Tanghali na at nakalimutan kong kumain kaninang umaga kaya nagugutom na ako. Nandito na kami sa resto at sobrang dami ng tao. Kaya mabilis dapat kami mag serve sa mga customers namin."Serve this in table number 10." Utos ng Manager sa akin. Kinuha ko ang tray at may lamang juices. Lalabas na sana ako sa kitchen ng bigla akong pinatid ni Alvira. Siyempre sumubsob ako sa sahig. P*ta. Yung mga juices natapon tapos tingin lahat sa akin ang mga tao. Nakakahiya. Damn. "Oh my! Samonte! Get up! Faster!" sabi ng Manager namin, nakita kong ngumisi si Alvira. Ano ba problema niya? Makakarma din siya. "What happened?" seryosong tanong ni Sir Frans sa amin. Kinabahan tuloy ako! "Nasubsob si Samonte, Sir." Napayuko tuloy ako, bwisit kasi si Alvira! "Sir, pinatid ako ni Alvira." Kalma kong sabi at akala siguro niya di ko siya babawian?"Miss. Choi and Miss. Samonte, come to my office now." P*tcha! Ito ang pinaka ayaw ko. "Anong nangyari, sis!?" panic na tanong ni Carol sa akin, sumenyas naman
Magbasa pa