Hello po, kumusta po kayo? Sorry po kung ngayon lang po ako nakapag-update ulit. Malapit na rin po itong matapos mga 15 chapters na lang po. Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po ako kaagad sa support niyo sa story na ito kahit na matagal akong mag-update. Salamat po at ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
CHERRY'S POV"What brings you here? And you're pregnant?" Hindi makapaniwala na tanong kaagad sa akin ni Alfred."Yeah, I'm pregnant. Nandito ako dahil may itatanong ako sa 'yo?" Tanong ko sa kanya."Ano 'yon?""Chem, puwede mo ba muna kaming iwan?" Tanong ko sa kaibigan ko."Okay doon muna ako." Nakangiti na sagot sa akin ng kaibigan ko.Nang makaalis na si Chem ay nanatili akong nakatayo. "Ano ang itatanong mo?" Tanong niya ulit sa akin."Ikaw ba? Ikaw ba ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay namin? Ikaw ba ang nasa likod ng nangyari kay Rico?" Tanong ko sa kanya."Cherry, it's not me. Wala akong alam sa sinasabi mo. At bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Nagkabalikan na ba kayo?" Depensa niya kaagad sa sarili niya."Ganyan ka ba talaga kasinungaling? At oo nagkabalikan na kami. Hayaan mo sana kami, kinuha mo na ang lahat sa kanya. Pero kulang pa ba?" May inis na sa boses ko."Kulang pa," mabilis na sagot niya sa akin."At anong kulang?""Ikaw? Kinuha ka niya sa akin." Hindi kumuk
CHERRY’S POV Nagtago kami ni Manang sa safe room. Sa totoo lang ay ngayon ko lang talaga nalaman na may safe room pala dito sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas pero umaasa ako na walang mangyaring masama sa asawa ko. Hindi ko kakayanin kung napahamak na naman siya at dahil na naman sa akin. Alam ko na uuwi na siya agad dito. Napahawak ako kay manang dahil biglang bumukas ang pintuan. “Love,” narinig ko na tawag sa akin ni Rico.Mabilis akong tumayo at sinalubong ko siya. Kaagad ko siyang niyakap.“Okay lang ba kayo? Okay ka lang ba, love?” Tanong niya sa akin.“Okay lang ako, nasaktan ka ba?” Nag-aalala na tanong ko sa kanya.“Hindi ako nasaktan, love. Pagdating ko ay wala na sila. Mabuti naman at walang nangyari sa inyo. May kasama akong mga pulis para mag-imbestiga sa nangyari. Kahit alam ko na kung sino ang may gawa nito ay kailangan ko pa rin ito idaan sa tamang proseso.” aniya sa akin.Hindi na lang ako nagsalita at nanahimik lang ako. Pero proud ako sa asaw
RICO'S POVGalit ako at halos hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Pero mabuti na lang dahil nand’yan ang asawa ko para pakalmahin ako. She's so cute dahil alam ko na nahiya siya sa mga kasamahan ko."Sige, Chief alis na po kami para naman maituloy niyo na an—""Hahaha! Mabuti pa nga para makarami kami." Pabiro na sabi ko sa kanya."Ikaw na talaga ang idol ko, Chief. Basta 'wag mo akong kalimutan sa binyag ha. Para naman makakain ako ng shanghai." Pabiro pa na sabi ng isa sa mga kasamahan ko."Hahaha! Pa'no ba 'yan. Ayaw kayong imbitahin ng asawa ko." Pabiro na sabi ko sa kanila."Kayo kasi eh, sana umalis na lang tayo kanina." Saad pa nang isa."Hahaha! Pasensiya na kayo, ganun lang kami maglambingan ng asawa ko. Sige na ingat kayo sa pag-uwi." Saad ko sa kanila."Sige, Chief. Tawag lang po kayo kapag may problema." "Sige, salamat."Nang makaalis na sila ay kaagad among pumasok sa office ko para tingnan ang footage sa room namin. Oo may hidden camera akong nilagay doon. Para kah
RICO’S POVHindi ko na nagawang ayusin ang pagpark sa kotse ko dahil sobrang nagmamadali ako. Patakbo akong pumasok sa loob ng hospital. Kaagad akong dumiretso sa emergency room. Dahil nakatanggap ako ng tawag na isinugod ang asawa ko dito. Ang buong akala ko pa kanina ay si Cherry ang tumatawag sa akin pero si Manang pala.“Anong nangyari sa asawa ko, Manang?” Tanong ko sa kanya.“May kinuha lang ako sa kusina at pagbalik ko ay nakita ko silang nagtatalo ni Carmie. Hanggang sa tinulak siya ni Carmie sa hagdanan,” umiiyak na sagot sa akin ni manang.“Fvck! Mapapatay ko siya!” Galit na sigaw ko.“Kumusta ang mga anak ko? Ang asawa ko manang?” “Kakarating lang namin at nasa loob pa sila. Hindi pa lumalabas ang doktor. Pero dinugo na siya kanina.Bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doktor. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya.“Ikaw po ba ang asawa ng pasyente, Sir?” Magalang na tanong sa akin ng doktor. “How’s my wife, Doc?” “Kailangan na nating ilabas ang mga bata.” Sag
CHERRY' POVNaririnig ko ang pag-iyak ni Rico pero hindi ko pa kayang imulat ang mga mata. Hindi ko alam pero sobrang bigat ng mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari sa akin.At nang magising ulit ako at tuluyan ko nang naidilat ang mga mata ko. Malabo ang nakikita ko kaya pumikit ako at dumilat ulit. Kaagad na hinanap ng mga mata ko ang asawa ko."C–Chiefy," tawag ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya para gisingin siya."Love, thank God you're awake." Umiiyak na sabi niya at niyakap niya ako."Ahh!" napa-d***g ako dahil biglang sumakit ang tiyan ko."Chiefy, anong nangyari sa mga anak ko? Nasaan ang mga anak ko?" Bigla akong nagpanic ng naalala ko ang nangyari sa amin."Love, calm down. Okay lang sila, please calm down." Pagpapakalma niya sa akin."Paanong okay lang? Wala na sila sa tiyan ko? Sabihin mo sa akin ang totoo! Nasaan ang mga anak ko?!" Sigaw ko sa kanya."Nasa loob sila ng incubator, love. At lumalaban sila para mabuhay." Umiiyak na sagot sa akin
CHERRY POV“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko kay Tamara. Hindi siya sumagot sa tanong ko sa kanya.Pero hindi namin inaasahan ni Ate Caye ang gagawin niya. Mabuti na lang dahil mabilis ang galaw ni Ate Caye. Mabilis niyang sinipa ang kamay ni Tamara na may hawak na baril. Ngayon ko lang nakita si Ate na ganito. Sobrang bilis ng kilos niya. “Baliw na kayong lahat!” Galit na sigaw ni Ate habang hawak na si Tamara.Ako naman ay sinusubukan ko na tumayo dito sa hospital bed. Pero pinipigilan ako ni ate. Mabilis naman na pumasok sa loob ng room ko ang mga pulis at dinampot nila si Tamara. Mabilis nila itong pinosasan at inilabas dito sa silid ko para dalhin sa presinto.“Okay ka lang ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Ate.“Thank you, Ate.” “Bakit ba lalong dumadami ang mga desperada ngayon? Kaya nakakatakot lang na hayaan sa labas ang mga asawa natin. Magpahinga ka at huwag mo ng isipin ang nangyari. Hindi makakabuti sa 'yo ang ma-stress.” Saad niya sa akin."Tama ka, Ate. Medyo nat
CHERRY’S POV Kahit na mahina ang boses ng asawa ko ay narinig ko ang sinabi niya sa kausap niya. Nagkunwari akong tulog, alam ko na puyat at pagod na ang asawa ko. Lalo na wala naman akong kayang gawin sa ngayon kundi ang maghintay at magpagaling. Kakabalik lang niya sa trabaho pero nandito siya para mag-alaga sa amin. Naalala ko pa ang masaya niyang mukha noong papasok na ulit siya sa trabaho niya.Kaya raw-araw ko hinihiling na maging mabuti na ang lagay ng mga anak ko. At ipinadadasal ko palagi na ligtas sila. Ganun rin kami ng asawa ko.“Chiefy, puwede ba tayong mag-usap?” Tanong ko sa kanya.“Yes, love?” “Alam ko na nahihirapan kana sa akin, sa amin. Chiefy, gusto ko na gawin mo ang nagpapasaya sa ‘yo. Gusto ko talaga na maging masaya ka,” parang naiiyak na sabi ko sa kanya.“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Cherry, kayo ang nagpapasaya sa akin. Kung nahihirapan man ako ay wala akong pakialam dahil mas mahalaga kayo sa akin. Kulang pa ba ang lahat ng ginagawa ko para kumapit ka?
CHERRY’S POVNang magising ako ay kaagad akong nataranta dahil naalala ko ang mga anak ko. “Nurse, ang mga anak ko?” Tanong ko kaagad sa kanya.“Relax lang po kayo, Misis Chief. Okay na po ang kambal at wala pong nangyaring masama sa kanila. Maayos na po sila ngayon."Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko kaya bumangon ako dahil gusto ko silang puntahan. Pero habang nasa hallway ako ay narinig ko na nagkakagulo ang mga doktor at nurses. May paparating daw na pasyente at may tama ito sa ulo. Liliko na sana ako sa pasilyo papunta sa mga anak ko ng biglang nahagip ng mga mata ko ang mga taong kakarating lang. Namukhaan ko ito at nalaman ko na mga kasamahan ito ni Rico. Hindi ko sana papansinin pero bigla ko na naman nakita ang kamay ng pasyente. At malinaw kong nakikita ang singsing niya. Binudol ng kaba ang dibdib ko. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Dahil kitang-kita ko ang asawa ko na naliligo sa sarili niyang dugo.“Mrs. Chief,” taw
WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)RICO POVDahil bumalik na ang mga alaala ko ay gusto ko ulit pakasalan ang asawa ko. Gusto ko na gawin niya at piliin niya ang lahat ng gusto niya sa kasal namin. I want to give her the best wedding ever. Sa ikalawang pagkakataon ay ako ulit ang naging pinakamasayang lalaki. Kahit malayo pa siya sa akin ay naglakad ako para salubungin siya. Hindi ko na hahayaan na maglakad siyang mag-isa. Mamahalin ko siya na kagaya ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Naging maayos at masaya ang kasal naming dalawa. “Enjoy your honeymoon. Kami na ang bahala sa dalawang bata.” Sabi sa akin ni Luke.“Thanks bro,” nakangiti na pasasalamat ko sa kaibigan.Napakaswerte ko sa kaibigan ko dahil palagi siyang nandyan sa tabi ko para tulungan ako. Siya talaga ang karamay ko sa lahat ng problema ko. Ngayon ay susulitin ko ang oras na kasama ko ang asawa ko. Inaayos ko na ang relasyon ko sa mga kapatid ko. At hih
CHERRY’S POV Nilalamig ang mga paa at kamay ko. Nakatayo ako dito sa labas ng simbahan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rico. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba ko. Pangalawang beses ko na itong ikasal pero kinakabahan pa rin ako. Para kasing first time ko pa rin.Pinili ko na gawing church wedding ang magiging kasal namin. Suot ko ang damit na pangarap ko. Itong kasal namin ay talagang pinaghandaan namin. Hinayaan niya akong gawin at piliin ang mga gusto ko. Masaya ako pero narito pa rin ang lungkot dahil sa ikalawang beses ay wala pa rin ang mga magulang ko.“Are you ready, Madam?” Tanong sa akin nang wedding coordinator.“Yes,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Nagsimula na ang kasal at nang makapasok na ang lahat ay isinara nila ulit ang malaking pintuan ng simbahan. Habang nakatayo ako sa harapan nito ay nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. Hanggang sa unti-unti nilang binuksan ang pintuan ng simbahan.Malayo man ako ay natatanaw ko ang lala
CHERRY'S POV Wala si Rico dahil umuwi siya sa Maynila. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na siya. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay naalala na niya kami. Ang buong akala ko talaga ay habang buhay ng mawawala ang mga alaala niya. Pero laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan. "Mommy, kailan po uuwi si daddy?" Tanong sa akin ni Aurora. "Depende po, baby. Pero alam ko na uuwi rin agad si daddy niyo." Sagot ko sa kanya. "Okay po, pero puwede niyo po ba siyang tawagan?" Tanong niya sa akin. "Okay na okay po." Nakangiti na sagot ko sa anak ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang asawa ko. Hindi niya sinasagot kaya tumigil na muna ako dahil baka may ginagawa pa siya. Sinabi ko naman sa anak ko na tatawagan na lang namin ulit mamaya ang daddy niya. Nagpapasalamat rin ako dahil matalino ang mga anak ko. Dahil nakakaintindi na sila sa kahit na anong sabihin ko sa kanila. Kaya hindi rin ako nahihirapan na makipag-usap sa kanila. Nagring ang phone ko
RICO’S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito?“Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko.“Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya.“Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin.“Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya.“Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin.“May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya.“Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin.“Nasa bahay sila, Chiefy.” Sagot niya sa akin.“Uwi na tayo, love.” Sabi ko sa kanya.Laking pasasalamat ko dahil bumalik na ang mga alaala ko. Ipinaliwanag sa akin nang doktor ang nangyari sa akin. Umuwi na kami at niya
CHERRY’S POVUminom ako ng painkillers dahil masakit ang buong katawan ko. Sumakay na lang ako sa tricycle papunta doon sa batis. Medyo madilim na nang makarating ako. Pagdating ko ay nakaupo silang tatlo sa may bato. “Mommy!” Tawag sa akin ni Aurora.“Bakit hindi pa kayo umuuwi? Ano oras na, pagabi na?” Tanong ko sa kanila.“Ang totoo po kasi, mommy. Gusto po ni daddy na maalala ang tungkol sa wedding niyo.” Sabi sa akin ni Asher.“Chiefy, may mga videos naman tayo noong kasal. Puwede mong panuorin kung gusto mo. Huwag mong pilitin na alalaahin ang lahat. Baka sumakit ang ulo mo, umuwi na tayo dahil kailangan na ni Asher na uminom ng gamot.” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pumunta dito, love? Pauwi na rin kami. Alam ko na hindi maganda ang pakiramdam mo.” Sabi niya sa akin.“Nag-aalala kasi ako sa inyo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“I’m sorry, love.” Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Uwi na tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabay-sabay na sagot nila sa a
WARNING: MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)CHERRY’S POV“Chiefy,” tawag ko sa kanya.“Don’t try to stop me. Kasi ilang araw ko na itong napapanaginipan,” sabi niya sa akin.“May sinabi ba ako na pipigilan kita. Pero panagutan mo ako ha,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahahaha! Tinakbuhan ba kita noon?” Natatawa na tanong niya sa akin.“Pinanagutan mo ako, masyado ka ngang excited na pakasalan ako eh.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“I wish na maalala ko ang mga panahon na ganyan, love.” Sabi niya sa akin.“Maalala mo man o hindi ay okay lang. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa i'yo. Kahit ano pa ang dumating sa atin ay mahal na mahal kita. Hindi mo man ako naalala ay alam ko na ang puso mo ay ako ang nilalaman. Maliban na lang kung iba ang nasa isipan mo. Napakahilig mo pa naman.” Sabi ko sa kanya.“Paano mo alam?” Nakangisi na tanong niya sa akin.“Dahil ako ang asawa mo. Kung ikaw si Rico na kilala ko ay wala pa akong ginagaw
CHERRY’S POV “Hoy, Rico. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mong tingin! Alam ko ‘yang nasa isipan mo!” Naiinis na sabi ko sa kanya. “Bakit ano ba ang ginagawa natin noon?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit gusto mo ba malaman? Gusto mo bang sabihin ko sa ‘yo?” Nakangiti na tanong ko rin sa kanya. “Of course kaya ko nga tinatanong.” Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Ngayon ko naisip kung ano ba ang hindi ko nagawa noon sa kanya at sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para maghiganti. Oras na para ipakita ko sa kanya na may talent rin ako. “What the fvck?!” Sigaw niya sa akin. Dahil halatang nagulat siya. “Opss, buti na lang hindi ka tinamaan.” Nakangisi na sabi ko sa kanya. “What the h*ll are you doing?” Parang naiinis na tanong niya sa akin. “Me? Pinapakita ko lang sa ‘yo ang ginagawa ko noon. At ito ‘yon, hindi ka ba masaya na ginawa ko ito?” Masaya na sagot ko sa kanya. “Ibaba mo ‘yan, teka lang matalim ba ‘yan? Hindi ka naman siguro seryoso sa sinabi mo na it
CHERRY’S POV“Hinahanap ka ng anak mo,” biglang nagsalita si Rico sa likuran ko. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.“Uminom na ba siya ng gamot niya?” Tanong ko sa kanya.“Tapos na at hinahanap kana niya.”“Salamat,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na hilam ang mga luha ko sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa harapan niya. “Pasensya kana, naabala pa kita.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.Yumuko ako dahil sobrang sakit ng puso ko. Dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Sa loob ng ilang taon ay palagi kong ipinadarasal na sana ay makasama ko siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang buhay ko at kaya ko kinakaya ang lahat dahil sa kanya. Nagulat ako dahil hinila niya ako at mahigpit na niyakap.“Hush… Don’t cry, I’m sorry.” Bulong niya sa tainga ko kaya lalo akong umiyak.“Chiefy, miss na miss na kita. Bumalik kana
CHERRY'S POV"Pero kung talagang asawa mo ako. Bakit mo ako sinukuan? Bakit hindi mo ipinilit sa akin na ikaw ang asawa ko?" Tanong niya sa akin."Bakit parang ako pa ang may mali? Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. At kung ipinilit ko ang sarili ko sa 'yo ay baka wala kana ngayon." Umiiyak na sagot ko sa kanya."Anong wala?""Dahil hindi puwedeng ipilit na ipaalala sa 'yo ang lahat. Dahil baka biglang pumutok ang ugat mo sa ulo. Kaya kahit na masakit sa akin ay pinili ko na iwan ka. Dahil iyon ang tingin namin na makakabuti sa 'yo. Dahil ‘yon ang tingin ko na tama.""Kaya mo ako iniwan?" "Sa tingin mo kakayanin ko na makita na nasasaktan ka. Na tuwing nasa malapit ako ay sumasakit ang ulo mo. Dahil pinipilit mo na maalala ako. Kaya pasensya kana kung nagpakilala sa 'yo ang anak ko. Sabik lang siya sa daddy niya. Hayaan mo hindi ka namin guguluhin. Mabuhay ka at maging masaya. Kaya please lang, umalis kana." Sabi ko sa kanya.Nagkatitigan kami hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Pinun