KILALA ang pamilya Monteza sa bayan ng Eldefonso bilang isa sa pinakamayamang pamilya. Dahil dito ay tinitingala sila ng kanilang mga kababayan. Subalit, lingid sa bayan ng Eldefonso ang dahilan nang biglaang pagyaman ng pamilya Monteza. Dahil na rin sa ipinagbabawal na gawain ay nagkaroon ng mataas na respeto mula sa mga tao ang pinuno nitong si Renato Monteza mula sa mga tauhan nito na umaasa rin ng magandang kabuhayan. Kung saan ay bumuo ito ng isang grupo na kung tawagin ay Mochizet.
Subalit, dahil na rin sa matikas na pangangatawan at angking kagwapuhan ni Renato Monteza ay nagkaroon ito ng maraming anak sa iba't ibang babae sa pagkabinata. Tatlong anak mula sa iba't ibang ina nabuo sina Tamara, Isabel at Margaret. Subalit ang tunay nitong asawa na si Florida Monteza ang siyang kinakasama nito sa mansyon kasama ang kanilang unica hija at tagapagmana na si Karadine Monteza.Kilalang matapang na tao si Renato Monteza, ngunit may busilak din na kalooban. At kahit binuhay niya sa ilegal na trabaho ang kaniyang mag-ina na sina Florida at Karadine ay mapagmahal naman itong ama at asawa. At aminado siyang si Florida lamang ang tunay niyang mahal kaya ito ay kaniyang pinakasalan. Habang tanggap din naman ni Florida ang kaniyang nakaraan, subalit, lingid naman sa asawa ang kaniyang ilegal na trabaho dahil madalas ay nasa mansyon lamang ito kasama ang anak na si Karadine at ang ilang mga katiwala.Pista no'n sa bayan ng Eldefonso, at kagaya nang nakagawian tuwing pista ay nagkakaroon ng masayang salu-salo pagkatapos ng costume parade. Nagniningning sa kagandahan si Karadine habang naglalakad kasama ang ilan din na mga kadalagahan sa parada. Hanggang sa matapos na ang parada at nagawa siyang lapitan ng kaniyang matalik na kaibigan na si Rosanna."Karadine! Napakaganda mo!""Salamat, Rosanna. E, teka, bakit pala hindi ka sumali sa parada?"Ngingiti-ngiti namang napakamot nang hindi makati si Rosanna. "Ah, e, alam mo naman na wala kaming sapat na pera sa costume.""Pero sana ay nagsabi ka sa akin para naman napahiram kita ng costume."Napangiti lamang si Rosanna. "Ano ka ba, okay lang. Ang mahalaga naman sa akin ay kasali ang best friend ko!" Bahagya pa itong napatanday sa balikat niya at hinaplos niya naman nang marahan ang ulo nito.Saka naman bumungad sa kanila ang kaniyang tatlong step sisters na sina Tamara, Isabel at Margaret. Lumapit agad sa kaniya si Isabel upang gawaran siya ng halik sa pisngi. "Napakaganda mo, Karadine!" pagpuri pa nito.Sa tatlo ay tanging si Isabel lamang ang sadyang malapit sa kaniya habang sina Tamara at Margaret ay hindi man lang maibaba ang kilay sa tuwing nakikita siya. Palibhasa ay nabigyan na ang mga ito ng karapatan sa mansyon na manirahan dahil na rin sa kani-kanilang ina na nagsilbing katiwala upang mabuhay din nang marangya ang mga anak. Halos magkakaedad lamang ang tatlo, bale si Isabel ang pinakabata na nasa bente anyos na taong gulang habang mas matanda lamang ng isang taon si Tamara kay Margaret. Bente uno na si Margaret habang bente dos anyos naman si Tamara. Ka-edaran lang din naman ni Karadine si Isabel, matanda lang ng buwan si Isabel, dahil nang ipagbuntis ni Florida si Karadine ay manganganak na no'n si Isabela na siyang ina ni Isabel."Hoy, Isabel, sinabi naman namin sa'yo na 'wag kang lalapit basta-basta kay Karadine kapag kasama mo kami, e!" inis na sabi ni Margaret habang nagpapaypay. Tirik na tirik kasi ang init dahil buwan pa lamang ng Mayo."Sige na, lapitan mo na sila ate," malumanay na sabi ni Karadine kay Isabel. Kahit anong sungit ng dalawang step sisters ni Karadine sa kaniya ay iginagalang niya pa rin ang mga ito lalo na't mas matatanda ito sa kaniya. Bagama't nag-aaral na rin si Karadine ng martial arts dahil iyon ang nahiligan niyang sports.Tipid pang napangiti si Isabel sa kaniya habang inirapan lamang siya nina Tamara at Margaret. At saka dali-daling naglakad paalis. Sigurado siyang wala itong ibang gagawin sa buong araw kundi ang maghanap ng mga gwapong lalaki na p'wedeng jowain. Ayon din sa mga k'wento sa kaniya ni Isabel."Naku, dedmahin mo na lang ang mga bastarda mong mga kapatid maliban kay Isabel. Aba, e, kung ituring ka, akala mo ay sila itong tagapagmana.""Hayaan mo na, kapatid ko pa rin sila kahit na anong mangyari.""Kapatid sa labas," pagtatama pa ni Rosanna. "Naku, itong si Margaret, akala mo ay kay ganda-ganda, mukhang ginuhit lang naman ang kilay! At itong si Tamara, parang isinawsaw sa ketchup ang labi dahil sa pagkapula ng tuka."Natawa siya nang bahagya sa sinabi ni Rosanna. "Uy! Hayaan mo na, iyon ang trip nila, e. O, siya, kumain ka na lang sa bahay nang mawala iyang init ng ulo mo.""Mabuti pa nga!" Kagaya kanina ay nakapulupot pa rin ang kamay ni Rosanna sa kaniyang braso hanggang sa makarating sila sa mansyon.Doo'y nadatnan nila si Isabel na hindi na kasama sina Tamara at Margaret. "O, Isabel, nasaan sila Tamara?"Sandaling napabuntong hininga si Isabel bago pa man sumagot, "Ayon, nakikipaglandian sa dalawang dayo sa ating bayan. Hinayaan ko na lang kasi gutom na rin ako, e.""Ganoon ba? Bakit hindi man lang sila nag-iingat sa pakikipag-usap sa kahit na sino. E, paano kung may masamâ pa lang balak ang mga taong 'yon?""Hayaan mo na, para maturuan na rin ng leksyon ang kalandiang taglay ng dalawa!" sabat ni Rosanna na agad niyang sinikuhan. Kahit naman kasi hindi maganda ang pakikitungo sa kaniya ng dalawang kapatid ay ayaw niya naman na dumating sa puntong mapahamak ang mga ito.Nakita niya na seryoso na rin sumasandok ng pagkain si Isabel nang lapitan ito ng katiwala na si Aleng Francia na nakatoka sa kusina. "Naku, Madam Isabel at Madam Karadine, narito na pala kayo, maupo na po kayo at ako na ang maghahain sa inyo.""Ah, Aleng Francia, ako rin po, ah?" pagpapaalala pa ni Rosanna."Sige po, madam," sagot ni Aleng Francia.Ngingiti-ngiti naman si Rosanna. "Napakasarap pala sa pakiramdam kapag tinatawag kang madam, ano?" Tila dinadama pa ni Rosanna ang buhay na mayroon si Karadine.Magkakatabi silang naupong tatlo sa may dining area at doo'y hindi naiwasang ipagpatuloy ni Isabel ang usapan."Alam mo, Rosanna, ganiyan na ganiyan din ang pakiramdam ko noon noong una akong nakatuntong dito sa mansyon, 'di ba, Karadine?""Ah, oo. Mga sampung taong gulang pa lang yata tayo no'n, e," pagsang-ayon pa ni Karadine."Nakakatuwa kayo, parang kayo nga lang dalawa ang magkapatid," sabi pa ni Rosanna. "Naku, kung ako lang ang may dalawang malditang kapatid, gagawa ako ng paraan para mapalayas sila rito sa mansyon. Kung ako lang!" inis na paglalahad pa ni Rosanna.Bagay na nagawang tawanan ng magkapatid. "'Wag naman, Rosanna. Ayoko namang ipagkait kina Ate Tamara at Ate Margaret ang buhay na mayroon ako noon pa. Saka, parang kailan ko lang din naman sila nakasama." Bahagyang namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Lalo na nang pumasok ang kanilang dalawang kapatid na sina Tamara at Margaret kasama ang kani-kanilang mga kaibigan."Speaking of the devil," napapataas kilay pang sabi ni Rosanna. At doo'y pinagmasdan pa nilang tatlo ang pagpasok ng mga ito.Doon napatayo si Karadine dahil masyado yatang marami ang inimbitahan ng dalawang kapatid na mga bisita at lingid pa iyon sa kanilang ama. "Ate Tamara, Ate Margaret,p'wede ko ba kayong makausap?" sabi niya nang makalapit sa mga ito."Nag-uusap na tayo, ano ba ang tingin mo rito?" sarkastikong sabi ni Tamara.Habang tinaasan lamang din siya ng kilay ni Margaret at mabilis na hinila sa may gilid. "Ano bang problema mo? Mind your own business." Ramdam niya ang higpit nang pagkakakapit nito sa kaniyang braso na tipong bumabaon ang dulo ng kuko nito o baka naman sinasadya lamang iyon ng kaniyang half sister."Ah! Ate, nasasaktan ako!" napapaingit na sabi niya. Kaya naman to the rescue sa paglapit sina Rosanna at Isabel upang malaman kung okay lang siya.Doon lamang siya binitiwan ni Margaret nang makalapit na sina Rosanna at Isabel. "Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano bang problema?""Ate, ang gusto ko lang naman ay bago kayo mag-imbita ng maraming bisita ay ipagbigay alam n'yo na muna kay papa."Doon bahagyang napangisi si Margaret habang nakapamewang. "Wow, so wala pala kaming karapatan na mag-imbita ng mga taong gusto naming papuntahin dito sa mansyon? Hindi ba kami anak?""Wala akong sinabing gano'n," matapang na katwiran niya.At doo'y inambahan siyang sampalin ni Margaret pero agad iyong sinalag ng kamay ni Isabel. "Ano ba, ate, tumigil ka na!" pasigaw na wika ni Isabel na naging dahilan para sandaling mapukaw ang tingin sa kanila ni Tamara na ngayo'y kabiruan ang mga kaibigan at ang dalawang dayo na kasama nila kanina ni Margaret."Sandali, ano bang nangyayari? Karadine, Isabel, ano na naman bang problema?" singit ni Tamara pagkalapit na pagkalapit."Wala namang problema, ate, gusto lang naman pagsabihan ni Karadine si Ate Margaret na bago mag-imbita ng maraming bisita ay ipagbigay alam muna kay papa," sagot ni Isabel na nagpainis naman kay Tamara.Kaya naman sumentro ito ng tingin kay Karadine. "So, iyon pala ang ipinuputok ng budhi mo? Karadine, for your information ay nakita kami kanina ni papa. And, I think, okay lang sa kaniya na maraming bisita ngayon, tutal ay pista naman, e." Napabuntong hininga si Karadine. Sinisikap pigilan ang inis na nararamdaman. Napansin iyon ni Rosanna kung kaya't hindi nito napigilang hawakan siya nang mahigpit sa braso. "So? May problema pa ba, Karadine?"At doon na hindi nakapagtimpi si Karadine. "Alam n'yo kung anong problema, Ate Tamara? Iyang mga asal n'yo. Sumusobra na kayo, e. Hindi n'yo na iginalang ang bahay na pinagsikapan ni papa na maitayo, hindi n'yo na iniingatan ang yaman na mayroon tayo. Hindi ba't kabilin-bilinan ni papa na 'wag tayo basta-bastang magpapapasok ng kahit sino sa mansyon? Dahil narito lahat ng ating mga ari-arian. Pero kung wala naman kayong pakialam sa mga ari-arian na 'yon ay problema n'yo na 'yon." Matapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay naiwang tulala ang dalawa niyang nakatatandang kapatid habang nagawa naman siyang sundan nina Isabel at Rosanna.NAGPATULOY ang masayang kapistahan. Makikita ang saya sa mga mata at bibig ng mga tao sa bayan ng Eldefonso. Subalit, kapansin-pansin ang pagiging balisa ni Karadine. Magtatakip silim na kasi pero hindi pa rin umuuwi ang kanilang ama. Batid niya na nagsisikap itong kumita para sa kanilang pamilya subalit ang ipinagtataka niya ay kung bakit madalas ay mahigit walong oras ang pamamalagi nito sa negosyo. Nakauwi na rin kasi si Rosanna kung kaya't wala na rin siyang ibang makausap bukod kay Isabel. Bukod pa ro'n ay mailap niya rin nakausap sa maghapon ang inang si Florida dahil na rin sa pagiging abala nito sa kanilang sari-sari store na malapit sa bayan. Isabay pa ang pag-aalala dahil hindi pa rin bumabalik sina Tamara at Margaret simula nang umalis ang mga ito kanina.Matapos kasing kumain at tumambay ng mga bisita nina Tamara at Margaret sa mansyon ay nag-aya ang mga kasama nitong manuod ng dance contest sa bayan. Nakagawian na kasi sa kanilang bayan ang gano'ng pagdiriwang tuwing kapis
MALAKING KWESTYON pa rin kay Margaret ang nangyari kagabi. Hindi niya maintindihan kung paano sila hindi nagawang saktan na magkapatid ng mga naka-bonet na lalaking iyon. Subalit naging aral din sa kanila ni Tamara na hindi dapat sumasama kung kani-kanino. Bagama't naging lingid pa rin sa kaniyang inang si Maria at amang si Renato ang pakikipagtalik kay Philip ay naging palaisipan pa rin sa kaniya ang agarang pagkasangkot nito sa barilan.Kinabukasan ay naging usap-usapan sa bayan ang nangyaring barilan sa karatig bayan ng Eldefonso na San Miguel, kung saan nagtungo sina Margaret at Tamara kasama ang kanilang mga kaibigan at ang dalawang binata na sina Philip at Andrew. Kaya naman sandaling binisita ng kanilang amang si Renato ang lugar na kinasangkutan ng krimen kasabay nang pag-iimbestiga ng mga pulis. Bagama't nalaman na nito kay Margaret kung ano ba ang nangyari at sa palagay ni Renato ay sinuway ng kaniyang mga tauhan ang kaisa-isa niyang bilin.Pasakay na sana si Renato ng Gazell
NAKAKABINGING katahimikan ang namayani sa paligid kasabay ng matinding kabang nararamdaman ng mga tauhan ng kaniyang ama na siya ring nararamdaman niya ngayon. Hanggang sa isang boses ang bumasag sa katahimikang iyon. "A-ako po, boss. Ako po ang pumatay sa dayong iyon!" giit ni Florencio.Kaya naman nakita ni Karadine ang mabilis na pagsinghal ng kaniyang ama. "Wala kang k'wenta! Sa ganoong paraan pa talaga?" Hindi pa nakuntento ang kaniyang ama at binalot pa ng palad nito ang panga ng tauhang si Florencio. "Hindi mo ba naisip na bukod sa krimeng ginawa mo ay maaaring maapektuhan ang aking negosyo? Paano kung makarating sa pamilya ng mga Baltazar na ang grupo natin ang may kinalaman sa pagkamatay ng dayong iyon?" At tila mas tumindi pa ang galit ni Renato sa tauhan sa mga sumunod na sinabi nito, "Florencio, isang malakas na parokyano natin ang pinatay mo!" Napahalukipkip lamang si Karadine sa mga nasasaksihan.Samantala'y halatang-halata naman ang panginginig ng katawan ni Florencio
"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kami alalang-alala sa'yo." Hindi maiwasang magpakita nang pag-aalala ng inang si Florida para sa kaniyang anak na si Karadine. Pasado alas nuwebe na kasi ng gabi nang makauwi sila ng mansyon kasama ang kaniyang ama. Subalit ang kaniyang mga nalaman ay pinili na muna niyang ikubli sa kaniyang isipan. Magsasalita na sana siya nang unahan siyang magsalita ng kaniyang ama, "Magkasama kami ng anak mo, Florida, buong maghapon kaya wala kang dapat na ipag-alala."Napanatag naman na si Florida sa isinagot ng asawa habang nagpapahinga ito sa may sofa. Samantalang siya naman ay dumiretso na sa kaniyang silid habang laman pa rin ng kaniyang isip ang mga nangyari. Tila hindi pa rin mag-sink in sa utak niya kung gaano kabilis ang mga pangyayari, at kung paano niya tinanggap nang walang pag-aalinlangan ang trabahong inalok ng kaniyang ama.Subalit dahil sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi niya namalayang nakatayo sa tapat ng kaniyang silid sina Tamara, Margaret
"Hay! Nakakapagod din pala ang mag-training ng ganito!" bulalas ni Karadine sa kawalan bago pa man tunggain ang tubig na nasa kaniyang tumbler. Subalit hindi pa man siya tuluyang nakakainom ay isang pamilyar na boses naman ang bumungad sa kaniya. "Ang galing mo kanina."Pagkalingon niya rito ay imbes na magandang ngiti ang mabungaran niya rito ay pagiging seryoso ng mukha pa ang nakita niya. Kaya naman matapos niyang tunggain ang tubig na nasa tumbler ay bahagya siyang napailing at sinabi, "Hindi ko alam kung pinupuri mo ba ako o iniinsulto, Yvo." Tipid naman itong napangisi. "Seryoso ako." Bahagya namang napataas ang kilay niya. "Halata nga, kasi never ka pa namang ngumiti sa harapan ko, e." "Anong ibig mong sabihin? Na hindi ako marunong ngumiti?" "Hm, wala akong sinasabi. Pero kung ikukumpara kita kay Renzo, mas madalas ko siyang nakikitang nakangiti kaysa sa'yo. Para bang pasan mo ang buong mundo?" may tonong pang-aasar pa niya. Inaasahan niyang mapapangiti na ito sa sinabi ni
Hindi nagtagal ay agad din siyang isinabak sa shooting range ng kaniyang ama kasabay nang pagti-training niya ng martial arts. Sa tulong din naman ni Ken ay mas lumawak pa ang kaalaman niya sa martial arts, na kung dati ay napapanuod niya lamang. Sadyang hindi madali ang kaniyang bawat training araw-araw ngunit kailangan niyang kayanin upang mas ipagmalaki pa siya ng ama at nang sa gano'n ay mas pagtiwalaan na maging kanang kamay nito. Anuman ang pinaplano niyang malaking pagbabago sa grupong binuo nito ay minabuti niyang sarilihin na muna. Dahil sa tingin niya ay hindi naman matatapos ang kaniyang pag-eensayo sa trabahong pinasok niya. "Mas gumagaling ka, Karadine. Hindi nga nagkamali ng desisyon ang iyong ama. Dahil ikaw lang ang kinakitaan niya ng tapang at angas sa inyong magkakapatid pagdating sa pakikipaglaban." Bahagyang napaawang ang labi niya sa sinabi ni Ken. Saka naman sumagi sa isip niya kung paano siya nagawang isama noon ng ama sa bawat training nito sa martial arts."Ku
"Uy, Ate Tamara, ano bang ginagawa mo? Bakit para kang stalker diyan kay Karadine?" Hindi naiwasang pandilatan ng mata ni Tamara ang nakababatang kapatid na si Margaret nang madatnan siya nitong nagtatago sa likod ng mga halaman sa garden. "Ano ba? 'Wag ka ngang maingay. Hindi mo ba napapansin? Inaalam ko ang bawat galaw ni Karadine para malaman ko kung paano siya s********p kay papa." May pag-irap sa kawalang sabi ni Tamara. Dahilan para bahagyang kumunot ang noo ni Margaret. "Seriously? Pero baka nakakalimutan mo, siya pa rin ang legal na anak ni papa." Sandaling napangisi si Tamara habang hindi nito inaalis ang tingin sa bunsong kapatid na si Karadine. "You're right, Margaret, kaya nga gumagawa ako ng paraan para magkaroon siya ng butas kay papa, e. Nang sa gano'n ay mapansin niya naman ako bilang anak. Nakakainis lang isipin na palagi na lang si Karadine ang magaling, matalino at responsable. Hay!" bulalas pa niya at sa puntong iyon ay hindi inaasahang matutumba niya ang isang p
Buwis buhay ang naging pagsabak nina Yvo, Renzo at ng ibang miyembro ng Mochizet upang makamit lang ang inaasam na pwesto, gayundin ang malaking halaga na katumbas nito.At para kay Karadine ay parang ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang mga tauhan ng kaniyang ama, lalung-lalo na si Yvo. Pero kahit gano'n ay hindi niya man lang nakita sa mukha ni Yvo ang pagsuko kahit na halatang hirap na hirap na ito. Hanggang sa itinanghal sina Yvo at Renzo bilang pinakamatatag sa lahat. At dahil may kailangan pang hirangin sa dalawa para sa isang nakatakdang pwesto ay kinakailangan pa muling magtuos ng dalawa. Kung saan ay kinakailangan ng mga itong timbangin sa mga braso ang isang sako na naglalaman ng mga bakal habang nakatayo sa loob ng trenta minuto. Tibay at lakas ng katawan ang magiging labanan at kung paano naman ang kagustuhan ng dalawang makamit ang kaisa-isang pwesto ay sila rin namang pagtitiis nila sa hamon ng buwis buhay challenge na iyon."Ten minutes left," wika ni Ken na nagsilbing
HINDI PA rin natigil ang masamang tinginan nina Maria at Tanya sa isa't isa kahit na kanina pa sila inawat ng mga tao sa mansyon. Sadyang nagkalamat na nga ang pagkakaibigan ng dalawa bukod pa ang katotohanang naging magkaribal ito noon sa puso ni Renato. Sa kasalukuyan ay masayang kinakarga ni Yvo ang kanilang anak na si Yvanna. At dahil may taglay na rin itong kalikutan ay mabilis sumuko ang mga braso niya. Natatawa naman siyang pinagmamasdan ni Karadine. "Mukhang kailangan mo pang magsanay na mag-alaga ng bata," pabirong sabi nito. "Mukha nga," pagsang-ayon niya rito. At doo'y hinayaan niya ngang si Karadine na muna ang mag-alaga nito. Kapagkuwa'y agad siyang nilapitan ni Renzo na kanina pa siya pinagmamasdan at gustong lapitan. "Yvo, bro." Doo'y nagpakita sila nang pagka-miss sa isa't isa. "Salamat at tama ang kutob ko noong una na ikaw si Yvo," pasimpleng bulong nito sa kaniya. Bagay na nagpalaki mismo ng mga mata niya. "Naisip mo pala 'yon? Kahit na nag-ibang katauhan
"Bakit mo ginawa 'yon?" takang katanungan sa kaniya ni Karadine. Naiilang ma'y bumwelo na rin siya upang makaisip ng tamang dahilan. "Ah, pasensya na, madam. Masyado lang akong nadala sa mga sinabi mo. Patawarin mo sana ako kung umaasta agad ako na isang malapit mong kaibigan." Doo'y bahagya siyang nilingon nito. " Pero bakit? Naranasan mo na rin bang mangulila sa mahal mo sa buhay bukod sa iyong pamilya?" "Oo. At sa totoo lang ay ganiyan din ang nararamdaman ko ngayon," sinserong aniya na bahagyang nakapagpatahimik sa pagitan nila. Segundo ang lumipas at narinig niya ang mahinang pagtawa ni Karadine. "Nakakatuwa naman na may taong nakaka-relate sa nararamdaman ko, kung ganoon ay hindi pala ako nag-iisa." Hindi niya alam kung bakit nang magtamang muli ang kanilang mga mata ay bahagyang napakunot ang noo nito. Kaya naman kinabahan siya nang mas titigan pa siya nito. "Alam mo, iniisip ko tuloy na baka pinaglalaruan lang ako ng tadhana." Nanatiling nakakunot ang noo niya haba
DUMATING ANG araw na pinakahihintay ni Yvo, ang magkita silang muli ni Karadine. Iyon ay nang totohanin na talaga niya ang pagpapanggap bilang isang bagong hardinero ng pamilya Monteza. Suot niya ang isang baseball cap at pekeng balbas na binili lamang sa kaniya ni Margaret upang gamiting pagbabalat kayo. Sa isip niya ay kailangan niya ng kooperasyon upang hindi maging padalos-dalos ang kaniyang mga aksyon. "Ikaw pala ang bagong hardinero?" Nanginig ang kaniyang buong kalamnan habang gayundin naman ang pagbilis nang pagtibok ng kaniyang puso. Batid niya na sa mga sandaling iyon ay magkakaharap na silang muli ng kasintahan. "Ah, o-opo." Bahagya siyang napalingon dito habang pinag-aaralan naman ni Karadine ang kabuuan ng mukha niya. Nang sandaling iyon ay hindi maintindihan ni Karadine kung bakit bigla na lang nakaramdam ng bahagyang kasiyahan ang puso niya. "Nakapagtataka," aniya sa isipan. "Anong pangalan mo? Ahm, pasensya ka na, hah? Kailangan ko lang kasing kilalanin ang
Pinakiramdaman nga ni Andrew ang pagdating ni Tamara, kung saan ay dis oras na rin ng gabi. Sa puntong iyon ay nakahanda na ang plano. Naghihintay lang siya ng go signal ni Margaret kung kailan siya dapat umaksyon. At sa kaniya rin naman manggagaling ang magiging go signal niya kay Florencio. Gamit ang bluetooth hearing device ay malinaw niyang naririnig doon ang boses ni Margaret na itong nagmo-monitor sa kaniya. Lingid sa kaalaman ni Tamara ay nakapaglagay ng safety device si Margaret sa bag nito kung saan ay mamo-monitor nito ang location ng isang tao. Kaya naman sa tulong ng safety device na iyon ay tagumpay na nasundan ni Margaret ang kapatid. "Alukin mo na siya ng makakain, at 'wag na 'wag mong kakalimutan ang ibinilin ko," boses ni Margaret mula sa kabilang linya. Doon nga'y nakita niyang abala si Tamara na kausapin at lambingin si Yvo. Kaya naman naisip niya na magandang tsempo iyon para isagawa ang unang plano. Kung saan ay kinakaikangan niyang lagyan ng sleeping p
NGAYONG alam na ni Margaret ang pinakalilihim ni Tamara ay nagkaroon siya ng dahilan para gawing pain ito sa pagbabalik loob nito sa kaniya. "Hanggang kailan mo balak ilihim sa pamilya natin ang pinakamalalim mong sikreto, Ate Tamara?" Tila nagulantang naman si Tamara sa ibinungad niya matapos itong matigilan sa ginagawa. Naabutan niya kasi itong nag-iimpake ng ilang damit. Pero sa lahat na yata nang nakilala niya ay si Tamara na ang pinakamagaling pagtakpan ang sikreto at indenial palagi kahit bistado na. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," kaswal na wika nito. Bahagya siyang natawa. "So, ide-deny mo pa talaga sa akin na ikaw ang dahilan kung bakit inakala naming lahat na patay na si Yvo?" Biglang nataranta si Tamara sa sinabi niya at sinigurado nito na walang kahit sino ang p'wedeng makarinig sa pag-uusap nila. "Paano mo--" "Sinabi sa akin ni Andrew. At oo, inamin niya sa akin na magkasabwat nga kayo. Ngayon alam ko na kung bakit madalas kang umaalis dahil lahat pala ng iy
MALAKAS na pagsuntok sa pader ang pinakawalan ni Renato matapos aminin mismo sa kaniya ng anak na si Tamara ang tungkol sa malaking perang kinamkam nito mula sa pabrika. Sa katunayan ay hindi pa nito iyon malalaman kung hindi dahil kay Margaret. "Umamin ka nga sa akin, saan mo dinala ang pera, hah?" may tonong galit ngunit kalmado nang pagkakasabi ni Renato. Wari ay hindi makasagot agad si Tamara. Pinapakiramdaman pa kasi nito kung tama ba na sabihin nito sa ama ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lamang itong nagkainteres na angkinin ang perang pinagharapan niya ng mahigit isang dekada. "P-papa--" "Bigyan mo ako ng sapat na dahilan, Tamara!" At tila bumaliktad ang mundo niya sa isinagot ng anak, "D-dahil kay Yvo! Oo, naging desperada ako, papa. Ginawa ko ang lahat para lang mabuhay siya!" Nanlaki ang mga mata niya sa ipinagtapat nito. Hindi niya akalaing magagawa siyang traydurin ulit ng sariling anak, alang-alang sa pag-ibig. Walang pinagkaiba sa ginawang pagtraydor sa
NANG mabalitaan ng pamilya Monteza na nahuli na ng mga pulis ang kanilang padre de pamilya ay sabik na dinalaw ni Florida at ng magkakapatid ang kanilang ama sa kulungan. "Papa, kay tagal ka naming hinanap. Mabuti at okay ka lang," wika ni Karadine. Bagay na sinang-ayunan naman ni Isabel. Sumunod na napatango si Margaret. Habang nanatiling walang kibo naman si Tamara. "Sana ay matagal ka nang sumuko para hindi na nadagdagan pa ang sentensya ng iyong pagkakakulong," wika ng asawa nito na si Florida. "Ayos lang, Florida, alam ko naman na rito na ako mamamatay sa kulungan. Kaya pakisabi na lang sa mga apo ko na paumanhin dahil nagkaroon sila ng demonyong lolo." "Papa? 'Wag mo ngang sabihin 'yan!" may tonong panenermong wika ni Tamara, na ngayon lang nagkaroon nang lakas ng loob na magsalita. Doon naman nagawang sentruhin ng tingin ni Margaret ang kaniyang kapatid. Kapagkuwa'y mabilis niya itong nilapitan upang hilahin sa kung saan at para makausap ng masinsinan. "Sabihin mo n
"Napakaganda niya, Karadine! Manang-manang sa'yo!" masayang wika ni Rosanna para sa best friend niya habang karga-karga nito ang bata. Katulad ni Isabel ay nag-volunteer din ito na magbantay kay Karadine sa hospital. Bagama't nanghihina pa mula sa panganganak ay tipid na napangiti si Karadine. "Maaari ko bang mayakap muli si Baby Yvanna?" "Yvanna ang ipapangalan mo sa kaniya?" tanong ni Rosanna. "Oo, Rosanna. Kahit sa pangalan man lang ay masabi kong buhay na buhay pa rin si Yvo mula sa katauhan ng anak namin." "Oo nga, 'no? Parang girl version din siya ni Yvo, ang tangos ng ilong kahit baby pa lang, e!" Hindi napigilang mapangiti ni Karadine. "Kung nabubuhay lang sana si Yvo, masayang-masaya siguro siya na makita ang anak niya.." "Hay, Karadine, 'wag mo na munang i-focus ang sarili mo sa kalungkutan. Ang importante ngayon ay kasama mo si Baby Yvanna, bilang isang magandang alaalang iniwan sa'yo ni Yvo." "Ewan ko ba, Rosanna. Parang pakiramdam ko kasi ay nandito pa rin si
SA KABILA nang mga pangit na nangyari sa kanilang pamilya ay unti-unti namang nasolusyunan nina Tamara at Andrew ang kanilang problema sa mga dating empleyado ng pabrika. Kaya naman naibigay na nila ang huling sahod ng mga ito. Ito ay dahil walang pag-aalinlangang ibinalik sa kaniya ni Andrew ang pinaghatian nilang pera at sa halip ay naisip nito na mag-ipon na lang ayon sa kaniyang pinagpaguran. Sa ngayon ay nagtatrabaho si Andrew bilang security guard sa isang subdivision kung saan ay malaking tulong naman ang kinikita nito upang makapagbigay sustento sa kanilang anak ni Margaret na si Baby Marvin. Sa kasalukuyan ay unti-unti rin ibinabalik ni Tamara ang mga perang nakuha niya mula sa pabrika. Naisip niya kasing itayo ng negosyo ang natira sa kaniyang pera upang lumago iyon at may pagkuhaan kung kinakailangan ng gastusin para kay Yvo. Masaya siyang magkaroon ng sariling water station na malaki ang naitulong sa kaniya. Isa na yata sa tamang desisyon na nagawa niya sa buhay."Sa wakas