Home / YA/TEEN / Partners In Crime / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Partners In Crime: Chapter 1 - Chapter 10

55 Chapters

Chapter 1

KILALA ang pamilya Monteza sa bayan ng Eldefonso bilang isa sa pinakamayamang pamilya. Dahil dito ay tinitingala sila ng kanilang mga kababayan. Subalit, lingid sa bayan ng Eldefonso ang dahilan nang biglaang pagyaman ng pamilya Monteza. Dahil na rin sa ipinagbabawal na gawain ay nagkaroon ng mataas na respeto mula sa mga tao ang pinuno nitong si Renato Monteza mula sa mga tauhan nito na umaasa rin ng magandang kabuhayan. Kung saan ay bumuo ito ng isang grupo na kung tawagin ay Mochizet. Subalit, dahil na rin sa matikas na pangangatawan at angking kagwapuhan ni Renato Monteza ay nagkaroon ito ng maraming anak sa iba't ibang babae sa pagkabinata. Tatlong anak mula sa iba't ibang ina nabuo sina Tamara, Isabel at Margaret. Subalit ang tunay nitong asawa na si Florida Monteza ang siyang kinakasama nito sa mansyon kasama ang kanilang unica hija at tagapagmana na si Karadine Monteza.Kilalang matapang na tao si Renato Monteza, ngunit may busilak din na kalooban. At kahit binuhay niya sa ile
last updateLast Updated : 2023-02-27
Read more

Chapter 2

NAGPATULOY ang masayang kapistahan. Makikita ang saya sa mga mata at bibig ng mga tao sa bayan ng Eldefonso. Subalit, kapansin-pansin ang pagiging balisa ni Karadine. Magtatakip silim na kasi pero hindi pa rin umuuwi ang kanilang ama. Batid niya na nagsisikap itong kumita para sa kanilang pamilya subalit ang ipinagtataka niya ay kung bakit madalas ay mahigit walong oras ang pamamalagi nito sa negosyo. Nakauwi na rin kasi si Rosanna kung kaya't wala na rin siyang ibang makausap bukod kay Isabel. Bukod pa ro'n ay mailap niya rin nakausap sa maghapon ang inang si Florida dahil na rin sa pagiging abala nito sa kanilang sari-sari store na malapit sa bayan. Isabay pa ang pag-aalala dahil hindi pa rin bumabalik sina Tamara at Margaret simula nang umalis ang mga ito kanina.Matapos kasing kumain at tumambay ng mga bisita nina Tamara at Margaret sa mansyon ay nag-aya ang mga kasama nitong manuod ng dance contest sa bayan. Nakagawian na kasi sa kanilang bayan ang gano'ng pagdiriwang tuwing kapis
last updateLast Updated : 2023-02-27
Read more

Chapter 3

MALAKING KWESTYON pa rin kay Margaret ang nangyari kagabi. Hindi niya maintindihan kung paano sila hindi nagawang saktan na magkapatid ng mga naka-bonet na lalaking iyon. Subalit naging aral din sa kanila ni Tamara na hindi dapat sumasama kung kani-kanino. Bagama't naging lingid pa rin sa kaniyang inang si Maria at amang si Renato ang pakikipagtalik kay Philip ay naging palaisipan pa rin sa kaniya ang agarang pagkasangkot nito sa barilan.Kinabukasan ay naging usap-usapan sa bayan ang nangyaring barilan sa karatig bayan ng Eldefonso na San Miguel, kung saan nagtungo sina Margaret at Tamara kasama ang kanilang mga kaibigan at ang dalawang binata na sina Philip at Andrew. Kaya naman sandaling binisita ng kanilang amang si Renato ang lugar na kinasangkutan ng krimen kasabay nang pag-iimbestiga ng mga pulis. Bagama't nalaman na nito kay Margaret kung ano ba ang nangyari at sa palagay ni Renato ay sinuway ng kaniyang mga tauhan ang kaisa-isa niyang bilin.Pasakay na sana si Renato ng Gazell
last updateLast Updated : 2023-02-27
Read more

Chapter 4

NAKAKABINGING katahimikan ang namayani sa paligid kasabay ng matinding kabang nararamdaman ng mga tauhan ng kaniyang ama na siya ring nararamdaman niya ngayon. Hanggang sa isang boses ang bumasag sa katahimikang iyon. "A-ako po, boss. Ako po ang pumatay sa dayong iyon!" giit ni Florencio.Kaya naman nakita ni Karadine ang mabilis na pagsinghal ng kaniyang ama. "Wala kang k'wenta! Sa ganoong paraan pa talaga?" Hindi pa nakuntento ang kaniyang ama at binalot pa ng palad nito ang panga ng tauhang si Florencio. "Hindi mo ba naisip na bukod sa krimeng ginawa mo ay maaaring maapektuhan ang aking negosyo? Paano kung makarating sa pamilya ng mga Baltazar na ang grupo natin ang may kinalaman sa pagkamatay ng dayong iyon?" At tila mas tumindi pa ang galit ni Renato sa tauhan sa mga sumunod na sinabi nito, "Florencio, isang malakas na parokyano natin ang pinatay mo!" Napahalukipkip lamang si Karadine sa mga nasasaksihan.Samantala'y halatang-halata naman ang panginginig ng katawan ni Florencio
last updateLast Updated : 2023-03-05
Read more

Chapter 5

"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kami alalang-alala sa'yo." Hindi maiwasang magpakita nang pag-aalala ng inang si Florida para sa kaniyang anak na si Karadine. Pasado alas nuwebe na kasi ng gabi nang makauwi sila ng mansyon kasama ang kaniyang ama. Subalit ang kaniyang mga nalaman ay pinili na muna niyang ikubli sa kaniyang isipan. Magsasalita na sana siya nang unahan siyang magsalita ng kaniyang ama, "Magkasama kami ng anak mo, Florida, buong maghapon kaya wala kang dapat na ipag-alala."Napanatag naman na si Florida sa isinagot ng asawa habang nagpapahinga ito sa may sofa. Samantalang siya naman ay dumiretso na sa kaniyang silid habang laman pa rin ng kaniyang isip ang mga nangyari. Tila hindi pa rin mag-sink in sa utak niya kung gaano kabilis ang mga pangyayari, at kung paano niya tinanggap nang walang pag-aalinlangan ang trabahong inalok ng kaniyang ama.Subalit dahil sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi niya namalayang nakatayo sa tapat ng kaniyang silid sina Tamara, Margaret
last updateLast Updated : 2023-03-07
Read more

Chapter 6

"Hay! Nakakapagod din pala ang mag-training ng ganito!" bulalas ni Karadine sa kawalan bago pa man tunggain ang tubig na nasa kaniyang tumbler. Subalit hindi pa man siya tuluyang nakakainom ay isang pamilyar na boses naman ang bumungad sa kaniya. "Ang galing mo kanina."Pagkalingon niya rito ay imbes na magandang ngiti ang mabungaran niya rito ay pagiging seryoso ng mukha pa ang nakita niya. Kaya naman matapos niyang tunggain ang tubig na nasa tumbler ay bahagya siyang napailing at sinabi, "Hindi ko alam kung pinupuri mo ba ako o iniinsulto, Yvo." Tipid naman itong napangisi. "Seryoso ako." Bahagya namang napataas ang kilay niya. "Halata nga, kasi never ka pa namang ngumiti sa harapan ko, e." "Anong ibig mong sabihin? Na hindi ako marunong ngumiti?" "Hm, wala akong sinasabi. Pero kung ikukumpara kita kay Renzo, mas madalas ko siyang nakikitang nakangiti kaysa sa'yo. Para bang pasan mo ang buong mundo?" may tonong pang-aasar pa niya. Inaasahan niyang mapapangiti na ito sa sinabi ni
last updateLast Updated : 2023-03-11
Read more

Chapter 7

Hindi nagtagal ay agad din siyang isinabak sa shooting range ng kaniyang ama kasabay nang pagti-training niya ng martial arts. Sa tulong din naman ni Ken ay mas lumawak pa ang kaalaman niya sa martial arts, na kung dati ay napapanuod niya lamang. Sadyang hindi madali ang kaniyang bawat training araw-araw ngunit kailangan niyang kayanin upang mas ipagmalaki pa siya ng ama at nang sa gano'n ay mas pagtiwalaan na maging kanang kamay nito. Anuman ang pinaplano niyang malaking pagbabago sa grupong binuo nito ay minabuti niyang sarilihin na muna. Dahil sa tingin niya ay hindi naman matatapos ang kaniyang pag-eensayo sa trabahong pinasok niya. "Mas gumagaling ka, Karadine. Hindi nga nagkamali ng desisyon ang iyong ama. Dahil ikaw lang ang kinakitaan niya ng tapang at angas sa inyong magkakapatid pagdating sa pakikipaglaban." Bahagyang napaawang ang labi niya sa sinabi ni Ken. Saka naman sumagi sa isip niya kung paano siya nagawang isama noon ng ama sa bawat training nito sa martial arts."Ku
last updateLast Updated : 2023-03-13
Read more

Chapter 8

"Uy, Ate Tamara, ano bang ginagawa mo? Bakit para kang stalker diyan kay Karadine?" Hindi naiwasang pandilatan ng mata ni Tamara ang nakababatang kapatid na si Margaret nang madatnan siya nitong nagtatago sa likod ng mga halaman sa garden. "Ano ba? 'Wag ka ngang maingay. Hindi mo ba napapansin? Inaalam ko ang bawat galaw ni Karadine para malaman ko kung paano siya s********p kay papa." May pag-irap sa kawalang sabi ni Tamara. Dahilan para bahagyang kumunot ang noo ni Margaret. "Seriously? Pero baka nakakalimutan mo, siya pa rin ang legal na anak ni papa." Sandaling napangisi si Tamara habang hindi nito inaalis ang tingin sa bunsong kapatid na si Karadine. "You're right, Margaret, kaya nga gumagawa ako ng paraan para magkaroon siya ng butas kay papa, e. Nang sa gano'n ay mapansin niya naman ako bilang anak. Nakakainis lang isipin na palagi na lang si Karadine ang magaling, matalino at responsable. Hay!" bulalas pa niya at sa puntong iyon ay hindi inaasahang matutumba niya ang isang p
last updateLast Updated : 2023-03-16
Read more

Chapter 9

Buwis buhay ang naging pagsabak nina Yvo, Renzo at ng ibang miyembro ng Mochizet upang makamit lang ang inaasam na pwesto, gayundin ang malaking halaga na katumbas nito.At para kay Karadine ay parang ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang mga tauhan ng kaniyang ama, lalung-lalo na si Yvo. Pero kahit gano'n ay hindi niya man lang nakita sa mukha ni Yvo ang pagsuko kahit na halatang hirap na hirap na ito. Hanggang sa itinanghal sina Yvo at Renzo bilang pinakamatatag sa lahat. At dahil may kailangan pang hirangin sa dalawa para sa isang nakatakdang pwesto ay kinakailangan pa muling magtuos ng dalawa. Kung saan ay kinakailangan ng mga itong timbangin sa mga braso ang isang sako na naglalaman ng mga bakal habang nakatayo sa loob ng trenta minuto. Tibay at lakas ng katawan ang magiging labanan at kung paano naman ang kagustuhan ng dalawang makamit ang kaisa-isang pwesto ay sila rin namang pagtitiis nila sa hamon ng buwis buhay challenge na iyon."Ten minutes left," wika ni Ken na nagsilbing
last updateLast Updated : 2023-03-26
Read more

Chapter 10

Ngayong alam na nina Tamara at Margaret ang kalakalan na nangyayari sa pabrika ng mga baril na pinatatakbong negosyo ng kanilang ama ay hindi maiwasan ni Karadine ang mag-alala lalo pa't hindi na siya nakahindi sa kondisyon ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Tamara. Malalim ang iniisip niya ng mga sandaling iyon, malapit na ring magdilim kung kaya't damang-dama na niya ang malamig na klima sa paligid. Animo'y sumasabay liparin ng malakas na hangin ang kaniyang itim at mahabang buhok na ngayo'y nakalugay lamang at mas lalong nagbibigay ng atraksyon sa iba bukod pa sa magandang hubog ng kaniyang katawan. Nakita niyang may tumayo malapit sa kaniyang kinatatayuan at sigurado siyang kahit hindi niya ito lingunin ay malakas ang kaniyang paniniwala na ito si Yvo. "Mabuti naman at nilapitan mo rin ako, akala ko ay umiiwas ka, e." Nasambit niya sa kawalan, bagay na ikinabuntong hininga naman nito.Maya-maya pa'y bigla siya nitong hinawakan sa mga braso at mabilis na hinila palayo sa mism
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status