Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2023-03-01 08:52:51

CHERRY'S POV

"Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako!" Galit na sabi ko kay mamang pulis.

"What are you talking about? Ikaw bakit ka nandito? Baka ikaw yung—"

"Bakit naman kita susundan? Kapal mo rin!" Hindi ko na siya hinayaan na tapusin ang sasabihin niya.

Todo hiling pa ako na h'wag na siyang makita pero ito siya nasa harapan ko na naman. Tapos nandito pa sa bahay nila ate. Sa inis ko sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko maiwasang mainis dahil 'yong ipon ko ipinambayad ko lang sa kanya.

"Rico, hinahana— May problema ba Cherry?" Biglang dumating si Ate Caye.

"Wala po ate pasensiya na po kayo. Dadalhin ko na po ito sa loob." Sabi ko kay ate at mabilis na naglakad papunta sa pool area.

Medyo naiilang ako dahil ramdam ko na may nakatingin sa akin. Inilapag ko sa mesa ang pulutan nila kuya at mabilis akong pumasok sa loob ng bahay saka dumiretso sa silid ko.

Jusko bigla akong nahiya sa damit ko. Normal na kasi na kapag nandito ako ay nakashort at sandi lang ako. Siraulo talaga 'yun, ramdam ko na nakatingin siya sa legs ko. Pero bahala siya makinis naman ito kaya walang dapat ikahiya.

Hindi naman ako nagtagal sa silid ko dahil kailangan kong bantayan ang kambal. Paglabas ko ay nasa sala sila. Umupo ako sa sahig para bantayan sila. Biglang umilaw ang phone ko kaya tinignan ko. Nagtext pala ang kaibigan ko.

Chemma: Besh, sama ka ba?

Me: Saan?

Chemma: Sa bar.

Me: Ayoko, tapos mamaya iwan niyo na naman ako.

Chemma: Besh, hindi na ito chepepay bar. Medyo high standard na hahaha!

Hindi ko naman naiwasang hindi mapangiti sa chat ng aking kaibigan. Alam niya kasi na hindi na talaga ako papasok ulit sa mga bar na, kagaya ng pinuntahan namin.

Me: Besh, ayaw ko talaga. Ayokong makulong ulit.

Chemma: Hahaha! Sige na besh, bukas pa naman ito eh. Puwede ka pa magpaalam kay ate mo. Birthday ko kasi besh, kahit iyon lang regalo mo. Promise hindi kita papabayaan. Kung gusto mo ako na magpaalam kay Ate Caye.

Me: Okay sige, magpapaalam ako. Pero siguraduhin mo na wala ng dadampot sa akin doon. Ayoko ng makulong ulit at makita ang pangit na 'yun.

Chemma: Promise besh, sagot kita kaya don't worry. Thank you besh, love you mwah!

Me: Aasahan ko 'yan. Love you too besh.

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti kapag si Chemma ang kausap ko. Sa lahat ng nakilala ko at naging kaibigan ko ay sa kanya napalagay ang loob ko. Mabait ito at palabiro taliwas sa personality ko na seryoso.

"Tsk!"

Biglang akong may narinig. Nang tumingin ako sa paligid ay nakita kong paalis na si Mamang pulis. Napaismid na lang ako. Kahit kailan papansin talaga.

"Cherry, puwede ba kitang mautusan? Kinulang na kasi ang alak nila kuya mo. Puwede ka bang bumili?" Tanong sa akin ni ate.

"Sige po at—"

"Sasamahan ko na lang siya," biglang sabi ng bwesit na lalaki.

"Kaya ko na PO," biglang sabi ko sabay diin ng po sa dulo para malaman niya na matanda na siya. Ayaw ko siyang kasama, nakikita ko pa lang siya ay sira na kaagad ang mood ko.

"Mas mabuti pa nga na samahan mo siya Rico. Huwag ka lang magdrive, si Cherry na lang marunong naman siya at may driver license na rin." Pagsang-ayon bigla ni ate kaya ang bwesit na lalaki ay nakita kong ngumiti pa.

"Sige po ate, alis na po kami." Labas sa ilong na paalam ko hindi dahil naiinis ako kay ate kundi sa lalaking nakasunod sa akin.

"Sige, ingat kayo. Paki-ingatan si Cherry, Rico." Parang nang-aasar pa si ate.

"Kaya ko na ang sarili ko ate," sagot ko habang palabas sa pinto.

"Alam ko, pero okay rin kapag may nag-iingat sa 'yo." Pahabol pa ni ate.

Hindi ko na pinansin si ate at sumakay na ako sa driver seat habang sumakay rin si mamang pulis. Nagsimula na akong magmaneho.

"So, Cherry pala ang pangalan mo. Ang cool mo habang nagmamaneho ka." Biglang nagsalita si mamang pulis. At dahil attitude ako 'di ko siya sinagot. Pero sa loob-loob ko ay natuwa ako sa sinabi niya na cool ako.

"Suplada mo naman, hindi naman maganda an—"

Napapreno ako nang wala sa oras dahil sa narinig ko.

"Anong sabi mo? Hindi maganda ang pangalan ko o ako mismo sinasabihan mo na hindi ako maganda. Sa 'yo nga pangalan mo panahon pa ni Rizal." Naiinis na sabi ko sa kanya sabay irap.

"Nakakagulat ka naman. Bigla ka na lang pumupreno. Maganda ang pangalan ko puwede mo itanong sa mga babaeng naik—"

"Wala akong pake! Please lang, kung puwede lang naman. Itikom mo na lang 'yang bibig mo. Hindi tayo close para magkwentuhan." Putol ko sa sasabihin niya.

"Okay po, Ma'am." Sagot pa niya sa akin.

Hindi ko na siya pinansin. Ayaw ko ng pahabain pa ang usapan namin dahil nababadtrip lang ako. Baka sa inis ko ay ihulog ko siya bigla dito sa gitna nang kalsada. Nagmaneho na ako ulit para pumunta sa grocery store. Pasalamat na lang ako dahil nanahimik na ito.

Pagdating namin ay kaagad kaming pumasok. Itong nasa tabi ko parang artista, biglan na lang kasi may mga babaeng kinikilig sa tabi-tabi. Hinayaan ko na lang sila. Nakasunod lang sa akin si mamang pulis.

"Ikaw na kumuha ng mga alak na iinumin niyo." Utos ko sa kanya dahil sila rin naman iinom kaya bahala na siya.

"Yes Ma'am," sagot niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Iniwan ko siya dahil sakto bibili rin ako ng mga kailangan ko.

"May iba ka pa bang bibilhin?" Biglang tanong niya sa akin dahil nasa likuran ko na pala siya.

"Okay na ba 'yan?" Tanong ko sa kanya instead na sagutin ang tanong niya sa akin.

"Oo, okay na." Sagot naman niya sa akin.

"Okay, bayaran na natin." Saad ko sa kanya. Hahawakan ko sana ang cart pero kaagad ko ring binawi ang kamay ko dahil naroon pala ang kamay niya.

"Sa susunod 'wag kang lalabas na ganyan ang suot." Biglang sabi niya sa akin.

"Wala namang mali sa suot ko, kaya mind your own business." Mataray na sabi ko sa kanya at nauna na akong pumunta sa may counter.

Akmang magbabayad na ako gamit ang card na binigay ni ate. Nang bigla nitong binigay ang card niya sa cashier. Tumingin ako sa kanya.

"Ako na ang magbabayad," sabi niya sa akin.

"Per—"

"Ako na, kami naman ang iinom niyan." Putol niya sa sasabihin ko. Hinayaan ko na lang siya.

Hiniwalay ko ang mga binili ko dahil sariling pera ko ang ibabayad ko doon. Pero nang magbabayad na ako ay hindi na ako pinagbayad dahil itong katabi ko na ang nagbayad. Bigla akong nainis, pero pinigilan ko lang ang sarili ko na bulyawan siya dahil nandito kami sa loob ng grocery at may ibang tao. Ayaw ko rin naman na ipahiya siya.

Hindi ko siya pinansin at hinayaan ko na siya ang magdala ng mga pinamili namin. Pagkapasok namin ay hindi ako kaagad nagmaneho. Inilabas ko ang pera sa wallet ko sabay abot sa kanya.

"Ano 'yan?" Tanong niya sa akin.

"Pera, nakikita mo naman diba?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"I know that is money, pero bakit mo ako binibigyan?" Tanong niya sa akin.

"Bayad ko doon sa mga pinamili ko."

"Just keep it, para sa allowance mo." Sabi niya sa akin.

"Kunin mo na kasi!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Itago mo na lang 'yan. Bakit ba ganyan ka?" Biglang tanong niya sa akin.

"Ayoko na ilibre mo ako. Ayoko na may nagbabayad para sa akin. Kaya kunin mo na 'to," seryosong sabi ko sa kanya.

"Pero, gusto kitang ilibre. Kaya sana hayaan mo na lang ako." Saad pa niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Bakit ba hindi mo maintindihan? Ayoko nga kasi na nililibre ako. Lalong ayoko dahil galing sa 'yo. Kaya sana tanggapin mo na ito." Naiinis na parang naiiyak ako.

"Okay, fine." Mabilis niya itong kinuha sa kamay ko.

"Thank you," mahinang sabi ko bago ko pinatakbo ang kotse.

Tahimik kami pareho hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagpasok ko ay kaagad kong ipinasok sa silid ko ang mga pinamili ko. Hindi ko na binigyang pansin si mamang pulis.

Hindi ako sanay na may nagbabayad o nagbibigay sa akin. Kahit si Ate Caye ay alam niya iyon. Hindi dahil sa pride kundi gusto kong sanayin ang sarili ko na kayanin lahat ng mag-isa. Hindi habang buhay ay may tutulong sa akin. Hindi ako kumportable lalo na kay mamang pulis. Ayaw kong makipag-usap sa kanya dahil hindi kami close higit sa lahat kuya ko na siya.

Iniisip ko pa lang ngayon na tawagin siyang kuya ay natutuwa na ako. Pang-asar ko na rin kasi 'yun sa kanya.

"Cherry, kain na tayo!" Tawag sa akin ni ate.

"Sige po ate!" Sagot ko sa kanya. Binuhat ko ang kambal. Pero nagulat ako dahil biglang may kamay na kumukuha kay Simon.

"Ako na magbubuhat kay Simon," biglang sabi ni Mamang pulis.

"Sige kuya, salamat." Pasasalamat ko sa kanya, pero lihim na natutuwa dahil sa pagtawag ko sa kanya na kuya.

"What did you say? Kuya?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.

"Oo ku—"

Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang ginawa.

CALLIEYAH JULY

Hello po, please add this story sa library niyo. Thank you so much po <3.

| 3
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
ano Kaya Ang ginawa ni kuya
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
naka add na po
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH JULY
thank you po :)
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 5

    CHERRY'S POV"Bastos!" Sigaw ko sa kanya sabay lagapak ng kanang kamay ko sa mukha niya. Walanghiya siya kinuha niya ang first kiss ko.Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa akin. Kung hindi ko lang hawak ang isang bata ay kanina ko pa siya sinapok."Irereklamo kita," sabi ko sa kanya."Kanino? Saan?" Pang-aasar pa niya sa akin."Ang kapal mo isusumbong kita sa boyfriend ko." Pagkasabi ko no'n ay biglang naging seryoso ang mukha niya."Do you have a boyfriend?" Parang hindi makapaniwala na tanong niya sa akin."Oo naman, ano tingin mo sa akin pangit. D'yan kana nga! Bwesit ka!" Sabi ko sa kanya bago pumunta sa dining area.Nag-imbento pa tuloy ako dahil sa inis ko. Bwesit talaga siya. Sa lahat ng puwedeng magnakaw sa first kiss ko siya pa. Pulis pa naman siya pero magnanakaw siya. Parang gusto ko tuloy hiramin ang samurai ni Ate Caye. Tadtarin ko kaya siya ng pino? Tanong ko bigla sa sarili ko."Cherry, okay ka lang ba? Bakit parang mang-aamok ka ng

    Last Updated : 2023-03-04
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 6

    CHERRY'S POVNababaliw na ba siya? Ang bilis naman niya. Naku, Cherry 'wag kang maniwala d'yan. Siguro pinagtitripan ka lang niya. Bulong sa akin nang kontrabida kong isip. Pero kahit kontrabida itong isipan ko ay may point naman siya. Sino ba naman kasing tao ang magtatapat sa 'yo kung noong nakaraan at kagabi ay nagbabangayan pa kayo? Akala talaga siguro nang lalaki na ito ay maniniwala ako sa kanya."Hindi, wala akong balak magjowa ng pulis. Saka ang tanda mo na para sa akin. Kung tutuusin ay kuya na nga kita. Maghanap ka na lang nang ibang babae." Tuloy-tuloy na lintaya ko habang hindi ko namamalayan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Tumingin ako sa kanya habang nagmamaneho siya. Hindi ito umimik o sumagot man lang sa akin. Nakonsensiya ako sa mga sinabi ko sa kanya. Diretso lang sa daan ang tingin niya. Ang seryoso nang gwapo niyang mukha."S-Sorry, sorry sa mga nasabi ko. Pero sa tingin ko hindi ako nababagay sa 'yo. Napakabata ko pa para sa 'yo." Mahinang sabi ko sa kanya.

    Last Updated : 2023-03-05
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 7

    CHERRY'S POV"Oh my God...! Bakit wala akong damit? Nasaan ako?" Nagulat ako dahil tanging panloob lang ang mayro'n ako. Nasa hindi ako pamilyar na silid. Kaagad na binudol nang kaba ang dibdib ko. Unti-unting bumalik ang lahat sa akin. Ang ginawa ko kagabi? "Shet! Nakipaghalikan ako kagabi sa stranger." Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Maliban sa ulo ko ay wala na akong ibang maramdaman. Sa tingin ko ay safe pa naman ang bataan. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kilalang-kilala ko.Napalunok ako dahil topless ito at litaw na litaw ang hubog ng katawan niya. Shet ang yummy niya. Tama nga si Chem, yummy hotdog my tummy siya. Abs palang busog kana kaagad.Cherry, tumigil ka! Saway ko sa sarili ko."B-Bakit ako nandito? Kaninong bahay 'to?" Tanong ko kay mamang pulis."Nasa condo kita at nasa kama ko. Inuwi kita dahil lasing na lasing ka kagabi. Hindi rin kita puwedeng iuwi sa bahay niyo. Pero ang totoo niyan iuuwi naman kita ayaw mo lang." Sagot niya sa akin."Eh bakit w

    Last Updated : 2023-03-07
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 8

    CHERRY'S POV"Kuya, natatakot ako." Kunwaring tawag ko kay mamang pulis.Natuwa naman ako dahil biglang umasim ang mukha ng mga kasamahan niya. Marahil ay nagulat sila sa pagtawag ko kay Rico na kuya."Chief, kuya ang tawag sa 'yo." Sabi nang isa sa mga kasamahan niya."Tsk! Tumahimik ka d'yan." Narinig kong saway niya sa mga tauhan niya."Sige, tudasin mo na 'yan. Hindi ko na pala 'yan mamahalin." Utos nang h*******k na lalaki kay kuya."Sige kuya, patayin niyo na lang ako." Utos ko sa kriminal. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga naroon. Marahil ay hindi sila makapaniwala na inuutusan ko pa ang nanghohostage sa akin."Mas gugustuhin ko pang matigok na kaysa iligtas nang tanders na 'yan." Sabi ko pa ulit sa lalaki."Tsk! Manahimik ka d'yan. Aanakan pa nga kita eh!" Sigaw pa ulit ni mamang pulis. Bwesit siya hindi man lang siya nahiya sa mga tao na nasa paligid. Mukhang natutuwa pa ang mga ito sa banat ni mamang pulis."Naku, kuya tuluyan mo na ako. Hindi ko naman kilala 'yung la

    Last Updated : 2023-03-07
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 9

    RICO'S POVSa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakilala ng babae na matapang. Noong hinuli ko siya ay may kakaibang damdamin siyang binubuhay sa loob ko. Aminado ako na may mali ako. Dahil halatang nadamay lang ito sa pagsama sa kanya nang mga kaklase niya.Pinalabas ko na lang siya ay hindi man lang niya sinabi ang pangalan niya sa akin. Pero sadyang pinaglalapit kami ng tandhana dahil siya ang bumasag sa side mirror ng kotse ko. Nalaman ko rin na doon pala ito nakatira kila Luke. Mukhang mapapadalas na ang pagbisita ko sa bahay ng kaibigan ko. Medyo nasasaktan lang ako sa mga panlalait niya sa akin. Kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ako pangit. Siguro nasaktan lang ako dahil pinapamukha niya sa akin na matanda na ako. Nandito ako ngayon sa coffee shop para makipagkita sa step sister ko."Kuya, hindi kana umuuwi sa bahay." Sabi sa akin nang step sister ko na si Carmie."Busy lang ako sa traba—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumaan sa tabi ko si Cherry. H

    Last Updated : 2023-03-08
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 10

    CHERRY'S POV Nagising ako na nasa sariling silid ko na ako. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Siguro ay ihinatd ako ni mamang pulis. Ang ganda na sana ng ngiti ko pero nahagip ng mata ko ang kamay ko. Nawala bigla ang ngiti ko dahil ang bwesit na lalaking 'yon."Arghh! Nakakainis ka! Bwesit ka talaga." Paano ba naman kasi naiwan pa sa kamay ko ang posas. Kamay lang pala niya ang tinanggal niya pero 'yong sa akin ay nandito pa.Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinawagan ko siya. Hindi niya kaagad sinagot kaya nagdial ulit ako. "Pumunta ka dito, ngayon din!" Utos ko sa kanya."Ikaw love ha, gusto mo ako kaagad makita." Napanting ang tainga ko sa narinig ko mula sa kanya."Tigilan mo ako sa kakalove mo! Pumunta ka dito at tanggalin mo ang posas sa kamay ko." Sigaw ko sa kanya.Nagulat na lang ako dahil biglang bumukas ang pintuan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nandito na siya kaagad. Mukhang pinagtitripan ako ng lalaking 'to, ani ko sa isipan ko."Good morning love, mas maganda ka

    Last Updated : 2023-03-09
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 11

    CHERRY'S POV"Love, I think we need to stop now." Mahinang sabi niya sa akin at timigil na sa paghalik sa akin. Aaminin ko na nawala ako sa sarili ko. Pasimple kong sinuklay ang buhok niyang nagulo.Medyo nahiya naman ako. Nakatingin kasi ito ng diretso sa mga mata ko. Nakikita ko ang kakaibang pagnanasa sa mga mata niya. Pero kaagad rin napalitan. Tingin na para bang ako lang ang nakikita niya. Parang katulad ng tingin ni Kuya Luke kay ate Caye."Tama ka, kailangan na nating tumigil." Mahinang sabi ko sa kanya.Pagkasabi ko ay kaagad niyang pinausad ang kotse. Hanggang sa makarating kami sa tapat nang gate. Akmang lalabas na ako ng pigilan niya ako."Tatawag ako mamaya love, sana sagutin mo." Nakangiting sabi niya sa akin.Parang tumalon naman ang puso ko sa ngiti niya. Ito ang unang beses na hindi kami nagtalo. Pareho kaming mahinahon. Ngumiti ako sa kanya at tumango."Sige, 'wag lang masyadong late. May pasok pa ako bukas. Ingat ka sa pagdadrive," paalala ko sa kanya.Ngumiti naman

    Last Updated : 2023-03-11
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 12

    CHERRY'S POVAaminin ko nagselos nga ako na naiinis ako. Hindi naman pala malala ang nangyari sa kanya pero hindi man lang niya sinabi sa akin. Pero napaisip naman ako. Sino nga ba ako? Wala naman kaming relasyon para magselos ako sa kanya. Bakit nga ba ako nag-aalala? Mga tanong ko sa sarili ko.Ang totoo hindi naman talaga ako umalis ng ospital. Nakaupo lang ako dito sa may garden. Naisipan kong buksan ang phone ko. Bigla itong nagring at nakita ko na tumatawag si Kuya Luke "Hello po, kuya.""Hello, Cherry where are you?" Tanong sa akin ni Kuya Luke."Nandito po sa ospital kuya," sagot ko naman sa kanya."Nand'yan ka pa rin. Pero ang sabi niya umuwi kana.""Nandito lang po ako sa garden kuya. Babalik rin po ako doon mamaya. Hindi po muna ako uuwi kuya." "Cherry, aminin mo nga sa akin. Gusto mo na ba siya?" Biglang tanong sa akin ni Kuya."Hindi ko po alam kuya," matapat na sagot ko."Okay sige, puntahan mo na kasi kanina pa 'yon nasisiraan ng bait. Panay tawag sa akin dahil hindi k

    Last Updated : 2023-03-14

Latest chapter

  • LOCK ME IN YOUR HEART    SPECIAL CHAPTER

    WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)RICO POVDahil bumalik na ang mga alaala ko ay gusto ko ulit pakasalan ang asawa ko. Gusto ko na gawin niya at piliin niya ang lahat ng gusto niya sa kasal namin. I want to give her the best wedding ever. Sa ikalawang pagkakataon ay ako ulit ang naging pinakamasayang lalaki. Kahit malayo pa siya sa akin ay naglakad ako para salubungin siya. Hindi ko na hahayaan na maglakad siyang mag-isa. Mamahalin ko siya na kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Naging maayos at masaya ang kasal naming dalawa. “Enjoy your honeymoon. Kami na ang bahala sa dalawang bata.” Sabi sa akin ni Luke.“Thanks bro,” nakangiti na pasasalamat ko sa kaibigan.Napakaswerte ko sa kaibigan ko dahil palagi siyang nandyan sa tabi ko para tulungan ako. Siya talaga ang karamay ko sa lahat ng problema ko. Ngayon ay susulitin ko ang oras na kasama ko ang asawa ko. Inaayos ko na ang relasyon ko sa mga kapatid ko. At hih

  • LOCK ME IN YOUR HEART    WAKAS

    CHERRY’S POV Nilalamig ang mga paa at kamay ko. Nakatayo ako dito sa labas ng simbahan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rico. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba ko. Pangalawang beses ko na itong ikasal pero kinakabahan pa rin ako. Para kasing first time ko pa rin.Pinili ko na gawing church wedding ang magiging kasal namin. Suot ko ang damit na pangarap ko. Itong kasal namin ay talagang pinaghandaan namin. Hinayaan niya akong gawin at piliin ang mga gusto ko. Masaya ako pero narito pa rin ang lungkot dahil sa ikalawang beses ay wala pa rin ang mga magulang ko.“Are you ready, Madam?” Tanong sa akin nang wedding coordinator.“Yes,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Nagsimula na ang kasal at nang makapasok na ang lahat ay isinara nila ulit ang malaking pintuan ng simbahan. Habang nakatayo ako sa harapan nito ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. Hanggang sa unti-unti nilang binuksan ang pintuan ng simbahan.Malayo man ako ay natatanaw ko ang lala

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 80

    CHERRY'S POV Wala si Rico dahil umuwi siya sa Maynila. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na siya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay naalala na niya kami. Ang buong akala ko talaga ay habang buhay ng mawawala ang mga alaala niya. Pero laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan. "Mommy, kailan po uuwi si daddy?" Tanong sa akin ni Aurora. "Depende po, baby. Pero alam ko na uuwi rin agad si daddy niyo." Sagot ko sa kanya. "Okay po, pero puwede niyo po ba siyang tawagan?" Tanong niya sa akin. "Okay na okay po." Nakangiti na sagot ko sa anak ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang asawa ko. Hindi niya sinasagot kaya tumigil na muna ako dahil baka may ginagawa pa siya. Sinabi ko naman sa anak ko na tatawagan na lang namin ulit mamaya ang daddy niya. Nagpapasalamat rin ako dahil matalino ang mga anak ko. Dahil nakakaintindi na sila sa kahit na anong sabihin ko sa kanila. Kaya hindi rin ako nahihirapan na makipag-usap sa kanila. Nagring ang phone ko

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 79

    RICO’S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito?“Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko.“Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya.“Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin.“Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya.“Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin.“May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya.“Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin.“Nasa bahay sila, Chiefy.” Sagot niya sa akin.“Uwi na tayo, love.” Sabi ko sa kanya.Laking pasasalamat ko dahil bumalik na ang mga alaala ko. Ipinaliwanag sa akin nang doktor ang nangyari sa akin. Umuwi na kami at niya

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 78

    CHERRY’S POVUminom ako ng painkillers dahil masakit ang buong katawan ko. Sumakay na lang ako sa tricycle papunta doon sa batis. Medyo madilim na nang makarating ako. Pagdating ko ay nakaupo silang tatlo sa may bato. “Mommy!” Tawag sa akin ni Aurora.“Bakit hindi pa kayo umuuwi? Ano oras na, pagabi na?” Tanong ko sa kanila.“Ang totoo po kasi, mommy. Gusto po ni daddy na maalala ang tungkol sa wedding niyo.” Sabi sa akin ni Asher.“Chiefy, may mga videos naman tayo noong kasal. Puwede mong panuorin kung gusto mo. Huwag mong pilitin na alalaahin ang lahat. Baka sumakit ang ulo mo, umuwi na tayo dahil kailangan na ni Asher na uminom ng gamot.” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pumunta dito, love? Pauwi na rin kami. Alam ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Sabi niya sa akin.“Nag-aalala kasi ako sa inyo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“I’m sorry, love.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Uwi na tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabay-sabay na sagot nila sa a

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 77

    WARNING: MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)CHERRY’S POV“Chiefy,” tawag ko sa kanya.“Don’t try to stop me. Kasi ilang araw ko na itong napapanaginipan,” sabi niya sa akin.“May sinabi ba ako na pipigilan kita. Pero panagutan mo ako ha,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahahaha! Tinakbuhan ba kita noon?” Natatawa na tanong niya sa akin.“Pinanagutan mo ako, masyado ka ngang excited na pakasalan ako eh.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“I wish na maalala ko ang mga panahon na ganyan, love.” Sabi niya sa akin.“Maalala mo man o hindi ay okay lang. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa i'yo. Kahit ano pa ang dumating sa atin ay mahal na mahal kita. Hindi mo man ako naalala ay alam ko na ang puso mo ay ako ang nilalaman. Maliban na lang kung iba ang nasa isipan mo. Napakahilig mo pa naman.” Sabi ko sa kanya.“Paano mo alam?” Nakangisi na tanong niya sa akin.“Dahil ako ang asawa mo. Kung ikaw si Rico na kilala ko ay wala pa akong ginagaw

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 76

    CHERRY’S POV “Hoy, Rico. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mong tingin! Alam ko ‘yang nasa isipan mo!” Naiinis na sabi ko sa kanya. “Bakit ano ba ang ginagawa natin noon?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit gusto mo ba malaman? Gusto mo bang sabihin ko sa ‘yo?” Nakangiti na tanong ko rin sa kanya. “Of course kaya ko nga tinatanong.” Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Ngayon ko naisip kung ano ba ang hindi ko nagawa noon sa kanya at sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para maghiganti. Oras na para ipakita ko sa kanya na may talent rin ako. “What the fvck?!” Sigaw niya sa akin. Dahil halatang nagulat siya. “Opss, buti na lang hindi ka tinamaan.” Nakangisi na sabi ko sa kanya. “What the h*ll are you doing?” Parang naiinis na tanong niya sa akin. “Me? Pinapakita ko lang sa ‘yo ang ginagawa ko noon. At ito ‘yon, hindi ka ba masaya na ginawa ko ito?” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ibaba mo ‘yan, teka lang matalim ba ‘yan? Hindi ka naman siguro seryoso sa sinabi mo na it

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 75

    CHERRY’S POV“Hinahanap ka ng anak mo,” biglang nagsalita si Rico sa likuran ko. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.“Uminom na ba siya ng gamot niya?” Tanong ko sa kanya.“Tapos na at hinahanap kana niya.”“Salamat,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na hilam ang mga luha ko sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa harapan niya. “Pasensya kana, naabala pa kita.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.Yumuko ako dahil sobrang sakit ng puso ko. Dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Sa loob ng ilang taon ay palagi kong ipinadarasal na sana ay makasama ko siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang buhay ko at kaya ko kinakaya ang lahat dahil sa kanya. Nagulat ako dahil hinila niya ako at mahigpit na niyakap.“Hush… Don’t cry, I’m sorry.” Bulong niya sa tainga ko kaya lalo akong umiyak.“Chiefy, miss na miss na kita. Bumalik kana

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 74

    CHERRY'S POV"Pero kung talagang asawa mo ako. Bakit mo ako sinukuan? Bakit hindi mo ipinilit sa akin na ikaw ang asawa ko?" Tanong niya sa akin."Bakit parang ako pa ang may mali? Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. At kung ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo ay baka wala kana ngayon." Umiiyak na sagot ko sa kanya."Anong wala?""Dahil hindi puwedeng ipilit na ipaalala sa 'yo ang lahat. Dahil baka biglang pumutok ang ugat mo sa ulo. Kaya kahit na masakit sa akin ay pinili ko na iwan ka. Dahil iyon ang tingin namin na makakabuti sa 'yo. Dahil ‘yon ang tingin ko na tama.""Kaya mo ako iniwan?" "Sa tingin mo kakayanin ko na makita na nasasaktan ka. Na tuwing nasa malapit ako ay sumasakit ang ulo mo. Dahil pinipilit mo na maalala ako. Kaya pasensya kana kung nagpakilala sa 'yo ang anak ko. Sabik lang siya sa daddy niya. Hayaan mo hindi ka namin guguluhin. Mabuhay ka at maging masaya. Kaya please lang, umalis kana." Sabi ko sa kanya.Nagkatitigan kami hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Pinun

DMCA.com Protection Status