SA GITNA ng katahimikang namamayani sa pagitan nila ay umisip si Karadine ng dahilan upang magawang lusutan ang isyung narinig ng kaniyang dalawang nakatatandang kapatid. "A-ah, mga ate, hindi naman totoo ang narinig n'yo. Masyado lang ma-issue itong si Rosanna." Matapos niyang sabihin iyon ay pinandilatan niya ng tingin ang matalik na kaibigan upang matuto itong sumakay sa rason niya. "Ah-- o-oo, ano kasi, e, alam n'yo naman na ako itong excited na magka-boyfriend na ang best friend ko!" katwiran pa ni Rosanna. Doo'y bahagya namang napataas ang kilay ng dalawang sina Tamara at Margaret. "At sino naman itong lalaking tinutukoy ni Rosanna, Karadine?" "Si--" Bago pa makapagsalita si Rosanna ay inunahan niya na ito."Si Renzo," pagsisinungaling niya, para wala nang marami pang tanong. Isabay pa ang pangako niya kay Tamara na tutulungan niya itong mapalapit kay Yvo. "Whatever, let's go, Margaret," taas kilay na wika ni Tamara.Mukhang naging effective naman ang kaniyang naging palusot
PIGIL HININGA sila ni Yvo bago magdesisyong harapin ang dalawang tauhan na iyon ni Mr. Benitez. At sa kanilang pagharap ay naging handa ang sarili nilang lumaban nang patas at walang hawak na kahit na anong armas. Mabilis pa sa alas kwatrong nasipa ni Karadine ang hawak na baril nito habang nanatiling nakatutok ang baril kay Yvo ng isang tauhan."Lumaban kayo nang patas!" matapang na aniya. Wala na siyang choice kundi ang magsalita at posibleng makilala ang boses niya bilang isang anak at tagapagmana ng pamilya Monteza at kahit na natatakluban ng bonnet ang kaniyang mukha, hindi naging hadlang iyon para makita ang ganda ng kislap ng kaniyang mga mata. "Sino ba talaga kayo?" tanong ng isang tauhan na nakatutok pa rin ang baril kay Yvo. Saka rin nito nagawang itutok ang hawak na baril sa kaniya. "Kahit natatakluban ng bonnet ang inyong mukha, malinaw na babae ang isa sa inyo at hindi lang basta babae, maganda, hah?" Sa isip ni Karadine ay hindi maituturing na compliment ang narinig ni
"PAPA, bakit naman bigla kang nagdedesisyon nang hindi ko alam? Sigurado ka po bang mapagkakatiwalaan si Ate Tamara?""Anuman ang napagkasunduan naming dalawa ay labas ka na ro'n, Karadine. Kung maaari nga ay pansamantala ka na munang mag-stay sa mansyon." Napailing siya. "Papa--" "Sinabi na sa akin nila Yvo ang matagumpay ninyong operasyon kagabi at doon pa lang ay masasabi kong hindi ako nagkamali nang pagpili sa'yo na maging isa sa kanang kamay ko." Tipid siyang napangiti ngunit nangingibabaw sa kaniya ang pag-aalala. "Kung ganoon ay bakit mo po ako pinapag-stay sa mansyon, papa?" Nakita niya kung paano napakunot ang noo nito. "Dahil balita ko'y masyado na kayong nalalapit sa isa't isa ng isa sa mga tauhan ko. Si Yvo, gusto mo ba siya?" Bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba. At kung paano nalaman ng kaniyang ama ang tungkol sa bagay na ito ay hindi siya sigurado kung tama ba ang hinala niyang si Tamara ang trumaydor sa kaniya. "Silence means yes, Karadine." Sinentro siya ng ti
"Ito ang mga nakuhang armas nila Yvo at ni Madam Kara, boss," sinserong wika ni Florencio kay Renato. Doon pa lang ay hindi na nito maiwasang hangaan ang anak sa angking katapangan nito. "E, ano pa lang balita kay Mr. Benitez? Siguradong hindi niya magugustuhan ang panloloob natin sa mismong property niya." "Wala pa rin kaming balita, boss. Pero sigurado akong magse-set ng meeting si Mr. Benitez kasama ka, boss," ideya ni Yvo na ikinalalim ng tingin ni Renato. Anuman ang kaunting inis na nararamdaman niya rito nang dahil sa balitang pagkagusto nito sa kaniyang anak na si Karadine ay isinantabi niya na muna dahil batid niyang tunay na magaling at karapat-dapat si Yvo sa posisyon nito.Nang sandaling iyon ay sila-sila lamang ng kaniyang mga tauhan ang nagtipon para sa mahalagang usapin. Habang hinayaan naman niyang makapag-usap sina Tamara at Karadine kahit na halatang namumuo ang tensyon sa dalawa. "Naisip ko na 'yan, Yvo. Kaya kailangan kong magkunwari na wala akong kinalaman sa na
NAGKARERAHAN sa bilis nang pagtibok ang kaniyang puso at walang alinlangang napayakap sila sa isa't isa ng binata. Gayunma'y kahit bago lamang kay Isabel ang nakita ay hindi pa rin nito maiwasang maging masaya para sa kaniya. "Masaya akong makita kang muli," naluluhang wika ni Yvo sa kaniya habang pinagmamasdan nito ang kabuuan ng mukha niya. Kapagkuwa'y bahagya siyang natigilan sa sunod na sinabi nito, "Pero hindi ka na dapat nagpunta rito, masyadong delikado, Kara." Ilang minuto pa ay mas dumistansya pa si Yvo sa kaniya kasabay nang katanungan sa mga mata nito nang lingunin nito si Isabel. "Ah, siya si Isabel, half sister ko rin, mas matanda lang siya ng buwan sa akin kaya.. halos magkaedaran lang kami." Nakita niyang napangiti sina Yvo at Isabel sa isa't isa. At bago pa man magsalita si Yvo ay inunahan na ito ni Isabel. "Mukhang tama si Yvo, Karadine, hindi na dapat tayo nagpunta pa rito. Ngayon pa na mahigpit kang pinagbabawalang lumabas ngayon." Bago pa man siya sumang-ayon s
NAKAPAG-ISIP-ISIP na si Karadine bago man sumapit ang kinabukasan. Kailangan niyang pigilan ang ama na makipag-meeting sa mga Benitez, dahil kung hindi, siguradong mapapahamak ang buhay nito. Marahan siyang kumatok sa silid ng kaniyang magulang. Sa isip niya'y 'di bale nang masermunan siya nito ngayon ang mahalaga naman ay masabi niya rito ang dapat nitong malaman. "Sino 'yan? Pasok." Narinig niya ang boses ng ama na lalong nagpalakas ng kaniyang kaba. Sa sarili ay hindi niya maintindihan kung dapat bang manaig ang kaniyang takot sa ama o ang pagseselos kay Tamara. Oo, hindi niya maitatangging nakararamdam siya ng selos gayong nakuha na nga ni Tamara ang tiwala ng kanilang ama. Ngunit hindi dahilan 'yon para mas gumawa siya ng bagay na lalong ikasisira niya sa harap nito. Sa ugali ba naman ni Tamara, posibleng gumawa ito ng eksena na magmumukha pa siyang masamâ.Bumungad sa kaniya ang seryosong tingin ng ama at bago pa man siya bumigkas ng mga salita ay naunahan na siya nito. "O, Ka
"NAKAKAINIP!" bulalas ni Karadine sa kaniyang silid gayong wala siyang ibang choice kundi ang magmukmok sa k'warto. Ngayon na nalaman niyang magkakasabwat ang mag-iina ay mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman niya para kina Tamara at Margaret. "Paano kaya ako makakaalis dito? Puno ng bantay sa labas, e," nawawalang pag-asang aniya. At dahil sa hindi niya na alam kung ano ba ang dapat na gawin dala nang pagkainip ay sandali niyang kinuha ang kaniyang lapis at sketch pad. Doo'y sinimulan niya muling iguhit ang mukha ni Yvo na talaga namang nami-miss niya na ngayon. Mahigit isang oras din ang iginugol niya sa pagguhit hanggang sa mapangiti siya nang matapos iyon. "Sigurado akong magugustuhan niya ito," wika pa niya sa sarili at nagawa pa niyang iyakap ang papel na iyon mula sa kaniyang dibdib.Ilang sandali lang ay natigilan siya nang makarinig ng malakas na sigaw. Hindi siya sigurado ngunit sa tingin niya ay boses iyon ni Margaret. Kaya naman sa labis na pagtataka ay sandali siya
NADATNANG umiinom ng wine drink si Tamara ng kaniyang ama. Malalim na ang gabi at tanging siya na lamang ang gising sa buong mansyon. Habang si Renato naman ay hindi pinapatulog ng isiping ibinigay ni Tamara. "Hindi tama na nag-iinom ka, Tamara. At saka malalim na ang gabi, dapat ay natutulog ka na.""Hindi ba't ako dapat ang magsabi sa'yo niyan, papa?" Bahagya pa siyang natawa. "Sa edad mong 'yan ay kinakailangan mo palagi ang sapat na pahinga, hindi kagaya ko na bata pa."Pinandilatan siya nito ng tingin. "O baka naman sadyang hindi ka lang makatulog dahil gusto mo akong kausapin," malakas na paninindigan pa niya sa sarili. "'Wag mo kong kausapin na para bang napakalakī ng utang na loob ko sa'yo. Dahil kung tutuusin, ikaw dapat ang tumatanaw no'n sa akin bilang iyong ama!" gigil ngunit kalmado pa ring pagkakasabi ni Renato sa anak. Nang sandaling iyon ay mabilis tinungga ni Tamara ang natitirang laman ng shot glass bago pa niya muling harapin ang ama. "Talaga ba, papa? Sa nangyari
HINDI PA rin natigil ang masamang tinginan nina Maria at Tanya sa isa't isa kahit na kanina pa sila inawat ng mga tao sa mansyon. Sadyang nagkalamat na nga ang pagkakaibigan ng dalawa bukod pa ang katotohanang naging magkaribal ito noon sa puso ni Renato. Sa kasalukuyan ay masayang kinakarga ni Yvo ang kanilang anak na si Yvanna. At dahil may taglay na rin itong kalikutan ay mabilis sumuko ang mga braso niya. Natatawa naman siyang pinagmamasdan ni Karadine. "Mukhang kailangan mo pang magsanay na mag-alaga ng bata," pabirong sabi nito. "Mukha nga," pagsang-ayon niya rito. At doo'y hinayaan niya ngang si Karadine na muna ang mag-alaga nito. Kapagkuwa'y agad siyang nilapitan ni Renzo na kanina pa siya pinagmamasdan at gustong lapitan. "Yvo, bro." Doo'y nagpakita sila nang pagka-miss sa isa't isa. "Salamat at tama ang kutob ko noong una na ikaw si Yvo," pasimpleng bulong nito sa kaniya. Bagay na nagpalaki mismo ng mga mata niya. "Naisip mo pala 'yon? Kahit na nag-ibang katauhan
"Bakit mo ginawa 'yon?" takang katanungan sa kaniya ni Karadine. Naiilang ma'y bumwelo na rin siya upang makaisip ng tamang dahilan. "Ah, pasensya na, madam. Masyado lang akong nadala sa mga sinabi mo. Patawarin mo sana ako kung umaasta agad ako na isang malapit mong kaibigan." Doo'y bahagya siyang nilingon nito. " Pero bakit? Naranasan mo na rin bang mangulila sa mahal mo sa buhay bukod sa iyong pamilya?" "Oo. At sa totoo lang ay ganiyan din ang nararamdaman ko ngayon," sinserong aniya na bahagyang nakapagpatahimik sa pagitan nila. Segundo ang lumipas at narinig niya ang mahinang pagtawa ni Karadine. "Nakakatuwa naman na may taong nakaka-relate sa nararamdaman ko, kung ganoon ay hindi pala ako nag-iisa." Hindi niya alam kung bakit nang magtamang muli ang kanilang mga mata ay bahagyang napakunot ang noo nito. Kaya naman kinabahan siya nang mas titigan pa siya nito. "Alam mo, iniisip ko tuloy na baka pinaglalaruan lang ako ng tadhana." Nanatiling nakakunot ang noo niya haba
DUMATING ANG araw na pinakahihintay ni Yvo, ang magkita silang muli ni Karadine. Iyon ay nang totohanin na talaga niya ang pagpapanggap bilang isang bagong hardinero ng pamilya Monteza. Suot niya ang isang baseball cap at pekeng balbas na binili lamang sa kaniya ni Margaret upang gamiting pagbabalat kayo. Sa isip niya ay kailangan niya ng kooperasyon upang hindi maging padalos-dalos ang kaniyang mga aksyon. "Ikaw pala ang bagong hardinero?" Nanginig ang kaniyang buong kalamnan habang gayundin naman ang pagbilis nang pagtibok ng kaniyang puso. Batid niya na sa mga sandaling iyon ay magkakaharap na silang muli ng kasintahan. "Ah, o-opo." Bahagya siyang napalingon dito habang pinag-aaralan naman ni Karadine ang kabuuan ng mukha niya. Nang sandaling iyon ay hindi maintindihan ni Karadine kung bakit bigla na lang nakaramdam ng bahagyang kasiyahan ang puso niya. "Nakapagtataka," aniya sa isipan. "Anong pangalan mo? Ahm, pasensya ka na, hah? Kailangan ko lang kasing kilalanin ang
Pinakiramdaman nga ni Andrew ang pagdating ni Tamara, kung saan ay dis oras na rin ng gabi. Sa puntong iyon ay nakahanda na ang plano. Naghihintay lang siya ng go signal ni Margaret kung kailan siya dapat umaksyon. At sa kaniya rin naman manggagaling ang magiging go signal niya kay Florencio. Gamit ang bluetooth hearing device ay malinaw niyang naririnig doon ang boses ni Margaret na itong nagmo-monitor sa kaniya. Lingid sa kaalaman ni Tamara ay nakapaglagay ng safety device si Margaret sa bag nito kung saan ay mamo-monitor nito ang location ng isang tao. Kaya naman sa tulong ng safety device na iyon ay tagumpay na nasundan ni Margaret ang kapatid. "Alukin mo na siya ng makakain, at 'wag na 'wag mong kakalimutan ang ibinilin ko," boses ni Margaret mula sa kabilang linya. Doon nga'y nakita niyang abala si Tamara na kausapin at lambingin si Yvo. Kaya naman naisip niya na magandang tsempo iyon para isagawa ang unang plano. Kung saan ay kinakaikangan niyang lagyan ng sleeping p
NGAYONG alam na ni Margaret ang pinakalilihim ni Tamara ay nagkaroon siya ng dahilan para gawing pain ito sa pagbabalik loob nito sa kaniya. "Hanggang kailan mo balak ilihim sa pamilya natin ang pinakamalalim mong sikreto, Ate Tamara?" Tila nagulantang naman si Tamara sa ibinungad niya matapos itong matigilan sa ginagawa. Naabutan niya kasi itong nag-iimpake ng ilang damit. Pero sa lahat na yata nang nakilala niya ay si Tamara na ang pinakamagaling pagtakpan ang sikreto at indenial palagi kahit bistado na. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," kaswal na wika nito. Bahagya siyang natawa. "So, ide-deny mo pa talaga sa akin na ikaw ang dahilan kung bakit inakala naming lahat na patay na si Yvo?" Biglang nataranta si Tamara sa sinabi niya at sinigurado nito na walang kahit sino ang p'wedeng makarinig sa pag-uusap nila. "Paano mo--" "Sinabi sa akin ni Andrew. At oo, inamin niya sa akin na magkasabwat nga kayo. Ngayon alam ko na kung bakit madalas kang umaalis dahil lahat pala ng iy
MALAKAS na pagsuntok sa pader ang pinakawalan ni Renato matapos aminin mismo sa kaniya ng anak na si Tamara ang tungkol sa malaking perang kinamkam nito mula sa pabrika. Sa katunayan ay hindi pa nito iyon malalaman kung hindi dahil kay Margaret. "Umamin ka nga sa akin, saan mo dinala ang pera, hah?" may tonong galit ngunit kalmado nang pagkakasabi ni Renato. Wari ay hindi makasagot agad si Tamara. Pinapakiramdaman pa kasi nito kung tama ba na sabihin nito sa ama ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lamang itong nagkainteres na angkinin ang perang pinagharapan niya ng mahigit isang dekada. "P-papa--" "Bigyan mo ako ng sapat na dahilan, Tamara!" At tila bumaliktad ang mundo niya sa isinagot ng anak, "D-dahil kay Yvo! Oo, naging desperada ako, papa. Ginawa ko ang lahat para lang mabuhay siya!" Nanlaki ang mga mata niya sa ipinagtapat nito. Hindi niya akalaing magagawa siyang traydurin ulit ng sariling anak, alang-alang sa pag-ibig. Walang pinagkaiba sa ginawang pagtraydor sa
NANG mabalitaan ng pamilya Monteza na nahuli na ng mga pulis ang kanilang padre de pamilya ay sabik na dinalaw ni Florida at ng magkakapatid ang kanilang ama sa kulungan. "Papa, kay tagal ka naming hinanap. Mabuti at okay ka lang," wika ni Karadine. Bagay na sinang-ayunan naman ni Isabel. Sumunod na napatango si Margaret. Habang nanatiling walang kibo naman si Tamara. "Sana ay matagal ka nang sumuko para hindi na nadagdagan pa ang sentensya ng iyong pagkakakulong," wika ng asawa nito na si Florida. "Ayos lang, Florida, alam ko naman na rito na ako mamamatay sa kulungan. Kaya pakisabi na lang sa mga apo ko na paumanhin dahil nagkaroon sila ng demonyong lolo." "Papa? 'Wag mo ngang sabihin 'yan!" may tonong panenermong wika ni Tamara, na ngayon lang nagkaroon nang lakas ng loob na magsalita. Doon naman nagawang sentruhin ng tingin ni Margaret ang kaniyang kapatid. Kapagkuwa'y mabilis niya itong nilapitan upang hilahin sa kung saan at para makausap ng masinsinan. "Sabihin mo n
"Napakaganda niya, Karadine! Manang-manang sa'yo!" masayang wika ni Rosanna para sa best friend niya habang karga-karga nito ang bata. Katulad ni Isabel ay nag-volunteer din ito na magbantay kay Karadine sa hospital. Bagama't nanghihina pa mula sa panganganak ay tipid na napangiti si Karadine. "Maaari ko bang mayakap muli si Baby Yvanna?" "Yvanna ang ipapangalan mo sa kaniya?" tanong ni Rosanna. "Oo, Rosanna. Kahit sa pangalan man lang ay masabi kong buhay na buhay pa rin si Yvo mula sa katauhan ng anak namin." "Oo nga, 'no? Parang girl version din siya ni Yvo, ang tangos ng ilong kahit baby pa lang, e!" Hindi napigilang mapangiti ni Karadine. "Kung nabubuhay lang sana si Yvo, masayang-masaya siguro siya na makita ang anak niya.." "Hay, Karadine, 'wag mo na munang i-focus ang sarili mo sa kalungkutan. Ang importante ngayon ay kasama mo si Baby Yvanna, bilang isang magandang alaalang iniwan sa'yo ni Yvo." "Ewan ko ba, Rosanna. Parang pakiramdam ko kasi ay nandito pa rin si
SA KABILA nang mga pangit na nangyari sa kanilang pamilya ay unti-unti namang nasolusyunan nina Tamara at Andrew ang kanilang problema sa mga dating empleyado ng pabrika. Kaya naman naibigay na nila ang huling sahod ng mga ito. Ito ay dahil walang pag-aalinlangang ibinalik sa kaniya ni Andrew ang pinaghatian nilang pera at sa halip ay naisip nito na mag-ipon na lang ayon sa kaniyang pinagpaguran. Sa ngayon ay nagtatrabaho si Andrew bilang security guard sa isang subdivision kung saan ay malaking tulong naman ang kinikita nito upang makapagbigay sustento sa kanilang anak ni Margaret na si Baby Marvin. Sa kasalukuyan ay unti-unti rin ibinabalik ni Tamara ang mga perang nakuha niya mula sa pabrika. Naisip niya kasing itayo ng negosyo ang natira sa kaniyang pera upang lumago iyon at may pagkuhaan kung kinakailangan ng gastusin para kay Yvo. Masaya siyang magkaroon ng sariling water station na malaki ang naitulong sa kaniya. Isa na yata sa tamang desisyon na nagawa niya sa buhay."Sa wakas