halos magkadikit ang katawan namin ni Santino. Ang init ng katawan niya, ang bango niya, at higit sa lahat—ang katawan niya! Napahiga ako nang diretso at hinampas ang unan. Sht! Bakit ako kinikilig?! Hindi pwede ‘to!* Pero kasabay ng kilig, may inis din akong nararamdaman. Kasi pagkatapos ng lahat ng ‘yon, nakita ko siyang naghahalikan sila ni Denise. Ano ba naman ‘yun, Luna! Kahit kailan, hindi ikaw ang pipiliin ni Santino! Tama na ‘tong ilusyon mo! Pero kahit anong pilit kong itanggi, hindi ko maalis ang kakaibang pakiramdam sa loob ng puso ko. Paano kung... talagang mai-in love na ako sa kanya? "Hindi… Hindi ako pwedeng ma-in love sa kanya." Napalunok ako haba
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 69

Pagkauwi nila mula sa mall, napansin nilang tahimik na ang buong mansyon. Madilim na ang paligid, tanging ilaw sa hallway at sala ang bukas. Pagod man sa buong araw ng pamamasyal at kakatawa, nanatili ang kasiyahan sa mukha ni Santino. Pagpasok sa loob, agad na bumaling si Santino kay Luna at nakangiting sinabi, “Sabi ko naman sa’yo, tabi tayong matulog, ‘di ba?” Napakunot ang noo ni Luna at agad na tumanggi. “Ano ka? Hindi na tayo mga bata! Dalaga at binata na tayo, Santino. Huwag kang ewan.” Napahagalpak ng tawa si Santino. “Eh ano naman? Hindi naman kita kakainin. Saka dati naman tayong magkatabi matulog, ‘di ba?” “Dati ‘yon! Bata pa tayo nun!” asik ni Luna, binigyan siya ng masamang tingin. Ngunit sa halip na umurong, mas lalo pang lumapit si Santino, nakangisi. “So? Anong pinagkaiba? Pareho pa rin naman tayo, Luna. Ako pa rin ‘to, si Santino. At ikaw pa rin si Luna na laging inis sa akin pero hindi naman makatanggi kapag ako na ang nagyaya.” Napasinghap si Luna at nam
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 70

Napakurap si Luna at agad na umiwas ng tingin kay Santino. Hindi niya alam kung tama pa ba ang ginagawa nila—ang mga titig na iyon, ang tahimik na espasyong bumabalot sa kanila, at ang hindi maipaliwanag na tensyon sa pagitan nila. "Santino... hindi pwede," mahina niyang sabi, pilit na kinakalma ang sariling damdamin. "May girlfriend ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon." Napabuntong-hininga si Santino, pero hindi niya inalis ang titig niya kay Luna. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko ngayon, Luna? Sa tingin mo ba, kung talagang mahal ko si Denise, nandito ako ngayon kasama mo?" Napalunok si Luna. Gusto niyang magalit. Gusto niyang pagalitan si Santino dahil sa pagiging pabaya sa relasyon nito, pero mas nagagalit siya sa sarili niya. Dahil bakit siya kinakabahan? Bakit parang mas gusto niyang manatili rito kaysa lumayo? "Santino, tama na," mariin niyang sabi, kahit pa ang sariling puso niya ay parang sumisigaw ng kabaligtaran. "Hindi ko kayang—" Bigla siyang natigilan nan
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status