Home / Romance / IKAW SA AKING MGA KAMAY / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng IKAW SA AKING MGA KAMAY: Kabanata 41 - Kabanata 50

101 Kabanata

Chapter 41

“MASYADONG marami na ang nangyari sa buhay ko Lukas,” medyo tipsy na sabi ni Cataleya kay Lukas. “Kumbaga sa kwento, chapter one pa lang ay marami nang ganap. Alam ko naman na hindi ka magiging interesado na malaman iyon.”“Okay, I’m interested sa buhay mo.” Namumungay ang mata ni Lukas sa pagkakatingin sa kanya. Parang may glue na iyon sa mukha niya. “Pakikinggan ko hanggang sa kaliit-liitang detalye.”Napatawa siya. “Mabo-boring ka lang. Mas mabuti pang umuwi na tayo.”Paubos na ang binili nilang mga pagkain at beer. Lalo pang dumadami ang mga tao sa paglalim ng gabi sa bahaging iyon ng El Nido. Dumadagsa na rin ang mga turista sa caraenan sa dalan.Tumayo na ito. “Okay, akward nga naman na dito ka mag-open ng life mo. Sumabay ka na sa akin pag-uwi.”Wala na siyang nagawa kundi ang mapasunod na lang sa naglalakad na si Lukas. Nauna na ito ng ilang distansya sa kanya kung binilisan niya ang paglakad. May kalayuan din kasi ang parking na itinalaga dahil nagaganap na event.“Hindi ka n
last updateHuling Na-update : 2023-03-17
Magbasa pa

Chapter 42

NASA isang kagubatan si Cataleya. Walang humpay ang pagtakbo niya sa masukal na daan. Hindi siya maaaring tumigil dahil mahuhuli siya ng maraming tao na humahabol sa kanya. Ang lahat ng mga ito ay gusto siyang mahuli ang buhay.Kung tutuusin, malayo-layo pa ang layo niya sa mga ito. Ngunit dahil sa nadaramang pagkapagod ay nagsisimulang bumagal na ang pagtakbo niya. Napapahingal na siya at makailang beses siyang bumuntong-hininga. Kailangan pa rin niyang mailigtas ang sarili dahil alam niya na ang naghihintay na kalupitan sa kanya.Napasigaw ang maraming tao habang papalapit nang papapalapit ang mga ito sa kanya. Itinuro siya ng tumatayong pinaka-pinuno ng mga ito. Pinahid niya ng isang kamay niya ang pawisang mukha niya. ipinagpatuloy niya ang pagtakbo.Hindi siya dapat sumuko sa pagkapagal ng katawan niya. Ang mahalaga ay mailayo niya ang sarili sa lugar na iyon. Nagsisimula nang kumalat ang dilim sa buong paligid.At mga humahabol sa kanya, sinindihan na ng ningas ng apoy ang dalan
last updateHuling Na-update : 2023-03-18
Magbasa pa

Chapter 43

NANGINGINIG ang buong kalamnan ni Cataleya nang salubungin niya ang nangagalit na tingin ni Lukas. Kita niya sa kislap ng mga mata nito ang nag-aapoy na galit. Hindi sa ganoong paraan niya na ini-expect na mabubuko siya nito sa ginagawa niya.“Of all the people, ikaw pa talaga Cataleya?” Nanlisik pa ang mga mata nito. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Pakiramdam niya ay parang madudurog ang mga buto niya. “Akalain mo ‘yun, secretary ko pala ang may lakas ng loob na i-sabotage ako.”Mariin siyang umiling. “It’s not what you think, Lukas. Ibahin mo naman ang pag-unawa mo.”Nagdilim pa ang expression ng mukha nito. “At ano ang dapat kong isipin huh? Dapat ba akong matuwa huh sa pinaggagawa ninyong ito.”“Sir, nahuli na po namin ang isa pang salarin.”Parehong napako ang tingin nilang dalawa ni Lukas sa kadarating lang na guard. Kasama nito ang dalawang kapwa guard habang pinagtutulungang hawak ang isang pang nilalang.Nawala ang atensyon ni Lukas sa kanya pero at pi
last updateHuling Na-update : 2023-03-19
Magbasa pa

Chapter 44

“IT was three years ago,” pagsisimulang pagki-kwento ni Donovan. Napasandal pa ang likod nito sa pagkakaupo. “Kagagaling ko lang noon ng Canada at bigla akong inaya ako ni Lukas. May pupuntahan daw kami.”Nakatingin lang si Cataleya sa katabi. Nakahanda na ang tainga niya makinig sa kwento nito ukol kay Lukas.“Pupuntahan daw namin ang wife niya, na first time kong mami-meet sana. Hindi kasi ako naka-attend ng wedding nila. Five months na silang mag-asawa noon,” pagpapatuloy ni Donovan.Bigla tuloy niyang naalala ang buhay niya. Kagaya din kay Lukas, ang daming nangyari sa kanya sa nagdaang tatlong taon. Iba rin talaga maglaro ang tadhana sa pagkakataong iyon.Tumingala sa kisame si Donovan, na patuloy na sinariwa sa alaala ang mga nangyari. “Nagpunta kami ni Lukas sa isang hotel along Pasay. Inisip ko na baka doon sila magkikita talaga ng wife niya. Pero iba ang nangyari.”“At ano naman ang nangyari?” tanong niya. nagkaroon ng thrill sa kanya ang mga susunod pang ganap.“Pagdating na
last updateHuling Na-update : 2023-03-20
Magbasa pa

Chaapter 45

“LUKAS, based dito sa analysis ko sa desktop mo, may malware na na-infect dito,” imporma ni Rolly. “Possible na may nabuksan kang isang suspicious link nang hindi mo namamalayan.”“Ang ibig bang sabihin n’yan, hindi ito ginawa ng dalawang ito ang pagkakaroon ng malware?” Matalim pang tumingin si Lukas kina Cataleya at Donovan. Ibinalik muli ang tingin sa IT Specialist. “I need an additional explaination.”“Exactly, nang i-check ko ang source ng malware ay nanggaling ito sa email mo,” dagdag ni Rolly. “Walang kinalaman silang dalawa. Pasalamat ka na lang kahit paano, na hindi nasira ang ibang business intelligence mo. Kaso mahihirapan na tayong ma-retrieve ang ibang data na nawala. We need to update your computer at maging updated ang anti-malware mo. Iyon ang sinamantala sa’yo ng sinumang gusto kang i-sabotage online.”Nakahinga silang dalawa ni Donovan nang maluwag. Kumbaga sa isang kaso ay abswelto sila.Marahas na napabuntong-hininga si Lukas. Naisuklay pa nito ang mga daliri sa sa
last updateHuling Na-update : 2023-03-21
Magbasa pa

Chapter 46

HUMAHANGOS na pumasok si Cataleya sa loob ng El Nido Community Hospital. Alas cuatro ng umaga nang makatanggap siya ng tawag na-aksidente si Lukas. Siya ang tinawagan ng nurse sa hospital na pinagdalhan sa boss niya. Hanggang pintuan lang siya dahil hindi na siya pinayagang makapasok sa loob ng emergency room. Napaupo siya sa isang silya na nakita niya sa pasilyo. Naipaalam na rin niya kay Donovan ang sinapit ng pinsan nito. Nagsabi naman kaagad ito na pupunta sa hospital. Oo, may sama ng loob siya kay Lukas pero pinili niyang isantabi iyon. Concern pa rin siya dito. Damang-dama pa rin niya ang matinding pag-alala para sa binata. Napausal siya ng tahimik na panalangin para sa kaligtasan nito. Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin si Donovan. Kaagad siyang nilapitan nito. “What happened?” Patingalang binalingan niya ang lalaki. “Accident Donovan, nakabanggaan ng kotse ni Lukas ang isang delivery truck sa parteng kurbada ng junction.” Ang tinutukoy niya ang isa sa dinaanan
last updateHuling Na-update : 2023-03-22
Magbasa pa

Chapter 47

TUMAYO si Conchita mula sa pagkakahiga nito sa extrang kama, lumapit ito sa anak na nakaratay sa kama. Maluha-luha sa katuwaan at pagsamo ang mga mata nito. “Lukas anak, alam ko na may galit ka sa akin pero may isang hiling ako sa’yo ngayon. Sana hayaan mo akong maging nanay sa’yo kahit n-ngayon lang.”Tila tinusok ang puso ni Cataleya sa sinabing iyon ng ginang. Masakit ang umamot ng kaunting pagmamahal ang isang ina sa sariling anak nito. napatingin siya kay Lukas. Kita sa ekpresyon ng mukha nito ang paninimbang sa naiisip na desisyon. Nakaawang lang ang labi nito na may malalim na iniisip.“Lukas, maraming dugo ang nawala sa’yo because of accident,” imporma niya dito. “Nahirapan kami ni Donovan na maghanap ng donor at ang iyong ina ang nagbigay ng dugo sa’yo. Dinugtungan niya ang buhay mo.”Napatigil sa Conchita sa paglapit sa anak saka napatingin sa kanya. Gusto siyang pigilan nito sa sasabihin niya pero naunahan na niya ito.“Hijo, ginawa ko lang ‘yun dahil anak kita,” sabi muli
last updateHuling Na-update : 2023-03-23
Magbasa pa

Chapter 48

SAGLIT na natigilan si Cataleya sa sinabing iyon ni Lukas. Kinindatan pa siya nito na nagpatalon ng puso niya. Naaliw pa itong pagmasadan siya habang nakahiga sa kama. Tinaasan niya ito ng kilay sabay iwas ng tingin dito.“Mala-cinderella ang story namin ng iyong ama, Lukas,” panimulang paglalahad ni Conchita. Nabaling ang atensyon niya dito at maging ang anak nito. “Masaya lang sa simula, temporary lang ang happy ending.”“I was four years old when you left me,” mapait na sabi ni Lukas sa ina. “Hinahabol kita noon pero nagmamadali ka at ayaw mo akong lapitan. Wala kang pakialam kung umiiyak na ako noon.”Pakiramdam ni Cataleya may isang dramatic song ang nagsimulang tumugtog sa apat na sulok ng private hospital room na iyon. Kinuha niya ng pasimple ang panyo sa bag niyang nasa kandungan niya.“Gusto kong lapitan ng mga sandaling iyon anak pero kailangang pigilan ko ang sarili ko,” tugon ni Conchita na naalala ang masakit na sandaling iyon. “Gusto kitang isama sa pupuntahan ko pero h-
last updateHuling Na-update : 2023-03-25
Magbasa pa

Chapter 49

ILANG dipa na lang ang layo ni Cataleya kay Lukas, nang kumalas na si Conchita sa pagkakayakap dito. saglit siyang napatigil sa paglapit sa binata habang nanatiling magkatama ang kanilang mga mata.“Come here,” anyaya nito sa kanya. nanatiling nakabukas ang mga bisig nito na naghihintay sa kanya. Kinindatan siya nito na nagpatalon ng puso niya. Isa sa natatanging epekto nito sa sistema niya.May nadarama man siyang pagkailang, may kung anong kakaibang pwersa ang nagtulak sa kanya na ganap nang lumapit kay Lukas. Namalayan na lang niya na nakakulong na siya sa mga bisig nito. Naka-subsob ang ulo niya sa isang balikat nito.Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Nagri-rigodon ang tibok ng puso niya. Napansin niya ang pag-patak ng ulan sa labas ngayong gabi. Nasilip niya sa bintana ng private room ni Lukas.“You came out of the blue on a rainy night. No lie,” tila kumakantang bulong ni Lukas sa kaliwang tainga niya. Familiar sa kanya ang naturang lyrics at hindi nga lang niya alam ang title.
last updateHuling Na-update : 2023-03-27
Magbasa pa

Chapter 50

PARANG may sariling utak na tumipa ang mga daliri ni Cataleya sa keyboard ng computer niya. Maya’t maya ang tingin niya sa picture nilang dalawa ni Lukas sa kanyang cellphone. Lalo pa siyang ginaganahan sa pagsusulat. Laksa-laksa ang mga ideya na nailapat na niya sa kanina ay blangkong document.Naroong napapangiti siya sa sinusulat niyang eksena na may kasamang kilig. Inspirado at ganado yata siyang magsulat ngayong gabi. Napapabukas pa ang labi niya na sinasalita sa hangin ang dialogue ng kanyang mga character.“Whoah! Nagawa ko ito ng wala pang kalahating ora?” Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang bagong type na chapter ng online novel niya. naka- two thousand words count siya na bihira niyang magawa. Kadalasan ay hanggang one thousand ang maximum words count niya. Pero iba ngayon.Napatingin siya sa picture nila ni Lukas sa nakapatong niyang cellphone sa gilid ng monitor. May kung anong kakaibang damdamin ang binubuhay n’on sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay nakalapat sa alaap
last updateHuling Na-update : 2023-03-28
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status