Home / YA/TEEN / Partners In Crime / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Partners In Crime: Kabanata 31 - Kabanata 40

55 Kabanata

Chapter 31

MABILIS na tumakbo ang mga araw, kung saan ay mas nagtitiis si Yvo sa tunay nitong nararamdaman at sa bawat araw na magkasama sila ni Tamara ay parang nililinlang niya lang ang kaniyang sarili dahil batid niyang si Karadine talaga ang mahal niya. Pero ano nga bang magagawa niya kung kinakailangan niya itong gawin alang-alang kay Karadine na nakiusap sa kaniyang gawin ang bagay na ito? Sa kasalukuyan ay patungo pa lang sana ng pabrika si Renato habang hinihintay na magbihis sina Karadine at Tamara. Simula kasi nang malaman niyang okay na ang dalawa ay madalas na itong magsabay sa pagbaba ng hagdan upang salubungin siya sa umaga. Sa katunayan ay si Karadine rin mismo ang nagsabi sa kaniya tungkol sa relasyon ngayon nina Yvo at Tamara at ito mismo ang nag-uudyok sa kaniya na 'wag nang tutulan pa ang relasyon ng dalawa lalo pa't batid ni Karadine na talagang mahal ni Tamara si Yvo at handa nito itong ipaglaban. Nang mga oras na iyon ay sakto namang nakatanggap siya ng tawag mula kay Renz
last updateHuling Na-update : 2023-11-09
Magbasa pa

Chapter 32

Hindi naging madali para kay Yvo na tanggapin ang hininging pabor sa kaniya ni Karadine-- na makipagrelasyon siya sa step sister nitong si Tamara at matutuhan itong mahalin. Para sa kaniya, iyon na ang isa sa pinakamabigat na desisyong kaniyang ginawa sa buong buhay niya.Malalim na ang gabi nang umuwi siya ng kanilang bahay. Doo'y nadatnan niyang mahimbing nang natutulog ang kaniyang amang si Dominador. Katatapos niya lang makausap si Aleng Nenita at wala naman daw naging problema sa pag-aalaga't pagbabantay nito sa kaniyang ama. Sa katunayan ay malaki na ang naging improvement nito simula nang nagpatuloy pa ito sa gamutan. Naibigay niya na rin ang pangdalawang linggong sweldo ni Aleng Nenita at dahil mabigat para sa kaniya ang mga pangyayari simula nang tanggapin niya ang pabor ni Karadine ay nagdesisyon siyang mag-day off na muna kinabukasan nang matutukan niya namang bantayan at alagaan ang kaniyang ama.Kaya naman kinabukasan ay laking pagtataka ng kaniyang ama nang malaman niton
last updateHuling Na-update : 2023-11-17
Magbasa pa

Chapter 33

Pagkabungad na pagkabungad nila sa ama ni Yvo ay parang hindi na nakagalaw pa sa kinatatayuan si Karadine. Sa pagtuntong niya pa lang sa bahay na iyon ay nakita niya na ang tunay na sitwasyon ng mag-ama at kung bakit nagawang pasukin ni Yvo ang ilegal na trabaho. Nakita niya na hirap nang makalakad ang ama ni Yvo dahil sa pagkakasakit nito. Nakita niya rin ang nagkalat na mga bagay sa bahay na hindi na napag-uukulan ng panahon ni Yvo dahil sa trabaho. Pakiramdam niya'y mabigat ang pasanin na dinadala ni Yvo mula sa pagtataguyod sa ama nitong nalumpo na nang dahil sa sakit. "Pa, si Karadine po, nobya ko." Nagulat siya sa pagpapakilala sa kaniya ni Yvo. Hindi niya maintindihan kung bakit nagsinungaling ito sa sariling ama gayong hindi naman talaga siya ang nobya nito kundi ang kapatid niyang si Tamara?Dahil dito ay mas lalong nanginig ang katawan niya. Nang magsalita ito ay doon lamang niya naramdamab na welcome na welcome pala siya sa bahay na iyon."Siya pala ang babaeng sinasabi mon
last updateHuling Na-update : 2023-11-23
Magbasa pa

Chapter 34

"So, gano'n na lang ba 'yon, papa? Hindi man lang ba kayo magagalit sa kaniya?" bulalas ni Tamara nang magawa nitong komprontahin ang ama sa sariling silid nito. "At nagpunta ka pa talaga rito para sabihin 'yan? Tamara, ama mo ako at hindi mo ako madidiktahan sa nararamdaman ko!" malakas na pagkaklaro ni Renato sa panganay na anak. Wala na siyang nagawa kundi ang mag-walk out na lang. Naisip niya na wala rin namang magandang patutunguhan kung makikipagdebate pa siya sa ama.Dahil dito ay mas nanaig ang inggit ni Tamara para kay Karadine. Bagama't pekeng kabutihan lamang ang ipinapakita niya rito, ngayong araw ay mukhang hindi niya kakayaning makipagplastikan dito gayong nararamdaman niyang may itinatago sa kaniya ang nakababatang kapatid. Nakalabas na siya ng silid ng ama nang makasalubong niya si Margaret. Katulad ng mga nakaraang linggo ay wala pa rin silang pansinan. Oo, hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya rito at kung p'wede lang ay hindi niya na muna ito makita-- ang
last updateHuling Na-update : 2023-12-03
Magbasa pa

Chapter 35

"Wala kang mapapala kung titingnan mo lang silang dalawa riyan, Ate Tamara," mapang-insultong wika ni Margaret nang mapansin nito ang masamâng tingin ng kapatid kina Yvo at Karadine. Sa tingin pa lang ay halatang nanggagalaiti na ito sa inis at selos. "Bakit pa ba siya nagpunta rito? Naka-bed rest siya, 'di ba?" pabuntong hiningang katanungan ni Tamara. "Well, hindi ko rin alam. Pero ang alam ko lang, kahit anong gawin mo ay halata namang inlove-babo pa rin si Yvo sa kaniya," mataray na sagot ni Margaret. Kaya naman bahagyang napakunot ang noo rito ni Tamara. "Alam mo, hindi na talaga kita maintindihan, kakampi ba talaga kita? Kasi parang mas boto ka pa sa kanilang dalawa, e." Agad na napangisi si Margaret at napailing. "Ako pa ba ang pagdududahan mo, ate? Sa totoo lang, malakas akong makaramdam ng tunay na nararamdaman ng isang tao. Kaya hindi mo p'wedeng sabihing kahit sa'yo na si Yvo ay sa'yo na talaga ang puso niya." Agad na namang napakunot ang noo ni Tamara habang nagpatuloy
last updateHuling Na-update : 2023-12-12
Magbasa pa

Chapter 36

MATAPOS mapagbayad ang tunay na may sala, kung saan ay mga tauhan pala ni Mr. Benitez ang talagang pumatay kay Philip Baltazar gayundin sa pamilya nito ay labis naman ang pagsisising nararamdaman ngayon ni Andrew dahil sa maling impresyon niya kay Renato Monteza at sa pinamumunuan nitong sindikato. Sa totoo lang ay ngayon lang siya naka-encounter ng ganitong grupo na maganda ang mithiin."Handa kong pagtrabahuhan ang mga kasalanan ko sa iyo at sa pamilya mo, Tito Renato-- mapatawad mo lang ako," nagsusumamong wika ni Andrew."Kung ganoon ay maghanda ka dahil ngayon na ang first day mo sa trabaho," saad ni Renato na hindi inaasahan ni Andrew. At dahil si Tamara ang nakatoka sa mga bagong trabahante ay sinamahan siya nito kahit may kaunting inis pa rin itong nararamdaman para sa kaniya. Ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito sa kaniya at naiintindihan niya naman kung bakit, dahil nagawa niya lang namang paglaruan ang feelings nito. "Sorry talaga sa nagawa ko no'n sa'yo, Tamara."
last updateHuling Na-update : 2023-12-19
Magbasa pa

Chapter 37

Ilang beses ding pinag-isipan ni Karadine ang araw na iyon, kung saan ay nakatakda siyang makipagkita kay Yvo sa kanilang lihim na tagpuan. At syempre, sa tulong ni Renzo ay hindi naging mahirap na lusutan iyon. Bagama't may pagtataka pa rin si Tamara sa parehong pagkawala nina Karadine at Yvo nang mismong araw na iyon. Isang matamis na yakap at halik ang ibinungad nila para sa isa't isa. Saksi ang kubong iyon sa espesyal na nararamdaman nila para sa isa't isa. Ngunit batid ni Karadine na iyon na ang huling pagkakataon na gagawin nila iyon, iyon na rin ang huling sandali na magkikita sila ng palihim dahil sa magiging kondisyon niya rito.Pagkabitiw nila pareho sa yakap ay napansin agad ni Yvo ang pangingilid ng luha niya. Kaya naman agad nito iyong pinunasan gamit ang sariling palad habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. "Alam mo bang sobrang saya ko nang malaman kong gusto mo akong makausap ngayon, Kara."Tipid siyang napangiti. "A-ako rin." Nagawa niyang lumihis ng tingin
last updateHuling Na-update : 2024-01-04
Magbasa pa

Chapter 38

"E, bakit ba kasi iyon pa ang naging dahilan mo? Iyan tuloy nadamay pa ako," problemadong saad ni Renzo nang minsan silang mag-usap sa pabrika. "H-hindi ko alam, wala na akong ibang naisip na dahilan, dahil sigurado akong mas magiging magulo ang sitwasyon kung sinabi ko ang totoo na si Yvo ang ama nito.""Pero hindi ba't mas naging mahirap ngayon? Kara, nakatakda ka nang ikasal sa akin. At kahit sa panaginip, hindi ko naisip agawin ka sa kaibigan ko. Oo, attracted ako noon sa'yo, pero simula nang magkamabutihan kayo ni Yvo ay nagpaubaya ako para sa kaniya." Napatango siya. Saka niya hinawakan ang braso nito habang nagsusumamong tumingin dito. "Patawarin mo ako, Renzo, kung kinailangan kong ilihis ang katotohanan.." Hindi napigilang mailing ni Renzo. "Pero, nandito na tayo, e, nangyari na kaya panindigan na lang natin." "Kara, alam kong si Yvo ang mahal mo, kaya hindi mo p'wedeng lokohin ang sarili mo." Napabuntong hininga siya at kasabay niyon ang pagbitiw niya rito. "Paano ko nam
last updateHuling Na-update : 2024-01-13
Magbasa pa

Chapter 39

SA PAGKAWALA ni Yvo sa pabrika ay matagal-tagal din silang hindi nakapagkita ni Karadine. Dahil dito ay naging problema para sa kanilang dalawa na makapagkita kahit pa humingi pa sila ng tulong kay Renzo.Hanggang isang araw.."Madam Karadine, kailangan mo na pong umuwi," ang wika ng driver sa kaniya na si Lito. Lulan ito ng minamaneho nitong kalesa na madalas niyang sakyan sa tuwing hindi siya sumasabay sa ama sa sasakyan nito. Sa katunayan ay mas naghigpit sa kaniya ang ama simula nang malaman nito ang katotohanan na nagmamahalan sila ni Yvo at ito pa ang tunay na ama nang ipinagbubuntis niya. "Pero kaya ko naman pong umuwing mag-isa, Mang Lito," katwiran niya. "Alam ko po, pero iyon po kasi ang kabilin-kabilinan ng iyong ama na simula po ngayon ay palagi na po kitang ihahatid sundo." Napailing na lamang siya sa katotohanang iyon. Lalo na't pakiramdam niya'y lumalayo na ang loob sa kaniya ng sariling ama. Samantala'y naging abala si Renato sa pagbisita kay Florencio sa Eldefonso c
last updateHuling Na-update : 2024-01-17
Magbasa pa

Chapter 40

ISANG ARAW bago ang nakatakdang kasal ni Karadine kay Renzo ay nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa kanilang mansyon. At kahit may pamahiin na hindi nila kinakailangang magkita ni Renzo isang araw bago ang kanilang kasal ay hindi nila iyon sinunod, sa halip ay itinuloy ni Renzo ang kanilang plano ni Yvo na pagtakas kay Karadine sa mansyon. Batid din naman ni Karadine ang planong pagtakas sa kaniya ng dalawa kaya naman nag-iingat din siya na walang makaalam ng plano nila maliban kay Isabel. "Sigurado ka na ba talaga sa gagawin n'yong pagtatanan ni Yvo, Karadine?" "Oo, Isabel, ito lang kasi ang nakikita naming paraan para hindi matuloy ang kasal." Hindi naiwasang mapabuntong hininga ni Isabel. "Nag-aalala ako sa inyo ng pamangkin ko, pero masaya ako dahil kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo." Niyakap siya ng mahigpit ni Isabel bago pa siya tuluyang umalis. "O, sige na, kailangan mo nang umalis habang mahimbing pa ang tulog ng mga tao rito.""Salamat, Isabel. Mami-miss k
last updateHuling Na-update : 2024-01-25
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status