Share

CHAPTER 2

Author: ColaPrinsesa
last update Last Updated: 2023-01-11 08:04:15

PARANG bata na napatango na lang siya.

Pikit ang mga matang napahilot sa sintido si Crixzus, animo’y dismayado sa nangyari.

“May public toilet sa 24/7 store na ’yon. Makigamit ka muna.”

Itinuro nito ang store malapit sa ospital na kanilang hinintuan. Nasa lupa ang mga matang binaybay niya ang daan patungo sa store na ’yon.

Pagbalik niya ay nag-i-spray ang lalaki ng air freshener sa loob ng kotse.

“Pasok na. Uuwi na tayo,” malamig nitong utos nang mapuna na nakabalik na siya.

Nanatili siyang tahimik hanggang makauwi. Ni hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kaniyang daddy.

Dederetso na sana siya ng kwarto para doon na lang magmukmok ngunit mabilis nitong hinuli ang kaniyang pulso.

Tila may boltahe ng kuryente na nanulay mula sa nagkadikit nilang mga balat patungo sa kaniyang dibdib. Sobrang tensyonado siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Maang na napatingin siya sa malamig nitong mga mata.

“Forget what happened earlier. Lahat naman ng tao ay umuutot. Sobrang baho nga lang ng utot mo kumpara sa utot ng iba but it's normal. Hindi mo kailangang ikahiya ’yon lalo pa at ako lang naman ang nakaamoy. It's okay.”

Sa halip na gumaan ang pakiramdam ay lalo lamang siyang nilamon ng kahihiyan. Sana nga ay ibang tao na lang ang nakaamoy.

Of all people kasi, bakit ang crush niya pa? Yes, inaamin niya sa sarili na unang beses pa lang niyang nakita ang kaniyang daddy ay batid na niya ang nararamdaman na paghanga para sa lalaki. Ngunit sa batas ng tao, bawal ang nararamdaman niyang iyon kaya dapat niyang supilin nang maaga ang sarili.

Binaklas niya ang kamay nito sa kaniyang pulso saka mabilis nanakbo papasok sa kaniyang silid.

“Aaah! Nakakainis!”

Pinagsusuntok niya ang unan na walang kinalaman sa nangyari. Nang mapagod ay pabagsak siyang nahiga sa kama.

“Nakakahiya ka, Mikaela!”

Natampal niya ang sariling noo nang maalala ang reaksyon ng kaniyang daddy nang masinghot nito ang pamatay niyang pasabog.

KINABUKASAN, nakahinga siya nang maluwag nang si Skye ang maghatid sa kaniya sa school. Hindi niya alam kung paano haharapin ang daddy niya matapos ang mga nangyari.

“S-si Daddy?” tanong niya kay Skye na seryosong nagmamaneho.

Nagising siya na nakaalis na ito, iyon ang sabi ng isa sa mga katulong.

“May client meeting siya mamayang 8:00 AM kaya maaga siyang umalis.”

“A-ah.”

Kapag si Skye ang kasama niya ay halos mapanis ang kaniyang laway dahil sa sobrang nitong tahimik. Kung hindi tatanungin ay hindi rin ito sasagot.

Pagpasok pa lang sa gate ng paaralan na kaniyang pinapasukan ay kaagad niyang napansin ang mga mata na nakatutok sa kaniya. Malamang ay dahil iyon sa mga eksena kahapon nang sunduin siya ni Crixzus.

“OMG, Mika! I miss you my very beautiful friend!” OA na pagbati sa kaniya ni Lea.

May pagyakap at pagbeso pa itong nalalaman samantalang kahapon lang ay bugbog ang kaniyang ulo sa pambabatok nito.

“May kailangan ka na naman, ’no?” Pinaningkitan niya ng mga mata ang kaibigan.

Napatawa naman ito nang hilaw sabay hampas sa kaniyang braso.

“Wala, ah! Masiyado ka naman judgementhol!”

“Judgemental!” pagkokorek niya sa sinabi nito.

“Oo na! Feeling dictionary yarn?” sarkastikong sagot naman nito.

Ikinawit nito ang braso sa kaniya saka hinila na siya patungo sa kanilang room. Kapansin-pansin ang kabaitan nito.

“Mika, okay pa ba ang dalawang kidney mo?”

Lumalim ang gatla sa kaniyang noo.

"Oo naman. Bakit?"

“Baka kasi kako hindi na okay, ibibigay ko na ’yong isa kong kidney sa ’yo.”

Tamad niyang tiningnan ang kaibigan. Wala na naman kasing sense ang mga sinasabi nito.

“Sabihin mo na ang kailangan mo,” aniya.

Mabilis itong umupo sa tabi niya.

“It's your dad! Iyo na kidney ko, sa kaniya naman ang heart ko!” Kasunod nito ay isang tili.

“Sinasabi ko na nga ba kaya hindi ka tumitigil sa pangungulit sa akin. Maski kidney mo ay gusto mo nang ipamigay! Nakalimutan mo yata na may UTI ka!”

Tumawa ito habang kakamot-kamot sa ulo. “Oo nga pala. Ganito kasi . . . Gusto ko lang malaman kung iyong mga sinabi mo ba sa akin kahapon ay totoo. Siya ba talaga ’yong ikinukuwento mo sa aking daddy?”

“Sinabi ko na ’yan sa ’yo pero ayaw mo maniwala. Sinabi ko na sa ’yo na bata pa ang mysterious daddy ko na kumupkop sa akin pero binatukan mo lang ako.”

“Sorry na! Akala ko kasi ay naimpluwensiyahan ka na ng mga pocket books na binabasa mo! Anyway, totoong sobrang pogi ng daddy mo, inday! Parang biglang gusto kong mag-apply bilang mommy mo!”

Ngumiwi siya.

“Huwag ka ngang magpatawa riyan, Lea. Paano ka magiging mommy, wala ka naman matris!” pang-aasar niya sa kaibigan.

Mangungulit pa sana ito ngunit dumating na ang kanilang prof sa first subject. Tumahimik ang lahat at umupo sa kani-kanilang mga upuan.

Lumipas ang mga araw, naging bukang-bibig ni Lea ang kaniyang Daddy. Panay ang sabi nito na crush na crush nito ito. Minsan pa ay gusto na niyang busalan ang bunganga nito ng bagong hubad na medyas kaya lang ay naaawa siya sa medyas.

DUMATING ang kaniyang pinakahihintay na araw, ang kaniyang kaarawan. Para siyang nasa isang fairytale story.

Nakasuot siya ng isang kulay carnation pink na gown na abot hanggang sa sahig ang laylayan. Plunging neckline ang style nito at sa gayad ay may maliliit na diyamante na nakaburda na kumikinang kapag natatamaan ng ilaw.

Pink na stiletto rin ang kaniyang suot sa paa na mayroon ding diamond design, halatang mamahalin. Para siyang isang prinsesa sa kaniyang ayos nang araw na ’yon.

“Miss Mikaela, handa ka na po bang bumaba?” tanong sa kaniya ng kanilang maid.

“O-opo.”

Kinakabahan siya. Nasanay siya na tuwing nag-b-birthday ay kumakain lang sa labas. Si Skye lang ang parati niyang kasama. Ang lalaki rin ang nagbibigay ng cake sa kaniya taon-taon.

Mabuti na lang dahil may isang Skye na parati siyang sinasamahan maski na daig pa nito ang walang bibig sa sobrang tahimik.

Pinatayo siya sandali ng isa sa mga organizer ng party sa isang gilid upang pagbigyan ang emcee na ipakilala siya sa lahat.

“We are gathered here tonight to witness the transformation of a young girl to a beautiful woman. We are very lucky for we are chosen to be here and be part of this momentous occasion in the debutant's life.

“You see her grow up, you see her everything. And now we are about to see her as a grown up lady.

“Let me introduce to all of you, our gorgeous birthday celebrant, Miss Mikaela De La Croix!”

Marahan siyang lumakad pababa mula sa matayog na hagdanan ng kanilang mansyon.

Pumailanlang ang palakpak ng mga estrangherong tao na naroon. Halos karamihan sa mga invited ay hindi niya kilala. Tanging ang kaniyang classmates lang ang pamilyar na mukha sa kaniya.

Katulad ng isang normal na debut: May eighteen candles, balloons, chocolates, at iba pa. Ngunit ang pinakaespesyal sa kaniya ay ang eighteen roses. Siguradong makakasayaw niya ang lalaking nagpapasaya sa kaniya ngayon.

Pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin. Unang lumapit sa kaniya ay si Skye bitbit ang isang kulay pulang rosas. Nagtataka na tinanggap niya ’yon. Sa pagkakatanda niya kasi ay ang ama ang dapat na una niyang makakasaya . . . so, hindi ba dapat ay si Crixzus na daddy niya?

‘Miss Mikaela . . .”

Nagulat siya nang biglang magsalita si Skye. Ang malamlam nitong mga mata ay titig na titig sa kaniyang mukha. Naisip niya tuloy na baka kumalat na ang makeup niya.

“Bakit?”

Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit nito sa kaniyang baywang na ikinagulat niya. Inilapit din ni Skye ang bibig nito sa kaniyang tainga.

“Gusto ko lang sabihin na sobrang ganda mo ngayong gabi.”

Nalaglag ang kaniyang panga sa ibinulong nito. Iyon kasi ang unang pagkakataon na pinuri siya ni Skye.

Hindi na siya nakatugon dahil sinundan na ito ng iba pa na may hawak din na red roses.

Second to the last dance ay ang suitor niya na si Carlo. Mabait, matalino, at pogi rin ito. May isang bagay lang siyang hindi nagustuhan sa lalaki, mabaho ang hininga. Kaya naman todo iwas siya ng mukha nang ito na ang kaniyang makasayaw.

“Happy Birthday, Mika. Lalo kang gumanda sa suot mo. Lalo tuloy akong na-i-in love sa ’yo.”

Parang babaliktad ang kaniyang sikmura nang tumama sa kaniyang ilong ang deadly weapon nito. Nagkunwari na lang siya na inaamoy ang bulaklak para maibsan ang pagkaduwal na nararamdaman.

“Maraming salamat,” kimi niyang tugon.

“Kailan mo ba ako balak sagutin? Ang tagal ko nang nanliligaw sa ’yo . . .”

“Kapag nagawa mo nang lumaklak ng isang drum na mouthwash,” mabilis naman niyang sagot.

Kaagad naman umasim ang mukha nito, marahil ay napikon sa kaniyang tugon.

“Joke lang. Ang tipo ko kasi sa lalaki ay ’yong silent type. Kaya kung gusto mo na sagutin kita, panatilihin mong tikom ’yang bibig mo para wala ka nang maperwisyo . . . este para maging girlfriend mo na ako!” pang-uuto niya kay Carlo.

Napangiti naman nang malawak si loko saka mabilis na tumango.

Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Nakaramdam siya ng bahagya na pagkalungkot sapagkat hindi pa rin niya nakikita ang taong nais niyang makasayaw.

Ang taong dahilan kung bakit siya buhay at nagbigay sa kaniya ng magandang kinabukasan. Ang lalaking kaniyang lihim na ginugusto . . . ang kaniyang Daddy.

“Happy Birthday ulit, Mikaela. Don't worry, susubukan kong maging silent type para sa ’yo. Totoong mahal na mahal kita, Mikaela,” saad ni Carlo bago siya binitawan.

Laking pasasalamat niya nang magkalayo silang dalawa. Makahihinga na siya nang maluwag.

Isang rosas na lang, makapagpapahinga na rin siya.

Biglang namatay ang lahat ng ilaw. Ang tanging natira ay ang ilaw na nakatutok sa kaniya. Ramdam na ramdam niya tuloy na sa kaniya nakatutok ang lahat ng mga mata.

Isang musika na nakaaantig ng puso ang pumailanlang, kasunod ang paglabas mula sa kung saan ng isang lalaki na nakasuot ng kulay light pink na tuxedo.

Pigil ang paghingang hinagod niya ito ng tingin. Bagama’t pink ang suot ay hindi nakabawas ang kulay ng damit nito sa taglay na kaguwapuhan, bagkus lalo lang itong naging guwapo sa kaniyang paningin.

Humakbang ang lalaki papalapit sa kaniya sabay abot ng pinakahuling rosas na sa tingin niya ay nangingibabaw ang tingkad sa lahat.

Nanginginig ang mga kamay na tinanggap niya iyon mula sa lalaki.

“D-Daddy . . . Akala ko ay hindi ka na magpapakita,” naiiyak niyang sabi.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang pag-angat ng sulok ng labi nito na lalong nagpahibang sa kaniyang baliw na puso.

“Puwede ba ’yon? It's my baby girl's special day. Dapat narito ako.”

Mas malamig pa sa musikang pumapailanlang ang malalim na boses nito. Hindi na niya napigilan ang kaniyang damdamin. Siya na ang kusang yumakap nang mahigpit sa lalaki. Wala na siyang pakialam sa kung anong iisipin ng mga taong nakamasid.

Natigilan naman si Crixzus, gayunpaman, yumakap ito pabalik kay Mikaela. Isinayaw siya nito sa saliw ng matamis na musika. Ito na ang pagkakataon na hinihintay nito para ipagtapat sa babae ang tunay na motibo.

“Mikaela . . . magpakasal tayong dalawa.”

Tila may bikig sa lalamunan na napatingala si Mikaela sa lalaki. Hindi makapaniwala na inalok siya nito ng kasal.

“P-pero—” Gusto niya ngunit hindi maaari dahil sa mata ng lahat ay magkadugo sila.

“Hindi mo kailangan na sumagot ngayon. I'll give you time hanggang makapagdesisyon ka.”

Natapos ang kasiyahan na ’yon na magulo ang kaniyang isipan. Pagsapit ng madaling araw ay naroon na siya sa kaniyang silid. Tulala pa rin sa katanungan na iniwan ni Crixzus.

Maya-maya pa ay napukaw siya ng mahihina na katok mula sa pintuan.

“Gising ka pa ba?”

Muli na naman tumahip ang kaba sa kaniyang dibdib. Boses pa lang nito ay grabe na ang epektong hatid sa kaniya.

“B-bukas ’yan,” nauutal niyang sagot.

Pumihit ang seradura kasunod ang pagbukas ng kulay pink niyang pintuan.

“D-Daddy . . . ” Ang totoo ay nais niya rin itong makausap. Ang daming bakit sa kaniyang isipan.

“Pinuntahan kita rito dahil alam kong nagulat ka. Hindi ito ang inaasahan mo sa taong kumupkop sa ’yo. Nais kong bigyan linaw ang mga bagay na gumugulo sa ’yo.”

Humugot siya ng lakas ng loob mula sa kaibuturan ng kaniyang puso.

“B-bakit gusto mo akong pakasalan? N-ngayon pa lang tayo nagkakilala at hindi pa natin kabisadong lubusan ang isa't isa kaya nais kong itanong kung bakit.”

“Maniwala ka man o hindi, mahal na kita noon pa. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing pinapadalahan mo ako ng iyong mga larawan. Habang sabay tayong lumalaki sa magkalayong mundo ay umuusbong din ang pagmamahal ko sa ’yo.”

Maang siyang napatitig sa guwapong mukha ni Crixzus.

“Nagustuhan mo ako kahit sa pictures mo lang ako nakikita?”

“Alam kong imposible ngunit ganoon ang nangyari. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na ngumingiti sa tuwing binabasa ang mga sulat mo. Araw-araw ko sa ’yong patutunayan na tapat ang hangarin ko, Mikaela.”

“N-ngunit magkadugo tayo sa mga mata ng ibang tao . . . ” aniya.

Inabot nito ang kaniyang kamay at saka marahan na pinisil.

“Natagpuan ko na ang tunay mong mga magulang. Kung papayag ka na maikasal sa akin ay maaari nating ipalipat ang apelyido mo sa kanila.”

Awtomatikong nagsalubong ang kaniyang kilay.

“Kilala mo ang tunay kong mga magulang? Bakit hindi mo kaagad sa akin sinabi?” Isang napakaimportante na bagay iyon para sa kaniya.

“Paumanhin. Kahapon ko lang din nalaman ang tungkol sa bagay na ’yan. Nawalan na ako ng pagkakataon na sabihin sa ’yo dahil busy ka sa preparation ng birthday mo.”

Gusto niyang makilala ang kaniyang tunay na mga magulang. Nais niyang itanong kung bakit siya iniwan ng mga ito noong sanggol pa lamang siya.

Ang kuwento ni Skye ay napulot raw siya ng isa sa mga tauhan ni Crixzus De La Croix sa isang kagubatan. Para siyang isang kuting na iniligaw ng mga panahon na ’yon kaya naman labis ang kaniyang nadarama na hinanakit para sa mga ito.

“Nais ko silang makita.”

Hindi sila nag-aksaya ng panahon. Tinungo nila kaagad ang bahay ng mga ito nang magliwanag ang kalangitan.

“Sigurado ka ba na handa mo na silang harapin?”

Hindi siya sigurado. Nanginginig ang kaniyang mga kamay sa kaba.

Natigilan siya nang maramdaman ang kamay ni Crixzus sa kaniyang palad.

“Just tell me kung hindi ka pa handa. Pababalikin na natin si Skye,” mababa ang boses na bulong nito.

“H-hindi. Narito na tayo kaya ituloy na natin,” paninindigan niya.

Pumasok sila sa isang malaking gate. Tumambad sa kanila ang napakalawak na hacienda na hindi kayang sukatin ng mga mata. Ilang metro pa ang kanilang binaybay bago nakarating sa isang napakalaking bahay na mistulang isang palasyo.

Huminto ang kanilang sasakyan at kaagad silang pinalibutan ng mga armadong lalaki. Kumatok ang isa sa mga ito sa bintana ng kotse. Bahagya siyang kinabahan.

“Relax. Everything will be alright,” saad ni Crixzus na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kaniyang kamay.

Ibinaba nila ang mga bintana ng kotse.

“De La Croix? Sawa ka na ba sa buhay mo? Ano ang ginagawa mo rito?” nakangisi na tanong ng isang malaking lalaki.

Mahigpit siyang napahawak sa kamay ni Crixzus. Nakatatakot ang itsura nito, mukhang nangangain ng buhay.

“Hindi ako pumasok sa balwarte niyo upang maging pangahas. Nais kong makausap si Don Ybarro,” matabang na tugon ni Crixzus.

Hindi batid ni Mikaela kung bakit may baril na hawak ang mga ito.

“Mga sundalo ba sila?” bulong niya kay Crixzus.

Tiningnan lang siya ni Crixzus ngunit hindi tumugon. Napasiksik siya nang husto sa gilid nito nang mapagtanto na nakatingin sa kaniya ang armadong lalaki. May ngisi sa labi na hindi maipaliwanag. Kaagad naman siyang ikinubli ni Crixzus sa likuran nito.

“Ang ganda ng kasama mo, De La Croix. Ibigay mo siya sa amin, kapalit niya ay makakausap mo ang aming Don.”

Comments (17)
goodnovel comment avatar
Vivian AviLa Badil
ano na nangyare Dito hahahaha Wala nang karugtong tagal ko na naghihintay
goodnovel comment avatar
Naneth Lapoja
update po pls.........
goodnovel comment avatar
Marit Mateo Oracion
hysssss grabe nmn hindi nmn pla tuloy tuloy magandq sana
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 3

    KALMADONG kinuha ni Crixzus ang isang hard briefcase mula sa likuran ng sasakyan. Binuksan nito iyon, tumambad sa mga mata ng mga armado ang bugkos-bugkos na kulay asul na papel na pera. “Sapat na ba ito para pagbigyan mo ako?” Napatikhim ang lalaki sabay lingon sa mga kasama. Tumango ang mga ito, sumenyas na tanggapin ang pera. “I believe that silence means yes. Here, take it.” Isinarado ni Crixzus ang briefcase bago inilabas mula sa nakabukas na bintana ng kotse. Tinanggap iyon ng lalaki kasunod ang isang buntonghininga. “Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan, De La Croix. Dahil kung hindi ay malamig na bangkay ka nang lalabas dito.” Sumenyas ito sa ibang tauhan na papasukin sila sa bakuran. Nang maigarahe ang sasakyan, naunang bumaba si Crixzus para pagbuksan siya ng pinto. Nag-aalangan na napatingala siya sa lalaki. “Magiging okay ba tayo sa loob?” Sapat na ang lahat ng kaniyang nasaksihan para mabatid na hindi basta-basta lamang ang taong kanilang pi

    Last Updated : 2024-09-21
  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 4

    “SILA ba talaga ang mga magulang ko?” nakababa ang mga matang tanong ni Mikaela kay Crixzus nang makauwi sila sa mansyon. Nagkasundo ang magkabilang panig na magsagawa ng DNA test upang matiyak ang kaniyang pagkakakilanlan. “Why don’t you seem glad to have seen them? Hindi ba isa ito sa mga nais mo? Ang malaman kung saan ka nagmula?” tanong ni Crixzus. Marahan na pagtango ang kaniyang naging sagot. “Siguro nasaktan lang ako sa parte na parang hindi ako tanggap ng aking ama. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na kilalanin namin ang isa't isa. Mas nangingibabaw sa kaniya ang galit.” Marahang hinaplos ni Crixzus ang kaniyang ulo dahilan para mapaangat ang kaniyang tingin. Wala mang emosyon ang mga mata nito ay tila mayroon itong magneto na humihila sa kaniya upang hindi patirin ang kanilang titigan. “Nais mo ba na pagaanin ko ang bigat na nararamdaman mo? May alam akong paraan.” Isang pilyong ngiti ang sumunod na sumilay sa kanina’y blangko nitong mukha. “A-anong paraan naman iyo

    Last Updated : 2024-09-21
  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 5

    SA isang madilim na silid, nagtipon ang mga matapat na tagasunod ni Crixzus. Ang malamlam na liwanag ng chandelier ang nagsisilbing ilaw ng mga anino sa bawat sulok ng kwartong iyon. “Aren't you going to explain to us what's going on? Magpapakasal ka sa dugo at laman ng mga Montereal? Isa itong kataksilan, De La Croix," saad ng malagong na boses, bakas sa tono nito ang galit. Si Marco Moretti, ang ulo ng sindikatong Red Serpents; isa sa kaalyansa ng kaniyang nasasakupan. Nasa gitna ng mahabang mesa si Crixzus kaharap ang mga kasapi, kalmado at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang kaniyang seryosong mukha. “Skye,” tawag niya sa kaniyang kanang kamay. Lumapit si Skye mula sa likuran, ang lalaking kilala sa pagiging matapat at maaasahan sa bawat kilos. Tumitig siya kay Crixzus, naghihintay ng utos. “Our members were already aware of my plan.” Inilatag niya sa mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa kanilang kalaban—si Montereal, ang hari ng mga sindikato na mataga

    Last Updated : 2024-09-26
  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 6

    MAS naging madalas ang palitan ng putok ng baril sa labas ng mansiyon, habang si Mikaela ay nanatiling nakatayo sa gitna ng kaniyang madilim na silid . . . may kaba sa dibdib. “H-hindi ko alam! Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan!” Napasabunot siya sa sariling buhok, pikit-matang humikbi. Hinawakan ni Marco Moretti ang kaniyang baba—ang lider ng Red Serpents—inangat ang kaniyang mukha at pinakatitigan siya sa mga mata. “Mikaela,” ang boses nito ay maotoridad kaya kagyat siyang napamaang. “Kailangan mong magpasya ng tama. Ang mundo na kinabibilangan mo ay mas mapanganib kaysa sa inaakala mo.” “Pero . . . paano ako magtitiwala sa ’yo? Hindi nga kita lubusang kilala!” sigaw ni Mikaela, na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa halo-halong emosyon na naroon. “Alam kong kaalyansa ka ni Crixzus kaya kaduda-duda! Bakit nais mo akong tulungan? Bakit hindi mo sinabi sa akin nang mas maaga? Bakit hinintay mo pang ako mismo ang makatuklas ng mga lihim niya?”

    Last Updated : 2024-09-27
  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 7

    MABILIS na itinutok ni Marco Moretti ang kaniyang baril sa armadong nangahas sa buhay ni Crixzus, at saka kaagad itong pinaputukan. Parang kidlat na walang buhay na itong bumagsak sa lupa.Napatda sa kinatatayuan si Mikaela nang makita ang dugong dumadaloy mula sa kanang bahagi ng dibdib ni Crixzus. Hindi niya batid kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Nais niya itong tulungan, ngunit ano ang magagawa ng isang tulad niya? Tila isa siyang daga sa gitna ng giyera.“Fuck!” daing ni Crixzus habang sapo ang parteng nasugatan. Hindi maipintang sakit ang nababanaag niya sa guwapong mukha nito.Tumingin siya kay Marco upang humingi ng tulong, naunawaan naman agad nito ang kaniyang ibig sabihin. “Halina kayo! Hindi kayo maaaring magtagal sa lugar na ito. Hindi magtatagal ay mapapasok na nila ang kabahayan,” ani Moretti.Mabilis itong lumapit sa kanila, isinampay ang isang braso ni Crixzus sa balikat at saka inalalayan na makapagkubli sa isang madilim na bahagi ng lugar na iyon.“I-ikaw n

    Last Updated : 2025-01-12
  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 8

    Hindi naka-react si Mikaela sa tanong ni Crixzus. Hindi sinasadyang nakagat niya ang pang-ibaba na labi, dahilan para mapatingin doon ang lalaki. Tumaas-baba ang adams apple nito na tila ba nauuhaw. Kasunod niyon ang pagsilay ng isang pilyong ngiti.“Can I kiss you?” masuyong ulit nito sa tanong.Pasimpleng inipit nito sa kaniyang tainga ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa kaniyang mukha.“D-Daddy . . .”Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan habang nakatingala sa lalaki. Nagtatalo ang kaniyang puso at isipan, oo ba o hindi? Ngunit kung ang puso niya ang susundin, nais niya rin maranasang madampian ng mga labi nito.“Is your silence a yes, Mikaela?” Pinasadahan nito ng hinlalaking daliri ang kaniyang labi, ang mga mata ay nag-aapoy na siyang tumutupok sa natitira niyang katinuan.“Damn, I'm dying to taste your sweet lips. Even if you say no, I'll still want to kiss you.”Hinapit nito ang kaniyang baywang at pinagdikit ang kanilang mga katawan. Nahigit niya ang paghinga nang unti

    Last Updated : 2025-01-13
  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 9

    HINDI nakatulog nang maayos si Mikaela nang gabing iyon kaya naman nangangalumata siya nang sumunod na araw. Madilim pa ay bumaba na siya sa kusina, si Aling Martha ang naabutan niya roon. “Magandang umaga po,” bati niya sa matanda na kasalukuyang nagbabati ng itlog para sa kanilang almusal. Tumingin lang ito sa kaniya, bago itinutok muli ang atensyon sa ginagawa.“May maitutulong po ba ako sa inyo? Marunong po akong magluto. Kung gusto niyo ay ako na ang magprito ng mga ito.” Dinampot niya ang mga hotdogs na nasa isang container, nabalatan at nahiwaan na ang mga iyon. Akmang dadalahin na niya ang mga iyon sa stove nang bigla siyang hawakan nito sa braso, walang emosyon ang mga mata.“Ako na ang bahala sa mga ito. Gawain ito ng mga tagapagsilbi. Magpahinga ka na lamang sa iyong silid. Tatawagin na lamang kita kapag handa na ang almusal.”Marahas siyang napabuntonghininga na hindi nakawala sa pandinig ng ginang.“May problema ka ba?”Malungkot siyang napatingin sa matandang babae. Ma

    Last Updated : 2025-01-14
  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 10

    Napakaliit ng espasyo ng kuweba, kaya’t hindi sila makakilos nang malaya. Nakaharap sila sa isa’t isa, yakap ni Mikaela ang sarili dahil nararamdaman na niya ang panunuot ng lamig sa kaniyang balat.“B-baby, you're shivering . . .” Nanginginig din ang boses nito. “Want me to warm you up with a hug?” dagdag pa nito.Hindi siya makatugon. Nakatingin lang siya sa nakabukas nitong dalawang bisig na nagpapaanyaya ng isang yakap. “Baby . . .” muling untag nito sa kaniya. Nag-angat siya ng mukha kaya naman nagtama ang kanilang mga tingin. Ang mga mata nitong palaging walang emosyon ay tila hinihila siya upang tanggapin ang paanyaya nito.Nasa ganoon silang sitwasyon nang . . .“Ay, palaka!” tili niya nang biglang kumulog at kumidlat. Kusang napasuksok siya sa malapad na dibdib ni Crixzus dahil sa gulat. Lihim naman na napangiti si Crixzus. Nakadama siya ng pagkapahiya kaya naman kaagad siyang lumayo para maglagay ng espasyo sa pagitan nila, ngunit hindi siya pinayagan ng lalaki. Kinabig

    Last Updated : 2025-01-15

Latest chapter

  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 11

    “H-hindi na ako aalis, dito lang ako. P-pero hayaan mo akong alagaan ka, okay? Hindi kita maaaring pabayaan sa ganiyang sitwasyon,” ani Mikaela. Unti-unting lumuwag naman ang pagkakayakap nito sa kaniya hanggang tuluyan siyang binitawan.Mabilis ang kaniyang mga kilos. Kumuha siya ng bimpo at maliit na planggana, nilagayan niya iyon ng maligamgam na tubig. Nang bumalik siya sa higaan nito ay nakapikit pa rin ang binata, ngunit ang mga kilay ay magkadikit na tila may sakit na dinaramdam.Muli, sinalat niya ang noo ni Crixzus. Napabuntonghininga siya nang madama ang init mula sa balat nito.“Kung alam ko lang na magkakaganito ka, hindi na sana ako pumayag na lumabas tayo,” aniya sa mababang tinig. Sinimulan niyang dampian ng basa at maligamgam na bimpo ang noo at leeg nito. Umaasa siya na sa ganoong paraan ay maiibsan ang init nito sa katawan. Ngunit, ilang minuto na ang lumipas ay ganoon pa rin. Panaka-naka pa’y umuungol ito.“Hindi bumababa ang lagnat mo. H-hindi sapat ang pagdampi n

  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 10

    Napakaliit ng espasyo ng kuweba, kaya’t hindi sila makakilos nang malaya. Nakaharap sila sa isa’t isa, yakap ni Mikaela ang sarili dahil nararamdaman na niya ang panunuot ng lamig sa kaniyang balat.“B-baby, you're shivering . . .” Nanginginig din ang boses nito. “Want me to warm you up with a hug?” dagdag pa nito.Hindi siya makatugon. Nakatingin lang siya sa nakabukas nitong dalawang bisig na nagpapaanyaya ng isang yakap. “Baby . . .” muling untag nito sa kaniya. Nag-angat siya ng mukha kaya naman nagtama ang kanilang mga tingin. Ang mga mata nitong palaging walang emosyon ay tila hinihila siya upang tanggapin ang paanyaya nito.Nasa ganoon silang sitwasyon nang . . .“Ay, palaka!” tili niya nang biglang kumulog at kumidlat. Kusang napasuksok siya sa malapad na dibdib ni Crixzus dahil sa gulat. Lihim naman na napangiti si Crixzus. Nakadama siya ng pagkapahiya kaya naman kaagad siyang lumayo para maglagay ng espasyo sa pagitan nila, ngunit hindi siya pinayagan ng lalaki. Kinabig

  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 9

    HINDI nakatulog nang maayos si Mikaela nang gabing iyon kaya naman nangangalumata siya nang sumunod na araw. Madilim pa ay bumaba na siya sa kusina, si Aling Martha ang naabutan niya roon. “Magandang umaga po,” bati niya sa matanda na kasalukuyang nagbabati ng itlog para sa kanilang almusal. Tumingin lang ito sa kaniya, bago itinutok muli ang atensyon sa ginagawa.“May maitutulong po ba ako sa inyo? Marunong po akong magluto. Kung gusto niyo ay ako na ang magprito ng mga ito.” Dinampot niya ang mga hotdogs na nasa isang container, nabalatan at nahiwaan na ang mga iyon. Akmang dadalahin na niya ang mga iyon sa stove nang bigla siyang hawakan nito sa braso, walang emosyon ang mga mata.“Ako na ang bahala sa mga ito. Gawain ito ng mga tagapagsilbi. Magpahinga ka na lamang sa iyong silid. Tatawagin na lamang kita kapag handa na ang almusal.”Marahas siyang napabuntonghininga na hindi nakawala sa pandinig ng ginang.“May problema ka ba?”Malungkot siyang napatingin sa matandang babae. Ma

  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 8

    Hindi naka-react si Mikaela sa tanong ni Crixzus. Hindi sinasadyang nakagat niya ang pang-ibaba na labi, dahilan para mapatingin doon ang lalaki. Tumaas-baba ang adams apple nito na tila ba nauuhaw. Kasunod niyon ang pagsilay ng isang pilyong ngiti.“Can I kiss you?” masuyong ulit nito sa tanong.Pasimpleng inipit nito sa kaniyang tainga ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa kaniyang mukha.“D-Daddy . . .”Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan habang nakatingala sa lalaki. Nagtatalo ang kaniyang puso at isipan, oo ba o hindi? Ngunit kung ang puso niya ang susundin, nais niya rin maranasang madampian ng mga labi nito.“Is your silence a yes, Mikaela?” Pinasadahan nito ng hinlalaking daliri ang kaniyang labi, ang mga mata ay nag-aapoy na siyang tumutupok sa natitira niyang katinuan.“Damn, I'm dying to taste your sweet lips. Even if you say no, I'll still want to kiss you.”Hinapit nito ang kaniyang baywang at pinagdikit ang kanilang mga katawan. Nahigit niya ang paghinga nang unti

  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 7

    MABILIS na itinutok ni Marco Moretti ang kaniyang baril sa armadong nangahas sa buhay ni Crixzus, at saka kaagad itong pinaputukan. Parang kidlat na walang buhay na itong bumagsak sa lupa.Napatda sa kinatatayuan si Mikaela nang makita ang dugong dumadaloy mula sa kanang bahagi ng dibdib ni Crixzus. Hindi niya batid kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Nais niya itong tulungan, ngunit ano ang magagawa ng isang tulad niya? Tila isa siyang daga sa gitna ng giyera.“Fuck!” daing ni Crixzus habang sapo ang parteng nasugatan. Hindi maipintang sakit ang nababanaag niya sa guwapong mukha nito.Tumingin siya kay Marco upang humingi ng tulong, naunawaan naman agad nito ang kaniyang ibig sabihin. “Halina kayo! Hindi kayo maaaring magtagal sa lugar na ito. Hindi magtatagal ay mapapasok na nila ang kabahayan,” ani Moretti.Mabilis itong lumapit sa kanila, isinampay ang isang braso ni Crixzus sa balikat at saka inalalayan na makapagkubli sa isang madilim na bahagi ng lugar na iyon.“I-ikaw n

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 6

    MAS naging madalas ang palitan ng putok ng baril sa labas ng mansiyon, habang si Mikaela ay nanatiling nakatayo sa gitna ng kaniyang madilim na silid . . . may kaba sa dibdib. “H-hindi ko alam! Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan!” Napasabunot siya sa sariling buhok, pikit-matang humikbi. Hinawakan ni Marco Moretti ang kaniyang baba—ang lider ng Red Serpents—inangat ang kaniyang mukha at pinakatitigan siya sa mga mata. “Mikaela,” ang boses nito ay maotoridad kaya kagyat siyang napamaang. “Kailangan mong magpasya ng tama. Ang mundo na kinabibilangan mo ay mas mapanganib kaysa sa inaakala mo.” “Pero . . . paano ako magtitiwala sa ’yo? Hindi nga kita lubusang kilala!” sigaw ni Mikaela, na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa halo-halong emosyon na naroon. “Alam kong kaalyansa ka ni Crixzus kaya kaduda-duda! Bakit nais mo akong tulungan? Bakit hindi mo sinabi sa akin nang mas maaga? Bakit hinintay mo pang ako mismo ang makatuklas ng mga lihim niya?”

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 5

    SA isang madilim na silid, nagtipon ang mga matapat na tagasunod ni Crixzus. Ang malamlam na liwanag ng chandelier ang nagsisilbing ilaw ng mga anino sa bawat sulok ng kwartong iyon. “Aren't you going to explain to us what's going on? Magpapakasal ka sa dugo at laman ng mga Montereal? Isa itong kataksilan, De La Croix," saad ng malagong na boses, bakas sa tono nito ang galit. Si Marco Moretti, ang ulo ng sindikatong Red Serpents; isa sa kaalyansa ng kaniyang nasasakupan. Nasa gitna ng mahabang mesa si Crixzus kaharap ang mga kasapi, kalmado at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang kaniyang seryosong mukha. “Skye,” tawag niya sa kaniyang kanang kamay. Lumapit si Skye mula sa likuran, ang lalaking kilala sa pagiging matapat at maaasahan sa bawat kilos. Tumitig siya kay Crixzus, naghihintay ng utos. “Our members were already aware of my plan.” Inilatag niya sa mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa kanilang kalaban—si Montereal, ang hari ng mga sindikato na mataga

  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 4

    “SILA ba talaga ang mga magulang ko?” nakababa ang mga matang tanong ni Mikaela kay Crixzus nang makauwi sila sa mansyon. Nagkasundo ang magkabilang panig na magsagawa ng DNA test upang matiyak ang kaniyang pagkakakilanlan. “Why don’t you seem glad to have seen them? Hindi ba isa ito sa mga nais mo? Ang malaman kung saan ka nagmula?” tanong ni Crixzus. Marahan na pagtango ang kaniyang naging sagot. “Siguro nasaktan lang ako sa parte na parang hindi ako tanggap ng aking ama. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na kilalanin namin ang isa't isa. Mas nangingibabaw sa kaniya ang galit.” Marahang hinaplos ni Crixzus ang kaniyang ulo dahilan para mapaangat ang kaniyang tingin. Wala mang emosyon ang mga mata nito ay tila mayroon itong magneto na humihila sa kaniya upang hindi patirin ang kanilang titigan. “Nais mo ba na pagaanin ko ang bigat na nararamdaman mo? May alam akong paraan.” Isang pilyong ngiti ang sumunod na sumilay sa kanina’y blangko nitong mukha. “A-anong paraan naman iyo

  • My Young Daddy (Tagalog)   CHAPTER 3

    KALMADONG kinuha ni Crixzus ang isang hard briefcase mula sa likuran ng sasakyan. Binuksan nito iyon, tumambad sa mga mata ng mga armado ang bugkos-bugkos na kulay asul na papel na pera. “Sapat na ba ito para pagbigyan mo ako?” Napatikhim ang lalaki sabay lingon sa mga kasama. Tumango ang mga ito, sumenyas na tanggapin ang pera. “I believe that silence means yes. Here, take it.” Isinarado ni Crixzus ang briefcase bago inilabas mula sa nakabukas na bintana ng kotse. Tinanggap iyon ng lalaki kasunod ang isang buntonghininga. “Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan, De La Croix. Dahil kung hindi ay malamig na bangkay ka nang lalabas dito.” Sumenyas ito sa ibang tauhan na papasukin sila sa bakuran. Nang maigarahe ang sasakyan, naunang bumaba si Crixzus para pagbuksan siya ng pinto. Nag-aalangan na napatingala siya sa lalaki. “Magiging okay ba tayo sa loob?” Sapat na ang lahat ng kaniyang nasaksihan para mabatid na hindi basta-basta lamang ang taong kanilang pi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status