KASING- bilis ng hakbang ng pa ani Cataleya ang tibok ng puso niya. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina hanggang ganap na makalabas ng hotel. Bumuntong-hininga siya na pilit pinakalma ang sarili. Nahipan pa niya ang bangs ng buhok niya na nasa noo niya. Subalit mas nanaig ang takot sa kanya na sinabayan ng matinding pag-aalala.Be strong Lukas, sambit niya sa pangalan ng nobyo na siyang malaking dahilan ng pinagdadaaanan niya.Gusto na niyang makarating sa kasalukuyang kinaroroonan ng lalaking pinakamamahal niya. Ngunit pagdating niya sa labas ng resort ay wala siyang mamataang tricycle na maaari sana niyang sakyan.Tila sa bawat pagpatak ng segundo at minute ay maraming oras ang nasasayang hanggang hindi pa siya nakakasakay. Kailangan na umalis siya sa lugar na iyon.Akmang lalakad na siyang muli nang mamataan niya ang pamilyar na sasakyan na papasok sa vicinity ng resort. Nabuhayan siya ng pag-asa at kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Kaagad niyang pinara van na pag-aari
TILA nag-slow motion ang lahat sa paningin ni Cataleya nang ibaling niyang muli ang atensyon kay Lukas. Nakahiga pa rin ito sa strectcher pero nakamulat na ang mga mata nito at nakatingin sa kanya. Hindi man lang kababakasan na nasaktan ito sa natamong aksidente dahil kay tamis ng ngiti sa labi nito. Naroong ngumisi pa na naaaliw na pinagmasdan ang mukha niya.“Okay ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” magkasunod na pag-aalalang tanong niya sa nobyo. “Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw ka pang isugod sa hospital ngayon.”“Calm down my angel. May gusto muna akong itanong sa’yo bago ko isugod ang sarili ko sa’yo for a lifetime,” anito na may pinipigilang pagtawa.“Hay naku, hindi ka ba nag-aalala para sa sarili mo huh?” kunwa’y inis niyang tanong dito. Nakuha pa nitong maging kalmado sa kabila ng kalagayan nito ngayon. “Ano ba kasi ang itatanong mong ‘yan?”“Look at the sky first, anong napapansin mo?”Nagtatakang sumunod naman siya sa utos na iyon ni Lukas. Tumingala nga siy
NAAGAW ang atensyon ni Cataleya nang marinig niya ang tunong ng pagbuntong-hininga ni Lukas. Katabi niya ang nobyo sa kinaluluanan nilang eroplano. Papunta silang dalawa ng Manila ngayong hapon para sa dinner invitation ng Papa nito. Napatingin siya sa direksyong tinitingan nito.Nakita rin niya ang isang mag-anak na kasasakay lang eroplano. Karga ng ina ang isang batang lalaki na tantiya niya ay tatlong taong gulang na. Masayang-masaya ang mga ito.Sa paglipat ng tingin niya kay Lukas, nanatiling nakatuon ang atensyon sa tatlong tao na iyon. Nagkaroon ng pag-uulap ang mga mata nito na hindi kayang itago ng mga seryosong tingin.“Are you okay?” untag niya sa nobyo. Naghalo ang kuryusidad at pag-alala niya para dito.“I just remember a same scene when I was at the age of a young boy,” anito na hindi siya nilingon. Nanatiling nakatingin sa direksyon ng pamilya na pumukaw sa atensyon nito. “Naalala ko lang na minsan ay sumakay pa kami ng plane that time, mga panahon na hindi naghihiwalay
“DO you have already a date for your wedding?” tanong ni Eduardo kina Cataleya at Lukas, nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa. Kapwa okupado na nila ang mahabang dining table at sa kabisera nakaupo ang patriarka ng Adriatico. Ang mag- fiancée naman ay magkatabi ang upuan sa bandang kanan. Hinihintay nila i-serve ang mga bagong lutong pagkain.“Actually, wala pa Pa,” sagot ni Lukas sa ama. “Gusto namin magdecide ni Cath about d’yan na kaharap kayo.”“Tama po si Lukas, T-tito,” segunda ni Cataleya sa tugon na iyon ng nobyo. Naiilang pa rin siyang tawagin sa ganoong paraan ang ama ng lalaking pinakamamahal niya. “Gusto po naming na kahit papaano ay may maging part po kayo ng plano naming sa kasal.”“Well, hindi naman ako makikialam sa kung anuman ang nais ninyo para sa inyong kasal,” tugon ni Eduardo na kababakasan ng katuwaan ang may kulubot ng mukha. “Basta, gusto ko lang na maging maligaya kayo lalong lalo na ang unico hijo ko.” Tumingin pa ito sa gawi ni Lukas.“And I already f
“LUKAS! Sandali!” Paghabol ni Cataleya sa nobyo nang talikuran siya nito. Isang mabalasik na tingin ang ipinukol nito sa kanya saka naglakad palayo sa kanya. damang-dama niya ang pagkapunit ng puso niya sa sandaling iyon.“Thank you Ann for saving my step-son,” sabi ni Matilde na nagpatigil sa akmang paghabo niya sa lalaki.Sa pagbaling niya ng tingin sa dalawang kontrabidang babae, ang mukha ni Ann ang unang tumambad sa kanya. “So are you happy now? Akalain mo ‘yun ang galing mong makipaglaro. Napaniwala mo ko na titigilan mo kami ni Lukas.”Nagkibit-balikat si Ann ngunit may naglalarong triumphant smile sa labi nito. “Of course Cataleya, ini-let go kita sa plan ko dahil halata naman na hindi mo ako mababayaran ng malaki. Kaya nga dumirekta na ako kay Mrs. Adriatico.”“You’re the hero of our family Ann, at ikaw naman,” pauyam na sabi sa kanya ni Matilde matapos siyag sulyapan nito. “Isa kang salot sa Adriatico katulad ng kakambal mo. Lumayas ka dito ngayon din!”Isang naghahamong tin
MALUNGKOT na pinagmasdan ni Cataleya ang apat na sulok ng opisina ni Lukas sa Hotel at Resort. Nanatiling nakatayo siya sa gitna habang nilulukob ng matinding kalungkutan ang puso niya. nakatingin lang siya sa executive table ng boss niya. Wala doon si Lukas. Wala rin siyang ideya kung nakabalik na ba ito ng El Nido. Minsan pa siyang napaluha nang maalala ang malungkot na paghihiwalay nila ng nobyo.Kasabay niya sa pag-uwi ng Palawan si Ria kahapon. Sa bahay muna nito mismo siya tumuloy bago nag-uwi ng El Nido. Kung tutuusin ay hindi na siya umaasa na magkikita pa sila ni Lukas. At isang pambihirang pagkakataon na magtagpo ang kanilang landas.“Lukas, umaasa pa rin ako na magkakaayos pa rin tayong dalawa,” aniya na nagpapahid ng likido na bumalong sa mata niya dulot ng emosyon. It’s hard for her na wala na sila ng laalaking pinakamamahal.Sa opisinang iyon ay ang dami ng memory ang pinagsamahan nila ng binata. Tila isang kabanata ng libro na nagkaroon ng simula, pag-usad at tanging wa
THREE YEARS LATER.“Congrats ulit sa atin frenny, sold out ang lahat ng bagong dating na blouse at pant natin,” natutuwang sabi ni Ria saka kinamayan pa si Cataleya. Katulad ng kaibigan ay masaya rin siya ngayong hapon.“Iba rin kasi ang galing mo sa marketing at pag-promote nitong store natin.” Inayos niya ng bahagya ang ilang naka-hang air na mga t-shirt sa isang rack.“Well, dagdag bonus na pareho tayong maganda.” Napatawa pa si Ria sa tinuran nito.Napailing na nangingiti siya sa kaibigan. “Ang mabuti pa ay kunin mo na ang mga gamit mo nang makauwi na tayo.”Tumalima naman ito sa kanya. Kanina pa sila nakapagsara ng store na tatlong taon na nilang mina-manage ni Ria. Sosyo sila naturang negosyo at mga RTW ang binibenta nila. RiaLeya ang pangalan ng store na nakapwesto sa isang malaking commercial center sa pusod ng Sta. Rosa City.Iyon ang isa sa nakaabalahan niya at naging source of income niya nang umalis siya ng Palawan. Ipinundar niya sa negosyo ang napagbentahan ng ipinamanan
“NINANG!” sabay-sabay na pagtawag ng triplet sa taong lumapit kay Cataleya. Walang iba kundi si Ria. Hindi niya namalayan ang pagdating ng kaibigan dahil sa biglaang paglipad ng isip niya.“Naku frenny, kagulat ka naman,” pabirong sita niya sa kaibigan. Lihim siyang nagpasalamat dito. Nalipat kasi dito ang atensyon ng mga anak niya at nalimutan ang tungkol sa old picture. Pa-simple niyang kinuha iyon sa kamay ni Lucian.Nginitian lang siya ni Ria saka binaligan ang triplet. Ipinakit pa nito ang dalang may kalakihang paper bag. “Luke, Lucian, Luis, may pasalubong ang ninang sa inyo. Bless muna kayo sa akin.”Masunurin naman ang tatlong bata na nagmano kay Ria. Ito lang bukod tanging kinuha niyang ninang at isang ninong na malapit din nilang kaibigan.“Ayan, ini- spoiled mo naman ang mga ‘yan,” aniya sa kaibigan na napapailing na lang siya.“Hayaan mo na saka hindi ka nasanay sa akin. Para ko na ring anak ang tatlong Lucasio na ito.” Naging abala na si Ria ng mga pasalubong na laruan sa