"Hay salamat walang pasok!" tuwang-tuwang bulalas ni Pearl matapos mag announce sa gc ang propesor namin sa panghapong subject na walang pasok. Ito lang ang subject namin kaya pwede na kaming umuwi."Saan na tayo? Lunch?" tanong niya sa akin.Umiling ako. "Sa bahay na lang ako kakain. Sayang lang ng pera e."Magla-lunch pa lang kasi kami nang mag announce ang professor namin. Ganito naman ako palagi. Kapag walang pasok sa hapon ay diretso uwi ng bahay. Minsan ay gumagala naman kami ni Pearl kapag naisipan o kaya nag-aaya siya.Nasa palengke si Tita Melinda kaya ako lang ang nasa bahay niyan. May isda naman palagi roon na pwedeng lutuin. "Okay! Actually, uuwi na rin ako. I want to take a nap to recharge for Damon's party later. I know it's gonna be fun and last past midnight, so I need to be energized."Marahan akong tumango. Naglakad na kami paalis ng room pero pagbaba namin sa building ay maghihiwalay na rin kami dahil hihintayin niya ang driver nila."Ayaw mo bang ihatid ka na lang
Hindi ko alam kung ilang segundo nagtagal ang halik niya sa akin. Mistulang nawala na ako sa aking sarili nang dahil doon. Ni hindi ko alam ang gagawin ko. It was my first kiss. He kissed me!He pulled away from the kiss, and our eyes locked. He looked at me as if he didn't regret what he just did. Mapungay ang kanyang mga mata na tila ba lasing. He licked his lips, and then his gaze lowered to mine.Nakaramdam ako ng hiya kahit na siya naman ang humalik sa akin. Uminit ang pisngi ko at mabilis na lumangoy palayo sa kanya. Naramdaman kong sumunod siya sa akin kaya sumisid ako. But he was too fast. Within seconds, he caught up with me. Nahuli ng kanyang mga kamay ang baywang ko at muling siniil ang aking mga labi.Muling namilog ang mga mata ko at hindi na sinubukang tumakas pa. I slowly closed my eyes and let myself feel his soft lips against mine. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat, pinapahiwatig na hinahayaan ko siya sa kanyang ginagawa.Hindi ko alam kung paano hum
"Sino 'yun, Madam?! Bakit mukhang timang ka riyan kung makangiti?"Napaigtad ako nang biglang sumulpot si Ernie sa harapan ko na may nagsususpetsang tingin. Hindi ko napansin na naglalakad pala siya pasalubong sa akin. Nakasuot siya ng school uniform ng BSC. May pasok ata siya.Agad akong lumapit sa kanya at hinila siya papasok sa bahay namin. Hindi raw kasi aalis si Evander hanggat hindi ako nakakapasok sa bahay."Si Evander," sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi."Iyong hot na boss mo noon?! Kaya pala pamilyar ang sasakyan," gulat niyang bulalas at namilog ang mga mata. "Akala ko ba ay wala na siya sa resort?""Bumalik na siya.""E bakit ka niya hinatid? Hindi ka naman nagtatrabaho roon ah? At bakit basa ang damit mo? Nahulog ka ba sa kanal, Madam?"Hinampas ko siya sa braso. "Ano 'ko, tatanga-tanga para mahulog sa kanal? May nahulog ba sa kanal na malinis, ha? Nag swimming ako!" "E ano ngang ginawa mo kasam
Nakakunot na naman ang noo ni Jaime sa akin pagkalabas ko ng bahay. "Anyare naman sa 'yo ngayon, babaita?" tanong niya sa nagtatakang ekspresyon. "Noong isang araw mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa. Tapos ngayon mukha ka namang naka jackpot sa lotto. Balato naman diyan, para naman akong others!" "Sorry, kuripot ako."Nginisihan ko lang si Jaime. Para nga akong naka jackpot sa lotto. Sobra pa nga.Excited na akong pumasok dahil magkikita kami ni Evander katulad ng napagkasunduan namin. Nag text siya sa akin kani-kanina lang na nasa airport na siya para sa flight pabalik ng Buenavista."Tsk. Ngayon pa lang nagkakaalaman nang hindi ka pwedeng mautangan pag yumaman ka na. Tandaan mo, kahit sincong duling ay wala kang mahihita sa akin kapag naging engineer na ako," pagdadrama niya."FYI, 'di kita uutangan dahil alam ko namang wala ka ring ipapautang sa akin," banat ko pabalik at umirap."Ha!" singhal niya. "Kung gusto mo nga ay bigyan na lang kita ng pera e. Huwag kang mag-alala
Medyo marami ang nakakakilala sa akin sa Marinae, pero mas dumami simula nang araw na nabunyag ang tungkol sa amin ni Evander. Kung hindi ko naririnig na pinag-uusapan nila ako, wala namang araw na hindi dumadako ang mga mata ng mga babaeng estudyante sa akinNakakailang lang kapag naririnig ko na bukambibig nila na naiinggit sila sa akin...dahil girlfriend ako ni Evander. Madalas ang nagsasabi niyon ay sincere talaga. Iyong iba kasi, mas gustong husgahan ako. Siguradong kung anu-ano nang panghuhusga ang naisip nila sa akin.Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin. Wala akong pakialam.Pagkalabas ko ng kwarto ay inabutan ako ni Tita Melinda ng baon ko. "Wala pa ba si Jaime, Tita?" tanong ko nang mapansing wala pa rin ang maingay na unggoy."Wala pa. Isang linggo nang hindi kayo nagsasabay ah? Baka mamaya ay hindi na pumapasok ang batang iyon. Malilintikan talaga iyon sa akin!""Baka naman po late lang o baka mas maagang pumupunta sa BSC. Nakita ko naman po siya noong isang araw
Allison.Siya ang sumagot ng tawag ko. Nasa kanya ang cellphone ni Evander. Nasa resort siya. Magkasama silang dalawa. Kaya hindi ako sinipot ng boyfriend ko dahil may iba na pala siyang kasamang kumain.Hindi ba ang sabi niya noon sa akin ay ayaw niya roon? Pero bakit si Allison ang kasama niyang kumain? Bakit niya ako kinalimutan?Naguguluhan na ako."Ineng, paubos na ang ulam namin. Itong bistek na lang at ginisang pechay ang may natira. Pang isahang tao na lang ito. Hindi na ito kakasya sa inyo n'ong…kasama mo," sambit ng tindera.Kilala na niya ako bilang suki rito, o baka nakilala lang ako dahil si Evander ang kasama ko rito palagi. "Magaala-una na kasi. Sa 'yo na lang ito. Mukhang…hindi na rin naman kasi dadating iyong hinihintay mo," nahimigan ko ng concern ang boses niya."Salamat po. Hindi na po ako kakain. Bibili na lang po ako ng tinapay sa iny
Pinapasok niya ako sa kanyang itim na Mercedes-Benz. Pumunta siya sa likod at binuksan ang trunk at may kinuha roon. Nalaman kong first aid kit iyon pagkabalik niya.“Good thing I have this in my car,” he said as he sat on the driver's seat.I didn't say anything. I just stared at him with a blank expression. Marahan niyang inangat ang isang braso ko dahil hindi ako gumagalaw. Hinayaan ko na lang siyang gamutin iyon. I felt a surge of anger and pain in my chest, but I suppressed it.Mahapdi nang kaunti ang sugat pero parang hindi ko na iyon maramdaman nang maalala ang natuklasan ko kanina. Hanggang sa matapos na siya sa kabilang braso ko ay wala akong kakibo-kibo. “Tell me what happened, Lia.” He looked at me with concern and worry in his eyes. “Who did this to you?” mariing tanong niya. Sa halip na sagutin siya ay binawi ko ang braso kong katatapos lang niyang gamutin. I clenched my fist.“Male-late na ako, Evander,” malamig kong sinabi nang hindi siya tinitingnan.Bumuntong hin
Mabuti na lang ay lumabas ang istrikto naming propesor kaya nakapasok ako sa room nang hindi nahuhuli. Umupo ako sa tabing upuan ni Pearl. “You're late. Mabuti na lang ay kapag matatapos na ang klase nag-a-attendance si Sir. Akala ko ay hindi ka na papa— bakit ka may mga kakalmutan?” gulat na bulalas ni Pearl nang makita ang kamay ko. Hindi ko iyon maitatago lalo na’t magkatabi lang kami. Mamaya pag-uwi sa bahay ay tiyak na hindi rin ito makakalagpas sa mga mata ni Tita Melinda. Tiyak na magagalit iyon lalo na pag nalaman niyang pinagtulungan ako. Kahit na nauuto-uto ko siya minsan sa mga palusot ko, pagdating sa kapakanan ko ay hinding-hindi ko siya maloloko. Ikinwento ko kay Pearl ang nangyari kanina. Napupuyos siya sa galit at kung hindi lang bumalik ang propesor namin ay sumugod na siya sa buildin