Nakakunot na naman ang noo ni Jaime sa akin pagkalabas ko ng bahay. "Anyare naman sa 'yo ngayon, babaita?" tanong niya sa nagtatakang ekspresyon. "Noong isang araw mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa. Tapos ngayon mukha ka namang naka jackpot sa lotto. Balato naman diyan, para naman akong others!" "Sorry, kuripot ako."Nginisihan ko lang si Jaime. Para nga akong naka jackpot sa lotto. Sobra pa nga.Excited na akong pumasok dahil magkikita kami ni Evander katulad ng napagkasunduan namin. Nag text siya sa akin kani-kanina lang na nasa airport na siya para sa flight pabalik ng Buenavista."Tsk. Ngayon pa lang nagkakaalaman nang hindi ka pwedeng mautangan pag yumaman ka na. Tandaan mo, kahit sincong duling ay wala kang mahihita sa akin kapag naging engineer na ako," pagdadrama niya."FYI, 'di kita uutangan dahil alam ko namang wala ka ring ipapautang sa akin," banat ko pabalik at umirap."Ha!" singhal niya. "Kung gusto mo nga ay bigyan na lang kita ng pera e. Huwag kang mag-alala
Magbasa pa