Home / Romance / LOCK ME IN YOUR HEART / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of LOCK ME IN YOUR HEART : Chapter 71 - Chapter 80

83 Chapters

Chapter 70

CHERRY’S POVNang magising ako ay kaagad akong nataranta dahil naalala ko ang mga anak ko. “Nurse, ang mga anak ko?” Tanong ko kaagad sa kanya.“Relax lang po kayo, Misis Chief. Okay na po ang kambal at wala pong nangyaring masama sa kanila. Maayos na po sila ngayon."Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko kaya bumangon ako dahil gusto ko silang puntahan. Pero habang nasa hallway ako ay narinig ko na nagkakagulo ang mga doktor at nurses. May paparating daw na pasyente at may tama ito sa ulo. Liliko na sana ako sa pasilyo papunta sa mga anak ko ng biglang nahagip ng mga mata ko ang mga taong kakarating lang. Namukhaan ko ito at nalaman ko na mga kasamahan ito ni Rico. Hindi ko sana papansinin pero bigla ko na naman nakita ang kamay ng pasyente. At malinaw kong nakikita ang singsing niya. Binudol ng kaba ang dibdib ko. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Dahil kitang-kita ko ang asawa ko na naliligo sa sarili niyang dugo.“Mrs. Chief,” taw
last updateLast Updated : 2023-08-13
Read more

Chapter 71

CHERRY'S POVAFTER FIVE YEARSNagmamadali akong umalis dito sa shop dahil pinapatawag na naman ako ng teacher ng anak ko. Nakipag-away ang lalaki kong anak. Kindergarten siya at talagang palagi na lang akong pinapa-tawag ni teacher. “Maaga ka na lang magsara mamaya,” sabi ko sa staff ko. Dahil sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko ng magpaalam sa kanila. Kaya tumawag na lang ako sa kanila. Nagmaneho na ako papunta sa school ng mga anak ko. Nang makarating na ako ay huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng guidance. Pangatlong beses ko na ito ngayong buwan.Kaagad akong niyakap ng anak ko. Samantalang masamang tingin ang ipinukol sa akin ng ginang."Kaya ganyan ang ugali ng anak mo dahil hindi mo pinapalaki ng maayos. Kinukunsinti mo pa," biglang sabi sa akin ng nanay ng classmate niya."Excuse me? Pinapalaki ko ng maayos ang anak ko. At alam ko na hindi siya mananakit ng walang dahilan. Bakit hindi mo itanong sa anak mo kung ano ba ang ginawa niya sa anak ko?" Kalmado ak
last updateLast Updated : 2023-08-14
Read more

Chapter 72

CHERRY’S POVParang hindi ako makahinga habang nasa harapan ko siya. Nakatingin siya sa akin ngayon at halos wala namang nagbago sa kanya. Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. Siya pa rin ang taong nakilala ko na suplado. Pero nagtataka ako dahil nandito siya ngayon sa Iloilo. At bumalik na ulit siya sa trabaho niya bilang isang pulis.“Anong kailangan mo dito?” Tanong niya sa akin.“A–Ako ang may-ari ng grocery store.” Sagot ko sa kanya.“Pangalan?” Suplado na tanong niya sa akin.“Cherry Ro—Cristobal. Cherry Cristobal po,” sagot ko sa kanya.May mga sinasabi siya sa akin pero halos wala naman akong maintindihan. “Puwede ka ng umuwi hindi ka rin naman nakikinig,” sabi niya sa akin.“Salamat po,” sagot ko sa kanya at mabilis akong lumabas sa presinto. Hindi ko na rin pinansin ang mga bumati sa akin na mga pulis. Dahil gusto ko na lang na makalayo na sa kanya. Na makalayo na sa lugar na ito. Mas mabuti na ganito kami na wala na siya ng tuluyan sa amin. Dahil alam ko na hindi na kami m
last updateLast Updated : 2023-08-15
Read more

Chapter 73

CHERRY’S POVTumayo na akong nang maging okay na ako at sa tingin ko ay wala na siguro sila sa loob ng grocery store. Pero nagkamali ako dahil napatigil ako sa paglalakad dahil makakasalubong ko silang dalawa.“Miss Cherry, puwede ba kitang makausap?” Tanong sa akin bigla ni Dyosa.“Sige,” sagot ko sa kanya.“Love, usap lang kami saglit ha.” Sabi niya kay Rico.“Okay, love.” Sagot ni Rico. Parang sin*saksak ng ilang libong punyal ang puso ko. Ako ang dating tinatawag niya ng love. Pero ano ba ang magagawa ko. Hindi na ako ang laman ng puso niya. Kaya mas mabuti na hayaan ko na lang siya na mabuhay ng masaya. Naunang maglakad si Dyosa bago ako sumunod sa kanya. “Boyfriend ko na pala siya,” sabi niya sa akin.“It’s okay, maging masaya kayo.” Sagot ko sa kanya.“Magiging masaya kami kung wala ka sa paligid namin.” aniya sa akin.“Nasa paligid niyo man ako o wala kung masaya talaga kayo ay magiging masaya kayo. Huwag mo ng hilingin sa akin na lumayo na naman ako dahil pagod na akong luma
last updateLast Updated : 2023-08-16
Read more

Chapter 74

CHERRY'S POV"Pero kung talagang asawa mo ako. Bakit mo ako sinukuan? Bakit hindi mo ipinilit sa akin na ikaw ang asawa ko?" Tanong niya sa akin."Bakit parang ako pa ang may mali? Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. At kung ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo ay baka wala kana ngayon." Umiiyak na sagot ko sa kanya."Anong wala?""Dahil hindi puwedeng ipilit na ipaalala sa 'yo ang lahat. Dahil baka biglang pumutok ang ugat mo sa ulo. Kaya kahit na masakit sa akin ay pinili ko na iwan ka. Dahil iyon ang tingin namin na makakabuti sa 'yo. Dahil ‘yon ang tingin ko na tama.""Kaya mo ako iniwan?" "Sa tingin mo kakayanin ko na makita na nasasaktan ka. Na tuwing nasa malapit ako ay sumasakit ang ulo mo. Dahil pinipilit mo na maalala ako. Kaya pasensya kana kung nagpakilala sa 'yo ang anak ko. Sabik lang siya sa daddy niya. Hayaan mo hindi ka namin guguluhin. Mabuhay ka at maging masaya. Kaya please lang, umalis kana." Sabi ko sa kanya.Nagkatitigan kami hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Pinun
last updateLast Updated : 2023-08-17
Read more

Chapter 75

CHERRY’S POV“Hinahanap ka ng anak mo,” biglang nagsalita si Rico sa likuran ko. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.“Uminom na ba siya ng gamot niya?” Tanong ko sa kanya.“Tapos na at hinahanap kana niya.”“Salamat,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na hilam ang mga luha ko sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa harapan niya. “Pasensya kana, naabala pa kita.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.Yumuko ako dahil sobrang sakit ng puso ko. Dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Sa loob ng ilang taon ay palagi kong ipinadarasal na sana ay makasama ko siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang buhay ko at kaya ko kinakaya ang lahat dahil sa kanya. Nagulat ako dahil hinila niya ako at mahigpit na niyakap.“Hush… Don’t cry, I’m sorry.” Bulong niya sa tainga ko kaya lalo akong umiyak.“Chiefy, miss na miss na kita. Bumalik kana
last updateLast Updated : 2023-08-18
Read more

Chapter 76

CHERRY’S POV “Hoy, Rico. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mong tingin! Alam ko ‘yang nasa isipan mo!” Naiinis na sabi ko sa kanya. “Bakit ano ba ang ginagawa natin noon?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit gusto mo ba malaman? Gusto mo bang sabihin ko sa ‘yo?” Nakangiti na tanong ko rin sa kanya. “Of course kaya ko nga tinatanong.” Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Ngayon ko naisip kung ano ba ang hindi ko nagawa noon sa kanya at sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para maghiganti. Oras na para ipakita ko sa kanya na may talent rin ako. “What the fvck?!” Sigaw niya sa akin. Dahil halatang nagulat siya. “Opss, buti na lang hindi ka tinamaan.” Nakangisi na sabi ko sa kanya. “What the h*ll are you doing?” Parang naiinis na tanong niya sa akin. “Me? Pinapakita ko lang sa ‘yo ang ginagawa ko noon. At ito ‘yon, hindi ka ba masaya na ginawa ko ito?” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ibaba mo ‘yan, teka lang matalim ba ‘yan? Hindi ka naman siguro seryoso sa sinabi mo na it
last updateLast Updated : 2023-08-19
Read more

Chapter 77

WARNING: MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)CHERRY’S POV“Chiefy,” tawag ko sa kanya.“Don’t try to stop me. Kasi ilang araw ko na itong napapanaginipan,” sabi niya sa akin.“May sinabi ba ako na pipigilan kita. Pero panagutan mo ako ha,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahahaha! Tinakbuhan ba kita noon?” Natatawa na tanong niya sa akin.“Pinanagutan mo ako, masyado ka ngang excited na pakasalan ako eh.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“I wish na maalala ko ang mga panahon na ganyan, love.” Sabi niya sa akin.“Maalala mo man o hindi ay okay lang. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa i'yo. Kahit ano pa ang dumating sa atin ay mahal na mahal kita. Hindi mo man ako naalala ay alam ko na ang puso mo ay ako ang nilalaman. Maliban na lang kung iba ang nasa isipan mo. Napakahilig mo pa naman.” Sabi ko sa kanya.“Paano mo alam?” Nakangisi na tanong niya sa akin.“Dahil ako ang asawa mo. Kung ikaw si Rico na kilala ko ay wala pa akong ginagaw
last updateLast Updated : 2023-08-20
Read more

Chapter 78

CHERRY’S POVUminom ako ng painkillers dahil masakit ang buong katawan ko. Sumakay na lang ako sa tricycle papunta doon sa batis. Medyo madilim na nang makarating ako. Pagdating ko ay nakaupo silang tatlo sa may bato. “Mommy!” Tawag sa akin ni Aurora.“Bakit hindi pa kayo umuuwi? Ano oras na, pagabi na?” Tanong ko sa kanila.“Ang totoo po kasi, mommy. Gusto po ni daddy na maalala ang tungkol sa wedding niyo.” Sabi sa akin ni Asher.“Chiefy, may mga videos naman tayo noong kasal. Puwede mong panuorin kung gusto mo. Huwag mong pilitin na alalaahin ang lahat. Baka sumakit ang ulo mo, umuwi na tayo dahil kailangan na ni Asher na uminom ng gamot.” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pumunta dito, love? Pauwi na rin kami. Alam ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Sabi niya sa akin.“Nag-aalala kasi ako sa inyo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“I’m sorry, love.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Uwi na tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabay-sabay na sagot nila sa a
last updateLast Updated : 2023-08-21
Read more

Chapter 79

RICO’S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito?“Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko.“Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya.“Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin.“Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya.“Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin.“May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya.“Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin.“Nasa bahay sila, Chiefy.” Sagot niya sa akin.“Uwi na tayo, love.” Sabi ko sa kanya.Laking pasasalamat ko dahil bumalik na ang mga alaala ko. Ipinaliwanag sa akin nang doktor ang nangyari sa akin. Umuwi na kami at niya
last updateLast Updated : 2023-08-23
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status