Share

Chapter 59

last update Huling Na-update: 2023-07-01 19:57:48
CHERRY'S POV

Grabe 'yung saya na naramdaman ko dahil nalaman ko na ang gender ng mga babies ko. Hindi ko sinabi kay Rico na kambal ang magiging anak namin. Masaya ako dahil nagkaayos na kami. Hindi ko alam pero ayoko ng magtanong sa kanya na may kinalaman sa nakaraan. Dahil ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ako ang pinili niya. Dahil nandito na siya sa tabi ko. At kasama namin ng mga magiging anak namin.

"Nakakatuwa dahil pares na ang magiging anak niyo." Saad sa akin ni Aling Beth.

"Opo, masaya rin po ako na babae at lalaki na kaagad ang nabuo namin." Masayang sagot ko sa kanya.

"Pero sino ba ang may lahing kambal sa inyo?" Tanong pa niya sa akin.

"Ako po," sagot ng asawa ko.

"Kaya pala, sige maiwan ko na muna kayo ha. Salamat dito sa binigay niyo. Pagpalain pa kayo ng Panginoon." Paalam niya sa amin.

"Salamat rin po."

Nang makaalis na si Aling Beth ay pumasok naman kami sa loob ng bahay.

"Chiefy, babalik kapa ba sa trabaho mo?" Tanong ko sa kanya.

Narinig ko siyang napabuntong hini
CALLIEYAH JULY

Hello po, Thank you po sa inyong lahat ❤️❤️❤️. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️

| 2
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
siguro anak ni Alfred Ang bata
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH JULY
Thank you po
goodnovel comment avatar
Mary Heart Cabigon
thank you po sa update mis a
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 60

    CHERRY'S POVNapangiti ako dahil nakauwi na talaga ako sa bahay namin. Alam ko na may mga alaala na hindi maganda sa bahay na ito pero tapos na 'yon at kailangan ko ng mag move-on. Nakatulog na si Rico sa tabi ko pero ito ako gising na gising pa rin. Naalala ko ang sinabi niya sa akin na plano nila na sirain kami. Ang plano nila Alfred.(FLASHBACK)Ngayon ang biyahe ko pauwi sa Iloilo. Kahit na nasasaktan ako ay kinaya ko. Pinipilit kong pigilan ang mga luha ko dahil magang-maga na ang mga mata ko sa kakaiyak. Naisip ko na baka ito ang mas makakabuti sa amin ni Rico. Siya na mismo ang nagpaalis sa akin kaya wala na akong magagawa pa. Nang makalapag na ang eroplano ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko dahil nakauwi na ako sa Iloilo."Cherry," narinig kong may tumawag sa akin."Alfred?" Sambit ko sa pangalan niya dahil nasa harapan ko siya."Bakit ka nandito? Kumusta na ang asawa mo? Naghiwalay na ba kayo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin."Hindi ko alam dahil pina-alis niya ako.

    Huling Na-update : 2023-07-04
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 61

    RICO'S POV Narinig ko pa lang ang pinapagawa niya ay naduduwal na ako. Ngayon pa na nakatingin siya sa akin at gusto niya na inumin ko ang watermelon shake na may bagoong alamang. Napalunok ako at sa tingin ko ay pinagpapawisan ako. Hindi ko talaga kaya, amoy pa lang ay hindi na kaya ng sikmura ko."Love, okay lang ba hindi ko inumin?" Tanong ko sa kanya."Ayaw mo ba? Bakit?" Malungkot na tanong niya sa akin."Love, kasi...""Okay," malungkot na sabi niya.Akmang tatayo siya kaya mabilis kong kinuha ang baso at dahan-dahan ko itong ininom. "Chiefy! Huwag mo ngang inomin 'yan. Diba ayaw mo—"Hindi ko na talaga kaya ang lasa. Mabilis akong tumakbo papunta sa lababo at doon ko nilabas ang lahat ng puwede kong ilabas. Nagmomog ako pagkatapos ay tumingin ako sa asawa ko. Nakita ko na umiiyak ito kaya mabilis akong lumapit para yakapin siya."Why are you crying, love?" Malambing na tanong ko sa kanya."Kasi naiinis ako sa sarili ko. Kasi alam ko na hindi mo gustong inomin pero pinilit mo a

    Huling Na-update : 2023-07-08
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 62

    CHERRY'S POVNapabuga ako ng hangin dahil pinapakalma ko ang sarili ko. Hinawakan ni Rico ang kamay ko at sinasabi na kumalma lang ako. Na nasa tabi ko lang siya kaya wala akong dapat ipangamba. Alam ko na mahirap humarap sa mga taong mapagkunwari pero pipilitin ko ang sarili ko na kumilos ng normal. Nang makapasok na ang kotse namin sa loob ng gate ay unang bumaba si Rico. Nakangiti siya habang binubuksan ang pinto ng kotse.Inalalayan niya akong bumaba. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Tamara nang makita niya ako. Alam ko na hindi niya inaasahan na babalik ako. Alam ko rin ang nasa isipan niya ngayon. "Cherry, buntis ka?" Hindi makapaniwala na tanong niya sa akin."Oo at si Rico ang ama." Sagot ko sa kanya. Gusto kong ipagmalaki sa kanya na anak ni Rico ang dinadala ko. Hindi katulad niya na fake."Sigurado ka ba na siya?" Tanong niya sa akin.Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis kahit na nakakainsulto ang tanong niya sa akin. "Oo naman, hindi naman ako malandi par

    Huling Na-update : 2023-07-26
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 63

    CHERRY'S POV"What brings you here? And you're pregnant?" Hindi makapaniwala na tanong kaagad sa akin ni Alfred."Yeah, I'm pregnant. Nandito ako dahil may itatanong ako sa 'yo?" Tanong ko sa kanya."Ano 'yon?""Chem, puwede mo ba muna kaming iwan?" Tanong ko sa kaibigan ko."Okay doon muna ako." Nakangiti na sagot sa akin ng kaibigan ko.Nang makaalis na si Chem ay nanatili akong nakatayo. "Ano ang itatanong mo?" Tanong niya ulit sa akin."Ikaw ba? Ikaw ba ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay namin? Ikaw ba ang nasa likod ng nangyari kay Rico?" Tanong ko sa kanya."Cherry, it's not me. Wala akong alam sa sinasabi mo. At bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Nagkabalikan na ba kayo?" Depensa niya kaagad sa sarili niya."Ganyan ka ba talaga kasinungaling? At oo nagkabalikan na kami. Hayaan mo sana kami, kinuha mo na ang lahat sa kanya. Pero kulang pa ba?" May inis na sa boses ko."Kulang pa," mabilis na sagot niya sa akin."At anong kulang?""Ikaw? Kinuha ka niya sa akin." Hindi kumuk

    Huling Na-update : 2023-07-27
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 64

    CHERRY’S POV Nagtago kami ni Manang sa safe room. Sa totoo lang ay ngayon ko lang talaga nalaman na may safe room pala dito sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas pero umaasa ako na walang mangyaring masama sa asawa ko. Hindi ko kakayanin kung napahamak na naman siya at dahil na naman sa akin. Alam ko na uuwi na siya agad dito. Napahawak ako kay manang dahil biglang bumukas ang pintuan. “Love,” narinig ko na tawag sa akin ni Rico.Mabilis akong tumayo at sinalubong ko siya. Kaagad ko siyang niyakap.“Okay lang ba kayo? Okay ka lang ba, love?” Tanong niya sa akin.“Okay lang ako, nasaktan ka ba?” Nag-aalala na tanong ko sa kanya.“Hindi ako nasaktan, love. Pagdating ko ay wala na sila. Mabuti naman at walang nangyari sa inyo. May kasama akong mga pulis para mag-imbestiga sa nangyari. Kahit alam ko na kung sino ang may gawa nito ay kailangan ko pa rin ito idaan sa tamang proseso.” aniya sa akin.Hindi na lang ako nagsalita at nanahimik lang ako. Pero proud ako sa asaw

    Huling Na-update : 2023-08-03
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 65

    RICO'S POVGalit ako at halos hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Pero mabuti na lang dahil nand’yan ang asawa ko para pakalmahin ako. She's so cute dahil alam ko na nahiya siya sa mga kasamahan ko."Sige, Chief alis na po kami para naman maituloy niyo na an—""Hahaha! Mabuti pa nga para makarami kami." Pabiro na sabi ko sa kanya."Ikaw na talaga ang idol ko, Chief. Basta 'wag mo akong kalimutan sa binyag ha. Para naman makakain ako ng shanghai." Pabiro pa na sabi ng isa sa mga kasamahan ko."Hahaha! Pa'no ba 'yan. Ayaw kayong imbitahin ng asawa ko." Pabiro na sabi ko sa kanila."Kayo kasi eh, sana umalis na lang tayo kanina." Saad pa nang isa."Hahaha! Pasensiya na kayo, ganun lang kami maglambingan ng asawa ko. Sige na ingat kayo sa pag-uwi." Saad ko sa kanila."Sige, Chief. Tawag lang po kayo kapag may problema." "Sige, salamat."Nang makaalis na sila ay kaagad among pumasok sa office ko para tingnan ang footage sa room namin. Oo may hidden camera akong nilagay doon. Para kah

    Huling Na-update : 2023-08-08
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 66

    RICO’S POVHindi ko na nagawang ayusin ang pagpark sa kotse ko dahil sobrang nagmamadali ako. Patakbo akong pumasok sa loob ng hospital. Kaagad akong dumiretso sa emergency room. Dahil nakatanggap ako ng tawag na isinugod ang asawa ko dito. Ang buong akala ko pa kanina ay si Cherry ang tumatawag sa akin pero si Manang pala.“Anong nangyari sa asawa ko, Manang?” Tanong ko sa kanya.“May kinuha lang ako sa kusina at pagbalik ko ay nakita ko silang nagtatalo ni Carmie. Hanggang sa tinulak siya ni Carmie sa hagdanan,” umiiyak na sagot sa akin ni manang.“Fvck! Mapapatay ko siya!” Galit na sigaw ko.“Kumusta ang mga anak ko? Ang asawa ko manang?” “Kakarating lang namin at nasa loob pa sila. Hindi pa lumalabas ang doktor. Pero dinugo na siya kanina.Bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doktor. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya.“Ikaw po ba ang asawa ng pasyente, Sir?” Magalang na tanong sa akin ng doktor. “How’s my wife, Doc?” “Kailangan na nating ilabas ang mga bata.” Sag

    Huling Na-update : 2023-08-09
  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 67

    CHERRY' POVNaririnig ko ang pag-iyak ni Rico pero hindi ko pa kayang imulat ang mga mata. Hindi ko alam pero sobrang bigat ng mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari sa akin.At nang magising ulit ako at tuluyan ko nang naidilat ang mga mata ko. Malabo ang nakikita ko kaya pumikit ako at dumilat ulit. Kaagad na hinanap ng mga mata ko ang asawa ko."C–Chiefy," tawag ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya para gisingin siya."Love, thank God you're awake." Umiiyak na sabi niya at niyakap niya ako."Ahh!" napa-d***g ako dahil biglang sumakit ang tiyan ko."Chiefy, anong nangyari sa mga anak ko? Nasaan ang mga anak ko?" Bigla akong nagpanic ng naalala ko ang nangyari sa amin."Love, calm down. Okay lang sila, please calm down." Pagpapakalma niya sa akin."Paanong okay lang? Wala na sila sa tiyan ko? Sabihin mo sa akin ang totoo! Nasaan ang mga anak ko?!" Sigaw ko sa kanya."Nasa loob sila ng incubator, love. At lumalaban sila para mabuhay." Umiiyak na sagot sa akin

    Huling Na-update : 2023-08-10

Pinakabagong kabanata

  • LOCK ME IN YOUR HEART    SPECIAL CHAPTER

    WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)RICO POVDahil bumalik na ang mga alaala ko ay gusto ko ulit pakasalan ang asawa ko. Gusto ko na gawin niya at piliin niya ang lahat ng gusto niya sa kasal namin. I want to give her the best wedding ever. Sa ikalawang pagkakataon ay ako ulit ang naging pinakamasayang lalaki. Kahit malayo pa siya sa akin ay naglakad ako para salubungin siya. Hindi ko na hahayaan na maglakad siyang mag-isa. Mamahalin ko siya na kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Naging maayos at masaya ang kasal naming dalawa. “Enjoy your honeymoon. Kami na ang bahala sa dalawang bata.” Sabi sa akin ni Luke.“Thanks bro,” nakangiti na pasasalamat ko sa kaibigan.Napakaswerte ko sa kaibigan ko dahil palagi siyang nandyan sa tabi ko para tulungan ako. Siya talaga ang karamay ko sa lahat ng problema ko. Ngayon ay susulitin ko ang oras na kasama ko ang asawa ko. Inaayos ko na ang relasyon ko sa mga kapatid ko. At hih

  • LOCK ME IN YOUR HEART    WAKAS

    CHERRY’S POV Nilalamig ang mga paa at kamay ko. Nakatayo ako dito sa labas ng simbahan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rico. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba ko. Pangalawang beses ko na itong ikasal pero kinakabahan pa rin ako. Para kasing first time ko pa rin.Pinili ko na gawing church wedding ang magiging kasal namin. Suot ko ang damit na pangarap ko. Itong kasal namin ay talagang pinaghandaan namin. Hinayaan niya akong gawin at piliin ang mga gusto ko. Masaya ako pero narito pa rin ang lungkot dahil sa ikalawang beses ay wala pa rin ang mga magulang ko.“Are you ready, Madam?” Tanong sa akin nang wedding coordinator.“Yes,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Nagsimula na ang kasal at nang makapasok na ang lahat ay isinara nila ulit ang malaking pintuan ng simbahan. Habang nakatayo ako sa harapan nito ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. Hanggang sa unti-unti nilang binuksan ang pintuan ng simbahan.Malayo man ako ay natatanaw ko ang lala

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 80

    CHERRY'S POV Wala si Rico dahil umuwi siya sa Maynila. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na siya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay naalala na niya kami. Ang buong akala ko talaga ay habang buhay ng mawawala ang mga alaala niya. Pero laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan. "Mommy, kailan po uuwi si daddy?" Tanong sa akin ni Aurora. "Depende po, baby. Pero alam ko na uuwi rin agad si daddy niyo." Sagot ko sa kanya. "Okay po, pero puwede niyo po ba siyang tawagan?" Tanong niya sa akin. "Okay na okay po." Nakangiti na sagot ko sa anak ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang asawa ko. Hindi niya sinasagot kaya tumigil na muna ako dahil baka may ginagawa pa siya. Sinabi ko naman sa anak ko na tatawagan na lang namin ulit mamaya ang daddy niya. Nagpapasalamat rin ako dahil matalino ang mga anak ko. Dahil nakakaintindi na sila sa kahit na anong sabihin ko sa kanila. Kaya hindi rin ako nahihirapan na makipag-usap sa kanila. Nagring ang phone ko

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 79

    RICO’S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito?“Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko.“Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya.“Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin.“Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya.“Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin.“May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya.“Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin.“Nasa bahay sila, Chiefy.” Sagot niya sa akin.“Uwi na tayo, love.” Sabi ko sa kanya.Laking pasasalamat ko dahil bumalik na ang mga alaala ko. Ipinaliwanag sa akin nang doktor ang nangyari sa akin. Umuwi na kami at niya

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 78

    CHERRY’S POVUminom ako ng painkillers dahil masakit ang buong katawan ko. Sumakay na lang ako sa tricycle papunta doon sa batis. Medyo madilim na nang makarating ako. Pagdating ko ay nakaupo silang tatlo sa may bato. “Mommy!” Tawag sa akin ni Aurora.“Bakit hindi pa kayo umuuwi? Ano oras na, pagabi na?” Tanong ko sa kanila.“Ang totoo po kasi, mommy. Gusto po ni daddy na maalala ang tungkol sa wedding niyo.” Sabi sa akin ni Asher.“Chiefy, may mga videos naman tayo noong kasal. Puwede mong panuorin kung gusto mo. Huwag mong pilitin na alalaahin ang lahat. Baka sumakit ang ulo mo, umuwi na tayo dahil kailangan na ni Asher na uminom ng gamot.” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pumunta dito, love? Pauwi na rin kami. Alam ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Sabi niya sa akin.“Nag-aalala kasi ako sa inyo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“I’m sorry, love.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Uwi na tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabay-sabay na sagot nila sa a

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 77

    WARNING: MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)CHERRY’S POV“Chiefy,” tawag ko sa kanya.“Don’t try to stop me. Kasi ilang araw ko na itong napapanaginipan,” sabi niya sa akin.“May sinabi ba ako na pipigilan kita. Pero panagutan mo ako ha,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahahaha! Tinakbuhan ba kita noon?” Natatawa na tanong niya sa akin.“Pinanagutan mo ako, masyado ka ngang excited na pakasalan ako eh.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“I wish na maalala ko ang mga panahon na ganyan, love.” Sabi niya sa akin.“Maalala mo man o hindi ay okay lang. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa i'yo. Kahit ano pa ang dumating sa atin ay mahal na mahal kita. Hindi mo man ako naalala ay alam ko na ang puso mo ay ako ang nilalaman. Maliban na lang kung iba ang nasa isipan mo. Napakahilig mo pa naman.” Sabi ko sa kanya.“Paano mo alam?” Nakangisi na tanong niya sa akin.“Dahil ako ang asawa mo. Kung ikaw si Rico na kilala ko ay wala pa akong ginagaw

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 76

    CHERRY’S POV “Hoy, Rico. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mong tingin! Alam ko ‘yang nasa isipan mo!” Naiinis na sabi ko sa kanya. “Bakit ano ba ang ginagawa natin noon?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit gusto mo ba malaman? Gusto mo bang sabihin ko sa ‘yo?” Nakangiti na tanong ko rin sa kanya. “Of course kaya ko nga tinatanong.” Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Ngayon ko naisip kung ano ba ang hindi ko nagawa noon sa kanya at sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para maghiganti. Oras na para ipakita ko sa kanya na may talent rin ako. “What the fvck?!” Sigaw niya sa akin. Dahil halatang nagulat siya. “Opss, buti na lang hindi ka tinamaan.” Nakangisi na sabi ko sa kanya. “What the h*ll are you doing?” Parang naiinis na tanong niya sa akin. “Me? Pinapakita ko lang sa ‘yo ang ginagawa ko noon. At ito ‘yon, hindi ka ba masaya na ginawa ko ito?” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ibaba mo ‘yan, teka lang matalim ba ‘yan? Hindi ka naman siguro seryoso sa sinabi mo na it

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 75

    CHERRY’S POV“Hinahanap ka ng anak mo,” biglang nagsalita si Rico sa likuran ko. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.“Uminom na ba siya ng gamot niya?” Tanong ko sa kanya.“Tapos na at hinahanap kana niya.”“Salamat,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na hilam ang mga luha ko sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa harapan niya. “Pasensya kana, naabala pa kita.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.Yumuko ako dahil sobrang sakit ng puso ko. Dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Sa loob ng ilang taon ay palagi kong ipinadarasal na sana ay makasama ko siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang buhay ko at kaya ko kinakaya ang lahat dahil sa kanya. Nagulat ako dahil hinila niya ako at mahigpit na niyakap.“Hush… Don’t cry, I’m sorry.” Bulong niya sa tainga ko kaya lalo akong umiyak.“Chiefy, miss na miss na kita. Bumalik kana

  • LOCK ME IN YOUR HEART    Chapter 74

    CHERRY'S POV"Pero kung talagang asawa mo ako. Bakit mo ako sinukuan? Bakit hindi mo ipinilit sa akin na ikaw ang asawa ko?" Tanong niya sa akin."Bakit parang ako pa ang may mali? Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. At kung ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo ay baka wala kana ngayon." Umiiyak na sagot ko sa kanya."Anong wala?""Dahil hindi puwedeng ipilit na ipaalala sa 'yo ang lahat. Dahil baka biglang pumutok ang ugat mo sa ulo. Kaya kahit na masakit sa akin ay pinili ko na iwan ka. Dahil iyon ang tingin namin na makakabuti sa 'yo. Dahil ‘yon ang tingin ko na tama.""Kaya mo ako iniwan?" "Sa tingin mo kakayanin ko na makita na nasasaktan ka. Na tuwing nasa malapit ako ay sumasakit ang ulo mo. Dahil pinipilit mo na maalala ako. Kaya pasensya kana kung nagpakilala sa 'yo ang anak ko. Sabik lang siya sa daddy niya. Hayaan mo hindi ka namin guguluhin. Mabuhay ka at maging masaya. Kaya please lang, umalis kana." Sabi ko sa kanya.Nagkatitigan kami hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Pinun

DMCA.com Protection Status