Home / Romance / LOCK ME IN YOUR HEART / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of LOCK ME IN YOUR HEART : Chapter 51 - Chapter 60

83 Chapters

Chapter 50

CHE-CHE'S POV"Bakit ba ganyan ang mga sinasabi mo? Bakit ganyan ka?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.Tinulungan ko siya pero tinulak lang niya ako. Kaya nasaktan ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na ganito na siya ngayon."Huwag mo nga akong hawakan!" Sigaw niya sa akin."Ayaw mo ba akong makita? Ayaw mo ba na ako ang mag-alaga sa 'yo?" Malungkot na tanong ko sa kanya."Oo, ayaw ko. Kaya umalis kana, hindi kita kailangan dito." Sagot niya sa akin.Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi siya makatingin sa akin at alam ko na nagsisinungaling lang siya. Alam ko na hindi totoo ang mga sinasabi niya."Hindi ako naniniwala, alam ko na nagsisinungaling ka lang." Sabi ko sa kanya."No, I'm not. Umalis kana, dahil ayoko na ikaw ang mag-alaga sa akin." Malamig na sabi niya sa akin."Iniintindi kita, lahat ginawa ko kahit na nasasaktan ako dahil pinatira mo sila dito. Pero kulang pa ba? Kulang pa ba lahat ng ginawa ko para sa 'yo?! Ito ba? Ito ba talaga ang gusto mo?! Ang umalis ako? Magiging mas
last updateLast Updated : 2023-06-19
Read more

Chapter 51

RICO'S POV"MY DAILY DIARY"Sinimulan kong basahin ang sinulat ng asawa ko sa diary niya. Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin."Dear diary, Makulimlim ang panahon ngayon. Parang katulad ng nararamdaman ko. Ang mga luha ko ay malapit na ring pumatak na parang ulan. Ganito pala, ganito pala ang pakiramdam kapag ang taong mahal mo ay nawawalan ng pakialam sa 'yo. Mahal ko ang asawa ko, pero pakiramdam ko ay hindi sapat ang pagmamahal ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya kayang pasayahin gamit ang pagmamahal ko.Simula noong na-aksidenti siya ay nagbago na ang lahat sa kanya. Hindi na siya ang Rico na malambing. Ang Rico na mahal ako. Ang Rico na palabiro at palagi akong iniinis. Pero naiintindihan ko naman dahil alam ko na may pinagdadaanan siya. Alam ko na nahihirapan siyang tanggapin ang nangyari sa kanya. At kung kailangan ko ibigay sa kanya ang lahat ng pagmamahal at pag-unawa ay gagawin ko. Gusto ko ng bumalik sa dati ang asawa ko. Pero paano ko gagawin? Ano ang dapat
last updateLast Updated : 2023-06-19
Read more

Chapter 52

CHERRY'S POV"Cherry, bakit ikaw ang nagbubuhat niyan? Sabi ko naman sa 'yo na kapag kailangan mo ng tulong ay tawagin mo si Haro para siya ang magbuhat." Sabi sa akin ni Aling Beth."Okay lang po, kaya ko naman po." Sagot ko sa kanya."Anong kaya, delikado para sa 'yo na magbuhat. Lalo na buntis ka, maselan pa naman ang pagbubuntis mo kaya kailangan mo mag-doble ingat." aniya sa akin."Sorry po, Aling Beth. Nahihiya na po kasi ako sa inyo, tuwing may kailangan ako ay palagi ko kayong naabala." Nahihiya na sagot ko sa kanya."Huwag mong isipin 'yan. Para na kitang anak, sana nga ay bumalik na ang anak ko. Doon siya nagtatrabaho sa Maynila pero hindi na siya nagpaparamdam sa amin. Namimiss ko na ang anak ko, Cherry." Naiiyak na sabi niya sa akin."Babalik rin po siya, magtiwala lang po kayo. Siguro kong nandito ang asawa ko ay tutulungan niya kayo. Pulis kasi 'yon, kaya lang.." Malungkot na sabi ko kay Aling Beth."Huwag kana malungkot, sigurado ako na kapag gumaling na siya ay hahanapi
last updateLast Updated : 2023-06-21
Read more

Chapter 53

CHERRY'S POV"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko sa kanya. Hindi ko inaasahan mahahanap niya ako.Hindi ito sumagot at nakatingin lang siya sa akin. Unang dumako ang mga mata ko sa mga binti biya. Sa loob ng anim na buwan ay magaling na siya. Ibang-iba na rin ang itsura niya ngayon."Love," malumanay na tawag niya sa akin.Nakatingin lang ako sa kanya. Bumalik ang lahat ng nangyari sa aming dalawa. Nakatingin siya ngayon sa tiyan ko. Kaya pigilan ko ang sarili ko. Ayokong umiyak sa harapan niya. Gusto kong ipakita na maayos ako at kaya kong mabuhay na wala siya sa tabi ko. "Umalis kana," mahinahon na sabi ko sa kanya."No, hindi ako aalis ng hindi ka kasama." Sagot niya sa akin."Masaya na ako, masaya na ako sa buhay ko. Bakit ka ba nandito? Para ano? Para guluhin ulit ang tahimik kong buhay?" Nakita ko ang lungkot at sakit na dumaan sa mga mata niya pero mas nasaktan ako sa ginawa niya sa akin. Naglakad ako at nilagpasan ko siya. Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay. Ni
last updateLast Updated : 2023-06-22
Read more

Chapter 54

CHERRY'S POV"Ang asawa mo lang pala, ate." Sabi sa akin ni Haro pagbukas ko sa pintuan.Nakatingin naman ako kay Rico ngayon. Lasing ito at halos hindi na makatayo. Iyong kaba ko na napalitan ng inis. Sa sobrang inis ko ay sinuntok ko siya sa mukha. Pero parang wala lang sa kanya. Nakapikit pa rin ito at sa tingin ko ay tulog na siya. Nagpatulong ako kay Haro na ipasok siya sa kwarto. Kahit na naiinis ako ay hindi ko naman nais na makita siya ng mga kapitbahay bukas sa labas ng pintuan ko. Sigurado ako na magiging laman ako ng usap-usapan. Mababait ang mga iba kong kapitbahay pero meron rin talaga na mahilig sa chismis Hinayaan ko siyang matulog sa kama ko at ako naman sa sofa. Nagising ako na may naamoy na mabango niluluto. Nagulat pa ako dahil nandito na ako ngayon sa kama. Bumangon ako at paglabas ko ay bumungad sa akin si Rico na busy sa pagluluto ng agahan."Good morning, love." Bati niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Unang napansin ko ang namumulang bahagi ng pisngi niy
last updateLast Updated : 2023-06-23
Read more

Chapter 55

RICO'S POV"Congratulations, Sir." Pagbati sa akin ng therapist ko."Thank you for your help," nakangiti na sagot ko sa kanya.Masaya ako dahil sa wakas ay nakakalakad na ako ng maayos. Sa totoo lang ay naiyak pa ako sa sobrang tuwa ko. Hindi ko kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa mga sumunod na mga araw ay unti-unti na akong nag-drive ulit. Gusto ko kasi na kapag magkita kami ni Cherry ay magaling na talaga ako.Napangiti naman ako dahil sa ilang beses ko na pag-ikot dito sa subdivision namin ay hindi ako nakaramdam ng ngalay sa mga binti ko. Kaya nagmaneho ako papunta sa bahay nila Luke. Masaya akong sinalubong ng kaibigan ko habang dahas naman ang sinalubong sa akin ni Caye."Baby, stop that baka mamaya ay bigla mo na lang masaktan si Rico." Pigil ni Luke kay Caye."Kapag siya nasaktan ay hindi okay kapag si Cherry ay okay lang. Magsama nga kayo!" Naiinis itong pumasok sa loob ng kusina nila."Pagpasensyahan mo na, bro." Hingi sa akin ng pasensya ng kaibigan ko."Okay lang bro
last updateLast Updated : 2023-06-24
Read more

Chapter 56

CHERRY'S POVIbinalik ko sa side table ang singsing. At lumabas ako sa silid ko. Nakita ko siyang nag-aayos ng gamit niya. Hinayaan ko lang siya at hindi ko siya pinansin. Gusto ko iparamdam sa kanya na wala akong pakialam kahit na ang totoo ay mahirap sa kalooban ko na makita na ganito kaming dalawa."Love, ako na ang magluluto ng hapunan. Okay lang ba?" Malumanay na tanong niya sa akin."Ikaw ang bahala at puwede ba 'wag mo nga akong tawaging love." Naiinis na sabi ko sa kanya bago ako pumasok sa loob ng tindahan.Naiinis kasi ako na panay tawag niya sa akin ng love. Kung utak ko lang ang masusunod ay pinalayas ko na siya kaya lang ayaw ko ng magpakastress araw-araw kaya bahala na siya. Gawin na lang niya ang mga gusto niya. Nababagot ako dito sa tindahan. Gusto ko lumabas pero ayaw ko naman na makita siya.Ngayon na nandito si Rico ay parang nagsisimula na akong maglihi. Lumabas na lang ako para pumunta sa bahay nila Haro. Doon ako nakipag-kwentuhan kay Aling Beth. Hanggang sa hindi
last updateLast Updated : 2023-06-26
Read more

Chapter 57

CHERRY'S POVNagpahinga ako dahil mas iniisip ko ngayon ang anak ko. Gustuhin ko man na bumalik sa Maynila ay hindi ko magawa. Mas mahalaga ang kaligtasan ni baby lalo na maselan ang pagbubuntis ko."Ate, puwede ba akong makisuyo? Kasi si Rico bumalik na diyan at nag-aalala ako." Tanong mo kay Ate Caye dahil kausap ko siya ngayon."Nag-aalala ka sa kanya pero sa sarili mo hindi. Hayaan mo, sasabihin ko kay Luke na bantayan niya ang magaling niyang kaibigan." Sagot sa akin ni Ate Caye."Salamat po, ate." Sabi ko sa kanya at ibinaba ko na ang tawag.Alam ko na naiinis pa rin si Ate kay Rico. Sa tingin ko rin ay sobra na yata ang pagtrato ko sa kanya. Alam ko na nasasaktan ko na siya. Pero mali ba ako? Ayoko lang na maging padalos-dalos sa mga desisyon ko ngayon. Kaya ako nagmamatigas ako ngayon. Humiga na ako dahil nakakaramdam na ako ng antok.Tuwing gigising ako sa umaga ay naninibago ako dahil nasanay na ako na nandito si Rico. Nasanay na ako sa presensya niya. Tuwing umaga ay siya an
last updateLast Updated : 2023-06-28
Read more

Chapter 58

RICO'S POVSobrang hirap pala kapag ginagawa mo na ang lahat pero parang balewala lang sa kanya. Nasasaktan ako sa panlalamig at pagbabalewala niya sa akin. Ramdam ko na nagagalit siya sa akin. Alam ko rin na ayaw niya akong makasama. Natakot ako noong dinugo siya. Kaya kahit labag man sa loob ko ay umalis ako sa bahay pero hindi ako bumalik sa Maynila. Nanatili pa rin ako dito sa Roxas.Araw-araw ay palihim akong sumisilip sa kanya. Gusto kong alamin ang kalagayan niya at bantayan siya mula sa malayo."Hanggang kailan ka magtatago diyan?" Nagulat ako dahil biglang sumulpot ang binatilyong si Haro."Kapag hindi na siya galit sa akin." Sagot ko naman sa kanya."Hindi naman galit si Ate, nasaktan lang siya. Pero bakit ka nagtatago? Dapat nga inaalagaan mo siya dahil maselan ang pagbubuntis niya. Ngayon ka niya higit na kailangan." Sabi niya sa akin.Tama siya ngayon ako mas kailangan ng asawa ko. Kaya gumawa kami ng plano. Nagpapasalamat ako dahil tinulungan ako ng batang 'to. Masaya rin
last updateLast Updated : 2023-06-29
Read more

Chapter 59

CHERRY'S POVGrabe 'yung saya na naramdaman ko dahil nalaman ko na ang gender ng mga babies ko. Hindi ko sinabi kay Rico na kambal ang magiging anak namin. Masaya ako dahil nagkaayos na kami. Hindi ko alam pero ayoko ng magtanong sa kanya na may kinalaman sa nakaraan. Dahil ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ako ang pinili niya. Dahil nandito na siya sa tabi ko. At kasama namin ng mga magiging anak namin. "Nakakatuwa dahil pares na ang magiging anak niyo." Saad sa akin ni Aling Beth."Opo, masaya rin po ako na babae at lalaki na kaagad ang nabuo namin." Masayang sagot ko sa kanya."Pero sino ba ang may lahing kambal sa inyo?" Tanong pa niya sa akin."Ako po," sagot ng asawa ko."Kaya pala, sige maiwan ko na muna kayo ha. Salamat dito sa binigay niyo. Pagpalain pa kayo ng Panginoon." Paalam niya sa amin."Salamat rin po."Nang makaalis na si Aling Beth ay pumasok naman kami sa loob ng bahay."Chiefy, babalik kapa ba sa trabaho mo?" Tanong ko sa kanya.Narinig ko siyang napabuntong hini
last updateLast Updated : 2023-07-01
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status