공유

Chapter 5

작가: ColaPrinsesa
last update 최신 업데이트: 2024-10-29 19:42:56

Sa isang madilim na silid, nagtipon ang mga matapat na tagasunod ni Crixzus. Ang malamlam na liwanag ng chandelier ang nagsisilbing ilaw ng mga anino sa bawat sulok ng kwartong iyon.

“Aren't you going to explain to us what's going on? Magpapakasal ka sa dugo at laman ng mga Montereal? Isa itong kataksilan, De La Croix," saad ng malagong na boses, bakas sa tono nito ang galit. Si Marco Moretti, ang ulo ng sindikatong Red Serpents; isa sa kaalyansa ng kaniyang nasasakupan.

Nasa gitna ng mahabang mesa si Crixzus kaharap ang mga kasapi, kalmado at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang kaniyang seryosong mukha.

“Skye,” tawag niya sa kaniyang kanang kamay.

Lumapit si Skye mula sa likuran, ang lalaking kilala sa pagiging matapat at maaasahan sa bawat kilos. Tumitig siya kay Crixzus, naghihintay ng utos.

“Our members were already aware of my plan.”

Inilatag niya sa mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa kanilang kalaban—si Montereal, ang hari ng mga sindikato na matagal nang kaaway ni Crixzus.

Walang imik ang bawat isang naroon, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

“Si Montereal ang matagal nang hadlang sa ating pagpapalawak ng kapangyarihan. Isa siyang banta sa ating grupo kaya ano ang dahilan para pagtaksilan ko kayo? Higit sa lahat, ang Black Serpents ang pinakamahalagang bagay para sa akin.”

Isa sa mga ito ang naglakas-loob na magtanong, “Kung ganoon, ano ang plano mo? Bakit mo kailangang pakasalan ang isang Montereal?”

Tumayo si Crixzus, naglakad papunta sa bintana, pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. “Ang plano kong pagpapakasal ay itutuloy. Gagamitin ko ang pinakamalaking alas natin laban kay Don Ybarro... si Mikaela.”

Nagulat ang ilang naroon.

Si Mikaela, ang dalagang inampon ni Crixzus, ay naging tahimik at marangya ang pamumuhay. Wala siyang alam sa mga lihim na tinatago ni Crixzus—isa na ang pagiging mafia boss nito.

Para kay Mikaela, si Crixzus ay isang mabuting taong nagligtas sa kaniya mula sa isang kalunos-lunos na buhay, na sa hindi inaasahang pagkakataon ay natutunan niyang ibigin hindi bilang isang ama kundi bilang isang lalaki.

Wala siyang kaalam-alam na magiging kasangkapan siya nito sa isang malupit na plano.

“Boss, sigurado ka na ba sa pinaplano mo? Paano kung—” hindi itinuloy na tanong ni Skye.

Ngumiti si Crixzus nang bahagya. "I will marry her no matter what. Gagawin ko siyang asawa ko, hindi dahil mahal ko siya... kundi dahil siya ang anak ni Don Ybarro.”

Nagkatinginan ang mga tauhan, si Skye ay nakaramdam ng pagkabahala.

Isang ngisi ang muling gumuhit sa labi ni Crixzus.

“Mikaela doesn't know that her real father is the man who has long been our enemy. Once I marry her, I will be able to control all the wealth and power of the Montereals. This is my sacrifice for our own benefit.”

“Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa sarili mong patibong, De La Croix. Malaking kaguluhan ito kapag pumalpak ka,” banta ni Marco Moretti, hindi nasisiyahan sa kaniyang ideya.

“When have I ever failed, Moretti? You know me... I don't have 'defeat' in my dictionary.”

Sa labas ng silid, hindi alam ng mga nag-uusap na may isang pares ng taingang nakikinig sa kanilang mga plano. Si Mikaela, na noon ay naglalakad patungo sa silid na iyon upang tawagin si Crixzus para sa hapunan, ay hindi sinasadyang narinig ang usapan.

Hindi niya lubos maintindihan ang naririnig noong una, ngunit nang banggitin ni Crixzus ang kaniyang pangalan at ang kasal, tumigil siya sa kaniyang mga hakbang.

“P-plano niya lang ang lahat ng ito?” bulong ni Mikaela sa sarili habang pilit iniintindi ang kaniyang mga narinig.

Pakiramdam niya’y bumagsak ang buong mundo sa kaniya. Ang damdaming iniukit ni Crixzus sa kaniyang puso ay isa lang palang laro—isang instrumento para sa kapangyarihan.

Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga narinig. Sa maiksing panahon, totoong minahal niya si Crixzus, at ang buong akala niya ay may malalim na koneksiyon sa pagitan nila. Subalit ngayon, sinampal siya ng katotohanan na iyon ay kathang-isip lamang.

Hindi rin niya alam na siya pala’y anak ng isang mafia boss, ang mortal na kaaway ng taong kumupkop sa kaniya.

“Boss...” nag-aalangang bulong ni Skye, “sigurado ka ba na hindi malalaman ni Mikaela ang tungkol rito? Paano kung—”

Ngumisi lang si Crixzus na puno ng kumpiyansa.

“Hindi niya malalaman. Hindi ko hahayaang matuklasan niya ang plano ko. Pagkatapos ng kasal, magiging akin na ang lahat—ang negosyo ni Montereal, ang pondo, ang mga tauhan. Wala nang makapipigil sa atin.”

Nangangatog ang mga kamay ni Mikaela, pilit na pinipigil ang sariling umiyak. Mabilis siyang umatras, tinakasan ang malupit na katotohanang kaniyang natuklasan. Hindi na niya kayang harapin si Crixzus—sa ngayon.

Tumakbo siya pabalik sa kaniyang silid, puno ng mga tanong ang isip at nakaramdam ng takot para sa sarili.

“Sino ka ba talaga, Crixzus? Ano ba ang tunay mong pagkatao? Bakit binulag mo ako sa kasinungalingan?”

Bago niya maisara ang pintuan ng kaniyang silid, nakarinig siya ng malakas na tunog ng pagsabog mula sa labas. Nagkagulo ang buong mansyon, ang mga tauhan ni Crixzus sa labas ay sumisigaw.

“Boss, napasok na tayo!”

Ang buong paligid ay nagsimulang magulo. Sa gitna ng kaguluhan, isang malupit na desisyon ang kailangang gawin ni Mikaela: tatanggapin niya ba si Crixzus bilang kabiyak niya, o ililigtas ang sarili mula sa mapanlinlang nitong mundo?

Sa kabila ng lahat ng ito, isang bagay lamang ang malinaw... ang alitan sa magkabilang partido ay nagsisimula na.

Ngunit habang nag-iisip ng susunod na hakbang, nakadama siya ng labis na takot nang lumabas mula sa madilim na sulok ng kaniyang silid ang isang tao na may kinalaman sa kaniyang mga narinig. Isang taong nagmamasid ng palihim at maaaring may mas madilim na plano.

Si Marco Moretti, ang ngiti sa labi nito ay puno ng misteryo at panganib.

“Mikaela,” tawag nito, “alam kong alam mo na ang tungkol sa mga plano ni Crixzus. At kailangan mong malaman ang buong katotohanan bago ka maging bahagi ng kaniyang laro.”

Bumilis ang tibok ng puso ni Mikaela.

“Ikaw... A-ano ang gusto mo? B-bakit mo ito sinasabi sa akin?”

“May mga bagay na hindi mo alam, at hindi ko ito maipaliliwanag ng buo sa ngayon. Pero ang kapalaran mo ay hindi maaaring matali kay Crixzus... mas malaking laban ang kailangan mong paghandaan,” sagot ni Marco, matuwid na nakatindig at nakapamulsa sa kaniyang harapan.

“Pipiliin mo ba ang pagkatiwalaan ako o tatanggapin na lang ang nais mangyari ni Crixzus?”

Ngunit bago pa man siya makapagsalita, isang sigaw ang umabot mula sa labas ng mansyon: “Mikaela! Where the hell are you?”

관련 챕터

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 6

    Mas naging madalas ang palitan ng putok ng baril sa labas ng mansiyon, habang si Mikaela ay nanatiling nakatayo sa gitna ng kaniyang madilim na silid... may kaba sa dibdib. “H-hindi ko alam! Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan!” Napasabunot siya sa sariling buhok, pikit-matang humikbi.Hinawakan ni Marco Moretti ang kaniyang baba—ang lider ng Red Serpents—inangat ang kaniyang mukha at pinakatitigan siya sa mga mata.“Mikaela,” ang boses nito ay maotoridad kaya kagyat siyang napamaang. “Kailangan mong magpasya ng tama. Ang mundo na kinabibilangan mo ay mas mapanganib kaysa sa inaakala mo.”“Pero... paano ako magtitiwala sa ’yo? Hindi nga kita lubusang kilala!” sigaw ni Mikaela, na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa halo-halong emosyon na naroon. “Alam kong kaalyansa ka ni Crixzus kaya kaduda-duda! Bakit nais mo akong tulungan? Bakit hindi mo sinabi sa akin nang mas maaga? Bakit hinintay mo pang ako mismo ang makatuklas ng mga lihim niya?”Napabuntonghining

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 1

    “Kailangan mo nang maghanda. Ngayon ang nakatakdang araw ng inyong pagkikita ni Mister De La Croix.” Mahigpit na napakapit si Mikaela sa kaniyang unipormeng palda sa sinabi ng kaniyang personal bodyguard na si Skye. Parang tinatambol ang kaniyang dibdib na hindi maipaliwanag. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya ang taong dahilan kung bakit siya buhay. Ang taong nakapulot sa kaniya eighteen years ago. “May alam ka ba kung anong klaseng tao ang kumupkop sa akin? Ano ang mga hilig niya o 'di kaya ay ang mga ayaw niya. B-baka kasi hindi niya ako magustuhan.” Pasimpleng tumingin sa rear-view mirror ng kotse si Skye kung saan nakikita siya nito mula sa likuran. Sulyap lang ang ginawa nito at ibinalik na muli ang mga mata sa kalsada. “Just be yourself, Miss Mikaela.” Bagama’t hindi pa niya nakita at nakasama ang ama-amahan, batid niyang makapangyarihan na tao ito. Nakatira siya sa isang mala-mansiyon na bahay kung saan mayroong kompleto at mamahalin na mga kagamitan. Suno

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 2

    Parang bata na napatango na lang siya. Napahilot sa sintido si Crixzus. “May public toilet sa 24/7 store na ’yon. Makigamit ka muna.” Itinuro nito ang store malapit sa ospital na kanilang hinintuan. Nasa lupa ang mga matang binaybay niya ang daan patungo sa store na ’yon. Pagbalik niya ay nag-i-spray ang lalaki ng air freshener sa loob ng kotse. “Pasok na. Uuwi na tayo,” malamig nitong utos nang mapuna na nakabalik na siya. Nanatili siyang tahimik hanggang makauwi. Ni hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kaniyang daddy. Dederetso na sana siya ng kwarto para doon na lang magmukmok ngunit mabilis nitong hinuli ang kaniyang pulso. Tila may boltahe ng kuryente na nanulay mula sa nagkadikit nilang mga balat patungo sa kaniyang dibdib. Sobrang tensyonado siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Maang na napatingin siya sa malamig nitong mga mata. “Forget what happened earlier. Lahat naman ng tao ay umuutot. Sobrang baho nga lang ng utot mo kumpara sa utot ng iba but it's n

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 3

    Kalmadong kinuha ni Crixzus ang isang hard briefcase mula sa likuran ng sasakyan. Binuksan nito iyon, tumambad sa mga mata ng mga armado ang bugkos-bugkos na kulay asul na papel na pera.“Sapat na ba ito para pagbigyan mo ako?”Napatikhim ang lalaki sabay lingon sa mga kasama. Tumango ang mga ito, sumenyas na tanggapin ang pera. “I believe that silence means yes. Here, take it.”Isinarado ni Crixzus ang briefcase bago inilabas mula sa nakabukas na bintana ng kotse. Tinanggap iyon ng lalaki kasunod ang isang buntonghininga.“Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan, De La Croix. Dahil kung hindi ay malamig na bangkay ka nang lalabas dito.”Sumenyas ito sa ibang tauhan na papasukin sila sa bakuran. Nang maigarahe ang sasakyan, naunang bumaba si Crixzus para pagbuksan siya ng pinto. Nag-aalangan na napatingala siya sa lalaki. “Magiging okay ba tayo sa loob?”Sapat na ang lahat ng kaniyang nasaksihan para mabatid na hindi basta-basta lamang ang taong kanilang pinuntaha

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 4

    “Sila ba talaga ang mga magulang ko?” nakababa ang mga matang tanong ni Mikaela kay Crixzus nang makauwi sila sa mansyon.Nagkasundo ang magkabilang panig na magsagawa ng DNA test upang matiyak ang kaniyang pagkakakilanlan.“Why don’t you seem glad to have seen them? Hindi ba isa ito sa mga nais mo? Ang malaman kung saan ka nagmula?” tanong ni Crixzus.Marahan na pagtango ang kaniyang naging sagot. “Siguro nasaktan lang ako sa parte na parang hindi ako tanggap ng aking ama. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na kilalanin namin ang isa't isa. Mas nangingibabaw sa kaniya ang galit.”Marahang hinaplos ni Crixzus ang kaniyang ulo dahilan para mapaangat ang kaniyang tingin. Wala mang emosyon ang mga mata nito ay tila mayroon itong magneto na humihila sa kaniya upang hindi patirin ang kanilang titigan.“Nais mo ba na pagaanin ko ang bigat na nararamdaman mo? May alam akong paraan.” Isang pilyong ngiti ang sumunod na sumilay sa kanina’y blangko nitong mukha.“A-anong paraan naman iyon?”

최신 챕터

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 5

    Sa isang madilim na silid, nagtipon ang mga matapat na tagasunod ni Crixzus. Ang malamlam na liwanag ng chandelier ang nagsisilbing ilaw ng mga anino sa bawat sulok ng kwartong iyon.“Aren't you going to explain to us what's going on? Magpapakasal ka sa dugo at laman ng mga Montereal? Isa itong kataksilan, De La Croix," saad ng malagong na boses, bakas sa tono nito ang galit. Si Marco Moretti, ang ulo ng sindikatong Red Serpents; isa sa kaalyansa ng kaniyang nasasakupan.Nasa gitna ng mahabang mesa si Crixzus kaharap ang mga kasapi, kalmado at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang kaniyang seryosong mukha.“Skye,” tawag niya sa kaniyang kanang kamay. Lumapit si Skye mula sa likuran, ang lalaking kilala sa pagiging matapat at maaasahan sa bawat kilos. Tumitig siya kay Crixzus, naghihintay ng utos.“Our members were already aware of my plan.”Inilatag niya sa mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa kanilang kalaban—si Montereal, ang hari ng mga sindikato na matagal nang kaaw

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 4

    “Sila ba talaga ang mga magulang ko?” nakababa ang mga matang tanong ni Mikaela kay Crixzus nang makauwi sila sa mansyon.Nagkasundo ang magkabilang panig na magsagawa ng DNA test upang matiyak ang kaniyang pagkakakilanlan.“Why don’t you seem glad to have seen them? Hindi ba isa ito sa mga nais mo? Ang malaman kung saan ka nagmula?” tanong ni Crixzus.Marahan na pagtango ang kaniyang naging sagot. “Siguro nasaktan lang ako sa parte na parang hindi ako tanggap ng aking ama. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na kilalanin namin ang isa't isa. Mas nangingibabaw sa kaniya ang galit.”Marahang hinaplos ni Crixzus ang kaniyang ulo dahilan para mapaangat ang kaniyang tingin. Wala mang emosyon ang mga mata nito ay tila mayroon itong magneto na humihila sa kaniya upang hindi patirin ang kanilang titigan.“Nais mo ba na pagaanin ko ang bigat na nararamdaman mo? May alam akong paraan.” Isang pilyong ngiti ang sumunod na sumilay sa kanina’y blangko nitong mukha.“A-anong paraan naman iyon?”

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 3

    Kalmadong kinuha ni Crixzus ang isang hard briefcase mula sa likuran ng sasakyan. Binuksan nito iyon, tumambad sa mga mata ng mga armado ang bugkos-bugkos na kulay asul na papel na pera.“Sapat na ba ito para pagbigyan mo ako?”Napatikhim ang lalaki sabay lingon sa mga kasama. Tumango ang mga ito, sumenyas na tanggapin ang pera. “I believe that silence means yes. Here, take it.”Isinarado ni Crixzus ang briefcase bago inilabas mula sa nakabukas na bintana ng kotse. Tinanggap iyon ng lalaki kasunod ang isang buntonghininga.“Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan, De La Croix. Dahil kung hindi ay malamig na bangkay ka nang lalabas dito.”Sumenyas ito sa ibang tauhan na papasukin sila sa bakuran. Nang maigarahe ang sasakyan, naunang bumaba si Crixzus para pagbuksan siya ng pinto. Nag-aalangan na napatingala siya sa lalaki. “Magiging okay ba tayo sa loob?”Sapat na ang lahat ng kaniyang nasaksihan para mabatid na hindi basta-basta lamang ang taong kanilang pinuntaha

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 2

    Parang bata na napatango na lang siya. Napahilot sa sintido si Crixzus. “May public toilet sa 24/7 store na ’yon. Makigamit ka muna.” Itinuro nito ang store malapit sa ospital na kanilang hinintuan. Nasa lupa ang mga matang binaybay niya ang daan patungo sa store na ’yon. Pagbalik niya ay nag-i-spray ang lalaki ng air freshener sa loob ng kotse. “Pasok na. Uuwi na tayo,” malamig nitong utos nang mapuna na nakabalik na siya. Nanatili siyang tahimik hanggang makauwi. Ni hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kaniyang daddy. Dederetso na sana siya ng kwarto para doon na lang magmukmok ngunit mabilis nitong hinuli ang kaniyang pulso. Tila may boltahe ng kuryente na nanulay mula sa nagkadikit nilang mga balat patungo sa kaniyang dibdib. Sobrang tensyonado siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Maang na napatingin siya sa malamig nitong mga mata. “Forget what happened earlier. Lahat naman ng tao ay umuutot. Sobrang baho nga lang ng utot mo kumpara sa utot ng iba but it's n

  • My Young Daddy (Tagalog)   Chapter 1

    “Kailangan mo nang maghanda. Ngayon ang nakatakdang araw ng inyong pagkikita ni Mister De La Croix.” Mahigpit na napakapit si Mikaela sa kaniyang unipormeng palda sa sinabi ng kaniyang personal bodyguard na si Skye. Parang tinatambol ang kaniyang dibdib na hindi maipaliwanag. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya ang taong dahilan kung bakit siya buhay. Ang taong nakapulot sa kaniya eighteen years ago. “May alam ka ba kung anong klaseng tao ang kumupkop sa akin? Ano ang mga hilig niya o 'di kaya ay ang mga ayaw niya. B-baka kasi hindi niya ako magustuhan.” Pasimpleng tumingin sa rear-view mirror ng kotse si Skye kung saan nakikita siya nito mula sa likuran. Sulyap lang ang ginawa nito at ibinalik na muli ang mga mata sa kalsada. “Just be yourself, Miss Mikaela.” Bagama’t hindi pa niya nakita at nakasama ang ama-amahan, batid niyang makapangyarihan na tao ito. Nakatira siya sa isang mala-mansiyon na bahay kung saan mayroong kompleto at mamahalin na mga kagamitan. Suno

DMCA.com Protection Status