Home / Romance / My Young Daddy (Tagalog) / Chapter 1 - Chapter 6

All Chapters of My Young Daddy (Tagalog): Chapter 1 - Chapter 6

6 Chapters

Chapter 1

“Kailangan mo nang maghanda. Ngayon ang nakatakdang araw ng inyong pagkikita ni Mister De La Croix.” Mahigpit na napakapit si Mikaela sa kaniyang unipormeng palda sa sinabi ng kaniyang personal bodyguard na si Skye. Parang tinatambol ang kaniyang dibdib na hindi maipaliwanag. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya ang taong dahilan kung bakit siya buhay. Ang taong nakapulot sa kaniya eighteen years ago. “May alam ka ba kung anong klaseng tao ang kumupkop sa akin? Ano ang mga hilig niya o 'di kaya ay ang mga ayaw niya. B-baka kasi hindi niya ako magustuhan.” Pasimpleng tumingin sa rear-view mirror ng kotse si Skye kung saan nakikita siya nito mula sa likuran. Sulyap lang ang ginawa nito at ibinalik na muli ang mga mata sa kalsada. “Just be yourself, Miss Mikaela.” Bagama’t hindi pa niya nakita at nakasama ang ama-amahan, batid niyang makapangyarihan na tao ito. Nakatira siya sa isang mala-mansiyon na bahay kung saan mayroong kompleto at mamahalin na mga kagamitan. Suno
Read more

Chapter 2

Parang bata na napatango na lang siya. Napahilot sa sintido si Crixzus. “May public toilet sa 24/7 store na ’yon. Makigamit ka muna.” Itinuro nito ang store malapit sa ospital na kanilang hinintuan. Nasa lupa ang mga matang binaybay niya ang daan patungo sa store na ’yon. Pagbalik niya ay nag-i-spray ang lalaki ng air freshener sa loob ng kotse. “Pasok na. Uuwi na tayo,” malamig nitong utos nang mapuna na nakabalik na siya. Nanatili siyang tahimik hanggang makauwi. Ni hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kaniyang daddy. Dederetso na sana siya ng kwarto para doon na lang magmukmok ngunit mabilis nitong hinuli ang kaniyang pulso. Tila may boltahe ng kuryente na nanulay mula sa nagkadikit nilang mga balat patungo sa kaniyang dibdib. Sobrang tensyonado siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Maang na napatingin siya sa malamig nitong mga mata. “Forget what happened earlier. Lahat naman ng tao ay umuutot. Sobrang baho nga lang ng utot mo kumpara sa utot ng iba but it's n
Read more

Chapter 3

Kalmadong kinuha ni Crixzus ang isang hard briefcase mula sa likuran ng sasakyan. Binuksan nito iyon, tumambad sa mga mata ng mga armado ang bugkos-bugkos na kulay asul na papel na pera.“Sapat na ba ito para pagbigyan mo ako?”Napatikhim ang lalaki sabay lingon sa mga kasama. Tumango ang mga ito, sumenyas na tanggapin ang pera. “I believe that silence means yes. Here, take it.”Isinarado ni Crixzus ang briefcase bago inilabas mula sa nakabukas na bintana ng kotse. Tinanggap iyon ng lalaki kasunod ang isang buntonghininga.“Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan, De La Croix. Dahil kung hindi ay malamig na bangkay ka nang lalabas dito.”Sumenyas ito sa ibang tauhan na papasukin sila sa bakuran. Nang maigarahe ang sasakyan, naunang bumaba si Crixzus para pagbuksan siya ng pinto. Nag-aalangan na napatingala siya sa lalaki. “Magiging okay ba tayo sa loob?”Sapat na ang lahat ng kaniyang nasaksihan para mabatid na hindi basta-basta lamang ang taong kanilang pinuntaha
Read more

Chapter 4

“Sila ba talaga ang mga magulang ko?” nakababa ang mga matang tanong ni Mikaela kay Crixzus nang makauwi sila sa mansyon.Nagkasundo ang magkabilang panig na magsagawa ng DNA test upang matiyak ang kaniyang pagkakakilanlan.“Why don’t you seem glad to have seen them? Hindi ba isa ito sa mga nais mo? Ang malaman kung saan ka nagmula?” tanong ni Crixzus.Marahan na pagtango ang kaniyang naging sagot. “Siguro nasaktan lang ako sa parte na parang hindi ako tanggap ng aking ama. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na kilalanin namin ang isa't isa. Mas nangingibabaw sa kaniya ang galit.”Marahang hinaplos ni Crixzus ang kaniyang ulo dahilan para mapaangat ang kaniyang tingin. Wala mang emosyon ang mga mata nito ay tila mayroon itong magneto na humihila sa kaniya upang hindi patirin ang kanilang titigan.“Nais mo ba na pagaanin ko ang bigat na nararamdaman mo? May alam akong paraan.” Isang pilyong ngiti ang sumunod na sumilay sa kanina’y blangko nitong mukha.“A-anong paraan naman iyon?”
Read more

Chapter 5

Sa isang madilim na silid, nagtipon ang mga matapat na tagasunod ni Crixzus. Ang malamlam na liwanag ng chandelier ang nagsisilbing ilaw ng mga anino sa bawat sulok ng kwartong iyon.“Aren't you going to explain to us what's going on? Magpapakasal ka sa dugo at laman ng mga Montereal? Isa itong kataksilan, De La Croix," saad ng malagong na boses, bakas sa tono nito ang galit. Si Marco Moretti, ang ulo ng sindikatong Red Serpents; isa sa kaalyansa ng kaniyang nasasakupan.Nasa gitna ng mahabang mesa si Crixzus kaharap ang mga kasapi, kalmado at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang kaniyang seryosong mukha.“Skye,” tawag niya sa kaniyang kanang kamay. Lumapit si Skye mula sa likuran, ang lalaking kilala sa pagiging matapat at maaasahan sa bawat kilos. Tumitig siya kay Crixzus, naghihintay ng utos.“Our members were already aware of my plan.”Inilatag niya sa mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa kanilang kalaban—si Montereal, ang hari ng mga sindikato na matagal nang kaaw
Read more

Chapter 6

Mas naging madalas ang palitan ng putok ng baril sa labas ng mansiyon, habang si Mikaela ay nanatiling nakatayo sa gitna ng kaniyang madilim na silid... may kaba sa dibdib. “H-hindi ko alam! Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan!” Napasabunot siya sa sariling buhok, pikit-matang humikbi.Hinawakan ni Marco Moretti ang kaniyang baba—ang lider ng Red Serpents—inangat ang kaniyang mukha at pinakatitigan siya sa mga mata.“Mikaela,” ang boses nito ay maotoridad kaya kagyat siyang napamaang. “Kailangan mong magpasya ng tama. Ang mundo na kinabibilangan mo ay mas mapanganib kaysa sa inaakala mo.”“Pero... paano ako magtitiwala sa ’yo? Hindi nga kita lubusang kilala!” sigaw ni Mikaela, na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa halo-halong emosyon na naroon. “Alam kong kaalyansa ka ni Crixzus kaya kaduda-duda! Bakit nais mo akong tulungan? Bakit hindi mo sinabi sa akin nang mas maaga? Bakit hinintay mo pang ako mismo ang makatuklas ng mga lihim niya?”Napabuntonghining
Read more
DMCA.com Protection Status