“Kailangan mo nang maghanda. Ngayon ang nakatakdang araw ng inyong pagkikita ni Mister De La Croix.”
Mahigpit na napakapit si Mikaela sa kaniyang unipormeng palda sa sinabi ng kaniyang personal bodyguard na si Skye. Parang tinatambol ang kaniyang dibdib na hindi maipaliwanag. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya ang taong dahilan kung bakit siya buhay. Ang taong nakapulot sa kaniya eighteen years ago. “May alam ka ba kung anong klaseng tao ang kumupkop sa akin? Ano ang mga hilig niya o 'di kaya ay ang mga ayaw niya. B-baka kasi hindi niya ako magustuhan.” Pasimpleng tumingin sa rear-view mirror ng kotse si Skye kung saan nakikita siya nito mula sa likuran. Sulyap lang ang ginawa nito at ibinalik na muli ang mga mata sa kalsada. “Just be yourself, Miss Mikaela.” Bagama’t hindi pa niya nakita at nakasama ang ama-amahan, batid niyang makapangyarihan na tao ito. Nakatira siya sa isang mala-mansiyon na bahay kung saan mayroong kompleto at mamahalin na mga kagamitan. Sunod rin siya sa luho kahit na hindi naman siya mahilig sa mga materyal na bagay. “Narito na tayo.” Bumalik ang kaniyang diwa nang maulinigan ang tinig ng kasama. “Relax, Mikaela! Everything will be okay,” pagkalma niya sa sarili. Ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon, ang ma-meet ang taong pinakaespesyal sa buhay niya. Kaagad naagaw ang kaniyang pansin ng lalaking nakatayo sa sala. Nakatalikod ito mula sa kaniyang direksiyon kaya naman bigo siyang makita ang itsura nito. May katangkaran at may kalaparan ang balikat. Hawak nito sa kanang kamay ang isang basong alak. “D-Daddy?” mahinang tawag niya sa lalaki. Bahagyang gumalaw ang ulo nito pagkarinig sa kaniyang boses. Napalunok nang bahagya si Mikaela nang masilayan ang maliit na bahagi ng mukha nito. “I-ikaw na ba talaga ’yan?” Tinungga nito sandali ang alak mula sa hawak na baso bago unti-unting lumingon paharap sa kaniya. Napasinghap siya nang tuluyan na makita ang mukha nito sapagkat ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay hindi ang kaniyang inaasahan na daddy kundi isang guwapong lalaki na nag-aari ng kulay abo na mga mata. Sa uri ng tindig, pananamit, at pisikal na anyo ay masasabi niyang hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad. Nang makabawi sa pagkagulat ay bahagya siyang yumuko. "Paumanhin! Ang akala ko ay ikaw ang... D-Daddy ko." Palagay niya ay bodyguard o 'di kaya ay driver ito ng kaniyang ama-amahan. O baka naman ito ang tunay na anak ng taong kumupkop sa kaniya dahil hindi ito mukhang tauhan lang na sumusunod sa mga utos. Nanatiling nakatitig sa kaniya ang malamig nitong mga mata. "P-pasensya na talaga." Mabilis na iniiwas niya ang tingin sapagkat tila nanlalata ang kaniyang mga tuhod sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang tingin. "Miss Mikaela... Ang taong kaharap mo ngayon ay si Mister Crixzus De La Croix. Siya ang taong kumupkop sa ’yo at nagbigay ng mga pangunahing pangangailangan mo." Nagulantang siya sa naging pahayag ni Skye na naroon lamang sa kaniyang likuran. "P-paanong—” Paanong ang umampon sa kaniya ay isang lalaking hindi pa ganoon katanda? “Iwan mo muna kami, Skye. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya ng mga bagay-bagay," utos nito gamit ang kalmado at malalim na tinig na kaysarap sa pandinig. Sumunod na narinig niya ay ang papalayong mga yabag ni Skye. Doble ang bilis ng kabog ng kaniyang dibdib nang sila na lang dalawa ang naroon. Isang kakaibang uri ng kaba na ngayon niya lang nadama. “Congratulations. Natanggap ko ang mga ipinadala mong mga larawan. Muli ka na naman nanguna sa klase. Binabati kita, Mikaela.” Eighteen years... Pinaghandaan niya ang araw na ito. Nagsumikap siya para masuklian ang mga kabutihan nito. Pinatunayan niya na hindi sayang ang lahat ng perang ginagastos nito para sa kaniya. Naghanda rin siya ng mga sasabihin sa gayon hindi siya maubusan ng mga salita sa oras na magkita sila. Ngunit ngayon ... Kahit isang salita ay wala siyang masambit. Wala siyang ibang magawa kundi tingnan ang makinang na sahig at umiwas sa nakatutunaw na mga titig nito. “Wala ka bang balak magsalita? Hindi ka ba masaya na makita ako?” Ilang segundo siyang nanahimik bago nakahugot ng lakas ng loob na sumagot. “M-masaya! A-actually, sobrang saya ko. A-ang tagal kong hinintay na makita at makasama ka. Nais kong magpasalamat sa sobrang laki ng naitulong mo sa akin. P-pero naguguluhan ako. P-paanong ang isang batang katulad mo ay nagkaroon ng kakayahang buhayin ako?” Muli, marahan niyang inangat ang ulo upang tingnan ang ekspresyon sa mukha ng lalaki ngunit wala iyong pagbabago. Isang larawan ng lalaking mayroong malamig na emosyon. “Paano? Wala naman imposible kapag mayroon kang pera, Mikaela. You can have everything with money and power. Unfortunately, I have those things kaya naman nagawa kitang kupkupin na walang kahirap-hirap.” Wala siyang ideya kung sino o kung anong klaseng tao ang nasa kaniyang harapan. Wala rin siyang ideya kung bakit siya nito inampon. Ang lahat ay misteryo na nais niyang hanapan ng kasagutan. Walang kaalam-alam si Mikaela na ang taong kumupkop sa kaniya ay isang bilyonaryo na may-ari ng iba't ibang negosyo sa bansa. Si Crixzus De La Croix ay kilala sa business industry dahil sa kaniyang angkin na talento sa pagpapalago ng kahit anong negosyo sa kabila ng kaniyang batang edad. One of them is Royal Crix Automotive, known for producing sleek, high-performance vehicles that embody sophistication and precision. Kilala rin siya sa underworld dahil sa isang malaking organisasyon na kaniyang pinamumunuan na kinabibilangan ng mga bigating negosyante. Ang Black Serpents. Isa sa serbisyong hatid ng grupo ay ang proteksyonan ang matataas na tao sa industriya, karamihan ay politiko. May isang malalim na dahilan kung bakit kinupkop niya si Mikaela. “Simula ngayon ay magsasama na tayo sa iisang bahay. Malalaman mo ang kasagutan sa iyong mga tanong pagsapit ng iyong ika-labing walo na kaarawan.” Tatlong buwan iyon simula sa araw na ito. “Bakit hindi ko puwedeng malaman ngayon? Bakit sa kaarawan ko pa?” “Hintayin mo ang itinakda kong araw.” Marami pa siyang nais itanong ngunit tumalikod na ito. Kinagabihan, hindi siya nakatulog kaya naman nangangalumata siya kinabukasan pagpasok sa eskwela. “Ang tamlay mo yata ngayon. May problema ka ba?” usisa ni Lea. Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa kaniyang harapan. “Dumating na si Daddy,” tamad niyang tugon. Nanlaki ang mga mata nito sa kaniyang tinuran. Kay Lea niya ikinukuwento ang lahat ng nangyayari sa kaniyang buhay, ito rin ang bukod-tangi na nakaaalam tungkol sa kaniyang mysterious daddy na ngayon lang nagpakita. “You mean nagpakita na siya sa ’yo? OMG! Seryoso ka ba? Kumusta? Anong itsura niya? Matanda na ba siya? Maputi na ang buhok? Kulubot na ang balat? Panot ba siya?” Napahikab siya sa napakaraming tanong nito. Ang lahat ng inaasahang deskripsyon nito ay taliwas sa itsura ng kaniyang daddy. Muling naglakbay ang kaniyang diwa nang maalala ang guwapong mukha nito. “Hoy! Tinatanong kita! Ano nga ang itsura niya?” Itinulak ni Lea ang kaniyang noo na naging sanhi ng kaniyang pagnguso. “Ang sakit no'n ha?” “Paanong hindi ka masasaktan? Kanina pa kaya ako nagtatanong dito tapos wala ka man lang sinagot maski isa. Ano na nga? Kuwentohan mo ako tungkol sa mysterious daddy mo!” Titig na titig ito sa kaniya na tila nananabik sa kaniyang kuwento. “Ang daddy ko ay halos kasing edad ko lang. Hindi siya matanda, kulubot, o panot. S-sobrang… guwapo niya.” Humalakhak bigla si Lea sabay hampas sa kaniyang balikat. Napangiwi siya sa ginawa nito. “Kababasa mo ’yan ng mga kathang-isip na istorya! Tigilan mo na ’yang bisyo mo. Ayaw kong magkaroon ng kaibigan na baliw!” “Seryoso ako!” giit niya habang hinihimas ang balikat na hinampas nito. “Ewan ko sa ’yo. Gutom ka ba? Baka naman nagdodroga ka na, ha?” “Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala!” Isinubsob niya na lamang ang kaniyang mukha sa table at hindi na muling kinausap si Lea. Hindi niya ugali ang mag-explain sa mga taong ayaw maniwala sa mga sinasabi niya. “Hoy, Mika!” Naramdaman niya ang pagkalabit nito sa kaniyang braso ngunit hindi na niya inabala ang sarili na kausapin pa ang babae. Mabilis na natapos ang maghapon. Palabas na siya sa malaking gate ng paaralan nang mapansin ang grupo ng mga kababaihang estudyante na nagkukumpulan. Nangunot ang kaniyang noo nang mapansin si Lea na isa sa mga usisador na naroon. Lumapit siya sa kaibigan saka pasimple itong kinalabit. “Hoy, tsismosa! Ano bang pinagkakaguluhan niyo riyan?” aniya. “Huwag kang magulo, Mika! May naligaw na Adonis dito sa school natin! OMG! Ang guwapo!” “Adonis?” Napangiwi siya. Ang kilala niya kasing Adonis ay ’yong ka-village nila na madilaw ang ngipin at palagi pang nagmumuta ang mga mata. “Oo, Adonis! Ayon, oh! Tingnan mo naman kung gaano kaguwapo! Para siyang anghel na ipinatapon dito sa kalupaan!” nangingisay na sabi nito. Daig pa nito ang kinokombulsyon. Nakipagsiksikan siya sa mga estudyante na naroon at pinilit masulyapan ang tinutukoy ni Lea na Adonis. Ilang sabunot, kalmot, at tulak ang kaniyang natamo bago niya nakamit ang tagumpay na makita ang lalaki. Napanganga siya nang ang bumulaga roon ay ang kaniyang daddy. Nakasandal ito sa pintuan ng kotse habang humihithit ng sigarilyo. Hindi niya gusto ang lalaking naninigarilyo ngunit hindi niya alam kung bakit kapag ito ay ang angas tingnan. “I told you! Ang guwapo niya, ’di ba?” kinikilig pa ring sabi ni Lea. “L-Lea... S-siya ang Daddy ko.” Isang sapak na naman sa ulo ang kaniyang natamo mula sa kaibigan. “Aray!” malakas niyang daing. Masamang tingin ang ipinukol niya kay Lea habang sapo ang kaniyang ulo. “Tama lang ’yan para magising ka na sa kahibangan mo! Kanina ka pang umaga!” Muli pa sana siyang sasampalin nito sa ulo katulad ng nakagawian nitong gawin kapag naiirita sa kaniya ngunit isang malaking kamay ang pumigil sa palad nito. Magkasabay silang napatingala ni Lea sa may-ari ng kamay na ’yon. “D-Daddy!” laglag ang panga na usal niya. “How dare you lay your fucking hand on her?” buo at mariin na tanong nito kay Lea. Ang kaninang masayang mukha nito ay nabahiran ng takot. Namumula na rin ang pulso nito dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Crixzus. “D-Daddy ... K-Kaibigan ko siya!” Sinubukan niyang hawakan ang braso ng lalaki para awatin ito ngunit hindi ito nagpatinag. “Kaibigan? There's no such thing like that, baby. Kadalasan, kaibigan ka lang nila dahil may kailangan sila sa ’yo. And worst, aabusuhin ka nila katulad nang ginagawa niya sa ’yo.” Ano raw? Baby? tanong niya sa isip. May kung anong bagay na tila nagliparan mula sa kaniyang sikmura nang tawagin siya nitong baby. Itinapon nito sa ere ang kamay ni Lea na naging sanhi ng muntikang pagkatumba ng kaniyang kaibigan. Salamat na lang sa mga estudyante na naroon dahil nasalo si Lea ng isa sa kanila. “Are you alright?” Parang tumigil sa pag-inog ang kaniyang mundo nang haplusin nito nang marahan ang kaniyang ulo. “Tara na. Umuwi na tayo.” Inakbayan at saka inalalayan siya nito na makasakay sa passenger's seat ng kotse. Tigalgal na napasunod na lang siya sa lahat nang sabihin nito. Maging ang mga estudyante na naroon ay tila natulos sa kanilang mga kinatatayuan sa nangyari. Muli niyang sinulyapan ang kaibigan na si Lea. Katulad ng iba ay nakitaan niya ng pagkainggit ang mukha nito. Ang akala niya ay galit ito ngunit bago sila makaalis ay nag-thumbs up ito sa kaniya. “Bakit mo hinahayaan na saktan ka ng itinuturing mong kaibigan? Hindi ba dapat ay siya ang kasangga mo, tagapagtanggol, o ’di kaya ay sandalan mo?” pagbubukas nito ng usapan habang binabaybay nila ang daan. Saglit siyang nag-isip. Lahat naman ng sinabi nito ay nagawa na ni Lea kaya maituturing niyang tunay na kaibigan niya ang babae. “Nagkakamali ka nang iniisip, D-Daddy. Mabuting tao si Lea. Kung ano man ang nakita mong ginawa niya sa akin kanina ay ginagawa ko rin ’yon sa kaniya. Ganoon lang talaga kami.” Ang totoo ay mas malala pa kapag siya ang nanakit sa babae. Umuuwi ito minsan na ay bakat ng bente-kuwatro niyang ngipin sa braso. Hindi na ito tumugon sa kaniyang paliwanag. Ang akala niya ay dederetso na sila sa bahay ngunit ibang direksiyon ang kanilang tinahak. Patungo iyon sa sentro ng siyudad kaya naman nagtataka na napatingin siya sa seryoso nitong mukha. “Saan tayo pupunta? Hindi pa ba tayo uuwi?” Naramdaman niya ang pagkulo ng kaniyang tiyan. Kanina pa siya nagugutom kaya nais niya sana ay makauwi na agad para makakain. Napanguso siya nang hindi sumagot ang lalaki. Para sa kaniya ay mas okay pa na si Skye ang nakakasama niya dahil kahit papaano ay sinasagot siya nito. Huminto ang sasakyan. Bumaba ang kaniyang ama-amahan nang maayos na maiparada nito ang kotse sa isang parking lot. Siya naman ay nanatili sa kinauupuan habang hinihimas ang kaniyang nag-aalburuto na tiyan. Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pintuan sa kaniyang gilid. “Baba,” maotoridad nitong utos. Nagugulumihanan, napatingala siya sa lalaki. “Hihintayin na lang kita rito.” Pakiramdam niya kasi ay bibigay na ang kaniyang tuhod dahil sa gutom. “Tss. Gusto mo ba na buhatin pa kita riyan?” mayroong himig ng pagbabanta sa baritonong boses nito. May pagmamadaling nilisan niya ang sasakyan sa takot na baka totohanin nito ang sinabi. Mukha pa naman itong hindi nagbibiro. “Let’s go.” Lumiwanag ang kaniyang mukha nang makitang papasok ito sa isang restaurant. Biglang nabuhay ang katawang lupa niya nang maisip ang masasarap na pagkain. Lakad-takbo ang kaniyang ginawa para masabayan ang lalaki. Sobrang hahaba ng biyas nito kaya naman ang isang hakbang nito ay katumbas ng dalawang hakbang niya. Nang makaupo na sila sa table ay kaagad na ibinigay sa kaniya ni Crixzus ang menu. “Order whatever you want.” Kagat ang pang-ibabang labi na napangiti ang dalaga. Sa wakas ay malalamnan na rin ang kaniyang nag-aalburuto na tiyan. Mistula kasing nagdidigmaan na ang mga bulate niya. Nang makapili na siya ay kaagad kumaway sa waiter si Crixzus upang ibigay rito ang lahat ng kaniyang order. After a few minutes, magkakasunod nang ini-serve ang kanilang order. “Are you sure kaya mong ubusin lahat ’yan?” tanong ni Crixzus sa kaniya. Halos punuin kasi ng kaniyang mga order ang kanilang table. “T-tutulungan mo naman akong ubusin ’to, ’di ba po?” alanganin niyang tanong. “Tss.” Dinampot ni Crixzus ang fork at knife na nasa gilid ng plato. Natapos nila ang pagkain na halos puputok na ang kaniyang tiyan. Ayaw niyang magalit ang kaniyang daddy kaya naman pinilit niyang ubusin ang mga ito. Ngunit nasapo niya ang kaniyang tiyan nang makasakay sila sa kotse. Nakaramdam siya ng panlalamig at pagkabalisa. “Nakakainis! Bakit ngayon pa?” nausal niya sa sarili. “Is there something wrong?” Napansin marahil nito ang pagiging aligaga niya. Hindi siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. “A-ah, e-eh... O-okay lang ako," pagsisinungaling niya. Bigla kasi siyang tinawag ng kalikasan. Pakiramdam niya ay nakadungaw na ang dulo nito at ano mang oras ay papalabas na. “Okay,” maiksing tugon ni Crixzus bago binuhay ang makina ng kotse. Lalong tumindi ang sakit ng kaniyang tiyan nang umandar na ang sasakyan. Sumabay pa ang lamig ng aircon sa panlalamig na kaniyang nararamdaman. Mahigpit siyang napakapit sa pintuan nito habang namimilipit. “Hindi ka okay! Namumutla ka na! Dadalahin na kita sa ospital!” Mabilis siyang umiling. Hindi niya batid kung paano sasabihin sa kasama na napasobra lang ang kain niya. “H-hindi na kailangan…” “Shut up! Gusto mo ba na panoorin lang kita habang namimilipit sa sakit?” Biglang nag-U-turn ang sasakyan. Ilang segundo lang ay nasa tapat na sila ng hospital. “Come on!” May pagmamadali nitong tinanggal ang kaniyang seatbelt ngunit papalabas pa lang ito nang sasakyan nang sumabog na ang masamang hangin na kanina pa niya pinipigil. Dagli itong natigilan. “What the fuck is that smell?” Mabilis na tinakpan ni Crixzus ang kaniyang ilong. Ilang saglit pa’y bigla na lamang itong naduwal sa amoy. Mamatay-matay na ang binata bago nabuksan ang pintuan ng kotse. Nais ni Mikaela na lumubog na lang sa kaniyang kinauupuan dahil sa labis na kahihiyan. Masama siyang tiningnan ng lalaki. “Did you just fart?”Parang bata na napatango na lang siya. Napahilot sa sintido si Crixzus. “May public toilet sa 24/7 store na ’yon. Makigamit ka muna.” Itinuro nito ang store malapit sa ospital na kanilang hinintuan. Nasa lupa ang mga matang binaybay niya ang daan patungo sa store na ’yon. Pagbalik niya ay nag-i-spray ang lalaki ng air freshener sa loob ng kotse. “Pasok na. Uuwi na tayo,” malamig nitong utos nang mapuna na nakabalik na siya. Nanatili siyang tahimik hanggang makauwi. Ni hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kaniyang daddy. Dederetso na sana siya ng kwarto para doon na lang magmukmok ngunit mabilis nitong hinuli ang kaniyang pulso. Tila may boltahe ng kuryente na nanulay mula sa nagkadikit nilang mga balat patungo sa kaniyang dibdib. Sobrang tensyonado siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Maang na napatingin siya sa malamig nitong mga mata. “Forget what happened earlier. Lahat naman ng tao ay umuutot. Sobrang baho nga lang ng utot mo kumpara sa utot ng iba but it's n
Kalmadong kinuha ni Crixzus ang isang hard briefcase mula sa likuran ng sasakyan. Binuksan nito iyon, tumambad sa mga mata ng mga armado ang bugkos-bugkos na kulay asul na papel na pera.“Sapat na ba ito para pagbigyan mo ako?”Napatikhim ang lalaki sabay lingon sa mga kasama. Tumango ang mga ito, sumenyas na tanggapin ang pera. “I believe that silence means yes. Here, take it.”Isinarado ni Crixzus ang briefcase bago inilabas mula sa nakabukas na bintana ng kotse. Tinanggap iyon ng lalaki kasunod ang isang buntonghininga.“Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan, De La Croix. Dahil kung hindi ay malamig na bangkay ka nang lalabas dito.”Sumenyas ito sa ibang tauhan na papasukin sila sa bakuran. Nang maigarahe ang sasakyan, naunang bumaba si Crixzus para pagbuksan siya ng pinto. Nag-aalangan na napatingala siya sa lalaki. “Magiging okay ba tayo sa loob?”Sapat na ang lahat ng kaniyang nasaksihan para mabatid na hindi basta-basta lamang ang taong kanilang pinuntaha
“Sila ba talaga ang mga magulang ko?” nakababa ang mga matang tanong ni Mikaela kay Crixzus nang makauwi sila sa mansyon.Nagkasundo ang magkabilang panig na magsagawa ng DNA test upang matiyak ang kaniyang pagkakakilanlan.“Why don’t you seem glad to have seen them? Hindi ba isa ito sa mga nais mo? Ang malaman kung saan ka nagmula?” tanong ni Crixzus.Marahan na pagtango ang kaniyang naging sagot. “Siguro nasaktan lang ako sa parte na parang hindi ako tanggap ng aking ama. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na kilalanin namin ang isa't isa. Mas nangingibabaw sa kaniya ang galit.”Marahang hinaplos ni Crixzus ang kaniyang ulo dahilan para mapaangat ang kaniyang tingin. Wala mang emosyon ang mga mata nito ay tila mayroon itong magneto na humihila sa kaniya upang hindi patirin ang kanilang titigan.“Nais mo ba na pagaanin ko ang bigat na nararamdaman mo? May alam akong paraan.” Isang pilyong ngiti ang sumunod na sumilay sa kanina’y blangko nitong mukha.“A-anong paraan naman iyon?”
Sa isang madilim na silid, nagtipon ang mga matapat na tagasunod ni Crixzus. Ang malamlam na liwanag ng chandelier ang nagsisilbing ilaw ng mga anino sa bawat sulok ng kwartong iyon.“Aren't you going to explain to us what's going on? Magpapakasal ka sa dugo at laman ng mga Montereal? Isa itong kataksilan, De La Croix," saad ng malagong na boses, bakas sa tono nito ang galit. Si Marco Moretti, ang ulo ng sindikatong Red Serpents; isa sa kaalyansa ng kaniyang nasasakupan.Nasa gitna ng mahabang mesa si Crixzus kaharap ang mga kasapi, kalmado at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang kaniyang seryosong mukha.“Skye,” tawag niya sa kaniyang kanang kamay. Lumapit si Skye mula sa likuran, ang lalaking kilala sa pagiging matapat at maaasahan sa bawat kilos. Tumitig siya kay Crixzus, naghihintay ng utos.“Our members were already aware of my plan.”Inilatag niya sa mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa kanilang kalaban—si Montereal, ang hari ng mga sindikato na matagal nang kaaw
Mas naging madalas ang palitan ng putok ng baril sa labas ng mansiyon, habang si Mikaela ay nanatiling nakatayo sa gitna ng kaniyang madilim na silid... may kaba sa dibdib. “H-hindi ko alam! Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan!” Napasabunot siya sa sariling buhok, pikit-matang humikbi.Hinawakan ni Marco Moretti ang kaniyang baba—ang lider ng Red Serpents—inangat ang kaniyang mukha at pinakatitigan siya sa mga mata.“Mikaela,” ang boses nito ay maotoridad kaya kagyat siyang napamaang. “Kailangan mong magpasya ng tama. Ang mundo na kinabibilangan mo ay mas mapanganib kaysa sa inaakala mo.”“Pero... paano ako magtitiwala sa ’yo? Hindi nga kita lubusang kilala!” sigaw ni Mikaela, na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa halo-halong emosyon na naroon. “Alam kong kaalyansa ka ni Crixzus kaya kaduda-duda! Bakit nais mo akong tulungan? Bakit hindi mo sinabi sa akin nang mas maaga? Bakit hinintay mo pang ako mismo ang makatuklas ng mga lihim niya?”Napabuntonghining
Mas naging madalas ang palitan ng putok ng baril sa labas ng mansiyon, habang si Mikaela ay nanatiling nakatayo sa gitna ng kaniyang madilim na silid... may kaba sa dibdib. “H-hindi ko alam! Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan!” Napasabunot siya sa sariling buhok, pikit-matang humikbi.Hinawakan ni Marco Moretti ang kaniyang baba—ang lider ng Red Serpents—inangat ang kaniyang mukha at pinakatitigan siya sa mga mata.“Mikaela,” ang boses nito ay maotoridad kaya kagyat siyang napamaang. “Kailangan mong magpasya ng tama. Ang mundo na kinabibilangan mo ay mas mapanganib kaysa sa inaakala mo.”“Pero... paano ako magtitiwala sa ’yo? Hindi nga kita lubusang kilala!” sigaw ni Mikaela, na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa halo-halong emosyon na naroon. “Alam kong kaalyansa ka ni Crixzus kaya kaduda-duda! Bakit nais mo akong tulungan? Bakit hindi mo sinabi sa akin nang mas maaga? Bakit hinintay mo pang ako mismo ang makatuklas ng mga lihim niya?”Napabuntonghining
Sa isang madilim na silid, nagtipon ang mga matapat na tagasunod ni Crixzus. Ang malamlam na liwanag ng chandelier ang nagsisilbing ilaw ng mga anino sa bawat sulok ng kwartong iyon.“Aren't you going to explain to us what's going on? Magpapakasal ka sa dugo at laman ng mga Montereal? Isa itong kataksilan, De La Croix," saad ng malagong na boses, bakas sa tono nito ang galit. Si Marco Moretti, ang ulo ng sindikatong Red Serpents; isa sa kaalyansa ng kaniyang nasasakupan.Nasa gitna ng mahabang mesa si Crixzus kaharap ang mga kasapi, kalmado at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon ang kaniyang seryosong mukha.“Skye,” tawag niya sa kaniyang kanang kamay. Lumapit si Skye mula sa likuran, ang lalaking kilala sa pagiging matapat at maaasahan sa bawat kilos. Tumitig siya kay Crixzus, naghihintay ng utos.“Our members were already aware of my plan.”Inilatag niya sa mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa kanilang kalaban—si Montereal, ang hari ng mga sindikato na matagal nang kaaw
“Sila ba talaga ang mga magulang ko?” nakababa ang mga matang tanong ni Mikaela kay Crixzus nang makauwi sila sa mansyon.Nagkasundo ang magkabilang panig na magsagawa ng DNA test upang matiyak ang kaniyang pagkakakilanlan.“Why don’t you seem glad to have seen them? Hindi ba isa ito sa mga nais mo? Ang malaman kung saan ka nagmula?” tanong ni Crixzus.Marahan na pagtango ang kaniyang naging sagot. “Siguro nasaktan lang ako sa parte na parang hindi ako tanggap ng aking ama. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na kilalanin namin ang isa't isa. Mas nangingibabaw sa kaniya ang galit.”Marahang hinaplos ni Crixzus ang kaniyang ulo dahilan para mapaangat ang kaniyang tingin. Wala mang emosyon ang mga mata nito ay tila mayroon itong magneto na humihila sa kaniya upang hindi patirin ang kanilang titigan.“Nais mo ba na pagaanin ko ang bigat na nararamdaman mo? May alam akong paraan.” Isang pilyong ngiti ang sumunod na sumilay sa kanina’y blangko nitong mukha.“A-anong paraan naman iyon?”
Kalmadong kinuha ni Crixzus ang isang hard briefcase mula sa likuran ng sasakyan. Binuksan nito iyon, tumambad sa mga mata ng mga armado ang bugkos-bugkos na kulay asul na papel na pera.“Sapat na ba ito para pagbigyan mo ako?”Napatikhim ang lalaki sabay lingon sa mga kasama. Tumango ang mga ito, sumenyas na tanggapin ang pera. “I believe that silence means yes. Here, take it.”Isinarado ni Crixzus ang briefcase bago inilabas mula sa nakabukas na bintana ng kotse. Tinanggap iyon ng lalaki kasunod ang isang buntonghininga.“Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan, De La Croix. Dahil kung hindi ay malamig na bangkay ka nang lalabas dito.”Sumenyas ito sa ibang tauhan na papasukin sila sa bakuran. Nang maigarahe ang sasakyan, naunang bumaba si Crixzus para pagbuksan siya ng pinto. Nag-aalangan na napatingala siya sa lalaki. “Magiging okay ba tayo sa loob?”Sapat na ang lahat ng kaniyang nasaksihan para mabatid na hindi basta-basta lamang ang taong kanilang pinuntaha
Parang bata na napatango na lang siya. Napahilot sa sintido si Crixzus. “May public toilet sa 24/7 store na ’yon. Makigamit ka muna.” Itinuro nito ang store malapit sa ospital na kanilang hinintuan. Nasa lupa ang mga matang binaybay niya ang daan patungo sa store na ’yon. Pagbalik niya ay nag-i-spray ang lalaki ng air freshener sa loob ng kotse. “Pasok na. Uuwi na tayo,” malamig nitong utos nang mapuna na nakabalik na siya. Nanatili siyang tahimik hanggang makauwi. Ni hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kaniyang daddy. Dederetso na sana siya ng kwarto para doon na lang magmukmok ngunit mabilis nitong hinuli ang kaniyang pulso. Tila may boltahe ng kuryente na nanulay mula sa nagkadikit nilang mga balat patungo sa kaniyang dibdib. Sobrang tensyonado siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Maang na napatingin siya sa malamig nitong mga mata. “Forget what happened earlier. Lahat naman ng tao ay umuutot. Sobrang baho nga lang ng utot mo kumpara sa utot ng iba but it's n
“Kailangan mo nang maghanda. Ngayon ang nakatakdang araw ng inyong pagkikita ni Mister De La Croix.” Mahigpit na napakapit si Mikaela sa kaniyang unipormeng palda sa sinabi ng kaniyang personal bodyguard na si Skye. Parang tinatambol ang kaniyang dibdib na hindi maipaliwanag. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya ang taong dahilan kung bakit siya buhay. Ang taong nakapulot sa kaniya eighteen years ago. “May alam ka ba kung anong klaseng tao ang kumupkop sa akin? Ano ang mga hilig niya o 'di kaya ay ang mga ayaw niya. B-baka kasi hindi niya ako magustuhan.” Pasimpleng tumingin sa rear-view mirror ng kotse si Skye kung saan nakikita siya nito mula sa likuran. Sulyap lang ang ginawa nito at ibinalik na muli ang mga mata sa kalsada. “Just be yourself, Miss Mikaela.” Bagama’t hindi pa niya nakita at nakasama ang ama-amahan, batid niyang makapangyarihan na tao ito. Nakatira siya sa isang mala-mansiyon na bahay kung saan mayroong kompleto at mamahalin na mga kagamitan. Suno