CHERRY'S POV
Nagmamadali ako dahil kailangan ko ng makapunta sa bahay ni ate Caye. May kasal kasi siyang dadaluhan kaya ako ang mag-aalaga sa kambal.Sa sobra kong pagmamadali ay hindi namalayan na may parating na sasakyan. Napaupo na lang ako sa gulat at lakas ng busina niya. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa gulat."Ayyyy!"Hindi nagalit o bumaba ang driver pero bumusina ito ulit ng ubod ng lakas. Kaya mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa kabilang kalsada.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba. Hanggang ngayon ay hawak hawak ko parin ang dibdib ko. Napaupo na lang ako dahil bigla na lang nanlambot ang tuhod ko. Tinanaw ko na lang habang papalayo ang kotse na muntikan na akong banggain."Ang t*nga mo kasi Cherry. Paano kong nabangga. Kawawa ka na nga dahil ulila ka mamatay ka pang hindi man lang nakaranas na magkajowa." Bulalas ko sa sarili.Oo ulila na ako at sa edad ko na bente dos ay ako na lang mag-isa sa buhay. Nagtatrabaho ako sa palengke pero dahil sa kabaitan ni ate Caye ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagtrabaho na hawak ko ang oras ko.High school ako noong namatay ang mga magulang ko. Sabay silang kinuha sa akin. Naaksidente ang sinasakyan nilang bus at kasama sila sa mga nasawi.Pitong taon na ang nakaraan pero masakit parin dahil iniwan nila akong mag-isa. Pinunasan ko ang luha ko. Nang maalala ko na nagmamadali ako ay halos liparin ko makarating lang sa bahay nila ate.Pumapayag kasi si ate na sa bahay parin ako tumira. At pupunta lang ako kapag kailangan kong alagaan ang mga bata. Sobrang bait ni ate dahil nagsimula narin akong pumasok sa college.Late ako ngayon dahil nalate ako ng gising. Nang makarating ako sa bahay nila ate ay sinalubong ako ng dalawang cute na mga bata si Simon at Samuel. Sila ang mga alaga ko na ubod ng gwapo."Nandito kana pala Cherry? Bakit pawis na pawis ka? Naku siguro nagmadali ka na naman. Sinabi ko naman sa 'yo na 'wag kang magmamadali." Bulalas sa akin ni tita Nene."Hehehe, namiss ko lang po ang mga alaga ko tita." Sagot ko sa kanya. Pero alam ko na hindi ito naniniwala sa sagot ko sa kanya."Ang bata na ito, sinabi na kasi na dito ka na tumira pero ayaw mo naman," sabi pa nito sa akin."Pag-iisipan ko po tita," sagot ko sa kanya. Nahihirapan akong umalis sa bahay namin dahil nandoon ang lahat ng alaala ko kasama ang magulang ko."Naku! Pasensiya kana Cherry. Hindi nakapagpigil itong bibig ko," sabi nito sa akin habang tinatampal niya ang bibig ko."Okay lang po tita," saad ko sa kanya. Lagi kasi nilang sinasabi na nais nila akong kasama. Dahil baka raw nalulungkot ako. At totoo naman ang sinasabi nila.Buong araw akong nagbantay sa kambal at masaya naman ako dahil hindi sila mahirap bantayan. Gabi na dumating sila ate Caye kaya nagpaalam na ako."Dito kana matulog dahil gabi na," sabi niya sa akin." Ate sanay na po akong umuwi ng mag-isa sa gabi. Bye na po ate, salamat po." Nagpaalam na ako kaagad dahil alam ko na kukulitin lang niya ako.Kabisado ko na si ate kaya nakakagawa na ako ng paraan para hindi niya ako kulitin. Habang naglalakad ako ay madadaanan ko ang sikat na bar dito sa lugar namin.Kahit na malayo ay nilalakad ko. Mas gusto ko kasing maglakad kaysa sumakay ng jeep. Sumasakay lang ako kapag maulan o kapag sobrang init ng panahon.Habang papalapit ako ay natatanaw ko ang mga babaeng sexy ang suot na damit. Minsan napapaisip ako kong bakit kinakapos sa tela ang mga suot nila. Nalalaman mo rin na galing ito sa mayamang pamilya.Dahil ang bar na pinupuntahan nila ay hindi afford ng mga mahihirap na kagaya ko. Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko alam kong matatawag ba akong babae dahil ang baduy ng porma ko.Minsan napagkakamalan na akong tomboy dahil panlalaki ang mga isinusuot kong mga damit. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na hinila ako ng isang lalaki papunta sa madilim na bahagi ng daan."A-Ano pong ga-gagawin niyo? Kuya parang awa niyo na po," pakiusap ko sa kanya habang nakayuko ako.Hindi ito nagsasalita at nakahawak lang siya sa pulsuhan ko. Nalalanghap ko ang mabango niyang damit. Ang sarap sa ilong at parang gusto ko na lang siya amuyin magdamag. Nang mahimasmasan ako ay umakto ako ng normal kung anu-ano kasi ang pumapasok sa utak ko.Nang napatingin ako sa pwesto ko kanina ay doon ko nakita na may naghahampasan ng mga kahoy. Nag-aaway na naman ang mga tambay. Nahiya naman ako sa inasal ko kay kuya kaya yumuko na lang ako ulit.Hindi ko narin pinagkaabalahan na tignan ang mukha ng lalaking katabi ko. Binitawan niya ang kamay ko at iniwan akong mag-isa.Sinundan ko siya ng tingin at doon ko nakita na pulis siya dahil sumaludo sa kanya ang mga pulis na naghuli sa mga tambay na nag-aaway.Ako naman ay naglakad na pauwi. Hiyang hiya ako sa inasta ko pero hindi naman niya ako masisi dahil kasalanan naman niya. Bakit kasi hindi siya nagsasalita?!Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sumampa sa kama ko. Ito 'yong kama na binili nila mama sa akin. Kahit na hindi kami mayaman ay ibinili nila ako ng mgandang higaan para daw laging masarap ang tulog ko.Napaiyak na naman ako. Ganito palagi tuwing gabi. Tuwing matutulog ako ay mukha nila ang lagi kong nakikita. Sa kahit saang sulok ng bahay namin ay may alaala na bumabalik."Ito po ba ang gusto n'yo mama, papa? Ang sabi niyo masarap ang magiging tulog ko dito pero bakit ganito? Huhuhu!" Umiiyak ako habang kausap ko sila na kahit imposibleng sumagot sila akin ay palagi ko parin ginagawa.Hindi ko alam pero parang may kakaibang nanyayari sa akin. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Ar tumigil sa pag-agos ang luha ko.Bigla rin sumagi sa isipan ko si ate Caye. Pinunasan ko ang luha ko at umupo ako sa kama ko."Siguro tama na, sapat na ang pitong taon na mag-isa ako at palaging nalulungkot. Kailangan ko na ng makakasama at siguro oras na para tumira ako kay ate Caye at iwan na itong bahay. Alam ko na maiintindihan niyo ako mama, papa. Gusto ko ng normal na buhay at higit sa lahat ang makaroon ng pamilya," ani ko sa sarili ko.Tumayo ako at lumapit sa kabinet ko. Kumuha ako ng mga damit at inilagay ko sa bag ko. Bukas na bukas din ay lilipat na ako sa bahay nila ate.Handa na akong harapin ang panibagong buhay kasama sila ate.Buong puso akong tinaggap ni ate Caye sa kanilang tahanan. Kahit ako hindi makapaniwala na may mga ganoong tao pa sa panahon ngayon.Sa ilang linggo na dumaan ay naging maayos ako sa piling nila. Naging masaya ako at nakakatulog na ako ng maayos tuwing gabi.Pumapasok sa University at pag-uwi ko ay nagbabantay ako ng mga bata. Hanggang sa tumagal na ako ng ilang linggo dito.Kailangan kong lumiban sa klase dahil isasama ako ni ate sa Maynila. Maayos na kasi si ate Caye at kuya Luke. Ang ama ng kambal. Ngayon ay alam ko na kung bakit ubod ng gwapo ang mga alaga ko dahil napakagwapo rin ni kuya plus maganda si ate.Hindi naging maganda ang pananatili namin sa bahay ng magulang ni kuya Luke kaya umuwi rin kami dito sa Iloilo.Malipas ang ilang linggo ay kinausap ako ni ate Caye."Cherry, puwede ba kitang makausap?" Tanong niya sa akin."Opo ate," sagot ko naman kay ate Caye."Gusto ko itanong kung gusto mo sumama sa amin sa Maynila? Doon kasi ang trabaho ni Luke," tanong niya sa akin."Opo ate, sasama po ako sa inyo." Masayang sabi ko."Doon kana rin papasok,"pahayag niya sa akin.Ako naman ay mabilis na lumapit kay ate at niyakap ko siya. Sobrang swerte ko kay ate Caye dahil kasama ako lagi sa mga iniisip niya.Pagkatapos kong ayusin ang lahat ng kailangan ko ay lumipat na kami sa Maynila.Nagtransfer ako sa pinakamalapit na University. Ang sabi ni kuya Luke ay doon rin nagtuturo ang kaibigan niya.First day of school ko at naging masaya naman ako. Hindi ko aakalain na magkakaroon ako kaagad ng kaibigan.Habang palabas ako sa campus ay biglang nagkakagulo sa may bandang gate. Tumabi ako dahil hinahabol nang mga pulis ang isang magnanakaw."Makikiraan po," sabi ko sa ibang estudyante. Nakakainis naman kasi sila. Nagkakagulo na pero kinikilig pa sila."Ang igop nang pulis na 'yun. Sa tingin ko bata pa siya at pwede kami sa isa't-isa," rinig kong sabi ng isang babae.Sa inis ko ay itinulak ko ito ng bahagya. Nakakainis dahil ayaw akong padaanin."Ouch! Hindi ka ba marunong mag-excuse?!" Galit na sabi niya sa akin."Sorry po, kanina pa po ako nag-excuse pero bingi lang kayo." Saad ko sa kanya at medyo mataray ang tono ng boses ko.Hindi na ito sumagot pero tinarayan ako.(Tusukin ko kaya mata mong malaki) ani ko sa isipan.Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep kailangan ko pang tumawid. Habang tumatatawid ako ay bigla na lang may motorsiklo na mabilis ang takbo at sa akin papunta ang direksyon niya.Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatayo pa rin ako. Bumalik lang ako sa katinuan ko nang bigla itong pumreno."Puwede ba tumawid kana. Nakaharang kana d'yan at nakakaabala ka sa trabaho ko!" Galit na sabi niya sa akin.Hindi ko siya nilingon pero sa loob ko para akong sasabog sa inis ko sa kanya. Bumuga ako ng hangin at inayos ang sarili ko at naglakad na parang walang nanyari.Hindi ko binigyanng pansin ang mga mata na sa akin nakatingin.Habang nalalakad ako ay naikuyom ko ang kamao ko sa inis.Sakto rin na may dumaang jeep kaya sumakay ako kaagad. Kahit na nasa jeep ako ay naiinis pa rin ako. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayaw ko naman dalhin sa bahay ang inis ko.Bumaba na ako sa jeep at maglalakad ako papasok sa bahay nila ate Caye. Pero dumaan muna ako sa bilihan ng kwek-kwek.Habang naglalakad ako ay kumakain ako ng kwek-kwek. Medyo malayo layo rin kasi ang lalakarin ko. Habang naglalakad ako ay may dumaan na motorsiklo at sa napansin ko na kapareho niya 'yong kanina.Sinampal ko ang sarili ko dahil baka imagination ko lang ang lahat."Tumigil kana baka kapareho lang 'yun. Sa dami ng may motor sa Pilipinas hindi lang siya ang puwedeng may gan'un na motor," saway ko sa sarili ko.Ang buong akala ko ay magiging okay ang araw ko dito sa Maynila pero nagkamali pa ako. Mas malala pa pala."Ate nakauwi na po ako!" Sabi ko habang papasokk ako sa bahay.Sinalubong ako ng kambal gano'n rin si ate Caye."Kumusta ang araw mo sa University?" Tanong sa akin ni ate."Okay naman po ate," sagot ko sa kanya."Magbihis kana at magluluto tayo ng meryenda. Narito rin kasi ang kaibigan ng kuya mo," aniya sa akin."Sige po ate," sagot ko pagkatapos ay pumasok ako sa silid ko para magpalit ng damit. Mabilis lang naman ako at lumabas na ako kaagad.Dumiretso ako sa kusina para tulungan si ate. Nang matapos naming iluto ang meryenda ay si ate na ang naghatid nang pagkain kay kuya Luke.Ako naman ay nag-alaga sa kambal. Abala ako sa paglalaro at hindi ko na pinagkaabalahan na tignan kung sino ang kaibigan ni kuya na bisita niya.Alam ko naman na gwapo lahat ng kaibigan niya at lahat mayaman. Sumapit ang gabi at ginawa ko ang mga homeworks ko.Maaga rin ako natulog dahil bukas may pasok na naman ako.Lumipas ang mga linggo at buwan at naging kumportable na ako sa mga kaklase ko. Masaya silang kasama at mga naging kaibigan ko na rin sila."Cherry sama ka mamaya?" Tanong sa akin ni Chemma."Saan kayo pupunta?" Tanong ko rin sa kanya."Sa bar gusto lang namin i-try pumunta doon," sagot naman ng isa kong kaklase."Pass ako guys," sagot ko sa kanila."Saglit lang tayo doon, promise." Pagkumbinse pa nila sa akin.Napaisip naman ako. Wala naman sigurong masama kung subukan ko pumunta. Uuwi na lang ako kaagad."Sige basta saglit lang tayo doon ha," pagsisigurado ko sa kanila."Oo saglit lang tayo doon.""Bumili na lang tayo ng cardigan sa may labasan para hindi mahalata na estudyante tayo," dagdag na sabi ni Kristel.Tahimik lang akong nakikinig sa mga naging usapan nila. Kung hindi ko lang sila kaibigan talagang hindi ako sasama.Natatakot ako dahil baka magalit sa akin si ate Caye. "Ngayon lang, ngayon lang ito at hindi ko na uulitin pa. Sisilip lang ako tapos aalis rin ako kaagad. Promise silip lang talaga," pilit kong kinukumbinse ang sarili ko."Bahala na ang mahalaga makapunta ako sa bar na sinasabi nila kahit isang beses lang sa buhay ko."CHERRY'S POVAlas singko ang uwian namin. Pagkatapos ng klase ay gumayak kami para pumunta sa bar.Kinakabahan man ako ay sumama pa rin ako. Bumili kami ng mga cardigan para matakpan ang suot naming uniform."Hindi tayo magtatagal doon ha," sabi ko sa kanila para sigurado akong susunod sila sa napag usapan namin."Opo, Relax ka lang Cherry." Sabi sa akin ng kaibigan ko."Mag-enjoy tayo kahit sa maiksing oras lang," sabi nito sa akin."Okay," tipid na sabi ko sa kanila.Sobrang excited nila samantalang ako sobrang kabado. Hindi ko alam kung magiging masaya rin ba ako katulad nila.Nag-abang kami ng masasakyan. Sobrang ingay nila, ako naman ay tahimik lang."Bakit ang tahimik mo?" Tanong sa akin ni Chemma."Kinakabahan kasi ako," pabulong na sagot ko sa kanya."H'wag kang kabahan dapat mag-enjoy ka," sabi niya sa akin.Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko na lang sila pinansin. Sumakay kami sa jeep nang makarating kami ay sobrang excited na nila.Tahimik lang akong nakasunod sa kanila. B
CHERRY'S POVMaaga pa akong nagising para pumasok sa University. Sobrangg naiinis ako sa mga kaibigan ko.Nasaan kaya sila at hindi sila nakasama doon sa mga nahuli. Maaga pa lang pero nasira na kaagad ang araw ko.Ang alam ko may event ngayon sa school. Wala naman akong sinalihan kaya manunuod langg ako."Ate alis na po ako," paalam ko kay ate Caye."Sige ingat ka," sagot naman niya sa akin."Opo ate."Naglakad ako hanngang labasan pero bago pa ako makalabas ay may kotse na mabilis ang patakbo at saktong dumaan sa may tubig."Arghh!" Inis na sigaw ko dahil nabasa ang pantalon ko hanggang sa suot kong t-shirt. Sa sobrang inis ko ay kumuha ako ng bato at binato ko ang sasakyan.Hindi naman ako magaling bumato pero natamaan ko ang side mirror niya. Nakita ko naman na tumigil ito at nagmaneho pabalik hanggang makarating sa puwesto ko.Bumaba ang driver. "What the h*ll is you—""Ikaw!" Panabay naming sabi.Napasabunot ako sa buhok ko sa inis. Tinignan ko siya ng masama. Hindi ako makapan
CHERRY'S POV"Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako!" Galit na sabi ko kay mamang pulis."What are you talking about? Ikaw bakit ka nandito? Baka ikaw yung—""Bakit naman kita susundan? Kapal mo rin!" Hindi ko na siya hinayaan na tapusin ang sasabihin niya. Todo hiling pa ako na h'wag na siyang makita pero ito siya nasa harapan ko na naman. Tapos nandito pa sa bahay nila ate. Sa inis ko sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko maiwasang mainis dahil 'yong ipon ko ipinambayad ko lang sa kanya."Rico, hinahana— May problema ba Cherry?" Biglang dumating si Ate Caye."Wala po ate pasensiya na po kayo. Dadalhin ko na po ito sa loob." Sabi ko kay ate at mabilis na naglakad papunta sa pool area.Medyo naiilang ako dahil ramdam ko na may nakatingin sa akin. Inilapag ko sa mesa ang pulutan nila kuya at mabilis akong pumasok sa loob ng bahay saka dumiretso sa silid ko.Jusko bigla akong nahiya sa damit ko. Normal na kasi na kapag nandito ako ay nakashort at sandi lang ako. Siraulo talaga 'yun, r
CHERRY'S POV"Bastos!" Sigaw ko sa kanya sabay lagapak ng kanang kamay ko sa mukha niya. Walanghiya siya kinuha niya ang first kiss ko.Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa akin. Kung hindi ko lang hawak ang isang bata ay kanina ko pa siya sinapok."Irereklamo kita," sabi ko sa kanya."Kanino? Saan?" Pang-aasar pa niya sa akin."Ang kapal mo isusumbong kita sa boyfriend ko." Pagkasabi ko no'n ay biglang naging seryoso ang mukha niya."Do you have a boyfriend?" Parang hindi makapaniwala na tanong niya sa akin."Oo naman, ano tingin mo sa akin pangit. D'yan kana nga! Bwesit ka!" Sabi ko sa kanya bago pumunta sa dining area.Nag-imbento pa tuloy ako dahil sa inis ko. Bwesit talaga siya. Sa lahat ng puwedeng magnakaw sa first kiss ko siya pa. Pulis pa naman siya pero magnanakaw siya. Parang gusto ko tuloy hiramin ang samurai ni Ate Caye. Tadtarin ko kaya siya ng pino? Tanong ko bigla sa sarili ko."Cherry, okay ka lang ba? Bakit parang mang-aamok ka ng
CHERRY'S POVNababaliw na ba siya? Ang bilis naman niya. Naku, Cherry 'wag kang maniwala d'yan. Siguro pinagtitripan ka lang niya. Bulong sa akin nang kontrabida kong isip. Pero kahit kontrabida itong isipan ko ay may point naman siya. Sino ba naman kasing tao ang magtatapat sa 'yo kung noong nakaraan at kagabi ay nagbabangayan pa kayo? Akala talaga siguro nang lalaki na ito ay maniniwala ako sa kanya."Hindi, wala akong balak magjowa ng pulis. Saka ang tanda mo na para sa akin. Kung tutuusin ay kuya na nga kita. Maghanap ka na lang nang ibang babae." Tuloy-tuloy na lintaya ko habang hindi ko namamalayan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Tumingin ako sa kanya habang nagmamaneho siya. Hindi ito umimik o sumagot man lang sa akin. Nakonsensiya ako sa mga sinabi ko sa kanya. Diretso lang sa daan ang tingin niya. Ang seryoso nang gwapo niyang mukha."S-Sorry, sorry sa mga nasabi ko. Pero sa tingin ko hindi ako nababagay sa 'yo. Napakabata ko pa para sa 'yo." Mahinang sabi ko sa kanya.
CHERRY'S POV"Oh my God...! Bakit wala akong damit? Nasaan ako?" Nagulat ako dahil tanging panloob lang ang mayro'n ako. Nasa hindi ako pamilyar na silid. Kaagad na binudol nang kaba ang dibdib ko. Unti-unting bumalik ang lahat sa akin. Ang ginawa ko kagabi? "Shet! Nakipaghalikan ako kagabi sa stranger." Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Maliban sa ulo ko ay wala na akong ibang maramdaman. Sa tingin ko ay safe pa naman ang bataan. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kilalang-kilala ko.Napalunok ako dahil topless ito at litaw na litaw ang hubog ng katawan niya. Shet ang yummy niya. Tama nga si Chem, yummy hotdog my tummy siya. Abs palang busog kana kaagad.Cherry, tumigil ka! Saway ko sa sarili ko."B-Bakit ako nandito? Kaninong bahay 'to?" Tanong ko kay mamang pulis."Nasa condo kita at nasa kama ko. Inuwi kita dahil lasing na lasing ka kagabi. Hindi rin kita puwedeng iuwi sa bahay niyo. Pero ang totoo niyan iuuwi naman kita ayaw mo lang." Sagot niya sa akin."Eh bakit w
CHERRY'S POV"Kuya, natatakot ako." Kunwaring tawag ko kay mamang pulis.Natuwa naman ako dahil biglang umasim ang mukha ng mga kasamahan niya. Marahil ay nagulat sila sa pagtawag ko kay Rico na kuya."Chief, kuya ang tawag sa 'yo." Sabi nang isa sa mga kasamahan niya."Tsk! Tumahimik ka d'yan." Narinig kong saway niya sa mga tauhan niya."Sige, tudasin mo na 'yan. Hindi ko na pala 'yan mamahalin." Utos nang h*******k na lalaki kay kuya."Sige kuya, patayin niyo na lang ako." Utos ko sa kriminal. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga naroon. Marahil ay hindi sila makapaniwala na inuutusan ko pa ang nanghohostage sa akin."Mas gugustuhin ko pang matigok na kaysa iligtas nang tanders na 'yan." Sabi ko pa ulit sa lalaki."Tsk! Manahimik ka d'yan. Aanakan pa nga kita eh!" Sigaw pa ulit ni mamang pulis. Bwesit siya hindi man lang siya nahiya sa mga tao na nasa paligid. Mukhang natutuwa pa ang mga ito sa banat ni mamang pulis."Naku, kuya tuluyan mo na ako. Hindi ko naman kilala 'yung la
RICO'S POVSa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakilala ng babae na matapang. Noong hinuli ko siya ay may kakaibang damdamin siyang binubuhay sa loob ko. Aminado ako na may mali ako. Dahil halatang nadamay lang ito sa pagsama sa kanya nang mga kaklase niya.Pinalabas ko na lang siya ay hindi man lang niya sinabi ang pangalan niya sa akin. Pero sadyang pinaglalapit kami ng tandhana dahil siya ang bumasag sa side mirror ng kotse ko. Nalaman ko rin na doon pala ito nakatira kila Luke. Mukhang mapapadalas na ang pagbisita ko sa bahay ng kaibigan ko. Medyo nasasaktan lang ako sa mga panlalait niya sa akin. Kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ako pangit. Siguro nasaktan lang ako dahil pinapamukha niya sa akin na matanda na ako. Nandito ako ngayon sa coffee shop para makipagkita sa step sister ko."Kuya, hindi kana umuuwi sa bahay." Sabi sa akin nang step sister ko na si Carmie."Busy lang ako sa traba—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumaan sa tabi ko si Cherry. H
WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)RICO POVDahil bumalik na ang mga alaala ko ay gusto ko ulit pakasalan ang asawa ko. Gusto ko na gawin niya at piliin niya ang lahat ng gusto niya sa kasal namin. I want to give her the best wedding ever. Sa ikalawang pagkakataon ay ako ulit ang naging pinakamasayang lalaki. Kahit malayo pa siya sa akin ay naglakad ako para salubungin siya. Hindi ko na hahayaan na maglakad siyang mag-isa. Mamahalin ko siya na kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Naging maayos at masaya ang kasal naming dalawa. “Enjoy your honeymoon. Kami na ang bahala sa dalawang bata.” Sabi sa akin ni Luke.“Thanks bro,” nakangiti na pasasalamat ko sa kaibigan.Napakaswerte ko sa kaibigan ko dahil palagi siyang nandyan sa tabi ko para tulungan ako. Siya talaga ang karamay ko sa lahat ng problema ko. Ngayon ay susulitin ko ang oras na kasama ko ang asawa ko. Inaayos ko na ang relasyon ko sa mga kapatid ko. At hih
CHERRY’S POV Nilalamig ang mga paa at kamay ko. Nakatayo ako dito sa labas ng simbahan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rico. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba ko. Pangalawang beses ko na itong ikasal pero kinakabahan pa rin ako. Para kasing first time ko pa rin.Pinili ko na gawing church wedding ang magiging kasal namin. Suot ko ang damit na pangarap ko. Itong kasal namin ay talagang pinaghandaan namin. Hinayaan niya akong gawin at piliin ang mga gusto ko. Masaya ako pero narito pa rin ang lungkot dahil sa ikalawang beses ay wala pa rin ang mga magulang ko.“Are you ready, Madam?” Tanong sa akin nang wedding coordinator.“Yes,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Nagsimula na ang kasal at nang makapasok na ang lahat ay isinara nila ulit ang malaking pintuan ng simbahan. Habang nakatayo ako sa harapan nito ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. Hanggang sa unti-unti nilang binuksan ang pintuan ng simbahan.Malayo man ako ay natatanaw ko ang lala
CHERRY'S POV Wala si Rico dahil umuwi siya sa Maynila. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na siya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay naalala na niya kami. Ang buong akala ko talaga ay habang buhay ng mawawala ang mga alaala niya. Pero laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan. "Mommy, kailan po uuwi si daddy?" Tanong sa akin ni Aurora. "Depende po, baby. Pero alam ko na uuwi rin agad si daddy niyo." Sagot ko sa kanya. "Okay po, pero puwede niyo po ba siyang tawagan?" Tanong niya sa akin. "Okay na okay po." Nakangiti na sagot ko sa anak ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang asawa ko. Hindi niya sinasagot kaya tumigil na muna ako dahil baka may ginagawa pa siya. Sinabi ko naman sa anak ko na tatawagan na lang namin ulit mamaya ang daddy niya. Nagpapasalamat rin ako dahil matalino ang mga anak ko. Dahil nakakaintindi na sila sa kahit na anong sabihin ko sa kanila. Kaya hindi rin ako nahihirapan na makipag-usap sa kanila. Nagring ang phone ko
RICO’S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito?“Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko.“Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya.“Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin.“Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya.“Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin.“May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya.“Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin.“Nasa bahay sila, Chiefy.” Sagot niya sa akin.“Uwi na tayo, love.” Sabi ko sa kanya.Laking pasasalamat ko dahil bumalik na ang mga alaala ko. Ipinaliwanag sa akin nang doktor ang nangyari sa akin. Umuwi na kami at niya
CHERRY’S POVUminom ako ng painkillers dahil masakit ang buong katawan ko. Sumakay na lang ako sa tricycle papunta doon sa batis. Medyo madilim na nang makarating ako. Pagdating ko ay nakaupo silang tatlo sa may bato. “Mommy!” Tawag sa akin ni Aurora.“Bakit hindi pa kayo umuuwi? Ano oras na, pagabi na?” Tanong ko sa kanila.“Ang totoo po kasi, mommy. Gusto po ni daddy na maalala ang tungkol sa wedding niyo.” Sabi sa akin ni Asher.“Chiefy, may mga videos naman tayo noong kasal. Puwede mong panuorin kung gusto mo. Huwag mong pilitin na alalaahin ang lahat. Baka sumakit ang ulo mo, umuwi na tayo dahil kailangan na ni Asher na uminom ng gamot.” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pumunta dito, love? Pauwi na rin kami. Alam ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Sabi niya sa akin.“Nag-aalala kasi ako sa inyo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“I’m sorry, love.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Uwi na tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabay-sabay na sagot nila sa a
WARNING: MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)CHERRY’S POV“Chiefy,” tawag ko sa kanya.“Don’t try to stop me. Kasi ilang araw ko na itong napapanaginipan,” sabi niya sa akin.“May sinabi ba ako na pipigilan kita. Pero panagutan mo ako ha,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahahaha! Tinakbuhan ba kita noon?” Natatawa na tanong niya sa akin.“Pinanagutan mo ako, masyado ka ngang excited na pakasalan ako eh.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“I wish na maalala ko ang mga panahon na ganyan, love.” Sabi niya sa akin.“Maalala mo man o hindi ay okay lang. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa i'yo. Kahit ano pa ang dumating sa atin ay mahal na mahal kita. Hindi mo man ako naalala ay alam ko na ang puso mo ay ako ang nilalaman. Maliban na lang kung iba ang nasa isipan mo. Napakahilig mo pa naman.” Sabi ko sa kanya.“Paano mo alam?” Nakangisi na tanong niya sa akin.“Dahil ako ang asawa mo. Kung ikaw si Rico na kilala ko ay wala pa akong ginagaw
CHERRY’S POV “Hoy, Rico. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mong tingin! Alam ko ‘yang nasa isipan mo!” Naiinis na sabi ko sa kanya. “Bakit ano ba ang ginagawa natin noon?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit gusto mo ba malaman? Gusto mo bang sabihin ko sa ‘yo?” Nakangiti na tanong ko rin sa kanya. “Of course kaya ko nga tinatanong.” Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Ngayon ko naisip kung ano ba ang hindi ko nagawa noon sa kanya at sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para maghiganti. Oras na para ipakita ko sa kanya na may talent rin ako. “What the fvck?!” Sigaw niya sa akin. Dahil halatang nagulat siya. “Opss, buti na lang hindi ka tinamaan.” Nakangisi na sabi ko sa kanya. “What the h*ll are you doing?” Parang naiinis na tanong niya sa akin. “Me? Pinapakita ko lang sa ‘yo ang ginagawa ko noon. At ito ‘yon, hindi ka ba masaya na ginawa ko ito?” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ibaba mo ‘yan, teka lang matalim ba ‘yan? Hindi ka naman siguro seryoso sa sinabi mo na it
CHERRY’S POV“Hinahanap ka ng anak mo,” biglang nagsalita si Rico sa likuran ko. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.“Uminom na ba siya ng gamot niya?” Tanong ko sa kanya.“Tapos na at hinahanap kana niya.”“Salamat,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na hilam ang mga luha ko sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa harapan niya. “Pasensya kana, naabala pa kita.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.Yumuko ako dahil sobrang sakit ng puso ko. Dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Sa loob ng ilang taon ay palagi kong ipinadarasal na sana ay makasama ko siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang buhay ko at kaya ko kinakaya ang lahat dahil sa kanya. Nagulat ako dahil hinila niya ako at mahigpit na niyakap.“Hush… Don’t cry, I’m sorry.” Bulong niya sa tainga ko kaya lalo akong umiyak.“Chiefy, miss na miss na kita. Bumalik kana
CHERRY'S POV"Pero kung talagang asawa mo ako. Bakit mo ako sinukuan? Bakit hindi mo ipinilit sa akin na ikaw ang asawa ko?" Tanong niya sa akin."Bakit parang ako pa ang may mali? Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. At kung ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo ay baka wala kana ngayon." Umiiyak na sagot ko sa kanya."Anong wala?""Dahil hindi puwedeng ipilit na ipaalala sa 'yo ang lahat. Dahil baka biglang pumutok ang ugat mo sa ulo. Kaya kahit na masakit sa akin ay pinili ko na iwan ka. Dahil iyon ang tingin namin na makakabuti sa 'yo. Dahil ‘yon ang tingin ko na tama.""Kaya mo ako iniwan?" "Sa tingin mo kakayanin ko na makita na nasasaktan ka. Na tuwing nasa malapit ako ay sumasakit ang ulo mo. Dahil pinipilit mo na maalala ako. Kaya pasensya kana kung nagpakilala sa 'yo ang anak ko. Sabik lang siya sa daddy niya. Hayaan mo hindi ka namin guguluhin. Mabuhay ka at maging masaya. Kaya please lang, umalis kana." Sabi ko sa kanya.Nagkatitigan kami hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Pinun