After 4 years"Congratulation anak, hanga kami ng tatay mo na nakapagtapos ka na ng pag-aaral mo. Ngayon magkokolehiyo ka na, sana pagbutihin mo pa para makamit mo ang iyong minimithi," ngiting sabi ni inay at itay.Tipid akong ngumiti, "Salamat po inay itay, pagbubutihin ko pa po ang pag aaral ko para po sa atin, kayo po ang inspirasyon ko, tutuparin ko po lahat ng mga pangarap natin.""Anak pagkatapos mo dito pumunta ka kina lolo at lola Fermina mo, may ibibigay daw siya sayong regalo.""Naku kapag nalaman na naman ito ni Sebastian lalo ka na naman iinisin yun. Dalaga at binata na kayo at baka yung pang iinis niya sayo magkatuluyan kayong dalawa," biro ni tatay. "Tay, may gf na iyon at kahit kailan hindi magkakagusto yun sa akin.""Tignan nga natin kung hindi siya mafall sayo sa gandang mong yan," dagdag pa ni tatay."Itay masyado mataas ang standard nun, isa pa isa pa rin akong nerd na kinaiinisan niya," giit ko."Oh anak ibigay mo na itong pinitas namin ng tatay mo. Mga sariwang
Nakatulog ako sa pag iisip kung paano ko pakikitunguhan ng maayos si Sebastian lalo na kapag nasa iisang bubong kami nakatira. Araw araw na kaming magkikita dito. Haist! paano na iyan baka hindi ko kayanin ang pang iinis niya sa akin bahala na nandiyan naman si lolo at lola.May kumatok sa pintuan, tumayo ako agad upang pagbuksan kung sino ang kumakatok. Bumungad sa akin si Sebastian pagkabukas ko ng pintuan.Kunot noong nakatingin sa akin at nakapameywang pa ito sa harap ko. "Hindi ka prinsesa dito para magkulong ka lang dito sa loob ng silid. Oras na ng hapunan patulog tulog ka lang diyan," naiinis na sabi niya."Sorry po napagod lang po ako sa pangangabayo kanina. Pinagpahinga muna ako ni lola kaya nakatulog ako," nakayukong sabi ko."Sumunod ka na sa baba, kakain na tayo." Galit niyang sabi.Pababa na ko ng hagdan, nadatnan ko na ang mga ito sa hapag-kainan. Tahimik akong nagtungo roon."Sa tabi ka na lang ni Sebastian tumabi Marina," sabi ni lola.Hindi ko alam kung uupo ba ako
Nasa kalagitnaan kami ni kuya Antony sa pangangabayo nang may makita akong isang kabayo na may sakay na dalawang pares at walang iba kundi si Sebastian at ang gf niyang si Sofie. Naabutan niya kami dahil sa bilis ng pagtakbo ng kanilang kabayo dahil magaling naman si Sebastian sa pangangabayo. Simula pagkabata daw niya ay nakahiligan na niya itong sumakay sa kabayo sabi ng lolo ni Sebastian."Ang taba mo kasi Babs kaya nila tayo naabutan," pangungutya nito sa akin."Tse! tumigil ka na nga lang kuya. Hindi naman nakakatulong yang pang aasar mo sa akin eh. Saan ba sila pupunta, bakit parang tayo tuloy sumusunod sa kanila?" "Baka sa ilog din ang punta nila," sabi nito. Lumiko na nga sila at ganoon din kami. Tanaw ko na huminto na ang kabayo nila. Huminto na din kami ni kuya Antony pagkarating namin. Biglang natanggal ang suot kong salamin sa mata nang hindi masadyang napasubsob ang aking mukha sa likod ni kuya Anthony kaya ito nahulog ito sa lupa."Kuya ang salamin ko pakipulot.""Sorr
Sebastian (POV)Sobrang saya ni Marina kay Anthony habang nag wiwisikan sila ng tubig sa ilog. May angkin ganda din siya nang matanggal ang salamin sa mata niya ngunit mataba nga lang at narinig kong babs pa ang tawag ni Anthony kay Marina. Nakakatawa nga lang ngunit hindi ko pinahalata kay Sofia na madalas ang pagsulyap ko sa kanila. Bagay naman silang dalawa at wala din akong pakialam kung may relasyon ang dalawa.Nauna ng umuwe ang dalawa at sumunod na lang kami ni Sofia pero naunahan ulit namin sila. Ikaw ba namang may baboy kang nakasakay sa kabayo at dahil sa bigat ay hindi makatakbo ng maayos yung kabayo.Kahit kailan talaga ang baboy niyang kumain at matakaw pa din hanggang ngayon. Kaya hindi pumapayat dahil sa katakawan niyang kumain.Umakyat muna ko sa aking kuwarto para makapagpahinga ng konti at iniwan ko muna sa ibaba si Sofia kasama sina lolo at lola.Pagbukas ko ng pintuan ay may narinig akong kumakanta, hindi ko siya gaanong marinig kaya nagtungo ako sa bintana dahil
"Marina, pinapatawag ka ni sir Sebastian sa office niya." sabi ng isa kong kaklase. "Bakit daw?""Hindi ko alam basta pumunta ka na lang daw doon."Uwian na namin pero pinapatawag pa ako, ano naman kaya ang ipag uutos nun, anas ko.Bitbit ko ang bag na bigay sa akin ni lola Fermina, lahat ng gamit ko ay siya ang nagbigay. Kailangan ko na talagang magpapayat para hindi ako palaging napapagod sa paglalakad, ang layo pa naman ng office ni sir Sebastian. Sir na pala ang tawag ko sa kaniya dahil siya ang aming Prof. Pero panay utos niya sa akin kaya ako nabubuwisit. Pagod na ko maghapon sa klase tapos uutusan na naman niya ko. Ano ako PA niya sabi ng isip ko.Fifteen minutes ang tinagal ko sa paglalakad makarating lang sa kaniyang office. Halos pumutok na ang suot kong uniporme dahil sa hapit nito sa akin. Nag aalat na din ang pawis ko sa sobrang pagod sa paglalakad.Kinuha ko muna ang panyo para punasan ang pawis sa mukha. Naging pawisin na ko ngayon dahil nananaba na naman ako. Hindi k
Pumasok ako sa loob ng aking silid na mabigat ang pakiramdam ko. Tila naninikip itong dibdib ko dahil sa mga sinabi ni lola. Namamaalam na kaya si lola kaya ganun na lang ang mga sinasabi niya, sa loob loob ko.Isang linggo na ang nakalipasHindi na kami sabay sabay na kumakain dahil madalas na wala si Sebastian dito sa mansion, palagi itong wala at kami lang ni lolo ang magakasalo sa hapag kainan. Si lola ay sa silid na din ito kumakain.Madalas na akong hindi kumakain ng marami dahil goal ko na talaga ang magpapayat. Napansin naman iyon ni lolo dahil sa kaunti lang ang nababawas na pagkain sa hapag.Tuluyan ng bumagsak ang katawan ni lola at namayat na ito ng husto na ikinabahala naman ni lolo. Nagiging matamlay na din ito dahil sa nakikitang nahihirapan sa kalagayan ng kaniyang minamahal na asawa.Ilang araw na lang at kaarawan na ni Sebastian. Sana maabutan pa ni lola ang kaniyang kaarawan. Pero ako ay dalawang buwan pa bago ang kaara
Nagpunta agad ako sa sementeryo upang dalawin ang puntod nila lolo at lola ng matapos ang klase namin. Pero hindi ko inaasahang makita si Sebastian dahil nandirito din siya. Una kong tinungo ang puntod ni lola dahil naroon si Sebastian sa puntod ng kaniyang lolo. Tumingin sa akin si Sebastian na malungkot ang kaniyang mga mata. May bahid pang mga luha sa kaniyang mga mata dahil galing ito sa pag iyak.Nanatiling tahimik ang pagdalaw namin sa kanilang mga puntod at ni isa walang gustong magsalita sa amin. "Tama bang naririto ka pa at kailangan pang manatili ka pa sa bahay ngayong alam mong wala na sina lolo at lola na masasandalan mo," madiing sabi niya.Yun ang mga katagang binigkas ni Sebastian sa akin ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ay naaawa lang ako sa kaniya dahil wala na itong katuwang sa buhay. Tanging nag iisa na lang ito sa Monteclaro clan. Ang kwento sa akin ni lola ay may kapatid daw na babae si lolo ngunit matagal na itong nawawala. Pinahanap nila kahit saang parte
Simula ng malaman naming dalawa ni Sebastian ang huling habilin nila lolo at lola parang mas lalo lang itong naging galit sa akin halos araw araw na niya akong inaaway dito sa loob ng mansion minsan pinapahiya niya na din ako sa eskwelahan. Ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayong sa umpisa pa lang ay parang gusto ko ng sumuko at umalis na lang pero hindi iyon hahayaan ni Sebastian na aalis ako hanggat hindi pa ko naikakasal sa kaniya na hanggat hindi pa nakapangalan sa kaniya ang mga ari arian ng mga Monteclaro clan."Hey wake up." Boses iyon na galit na si Sebastian. "B-Bakit?" pautal kong tanong sa kaniya. Biglang kumunot ang kaniyang noo pagkatanong ko sa kaniya habang nakaupo sa kama dahil kababangon ko lang at nakatakip pa lang ang kumot hanggang beywang ko.Bigla na lang niya ako hinila hanggang sa napasubsob na lang ako sa sahig kaya napahawak na lang ako sa nananakit kong katawan. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya habang ang mata nito ay nanlilisik sa galit. Luma
Luna’s POV Naramdaman kong may mainit at matigas na bagay na nakadikit sa katawan ko. Dahan-dahan akong dumilat, at halos manlaki ang mata ko sa nakita. Si Santino. At hindi lang basta si Santino—kundi si Santino na walang suot na damit pang-itaas, mahimbing ang tulog, at ang isang braso niya ay mahigpit na nakayakap sa bewang ko. Napatingin ako sa sarili ko—nakabra lang ako at nakapanty! Tangina! Anong nangyari kagabi?! Halos mapatili ako, pero agad kong tinakpan ang bibig ko. Ang puso ko ay parang may sariling buhay na mabilis ang tibok. Teka, teka! Kalma lang, Luna! Baka naman may logical explanation dito. Dahan-dahan kong sinubukang kumalas sa pagkakayakap niya, pero sa bawat kilos ko, lalong humihigpit ang yakap niya. “Ugh…” Ungol ni Santino, at bahagyang gumalaw. Napasinghap ako at nanigas sa pwesto ko. Dahan-dahan siyang dumilat, at nagtagpo ang mga mata namin. Ilang segundo kaming nakatitig lang sa isa’t isa, parehong nag-aalanganin. Hanggang sa… Napa
Santino’s POV Tahimik kong pinagmamasdan si Luna habang inaayos ang huling batch ng mga papel sa storage room. Halatang pinipilit niyang tapusin ang trabaho kahit nanghihina pa rin siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa determinasyon niya o mainis sa katigasan ng ulo niya. Matapos ang ilang minuto, tumayo siya at marahang lumabas ng storage room. Nakataas ang baba niya, para bang gusto niyang ipakita na ayos lang siya, na kaya pa niya. Pero hindi pa siya nakakalayo nang bigla siyang huminto. Kumunot ang noo ko nang makita ang bahagyang pagnginig ng kamay niya. Isang saglit lang—nanginig ang katawan niya at biglang nandidilim ang paningin niya. Nakita ko ang pag-ika ng mga paa niya, ang unti-unting pagkawala ng kontrol sa katawan niya. “Luna—” Mabilis akong umabante para alalayan siya, pero bago ko pa siya maabot, isang kamay ang humarang sa dibdib ko. Si Chelsey. “Huwag, Santino,” malamig niyang bulong. “Hayaan mo siya.” Napatingin ako kay Chelsey, ngu
Luna’s POV Akala ko, tapos na ako. Akala ko, makakahinga na ako nang maluwag. Pero mali ako. Isang babae ang pumasok sa silid—matangkad, nakasalamin, at halatang mataray. Siya pala ang secretary ni Santino. May dala siyang tambak na files, halos hindi ko na makita ang mukha niya sa dami ng papel na bitbit niya. Ibinagsak niya iyon sa mesa sa harapan ko, saka tumingin sa akin nang may bahagyang pagmamataas. "Aasikasuhin mo ‘to," aniya, sabay tulak ng mga papel sa direksyon ko. "Ayusin mo yan by alphabetical order. Kailangang tapos ‘yan bago mag-alas-singko." Napakurap ako. Sandali, ano? Halos natapos ko na nga ang pag-aayos ng files dito, tapos may panibago pa? Pero hindi ako nagreklamo. Kahit gusto kong magtanong kung bakit ako pinapahirapan nang ganito, pinigilan ko ang sarili ko. "Sige po," matipid kong sagot. Umalis ang secretary na parang wala lang, iniwan akong mag-isa kasama ang sandamakmak na papel. Napabuntong-hininga ako bago sinimulan ang gawain. Isa-isa kong
Santino’s POV Masakit ang ulo ko. Napabalikwas ako ng bangon, bahagyang napapikit nang maramdaman ang bigat sa sentido. Diretso ako sa opisina kagabi, hindi na nag-abala pang umuwi. May silid-tulugan naman dito, kaya doon ko na lang itinuloy ang gabi. Huminga ako nang malalim habang umupo sa gilid ng kama. Pumikit ako, pero imbes na makapagpahinga ang utak ko, bumalik sa akin ang usapan namin ni Matteo kagabi. "Papakasalan ko si Luna." Napamura ako nang mahina. Ano bang pakialam ko? Matagal nang tapos ang lahat sa amin ni Luna. Siya ang unang nakalimot. Siya ang lumayo. Siya ang hindi bumalik. Hindi ako ang may kasalanan. Humalukipkip ako at sumandal sa pader, pilit na inaalis ang kung anumang bumabagabag sa isip ko. May Chelsey na ako. Tama. Si Chelsey ang naroon nang kailangan ko ng kasama. Si Chelsey ang tumulong sa akin para makalimutan si Luna. Si Chelsey ang kasama ko ngayon—at siya ang dapat kong alalahanin. Pero bakit kahit anong pilit kong itanim sa isip k
Lumipas ang ilang araw, ngunit hindi pa rin makabangon si Luna mula sa sakit ng pagkawala ni Santino. “Anak, bumangon ka na riyan. Nariyan si Santino,” tawag ng ina niya mula sa labas ng silid. Napabalikwas siya ng bangon, nanlaki ang mga mata, at mabilis na hinanap ang sarili sa salamin. Halos mapamulagat siya, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Si Santino? Narito siya? Mabilis niyang tinanggal ang kumot at tumakbo palabas ng kwarto. Halos matalisod pa siya sa pagmamadali. Ngunit sa pagbukas niya ng pinto—walang Santino. Walang kahit anong bakas ng presensya nito. Dahan-dahan siyang napahawak sa dibdib niya habang humihingal, ang bigat ng nararamdaman ay bumalik nang buo. Panaginip lang pala… Napaupo siya sa gilid ng kama, pilit pinipigilan ang luhang gustong pumatak. Ilang araw na ang lumipas, pero hindi niya pa rin kayang tanggalin si Santino sa isip niya. Akala niya, kaya na niyang tanggapin… pero bakit gano’n? Bakit pakiramdam niya, parang mas lalo lang siyang nawa
LUNA’S POV Lumipas ang ilang araw, at unti-unting nasanay ako sa tahimik na pamumuhay sa isla kasama si Matteo. Hindi ko inaasahan na makakahanap ako ng ganitong katahimikan—malayo sa magulong emosyon at alaala na iniwan ko sa resort. Pero kahit paano, nakaramdam ako ng kapayapaan. Isang umaga, habang nakaupo ako sa veranda ng maliit na kubo ni Matteo, lumapit siya sa akin. "Luna, bukas pupunta tayo sa resort," biglang sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Ha? Bakit?" "May kikitain akong tao doon," sagot niya, sabay inom ng kape. "Gusto mo bang sumama?" Nagdalawang-isip ako. Parte ng sarili ko ang gusto pang lumayo, pero hindi ko rin maikakaila na gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kanila—kay Santino. Napansin ko ang pagiging pormal ng tono ni Matteo. Iba sa nakasanayan kong kalmado at mapaglarong pagsasalita niya. Parang may tinatago siyang hindi ko pa alam. "Matteo," tawag ko, pinagmamasdan ang ayos niya. "Parang hindi ka pang ordinaryong tao, ah." Napangiti
LUNA’S POV Ang sakit ng ulo ko. Para bang may mabigat na bagay na nakapatong sa noo ko, at ang katawan ko ay parang binugbog ng paulit-ulit. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi pamilyar ang paligid. Ang kisame ay gawa sa kahoy, at ang malamlam na liwanag mula sa isang gasera sa sulok ng silid ang tanging nagbibigay-ilaw sa loob. Ramdam ko rin ang bahagyang panghahapdi ng aking braso. Napakurap ako at napabangon mula sa hinihigaan kong banig. Saglit akong natigilan. Nasaan ako? At saka bumalik sa akin ang mga malalabong alaala ng nakaraang gabi—ang pag-inom, ang sakit na naramdaman ko nang makita si Santino at Chelsey, ang pakiramdam ng kawalan habang naglalakad ako mag-isa sa dalampasigan… Napahawak ako sa aking ulo. Ano bang ginawa ko? Maya-maya pa, biglang bumukas ang pinto, dahilan upang mapalingon ako. Isang matangkad at matipunong lalaki ang pumasok. May mabigat ang ekspresyon nito, at tila inis na inis. "Sa wakas, gising ka na," anito habang nakatayo
Napansin ni Santino ang kakaibang kilos ni Jake. Halatang aligaga ito, hindi mapakali habang mabilis na tinatahak ang bawat sulok ng isla. Hindi nagtagal, nakuha rin nito ang atensyon ni Chelsey. "Bakit parang gulong-gulo ka, Jake?" tanong ni Chelsey, bakas sa mukha ang pagtataka. Ngunit hindi ito pinansin ni Jake at patuloy lang sa paghahanap. Napakunot-noo si Santino bago siya tumayo mula sa kanyang pwesto. "Anong nangyayari?" malamig niyang tanong. Huminto si Jake at tumingin kay Santino. "Nawawala si Luna." Saglit na natahimik si Santino. Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon, ngunit sa loob niya, may kung anong gumapang na kaba. Alam niyang lasing na lasing si Luna bago pa siya umalis. Alam din niya… kung saan ito maaaring pumunta. "Hindi niyo siya mahahanap dito sa resort," kalmado ngunit matigas ang tono ni Santino. Nagulat si Jake at Carla sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin? Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ni Carla. "Oo," sagot ni Santino habang
Tahimik ang lahat habang pinapanood ang pag-ikot ng bote sa gitna ng kanilang bilog. Parang bumagal ang oras sa bawat pag-ikot nito, habang ang ilan ay palihim na nagdarasal na huwag sa kanila tumapat ang leeg ng bote. Si Luna, kahit anong pilit niyang huwag magpakita ng emosyon, hindi niya mapigilang kabahan. Lalo na nang mapansin niyang si Santino ay walang reaksyon, parang wala lang sa kanya ang laro, o mas malala—parang wala lang si Luna sa harapan niya. "Come on, come on, sino kaya ang unang sasagot?" bulong ni Carla, excited na excited. Napalunok si Jake habang palihim na sinusulyapan si Luna. Alam niyang hindi ito ang tipo ng laro na dapat nilang laruin ngayon, lalo na't nariyan si Santino at Chelsey. Pero wala na silang magagawa. Nandito na sila. Hanggang sa unti-unti nang bumagal ang pag-ikot ng bote. "Oh my God, tumatapat na!" sigaw ni Erick, halos hindi makahinga sa pag-aabang. At nang tuluyang huminto ang bote, natutok ang dulo nito kay— Luna. Napatigil si