CHERRY'S POVAlas singko ang uwian namin. Pagkatapos ng klase ay gumayak kami para pumunta sa bar.Kinakabahan man ako ay sumama pa rin ako. Bumili kami ng mga cardigan para matakpan ang suot naming uniform."Hindi tayo magtatagal doon ha," sabi ko sa kanila para sigurado akong susunod sila sa napag usapan namin."Opo, Relax ka lang Cherry." Sabi sa akin ng kaibigan ko."Mag-enjoy tayo kahit sa maiksing oras lang," sabi nito sa akin."Okay," tipid na sabi ko sa kanila.Sobrang excited nila samantalang ako sobrang kabado. Hindi ko alam kung magiging masaya rin ba ako katulad nila.Nag-abang kami ng masasakyan. Sobrang ingay nila, ako naman ay tahimik lang."Bakit ang tahimik mo?" Tanong sa akin ni Chemma."Kinakabahan kasi ako," pabulong na sagot ko sa kanya."H'wag kang kabahan dapat mag-enjoy ka," sabi niya sa akin.Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko na lang sila pinansin. Sumakay kami sa jeep nang makarating kami ay sobrang excited na nila.Tahimik lang akong nakasunod sa kanila. B
Last Updated : 2023-01-21 Read more