MAGRI-reply sana si Cataleya sa text message na iyon ni Anne, pero sa kalagitnaan ng pagta-type niya ay namatay ang cellphone niya. Hindi niya kaagad napansin na one percent na lang ang battery. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Wala siyang ganang mag-charge muna at natatakot siyang makatanggap ng anumang mensahe. Ibinalik niya iyon sa bag niya.“Are you alright?” tanong ni Lukas. Bakas sa kislap ng mata nito ang matinding pag-alala. “Pinagpapawisan at namumutla ka my angel.”Napaawang ang labi niya pero kaagad din niyang hinamig ang sarili. “Wala ito my love, napaguran lang siguro ako sa mahabang byahe.”“Sigurado ka?” Halata sa mukha nito ang paninigurado sa sinabi niya. mataman pa ang naging pagtitig nito sa kanya.Tumango siya saka pinisil ang isang pisngi nito. “Don’t worry about me. Okay lang talaga ako at napaguran lang ako.”“Ang mabuti pa Cataleya ay magpahinga ka muna pagkababa ng kinain mo,” sabad ni Conchita saka binalingan si Aya. “Bunso, mamaya ay ihatid mo mu
TILA hindi natinag si Ann na pumasok sa loob ng bahay niya. Napasunod si Cataleya dito at naabutan niyang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kabahayan. “I still remember this house, ako ang kasama ni Ma’am Claudia nang i-actual visit naming ito three years ago.”“At ano ang gusto mong palabasin?” nagpipigil sa inis na tanong niya sa bisita. Nanatiling naka-distansya siya sa kinatatayuan ni Ann. Baka kung ano ang magawa niya dito kapag lumapit siya. Pilit niyang hinahabaan ang pasensya niya.Binalingan siya nito. “Calm down Cath, hindi naman ako naghahabol sa bahay na ito dahil sa’yo ito ipinaman ng namatay kong boss. Kahit paano ay naging mabait pa rin sa’yo ang kapatid mo.”“And even me, hindi ko rin ini-expect na pamamanahan niya ng bahay dito sa Palawan. Hindi ko naman ito pinapabayaan.” She was trying to put herself in her composure.“Kaya nga madali kitang natunton dito sa Palawan.” Naupo ito sa sofa pero nanatiling nakatingin sa kanya. “At hindi nga ako nagkamali na dito ka nakati
SI Cataleya na mismo ang humuli sa mga labi ni Lukas. Isang mainit na halik ang kanilang pinagsasaluhan. Tumugon na rin ito sa romantikong aksyon na idinidikta ng kanyang puso. Ganap nang nanalaytay sa bawat himaymay niya ang binuhay nitong desire sa katawan niya.“You’re good teaser aside from being a writer,” sabi nito nang saglit na maghiwalay ang kanilang mga labi. Nanatiling magkatagpo ang kanilang mga mata na nagsisilbing repleksyon ng nadarama nila para sa isa’t isa.“Sa’yo ko lang naman ito nagagawa my love.” Marahan niya itong itinulak ang katawan nito sa pahiga sa couch. Napaulo ito sa arm rest sa dulong bahagi ng nassbing upuan. Naroon ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa ginawa niya. his breathing was heavy.Naaliw siyang pagmasdan ang itsura nito na nagpadagdag pa ng temperature sa nadarama niyang kakaibang init. Tila inosente ito at walang ideya sa gusto niyang mangyari habang solo nila ang isa’t isa sa writing room niya.“You are making me crazy again. Crazy about you,
KASING- bilis ng hakbang ng pa ani Cataleya ang tibok ng puso niya. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina hanggang ganap na makalabas ng hotel. Bumuntong-hininga siya na pilit pinakalma ang sarili. Nahipan pa niya ang bangs ng buhok niya na nasa noo niya. Subalit mas nanaig ang takot sa kanya na sinabayan ng matinding pag-aalala.Be strong Lukas, sambit niya sa pangalan ng nobyo na siyang malaking dahilan ng pinagdadaaanan niya.Gusto na niyang makarating sa kasalukuyang kinaroroonan ng lalaking pinakamamahal niya. Ngunit pagdating niya sa labas ng resort ay wala siyang mamataang tricycle na maaari sana niyang sakyan.Tila sa bawat pagpatak ng segundo at minute ay maraming oras ang nasasayang hanggang hindi pa siya nakakasakay. Kailangan na umalis siya sa lugar na iyon.Akmang lalakad na siyang muli nang mamataan niya ang pamilyar na sasakyan na papasok sa vicinity ng resort. Nabuhayan siya ng pag-asa at kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Kaagad niyang pinara van na pag-aari
TILA nag-slow motion ang lahat sa paningin ni Cataleya nang ibaling niyang muli ang atensyon kay Lukas. Nakahiga pa rin ito sa strectcher pero nakamulat na ang mga mata nito at nakatingin sa kanya. Hindi man lang kababakasan na nasaktan ito sa natamong aksidente dahil kay tamis ng ngiti sa labi nito. Naroong ngumisi pa na naaaliw na pinagmasdan ang mukha niya.“Okay ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” magkasunod na pag-aalalang tanong niya sa nobyo. “Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw ka pang isugod sa hospital ngayon.”“Calm down my angel. May gusto muna akong itanong sa’yo bago ko isugod ang sarili ko sa’yo for a lifetime,” anito na may pinipigilang pagtawa.“Hay naku, hindi ka ba nag-aalala para sa sarili mo huh?” kunwa’y inis niyang tanong dito. Nakuha pa nitong maging kalmado sa kabila ng kalagayan nito ngayon. “Ano ba kasi ang itatanong mong ‘yan?”“Look at the sky first, anong napapansin mo?”Nagtatakang sumunod naman siya sa utos na iyon ni Lukas. Tumingala nga siy
NAAGAW ang atensyon ni Cataleya nang marinig niya ang tunong ng pagbuntong-hininga ni Lukas. Katabi niya ang nobyo sa kinaluluanan nilang eroplano. Papunta silang dalawa ng Manila ngayong hapon para sa dinner invitation ng Papa nito. Napatingin siya sa direksyong tinitingan nito.Nakita rin niya ang isang mag-anak na kasasakay lang eroplano. Karga ng ina ang isang batang lalaki na tantiya niya ay tatlong taong gulang na. Masayang-masaya ang mga ito.Sa paglipat ng tingin niya kay Lukas, nanatiling nakatuon ang atensyon sa tatlong tao na iyon. Nagkaroon ng pag-uulap ang mga mata nito na hindi kayang itago ng mga seryosong tingin.“Are you okay?” untag niya sa nobyo. Naghalo ang kuryusidad at pag-alala niya para dito.“I just remember a same scene when I was at the age of a young boy,” anito na hindi siya nilingon. Nanatiling nakatingin sa direksyon ng pamilya na pumukaw sa atensyon nito. “Naalala ko lang na minsan ay sumakay pa kami ng plane that time, mga panahon na hindi naghihiwalay
“DO you have already a date for your wedding?” tanong ni Eduardo kina Cataleya at Lukas, nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa. Kapwa okupado na nila ang mahabang dining table at sa kabisera nakaupo ang patriarka ng Adriatico. Ang mag- fiancée naman ay magkatabi ang upuan sa bandang kanan. Hinihintay nila i-serve ang mga bagong lutong pagkain.“Actually, wala pa Pa,” sagot ni Lukas sa ama. “Gusto namin magdecide ni Cath about d’yan na kaharap kayo.”“Tama po si Lukas, T-tito,” segunda ni Cataleya sa tugon na iyon ng nobyo. Naiilang pa rin siyang tawagin sa ganoong paraan ang ama ng lalaking pinakamamahal niya. “Gusto po naming na kahit papaano ay may maging part po kayo ng plano naming sa kasal.”“Well, hindi naman ako makikialam sa kung anuman ang nais ninyo para sa inyong kasal,” tugon ni Eduardo na kababakasan ng katuwaan ang may kulubot ng mukha. “Basta, gusto ko lang na maging maligaya kayo lalong lalo na ang unico hijo ko.” Tumingin pa ito sa gawi ni Lukas.“And I already f
“LUKAS! Sandali!” Paghabol ni Cataleya sa nobyo nang talikuran siya nito. Isang mabalasik na tingin ang ipinukol nito sa kanya saka naglakad palayo sa kanya. damang-dama niya ang pagkapunit ng puso niya sa sandaling iyon.“Thank you Ann for saving my step-son,” sabi ni Matilde na nagpatigil sa akmang paghabo niya sa lalaki.Sa pagbaling niya ng tingin sa dalawang kontrabidang babae, ang mukha ni Ann ang unang tumambad sa kanya. “So are you happy now? Akalain mo ‘yun ang galing mong makipaglaro. Napaniwala mo ko na titigilan mo kami ni Lukas.”Nagkibit-balikat si Ann ngunit may naglalarong triumphant smile sa labi nito. “Of course Cataleya, ini-let go kita sa plan ko dahil halata naman na hindi mo ako mababayaran ng malaki. Kaya nga dumirekta na ako kay Mrs. Adriatico.”“You’re the hero of our family Ann, at ikaw naman,” pauyam na sabi sa kanya ni Matilde matapos siyag sulyapan nito. “Isa kang salot sa Adriatico katulad ng kakambal mo. Lumayas ka dito ngayon din!”Isang naghahamong tin
TUMIGIL ang van sa compound na nasa labas ng Metro Manila. Mula sa nasabing sasakyan ay sapilitang ibinaba ang dinukot na mag-asawa. May nakasaklob na sako sa mga ulo nito. Bumaba na rin ang mga goon saka pakaladkad na ipinasok ang mga bihag sa loob ng isang lumang bodega. Papakalat na ang dilim sa buong paligid.Sa loob ng bodega ay may dalawang upuang kahoy kung saan iniupo sina Lukas at Cataleya. Nagpapalag ang dalawa pero walang silang magawa para makatakas. Nakatali ang kanilang mga kamay at panibagong tali pa ang ginawa sa kanilang mga katawan sa kanilang kinauupuan.“Welcome,my dear Lukas at Cataleya,” anang ng isang boses na babae na may pagbubunyi ang tono.Kasabay n’on ay ang pagtanggal ng nakasaklob na sako sa kanilang mga ulo. Hindi makapaniwala si Lukas sa mukha ng taong nagpadukot sa kanila. “M-Mama Matilde, kayo ang may kagagawan nito?”Si Cataleya naman ay maang nakatingin sa may katandaan ng babae. Halatang may ginagamit para mapigilan ang pagkulubot ng mukha. Hindi n
"I admit Cataleya, iniwan nga kita noon dahil sa pagkagalit ko sa'yo," walang emosyong pag-amin ni Lukas. Nagtagis ang bagang nito pero sa kislap ng mga mata ay naroon ang pagka-guilt. "Inisip ko na niloko mo ako, dahil nalaman ko ng gabing iyon na ikaw pala ang kakambal ng namatay kong asawa.""At k-kailan nangyari iyon?" Kumabog ang dibdib niya sa walang kalinawang dahilan. Pakiramdam niya ay mas lalo pang nahiwa ang puso niya.Kagaya ng nitong nakaraang araw, wala siyang maapuhap sa alaala niya."It was three years ago, nang i- invite tayo ng father ko sa mansyon for a dinner date. Gusto ka nilang makilala," pagpapatuloy ni Lukas. "Pero malaki ang pagka-disgusto sa'yo ng Mama Matilde. Siya ang nagsiwalat ng pagkatao mo kasabwat ang dating secretary ng kakambal mo."Marahan siyang napatango ngunit may isang particular na emosyon ang nagnanais kumawala sa dibdib niya. Her temporary memory loss prevented her from fully bursting out."Iyong totoo Lukas, until now ay galit ka pa rin ba
"KANINONG bahay ito Lukas?" tanong ni Cataleya sa nagpakilalang asawa niya. Kabababa lang nila sa sasakyan at nasa harap sila ng dalawang palapag na bahay na tabing-dagat. "Ang ganda namam ng view dito."Sumalubong sa paningin ang tanawin ng dagat na kung saan ay may natatanaw siyang tila maliliit na isla.Nilingon siya ni Lukas, karga nito ang dalawa sa triplet na parehong nakatulog sa mahabang byahe. "Bahay mo ito my dear wife."Namanghang nanlaki ang mata niya. "Wow talaga, sa akin talaga ang bahay na ito.""Oo, dito ka tumira noong nag-stay ka pa dito sa El Nido," sagot ni Lukas. "Anyway, pumasok na muna tayo sa loob at para madala sa kwarto ang mga anak natin."Marahan siyang tumango at napasunod na lang sa muling paglakad ng asawa. Humahanga siya sa magandang interior ng bahay na pag-aari niya daw. Dulot ng amnesia niya ay hindi niya maalala ang pagiging bahagi n'on sa buhay niya.Isang kuwarto ang binuksan ni Lukas at nanatiling nakasunod siya dito. Marahan nitong inihiga sa ka
NAGISING siya ng umagang iyon na pakiramdam niya ay malakas na siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Nakasanayan na ng mga mata niya ang kinaroroonan niyang apat na sulok ng silid, ang madalas niyang makamulatan sa bawat umaga.Isang malaking tanong sa kanya kung nasaan siyang lugar. Humakbang siya palabas silid. Marahan niyang pinihit ang seradura para ganap na siyang makalabas.Hindi pamilyar sa kanya ang pasilyo na nabungaran niya. malinis, maaliwalas at maalwan ang bahaging iyon ng kabahayan. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.Natagpuan niya ang sarili na bumababa sa grand staircase. Indikasyon na naroon siya sa isang mansion. Pero ang tanong, kaninong bahay ang kinaroroonan niya?“Gising ka na pala, ahm okay na ba pakiramdam mo?” Salubong sa kanya ng isang matangkad at gwapong lalaki pagkababa niya ng hagdan. Kita niya ang concern sa mukha nito.Tumango siya pero kinikilala pa rin niya ang itsura nito. “Ayos naman ang pakiramdam ko. Teka, s-sino ka ba?”“Ak
CATALEYA gently stroked him. Tila may nakikipaglaban sa mahigpit niyang pagkakapit niya sa isang bagay nasa loob ng short ni Lukas. Biglang napahiwalay ang labi ng asawa sa kanya at napaungol ito sa bawat paghagod ng kamay niya sa ebidensya ng pagiging lalaki nito. Naroong nakagat pa nito ang sariling labi.“You’re making me crazy,” anas ni Lukas saka naipikit pa nito ang mga mata. Nanatiling pa ring nakaupo ito.Lihim naman siyang nangiti dahil nagawa niyang paligayahin ang asawa sa kanyang mga kamay. Lalo pa ito naging hot sa mga mata niya dahil nakikita niyang reaksyon ng gwapong mukha nito.Lalo pa niyang itinodo ang ginagawa niya. Ayaw niyang maputol ang mainit na sandaling iyon. She loves every inch of him.Maging si Lukas ay hindi na rin nakapagpigil sa matinding init na lumuukob dito. Marahan nitong inalis ang kamay niya na nasa loob ng shot nito. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa ere at saka niya namalayan na pangko na siya ng asawa.Iniangkla niya ang magkasug
“MAY kailangan ka ba sa akin Lukas?” tanong ni Cataleya sa asawa nang mabungaran niya ito sa mini-bar ng bahay nito. Prente itong nakaupo sa isang round table na kanugnog ng ipinasadyang table. Naka-display ang mga mamahaling alak at iba’t ibang uri ng kopita. A sign of luxurious living.Nilagok muna nito ang lamang alak ng hawak na kopita saka tumingin sa gawi niya. “May gusto lang akong sabihin about sa nangyari kanina sa mansion. Take a seat first.”Medyo kinakabahan na naupo siya sa upuang itinuro nito na malapit lang sa pwesto nito. Sinikap niya na maging kalmado. “I’m sorry kung naging rude o nawalan ako ng galang sa Mama Matilde mo.”Hindi kaagad ito tumugon bagkus ay kumuha pa ito ng isang kopita. Ipinatong sa mismong tapat niya saka sinalinan iyon ng vodka. “It’s not what I mean my dear wife. Ang totoo n’yan ay napahanga mo pa ako sa ginawa mo kanina. Hindi ko inaasahan iyon lalo na ang DNA result.”My dear wife. Tila musika iyon sa pandinig niya na kinasabikang marinig ng pu
“ARE you crazy Lukas?” naiiling na tumingin si Matilde sa gawi nh asawa saka bumalik ang tingin kay Cataleya. “Sa dami ng babae na pwede mong pakasalan ay ang oportunista pang ito ang napili mo. So disappointing.”Chin-up pa rin si Cataleya para ipakita na hindi siya apektado sa kagasapangan ng ugali ni Matilde. “I’m sorry Mama, ganap na kaming kasal at katulad mo ay isa na rin akong Adriatico.”Pinanlisikan siya ng matandang babae ng mata. “I can’t believe it, isang linggo lang akong nawala ng bansa pero ang daming naganap na hindi kaaya-aya.”“Ma, enough!” saway ni Lukas sa kinalakihan nitong ina. “Nasa harap tayo ng pagkain at pati ng mga apo ninyo.”Saka lang niya napansin ang triplet na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Kita sa inosenteng mga mukha ang kuryusidad.“Paano ka nakakasigurado na ikaw nga ang anak ng mga batang ‘yan?” tanong ni Mstilde na nakatingin sa tatlong anak niya. “Knowing Cataleya na isa ring manloloko. Hindi sapat na kamukha mo lang sila Lukas at ayok
MAKAILANG beses na dinala ni Lukas sa ikapitong langit si Cataleya. Nakasubsob sa pagitan ng mga nakabuka niyang hita ang ulo ng asawa. Pinagpapala ng labi at dila nito ang kaibuturan niya bilang isang babae. Napakapit siya sa gilid ng unan kasabay ang pag-arko ng sariling katawan.Isang malakas na ungol ang pinakawalan niya at tila namumuti ang mga mata niya. Hnggang sa parang hinang-hina siya matapos ang na parang may dam na nagpakawala ng tubig sa katawan niya.“L-Lukas,” anas niya sa pangaan ng asawa. Ngunit hindi pa ito tapos sa pagpapaligay sa kanya. Gumapang muli ang katawan nito paitaas sa kanya at muling nagpantay ang mga mukha nila.Pareho silang pawisan sa kabila na nakabukas ang aircon. May mga butil na nasabing likido mula dito ang pumatak sa mukha niya. Kitang-kita niya ang nag-aapoy na desire sa mga mata nito.Isang mainit na sandali na kinasabikan niyang mangyari kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Naramdaman niya ang pagpasok nito sa kanya na sinundan ng pag-ulos.
"By the power vested in me by the Republic of the Philippines, here in the company of those who love and support you, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss each other! Friends, it’s my honor to introduce Lukas and Cataleya Adriatico.," masayang pronouncement ni Judge Alena Cortez sa kanilang kasal.Tila sa nakatitig sa kawalan si Cataleya sa mukha ni Lukas. May ngiting nakakintal sa labi niya pero sa mga mata niya ay nakasungaw ang isang lungkot na pilit niyang itinatago. Hinayaan niya ang asawa ang mag-initiate ng halik. Hanggang sa naramdaman niya ang pagdampi ng labi sa nito sa labi niya. Saglit lanh iyon dahil maging ito ay walang emosyon sa nasabing aksyon.Nagpalakpakan ang mga taong naroon sa loob ng opisina ng RTC judge. May tig- isang ninong at ninant sila na si Lukas mismo ang kumuha. Mga malapit nitong kaibigan sa negosyo. Naroon din ang nanay nitong si Conchita at kapatid na si Aya nasa Manila na rin naniniraham. Kita sa mukha ng mga ito ang kaligayahan pa