“ANDITO ka pala Lukas?” bagkus ay sagot ni Cataleya na pilit na nagkakaila. Sinadya niyang iwasan ang tanong na iyon ng nobyo. Napaka-seryoso ng itsura nito na mataman siyang pinagmamasadan. Nilalabanan niya ang matinding kaba na nadarama niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.“Answer me first, ikaw nga si Leyah Rose?” ulit nito sa ibinungad na tanong nito.Binawi niya ang composure. Ini-relax niya ang sarili saka sinalubong ang mga mata nito. “I’m just reading also her novel. Malabo na maging ako siya.”“Seryoso ka?” Nagsalubong ang mga kilay nito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa chair niya at nilapitan siya. “Nabasa ko na nga ang nakabukas na file ng chapter na naka-update doon sa story. You even use our names.”Sa sumunod na sandali, iniharap nito sa kanya ang screen ng cellphone nito. Nakabukas ang reading apps at ipinakita sa kanya ang tinutukoy nito.]Hindi makapaniwala na napaawang ang labi niya sa nabasa. Tama nga ito, nai-type nga niya ang pangalan nil ani
NAPAPAUNGOL si Lukas habang pinipigilan ang katawan na madala sa matinding kiliti. Patuloy na pinagpapala ng labi ni Cataleya ang kili-kili ng nobyo. Ibang sensasyon ang naidulot niya dito.“Cat, please,” anas ni Lukas na hindi mapakali sa ginagawa niya dito.Tumigil siya saka tumingin sa mukha nito. “Gusto mo ba akong tumigil? Just tell me.”“No-Uh.” Umiling na napatango ang ulo nito bilang tugon. Walang eksaktong kasagutan na maibigay. Tila tino-torture kasi niya ito sa sarap.Hinaplos ng daliri niya ang pawisang mukha nito at sa pagkakataong iyon ay dumako ang labi niya sa leeg nito. Hinayaan niyang mabawi na nito ang braso na kanina ay hawak niya.At hindi pa tapos ang pagbibigay niya ng ligaya sa lalaking pinakamamahal niya. Bumaba pa ang halik niya sa malapad nitong dibdib. Pinaulanan niya iyon ng mga pinong halik.Hinuli ng labi niya ng nipple nito. She gently sucked it. He moaned again. Napaka-perpekto ng built ng katawan ni Lukas na tila nililok ng isang magaling na iskultor.
NAGISING si Cataleya ng madaling araw, kasiping niya sa kama ng kanyang kuwarto si Lukas. Mahimbing itong natutulog na napagod sa naganap na sa pagniniig sa kanilang dalawa. Naaliw siyang pagmasdan ang itsura nito na tila may pagka-inosente sa pagkakapikit ng mga mata nito. Bahagyang nakahantad ang matipunong dibdib nito habang magkasalo sila sa iisang kumot. “Mahal na mahal talaga kita,” anas niya. Mula sa pagkakaunan ng ulo niya sa bicep nito ay iniangat niya ang ulo. Masinsinan niyang pinagmasdan ang gwapong mukha nito. Isang bagay na hindi niya pagsasawaang gawin para lalaking pinakamamahal niya. Naririnig niya ang mahinang paghilik nito na tila musika sa pandinig niya. Naitukod niya ang ulo sa ibabaw ng isang nakakuyom niyang kamao. Para bang kinakabisa niya ang bawat detalye ng mukha ni Lukas. Mula sa may kakapalang kilay, ang matangos nitong ilong hanggang sa may kapulahang labi. Everything is perfect. Tila nililok ng isang mahusay ng iskultor ang pisikal nitong itsura. Mi
MAGRI-reply sana si Cataleya sa text message na iyon ni Anne, pero sa kalagitnaan ng pagta-type niya ay namatay ang cellphone niya. Hindi niya kaagad napansin na one percent na lang ang battery. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Wala siyang ganang mag-charge muna at natatakot siyang makatanggap ng anumang mensahe. Ibinalik niya iyon sa bag niya.“Are you alright?” tanong ni Lukas. Bakas sa kislap ng mata nito ang matinding pag-alala. “Pinagpapawisan at namumutla ka my angel.”Napaawang ang labi niya pero kaagad din niyang hinamig ang sarili. “Wala ito my love, napaguran lang siguro ako sa mahabang byahe.”“Sigurado ka?” Halata sa mukha nito ang paninigurado sa sinabi niya. mataman pa ang naging pagtitig nito sa kanya.Tumango siya saka pinisil ang isang pisngi nito. “Don’t worry about me. Okay lang talaga ako at napaguran lang ako.”“Ang mabuti pa Cataleya ay magpahinga ka muna pagkababa ng kinain mo,” sabad ni Conchita saka binalingan si Aya. “Bunso, mamaya ay ihatid mo mu
TILA hindi natinag si Ann na pumasok sa loob ng bahay niya. Napasunod si Cataleya dito at naabutan niyang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kabahayan. “I still remember this house, ako ang kasama ni Ma’am Claudia nang i-actual visit naming ito three years ago.”“At ano ang gusto mong palabasin?” nagpipigil sa inis na tanong niya sa bisita. Nanatiling naka-distansya siya sa kinatatayuan ni Ann. Baka kung ano ang magawa niya dito kapag lumapit siya. Pilit niyang hinahabaan ang pasensya niya.Binalingan siya nito. “Calm down Cath, hindi naman ako naghahabol sa bahay na ito dahil sa’yo ito ipinaman ng namatay kong boss. Kahit paano ay naging mabait pa rin sa’yo ang kapatid mo.”“And even me, hindi ko rin ini-expect na pamamanahan niya ng bahay dito sa Palawan. Hindi ko naman ito pinapabayaan.” She was trying to put herself in her composure.“Kaya nga madali kitang natunton dito sa Palawan.” Naupo ito sa sofa pero nanatiling nakatingin sa kanya. “At hindi nga ako nagkamali na dito ka nakati
SI Cataleya na mismo ang humuli sa mga labi ni Lukas. Isang mainit na halik ang kanilang pinagsasaluhan. Tumugon na rin ito sa romantikong aksyon na idinidikta ng kanyang puso. Ganap nang nanalaytay sa bawat himaymay niya ang binuhay nitong desire sa katawan niya.“You’re good teaser aside from being a writer,” sabi nito nang saglit na maghiwalay ang kanilang mga labi. Nanatiling magkatagpo ang kanilang mga mata na nagsisilbing repleksyon ng nadarama nila para sa isa’t isa.“Sa’yo ko lang naman ito nagagawa my love.” Marahan niya itong itinulak ang katawan nito sa pahiga sa couch. Napaulo ito sa arm rest sa dulong bahagi ng nassbing upuan. Naroon ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa ginawa niya. his breathing was heavy.Naaliw siyang pagmasdan ang itsura nito na nagpadagdag pa ng temperature sa nadarama niyang kakaibang init. Tila inosente ito at walang ideya sa gusto niyang mangyari habang solo nila ang isa’t isa sa writing room niya.“You are making me crazy again. Crazy about you,
KASING- bilis ng hakbang ng pa ani Cataleya ang tibok ng puso niya. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina hanggang ganap na makalabas ng hotel. Bumuntong-hininga siya na pilit pinakalma ang sarili. Nahipan pa niya ang bangs ng buhok niya na nasa noo niya. Subalit mas nanaig ang takot sa kanya na sinabayan ng matinding pag-aalala.Be strong Lukas, sambit niya sa pangalan ng nobyo na siyang malaking dahilan ng pinagdadaaanan niya.Gusto na niyang makarating sa kasalukuyang kinaroroonan ng lalaking pinakamamahal niya. Ngunit pagdating niya sa labas ng resort ay wala siyang mamataang tricycle na maaari sana niyang sakyan.Tila sa bawat pagpatak ng segundo at minute ay maraming oras ang nasasayang hanggang hindi pa siya nakakasakay. Kailangan na umalis siya sa lugar na iyon.Akmang lalakad na siyang muli nang mamataan niya ang pamilyar na sasakyan na papasok sa vicinity ng resort. Nabuhayan siya ng pag-asa at kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Kaagad niyang pinara van na pag-aari
TILA nag-slow motion ang lahat sa paningin ni Cataleya nang ibaling niyang muli ang atensyon kay Lukas. Nakahiga pa rin ito sa strectcher pero nakamulat na ang mga mata nito at nakatingin sa kanya. Hindi man lang kababakasan na nasaktan ito sa natamong aksidente dahil kay tamis ng ngiti sa labi nito. Naroong ngumisi pa na naaaliw na pinagmasdan ang mukha niya.“Okay ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” magkasunod na pag-aalalang tanong niya sa nobyo. “Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw ka pang isugod sa hospital ngayon.”“Calm down my angel. May gusto muna akong itanong sa’yo bago ko isugod ang sarili ko sa’yo for a lifetime,” anito na may pinipigilang pagtawa.“Hay naku, hindi ka ba nag-aalala para sa sarili mo huh?” kunwa’y inis niyang tanong dito. Nakuha pa nitong maging kalmado sa kabila ng kalagayan nito ngayon. “Ano ba kasi ang itatanong mong ‘yan?”“Look at the sky first, anong napapansin mo?”Nagtatakang sumunod naman siya sa utos na iyon ni Lukas. Tumingala nga siy