Celeste’s Point of View Habang paparada kami ni Idris sa driveway, ay napansin kong nakaparada ang sasakyan ni Mama sa labas. Galing siya sa bakasyon kasama ang mga kaibigan niya, kaya wala siya rigo nang ilang araw. Bumagsak ang puso ko. Alam kong darating ang sandaling ito—ang pagharap, ang mga tanong, ang sakit sa kaniyang mga mata. Ninais kong ako ang magsabi sa kaniya, na ipaliwanag ang lahat ayon sa aking mga salita. Ngunit huli na ang lahat. Kumalat na ang balita na parang apoy, at nalaman niya ang tungkol sa nakaraan ko sa pinakamasakit na paraan. Hinawakan ni Idris ang kamay ko bago kami bumaba ng kotse. Huminga ako nang malalim, pinatatag ang loob ko. Wala nang atrasan. Naglakad kami papunta sa pinto, at nang buksan ko ito, naroon siya, nakaupo sa sofa, nakatingin sa sahig. Tumingin siya sa akin, at ang sakit sa kaniyang mga mata ay parang patalim sa dibdib. “M–Mama…” “Totoo ba ang mga nalaman ko, Celeste?” iyon kaagad ang naitanong niya sa akin. Nilunok ko na
Last Updated : 2024-09-19 Read more