Home / Romance / IKAW SA AKING MGA KAMAY / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of IKAW SA AKING MGA KAMAY: Chapter 71 - Chapter 80

101 Chapters

Chapter 71

“N-NOTHING Lukas, napagod lang ako,” pagkakaila ni Cataleya sa nobyo. Nakuyumos ng kamay niya ang hawak na lumang picture saka ipinasok sa loob ng bulsa ng short niya. Mabuti at hindi napansin iyon ng kaharap. Pinahid niya ang mga butil ng pawis na lumitaw sa mukha niya at sinikap na i-relax ang sarili. “Naglinis kasi ako ng ilang gamit.”He frowned. “At this hour of night? Masyado mo yatang pinapagod ang sarili mo.” Lumapit ito sa kanya at tinabihan siya sa kinauupuan niyang sofa.Bigla niyang nailayo ang sarili dito. “Naku my love, talagang lumapit ka pa sa akin, amoy pawis pa naman ako.” Sininghot pa niya ang sariling amoy. Gusto niyang pagaanin ang mabigat na dalahin ng dibdib niya.“No worries, hindi naman halata eh.” Pa-simple siyang tinaasan nito ng kilay na nangingiti pa. “Kahit ano pa ang maging amoy mo ay mamahalin pa rin kita Cataleya.”Ang kilig na naramdaman niya ay nahaluan ng malaking lungkot. Iyon ay dahil sa isang kasinungalingan ng kahapon na nag-ugnay sa kanilang d
last updateLast Updated : 2023-05-15
Read more

Chapter 72

INILAPAG ni Cataleya ang dala niyang bulaklak sa ibabaw ng isang puntod. Nabasa niya sa lapida ang buong pangalan ng yumao niyang kakambal at kapatid na si Claudia. Hindi niya alintana ang init ng araw na dumadampi sa balat niya. Nagsindi rin siya ng kandila saka nag-ukol ng isang tahimik na panalangin.Sa sandaling iyon, hindi niya napigilan na kausapin ang namayapang kapatid. Panatag naman siya na magsalitang mag-isa dahil nasa private cemetery siya. Bukod sa guard na naroon sa gate ay wala na siyang makita na ibang tao na naroon.“Ayan sis, sinadya kitang dalawin ngayon huh. Nasaan ka man ay sana marinig mo ang sasabihin ko sa’yo. Naalala mo pa ba ang ginawa ipinagawa mo sa akin noon kapalit ng pagtulong mo sa akin? Ang naging dahilan kung bakit nawala ang virginity ko…“Kakaloka lang na ang asawa mong si Lukas ay kasama-sama ko ngayon. Aaminin ko sa’yo na mahal na mahal ko siya. Huwag mo sanang isipin na inagaw ko sa’yo huh. Pangako, hindi ko siya sasaktan. Ayokong sisihin ka kung
last updateLast Updated : 2023-05-22
Read more

Chapter 73

INIGNORA ni Cataleya ang nasabing message na iyon. Ibinalik ang cellphone niya sa ibabaw ng conference table. Ibinalik niya ang atensyon kay Lukas na abala pa rin sa presentation nito. Kita sa mukha ng board ang paghanga sa katalinuhan ng nobyo niya pagdating sa negosyo.At hindi niya hahayaang mawala ito sa buhay niya. Panaka-nakang pumasok sa isip niya ang message na galing kay Anne. May hindi maipaliwanag na takot siyang naramdaman. Kahit sabihin pa na baka ibang Anne ito at hindi iyong kakilala niya. Pa-simpeleng napailing ang ulo niya.Ang masigabong palakpakan ang nagpabalik sa diwa niya sa reyalidad. Namalayan na lang niya na isa-isang kinakamayan si Lukas ng board. She must be proud of him. Masaya siya para sa magandang result ng gawain nito ngayong araw.“Congratulation my love, mukhang napabilib mo ang board mo ah,” bati niya sa nobyo nang silang dalawa na lang ang tao sa conference hall.He smiled and gently cupped his face. “Of course, dahil kasama kita. You’re my inspirat
last updateLast Updated : 2023-05-24
Read more

Chapter 74

“SIR LUKAS! Sir Lukas!”Si Cataleya ang unang nakapansin sa lalaking tumatawag sa kanya sa nobyo niya. Kalalabas lang nilang dalawa ni Lukas ng AGC Tower. Papunta sila sa parking lot para puntahan ang kotse nito na sasakyan nila patungong airpor.“My love, someone is calling you,” mahinang imporma niya dito.Napatigil ito sa paglalakad saka tumingin sa kanya. “Teka, sino ba ‘yun?” Lumingon ito sa direksyong tinitingan niya. “That bastard.”Nakita niya ang pagtiim ng bagang ni Lukas nang makita ang lalaking tumatawag dito. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinumang nilalang na iyon. Mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila ang lalaki.“Sir Lukas, nagmamakaawa po ako sa inyo,” puno ng pakiusap na sabi ng lalaki. Bakas sa mukha nito ang pagmamakaawa. “Bawiin na ninyo ang paglagay sa pangalan ko sa black list. Hirap na hirap na akong humanap ng trabaho.”Nanlilisik ang tingin na tiningnan ito ni Lukas. “You deserve that Julio, pasalamat ka nga na hindi kita tuluyang ipinakulong sa ginawa
last updateLast Updated : 2023-06-02
Read more

Chapter 75

“ANDITO ka pala Lukas?” bagkus ay sagot ni Cataleya na pilit na nagkakaila. Sinadya niyang iwasan ang tanong na iyon ng nobyo. Napaka-seryoso ng itsura nito na mataman siyang pinagmamasadan. Nilalabanan niya ang matinding kaba na nadarama niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.“Answer me first, ikaw nga si Leyah Rose?” ulit nito sa ibinungad na tanong nito.Binawi niya ang composure. Ini-relax niya ang sarili saka sinalubong ang mga mata nito. “I’m just reading also her novel. Malabo na maging ako siya.”“Seryoso ka?” Nagsalubong ang mga kilay nito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa chair niya at nilapitan siya. “Nabasa ko na nga ang nakabukas na file ng chapter na naka-update doon sa story. You even use our names.”Sa sumunod na sandali, iniharap nito sa kanya ang screen ng cellphone nito. Nakabukas ang reading apps at ipinakita sa kanya ang tinutukoy nito.]Hindi makapaniwala na napaawang ang labi niya sa nabasa. Tama nga ito, nai-type nga niya ang pangalan nil ani
last updateLast Updated : 2023-06-03
Read more

Chapter 76

NAPAPAUNGOL si Lukas habang pinipigilan ang katawan na madala sa matinding kiliti. Patuloy na pinagpapala ng labi ni Cataleya ang kili-kili ng nobyo. Ibang sensasyon ang naidulot niya dito.“Cat, please,” anas ni Lukas na hindi mapakali sa ginagawa niya dito.Tumigil siya saka tumingin sa mukha nito. “Gusto mo ba akong tumigil? Just tell me.”“No-Uh.” Umiling na napatango ang ulo nito bilang tugon. Walang eksaktong kasagutan na maibigay. Tila tino-torture kasi niya ito sa sarap.Hinaplos ng daliri niya ang pawisang mukha nito at sa pagkakataong iyon ay dumako ang labi niya sa leeg nito. Hinayaan niyang mabawi na nito ang braso na kanina ay hawak niya.At hindi pa tapos ang pagbibigay niya ng ligaya sa lalaking pinakamamahal niya. Bumaba pa ang halik niya sa malapad nitong dibdib. Pinaulanan niya iyon ng mga pinong halik.Hinuli ng labi niya ng nipple nito. She gently sucked it. He moaned again. Napaka-perpekto ng built ng katawan ni Lukas na tila nililok ng isang magaling na iskultor.
last updateLast Updated : 2023-06-11
Read more

Chapter 77

NAGISING si Cataleya ng madaling araw, kasiping niya sa kama ng kanyang kuwarto si Lukas. Mahimbing itong natutulog na napagod sa naganap na sa pagniniig sa kanilang dalawa. Naaliw siyang pagmasdan ang itsura nito na tila may pagka-inosente sa pagkakapikit ng mga mata nito. Bahagyang nakahantad ang matipunong dibdib nito habang magkasalo sila sa iisang kumot. “Mahal na mahal talaga kita,” anas niya. Mula sa pagkakaunan ng ulo niya sa bicep nito ay iniangat niya ang ulo. Masinsinan niyang pinagmasdan ang gwapong mukha nito. Isang bagay na hindi niya pagsasawaang gawin para lalaking pinakamamahal niya. Naririnig niya ang mahinang paghilik nito na tila musika sa pandinig niya. Naitukod niya ang ulo sa ibabaw ng isang nakakuyom niyang kamao. Para bang kinakabisa niya ang bawat detalye ng mukha ni Lukas. Mula sa may kakapalang kilay, ang matangos nitong ilong hanggang sa may kapulahang labi. Everything is perfect. Tila nililok ng isang mahusay ng iskultor ang pisikal nitong itsura. Mi
last updateLast Updated : 2023-06-19
Read more

Chapter 78

MAGRI-reply sana si Cataleya sa text message na iyon ni Anne, pero sa kalagitnaan ng pagta-type niya ay namatay ang cellphone niya. Hindi niya kaagad napansin na one percent na lang ang battery. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Wala siyang ganang mag-charge muna at natatakot siyang makatanggap ng anumang mensahe. Ibinalik niya iyon sa bag niya.“Are you alright?” tanong ni Lukas. Bakas sa kislap ng mata nito ang matinding pag-alala. “Pinagpapawisan at namumutla ka my angel.”Napaawang ang labi niya pero kaagad din niyang hinamig ang sarili. “Wala ito my love, napaguran lang siguro ako sa mahabang byahe.”“Sigurado ka?” Halata sa mukha nito ang paninigurado sa sinabi niya. mataman pa ang naging pagtitig nito sa kanya.Tumango siya saka pinisil ang isang pisngi nito. “Don’t worry about me. Okay lang talaga ako at napaguran lang ako.”“Ang mabuti pa Cataleya ay magpahinga ka muna pagkababa ng kinain mo,” sabad ni Conchita saka binalingan si Aya. “Bunso, mamaya ay ihatid mo mu
last updateLast Updated : 2023-06-22
Read more

Chapter 79

TILA hindi natinag si Ann na pumasok sa loob ng bahay niya. Napasunod si Cataleya dito at naabutan niyang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kabahayan. “I still remember this house, ako ang kasama ni Ma’am Claudia nang i-actual visit naming ito three years ago.”“At ano ang gusto mong palabasin?” nagpipigil sa inis na tanong niya sa bisita. Nanatiling naka-distansya siya sa kinatatayuan ni Ann. Baka kung ano ang magawa niya dito kapag lumapit siya. Pilit niyang hinahabaan ang pasensya niya.Binalingan siya nito. “Calm down Cath, hindi naman ako naghahabol sa bahay na ito dahil sa’yo ito ipinaman ng namatay kong boss. Kahit paano ay naging mabait pa rin sa’yo ang kapatid mo.”“And even me, hindi ko rin ini-expect na pamamanahan niya ng bahay dito sa Palawan. Hindi ko naman ito pinapabayaan.” She was trying to put herself in her composure.“Kaya nga madali kitang natunton dito sa Palawan.” Naupo ito sa sofa pero nanatiling nakatingin sa kanya. “At hindi nga ako nagkamali na dito ka nakati
last updateLast Updated : 2023-06-23
Read more

Chapter 80

SI Cataleya na mismo ang humuli sa mga labi ni Lukas. Isang mainit na halik ang kanilang pinagsasaluhan. Tumugon na rin ito sa romantikong aksyon na idinidikta ng kanyang puso. Ganap nang nanalaytay sa bawat himaymay niya ang binuhay nitong desire sa katawan niya.“You’re good teaser aside from being a writer,” sabi nito nang saglit na maghiwalay ang kanilang mga labi. Nanatiling magkatagpo ang kanilang mga mata na nagsisilbing repleksyon ng nadarama nila para sa isa’t isa.“Sa’yo ko lang naman ito nagagawa my love.” Marahan niya itong itinulak ang katawan nito sa pahiga sa couch. Napaulo ito sa arm rest sa dulong bahagi ng nassbing upuan. Naroon ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa ginawa niya. his breathing was heavy.Naaliw siyang pagmasdan ang itsura nito na nagpadagdag pa ng temperature sa nadarama niyang kakaibang init. Tila inosente ito at walang ideya sa gusto niyang mangyari habang solo nila ang isa’t isa sa writing room niya.“You are making me crazy again. Crazy about you,
last updateLast Updated : 2023-06-24
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status