Ako pala ang closing ngayon ako kasi pumalit sa katrabaho naming may emergency sa kanila. Kaya ang duty ko aabutin ako ng 10 PM. Pero keri ko naman kasi 9 PM na ng gabi. Isang oras na lang ang lilipas."Akala ko uuwi ka na?" tanong ko kay Carol na ngiting-ngiti."Hindi ba obvious? Overtime ako ngayon kaya sabay tayo uuwi." Alam ko na pakay niya kaya siya mag o-overtime. Hindi pa kasi lumalabas si Mr. Francisco sa office niya. Unti na lang ang mga customers namin, iilan na lang sila kasi magsasara na kami. Yung iba kumakain dito for family or dates. Ako kaya? Kailan kaya may mag aaya sa akin mag date? Mapapa-sana all nalang talaga ako.May biglang pumasok na lalaki at lalapitan ko agad para makuha ko kung anong order niya. Pag lapit ko sa kanya di siya nagsasalita, hindi din siya tumitingin sa menu. "Good evening Sir, what is your order?" magalang kong bati at tanong sa lalaki."You, can I order you." Nagulat ako ng tumingin siya sa akin. Siya yung kumuha ng pagkababae ko! Ang kapal
Pauwi na ako galing resto tapos sobrang sakit ng ulo ko! As in. Sa kamalas-malasan biglang umulan! Buti na lang at waterproof ang bag ko hindi mababasa yung mga importateng gamit ko. Wala pa akong masakyan! Malas talaga!Ilang minuto na lang malapit na ako sa condo. Medyo lumalabo na ang tingin ko, hindi pwedi 'to! May trabaho pa ako bukas.Pagpasok ko sa condo tumingin sila sa akin dahil para akong basang sisiw. Hinihintay ko na lang bumaba ang elevator. Nang nakababa na sumakay na ako buti na lang at walang sakay papunta sa taas. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil parang babagsak na ako. Huminto na sa 13th floor kung saan nandon ang unit ko. Hindi ko na masiyadong makita ang hallway na dinadaanan ko. At bigla na lang ako nawalan ng malay. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nakita kong wala ako sa kwarto ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang bigat nito. "I'm in the wrong room." Mahina kong sabi sa sarili ko dahil pamilyar itong kwarto na ito. Kwarto ng kumuha ng aking pag
"You are not wearing a bra." Paalala niya kaya napalayo ako sa kanya. Natameme tuloy ako dahil sa ginawa ko. Ano ba yan, Bellarae. Gagawa ka ng galaw nakalimutan mong wala kang suot na bra at panty."Sorry." Ngumiti ako ng pilit."Its okay, nakita ko na 'yan." Pagkasabi niya nanlaki ang mata ko."Uwi na ako," paalam ko at hindi niya na ako pinansin. Nakakahiya talaga!Pagpasok ko sa unit ko humiga ako sa kama. Bakit sa tuwing magkasama kami ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Sht naman. Tumayo na ako at nagpalit na hindi na muna ako mag tratrabaho mamaya. Hindi pa okay ang pakiramdam ko.Biglang may kumatok at tumayo ako para buksan ang pinto. Pagbukas ko nakita ko si Jasmine at Carol na may dalang pagkain at alak. Wrong timing naman sila magdala ng alak. Pero buti na lang hindi nila ako nakita sa kabilang condo. "Surprise!" bungad nila sa akin at pumasok na agad sila sa condo ko. Siyempre ang mga gaga feeling at home sila."Kamusta ka naman?" tanong ni Jasmine sa akin. At napansin
Tanghali na at nakalimutan kong kumain kaninang umaga kaya nagugutom na ako. Nandito na kami sa resto at sobrang dami ng tao. Kaya mabilis dapat kami mag serve sa mga customers namin."Serve this in table number 10." Utos ng Manager sa akin. Kinuha ko ang tray at may lamang juices. Lalabas na sana ako sa kitchen ng bigla akong pinatid ni Alvira. Siyempre sumubsob ako sa sahig. P*ta. Yung mga juices natapon tapos tingin lahat sa akin ang mga tao. Nakakahiya. Damn. "Oh my! Samonte! Get up! Faster!" sabi ng Manager namin, nakita kong ngumisi si Alvira. Ano ba problema niya? Makakarma din siya. "What happened?" seryosong tanong ni Sir Frans sa amin. Kinabahan tuloy ako! "Nasubsob si Samonte, Sir." Napayuko tuloy ako, bwisit kasi si Alvira! "Sir, pinatid ako ni Alvira." Kalma kong sabi at akala siguro niya di ko siya babawian?"Miss. Choi and Miss. Samonte, come to my office now." P*tcha! Ito ang pinaka ayaw ko. "Anong nangyari, sis!?" panic na tanong ni Carol sa akin, sumenyas naman
Ilang linggo na makalipas simula ang mangyari 'yon sa amin ni Bryce na nakulong kami sa freezer. Pero 'di ko pa rin makalimutan yung paghalik niya sa akin. Hindi ko alam kung bat niya ako hinalikan.Si Bryce Ellana ay matangkad, matangos ang ilong, maputi at gwapo. Kaya maraming babaeng nagkakagusto sa kanya."Darating si Kimsey mamaya, nag aaya pumarty." Sabi ni Jas dahil magka-videocall kaming tatlo. "Sure, anong oras ba?" tanong ni Carol."8PM, ikaw ba Rae?" tanong sa akin ni Jas."In." Sagot ko.Siyempre sabihan na naman nila ako ng killjoy pag di ako sumama.Tsaka si Kimsey kaibigan din namin at umuwi siya galing States. Party girls sila at ako hindi, kaya lagi nila ako nasasabihan na KJ."Okay, see you later girls!" and they ended the videocall.Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. Pero wala! 'Di pa ako nakakapag grocery kaya wala pang makain. Biglang may kumatok kaya agad kong pinuntahan para buksan.Pagbukas ko tumambad si Bryce sa harap ko."May patatas ka?" napa
"Sino ba tinitignan mo diyan?" napatingin ako kay Ryan na kanina pa dumadaldal. Tapos tumingin nanaman ako sa pwesto kong saan nakatayo si Bryce. Pero wala na siya doon, ginala ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko na siya makita. "W-wala." Tipid kong sagot at tumuloy na sa paglalakad. Bakit ganoon siya makatingin sa akin? Parang may nagawa akong mali. "May kasama ba ako? Mukhang muntanga kasi pag meron." Namumuro na talaga 'tong lalakeng to! "Kanina mo pa ako iniinis! Bahala ka nga diyan!" iniwan ko siya doon at mabilis akong naglakad. Kanina pa talaga siya nang-iinis. Nakakainis! Pumasok na ako sa grocery at kumuha ng push cart. Nakita kong sinundan niya ako, minsan kasi sutil si Ryan. Nakakainis na nakakaawa pag galit na ako. "Joke lang! Namiss lang kita inisin." Sumabay siya sa paglalakad ko."Ako magbabayad?" I suddenly stop."Sure ka?" seryoso kong tanong sa kanya at ngumiti siya. Pero joke lang 'yon. Siyempre pera niya iyon at ayaw ko dumagdag sa gastos niya. Alangan n
Nakabihis na ako at naka playsuit black ako na kita ang cleveage ko. Tapos nakalugay lang ang buhok ko. Ngayon lang ako mag susuot na ganito para 'di ako ibully ng mga kaibigan ko. Pag mag pa-party kasi kami naka jeans lang ako at tshirt tapos sila ang se-sexy nila. Siyempre nagmumukha akong manang pag ganon.Kinuha ko na ang pouch ko para bumaba na. Kasi naghihintay na sila Carol at Jas sa baba ng condo. Nananatili akong cold parin kay Bryce, kahit wala siyang pakialam.Sumakay na ako sa elevator kasi kanina pa tawag ng tawag yung dalawa. Mga uhaw sa alak. Tapos hahanap sila ng pweding lalandiin. Pero support pa rin ako sa kanila, alam na nila gagawin nila.Nakita ko na sila Carol at Jas, they both sexy! Naka red body-con si Carol tama lang sa nakalugay niyang buhok. Tapos si Jas naka brallete at maong shorts tapos naka pucca hairstyle siya. Cute. "Is that you, Rae?" salubong na sabi ni Jas sa akin and she pinch her cheeks. Talagang ayaw niya maniwala."Wow naman, saan ka nakakuha n
"Ang ingay niyo! Magpatulog naman kayo! Kawawa ako sa inyo kagabi!" inis kong sabi kasi napakaingay nilang tatlo. Nag-uusap sila kung sino daw mga nilandi nila kagabi. 'Di ba nila pag-uusapan kung paano sila nakauwi dito sa unit ko? "Sinong nagdala sa amin dito, Rae?" tanong ni Jas tapos ginigising ako. P*cha! Sobrang sakit ng ulo ko! Halos umaga din ako nakatulog dahil ang ingay nila matulog. Buti na lang sunday ngayon, walang trabaho. Saturday at Sunday lang kasi rest day ko. "Rae!" patuloy pa rin nila akong ginigising, tumayo ako at iniwan sila sa kwarto ko. Lumabas ako ng unit ko at kumatok kay Bryce.Nakakahiya man itong gagawin ko pero wala akong choice. Pag 'di ako umalis doon mas lalo lang nila akong guguluhin. Wala pa ako sa mood dahil sobrang sakit ng ulo ko. Kulang pa tulog ko, halos isang oras palang yata tulog ko."Pwedi munang dumito muna?" tanong ko sa kanya kahit bangag parin ako."O-okay." Sabi niya at humiga ako ng diretso sa couch niya. Buti na lang malambot ang c
I saw my wife playing with our son, I smiled again. Our Baby Rae is five years old and Bella is one month pregnant with our new baby. Buntis ulit siya at handa ko ulit siyang buntisin kapag limang taon na ulit ang pangalawa namin anak. Kahit na isang dosena ang anak namin kayang-kaya ko sila buhayin. I will do everything to my family. "Love!" tawag niya sa akin. "Yes, love?" I asked my wife."Inaantok na si Raelan." Lumapit ako sa kanila at binuhat si Raelan dahil inaantok na. I smirked."Bakit ka nakangisi? May binabalak ka nanaman ba?" tanong ng asawa ko at tumango ako."Ellana! Wag ngayon, please! Buntis na ako." Nagulat ako dahil nag walk out ang asawa ko! My wife is such a moody while preggy. My time na masungit siya sa akin but I understand.Pumunta na ako sa kwarto para maihiga na si Raelan. He's tired, naglaro kasi sila ng Mommy niya. Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko ang asawa ko na kumakain ng ice-cream sa sala habang nanunuod."Pahingi." Sabi ko sa asawa ko habang n
Ito na ang araw na pinakahihintay ko...namin ni Bryce. Naka ayos na ako at tapos na ang pictorial ko habang inaayusan ako. I'm so happy because today is our day! Nandito na kami sa isang hotel at ready na sa tabing dagat dahil doon kami ikakasal. Nandito sila Kimsey at kompleto kami pati na din ang family ni Bryce.Nang matapos na akong picturan na suot ang gown ko, oras na para bumaba na daw kami.I smiled."Tara na mommy ganda!" sabi ng mga nag make-up sa akin na mga bakla. They all fine, maganda sila kasama. While they fixing my make up all you heard is our laughed. Tawa lang kami ng tawa dahil magaling sila mag patawa. Habang inaalalayan nila ako sobrang saya ko! Kinakabahan na din ako dahil lahat sila nasa baba na, they all waiting!Nasa baba na kami at buti na lang malapit lang ang dapat lalakarin namin. Nandito na kami at naiiyak na ako. "Wag kang iiyak, Mommy, Masisira make-up mo." Mahinang sabi ni Monay na isa din sa mga bakla, ngumiti ako kay Monay.Tumugtog ang favorite
"Gawa na kasi tayo." Hindi ko ba alam kung nag jo-joke ba siya o hindi. Kanina pa siya nag aayang gumawa kami ng bata. Isang taon palang yung panganay namin gusto agad niyang sundan? Nananaginip yata si Bryce!"Habang wala pa si Baby Rae, sulitin na natin , love!" sobrang kulit niya! Wala kasi si Rae, hiniram ng Tito Frans niya."Pag kasal na tayo! Kahit mag sawa ka!" sabi ko habang inaayos ang higaan namin. "Gusto ko ngayon, love!" kumunot na ang noo ko dahil sa inis."Tumigil ka, Bryce! Isang linggo na lang ikakasal na tayo!" sigaw ko sa kanya dahil sa inis tapos lumapit naman agad siya sa akin. "Namiss lang kita...bugbugin sa kama." Then he chuckled at agad ko siyang binato ng unan. Confirmed, nang-iinis lang siya!Lumabas na ako dahil sa inis agad naman niya akong hinabol."Love! Joke lang!" habol na sabi niya at yinakap niya ako mula sa likuran ko. Bigla siyang nanlambing at nawala agad ang inis ko sa kanya."Ang aga-aga nang iinis ka, love." Reklamo ko agad."Joke lang." He ki
Habang nagluluto ako ng umagahan namin, napa-isip ako bigla. Bakit ilang araw nang walang paramdam sa amin si Carol? Medyo nag-aalala na kami dahil pag pumupunta sila Kimsey dito sa bahay sinasabi niyang busy lang siya. Kinukutuban din ako dahil hindi ganoon si Carol."Rae!" napatingin ako sa pinto kung saan papasok sila Jas at Kimsey."May nakapagsabi sa amin na may kinakasama daw si Carol." Seryosong sabi ni Kimsey, sobrang nagulat ako dahil hindi naman siya nag kwe-kwento sa amin."Oo, tsaka alam namin ang address kung saan nakatira yung lalaki." Sabi din ni Jas kaya sobrang nag-aalala na ako."So, we can go there now." Sabi ko at sakto tapos na ang niluto kong umagahan. Si Baby Rae nandoon sa garden kasama si Kuya.Nagbihis na agad ako para mapuntahan namin yung lalaking tinutukoy nila. Dahil kahit saan na namin hinanap si Carol, wala siya doon sa apartment niya."Kuya, may pupuntahan lang kami. Ikaw muna bahala kay Baby Rae." Paalam ko kay Kuya."Sure, pero saan ba kayo pupunta?"
"Final na ba? Beach wedding?" tanong ng coordinator namin for our wedding."Yes," sagot ko habang nakangiti, hindi mawala ang ngiti ko sa labi."Your wedding is on June 19 at La Union beach. The time of your wedding is 5pm in the afternoon. Is that clear?" parehas kaming tumango ni Bryce."Thank you, Miss Kaye." Pasasalamat namin sa kanya."No problem, I will make sure na pinaka magandang kasal ang mangyayari. Good bye." Paalam niya sa amin at umalis na. Dito kasi kami nag meeting sa restaurant ni Bryce."Uwi na tayo, love?" kanina niya pa gusto umuwi dahil miss niya na agad si Baby Rae."Okay." Sagot ko, nandoon kasi si Baby Rae sa bahay nila. Nahihiya pa akong makisalamuha sa ate niya, then first time ko pumunta sa bahay nila. Iba kasi yung bahay na pinuntahan ko nung nag deliver ako."Are you alright?" Bryce asked. "O-Oo, love. Okay lang ako." Sagot ko sa kanya."Love?" napatingin ako sa kanya habang seryoso siyang nagdri-drive. "I love you." I suddenly smiled."I love you too."
Nandito kami ngayon sa kitchen at naka stroller si Baby. Para kahit kumain kami dito nakikita pa din namin siya. "I can't believe it, nasa harap na kita ngayon." Sabi ko kay Bryce habang nagluluto siya ng breakfast namin. Si Kuya kasi ang aga niyang umalis, 'di ko alam kung saan ang punta niya."Tapos naiinis pa ako noong birthday ko! Pumunta ka dito kasama si Olivia." Reklamo ko sa kanya."She wants to say sorry to you. But you didn't talk to us that day. Siya rin mismo nag-aya na puntahan ka namin." sabi niya kahit ang tingin niya nasa niluluto niya."Wala 'eh, nakain ako ng sakit that time." I said."Yeah, I know." He stopped cooking and he kissed me quickly. Bigla tuloy ako kinilig!"Dami mong throwback." Mahina niyang sabi at ngumisi pa siya."Pre! Kanina pa ako nasa labas di mo man– ay shit! Nandito pala ex mo?" napatingin kaming pareho kay Ryan na pumasok sa bahay."Bakit ka nandito, Ellana?" masungit na tanong ni Ryan. Sinenyasan ko siya na tumahimik pero 'di siya nakinig sa
"Long time no see, Bell" para akong na estatwa sa kinatatayuan ko."I missed you." Dagdag niyang sabi. "May anak kana pala?" tumawa siya ng pilit at mas lalo siyang lumapit sa akin.Kinakabahan ako."Bakit iniwan mo ako bigla?" napalunok ako sa tanong niya. Hindi ba niya alam kong anong ginawa niya sa akin? "Niloko mo lang naman ako, Bryce." Traydor ang mga luha ko kaya dahan-dahan ko 'yon pinunasan. "You give me a reason to leave you, Bryce." Iadded. "You didn't give me a chance to explain. Oo, nasaktan kita dahil hindi ko sinabi agad sa 'yo. Pero no'ng handa na akong sabihin sa 'yo lahat...ayaw mo ako pakinggan." Napatingin ako sa kanya, may mga luha ding tumutulo sa mata niya. "Bakit? Ayaw kitang pakinggan noon, alam mo kung bakit? Kasi sobra niyo akong sinaktan, Bryce! Nag-alala ako ng mga araw na 'yon! Tapos malalaman ko doon kay..... Olivia na ikakasal na kayo? Nakakagago lang, Bryce!" my voice is hoarse. Para akong minamalat at nawawalan ng boses. "But you didn't give me
Nasa Pinas na kami at sobrang namiss ko dito. Sila Kimsey ay nauna na sila tapos kami nila Kuya naghahanap ng makakainan. Gutom na kasi kaming tatlo, napatingin ako sa baby ko na sobrang himbing matulog. Pumasok kami sa isang italian restaurant at napaisip ako sa name ng restaurant. Medyo cringe kasi basahin.BB Cuisine, iyan yang pangalan."Doon tayo," turo ni Kuya sa pinakagilid at binati naman kami ng nga crews nila dito. Umupo kami at katabi ko si Ryan. "Punta lang ako sa CR, mag order na kayo ng kakainin natin." Sabi ni Kuya at tumingin kami sa menu kung anong kakainin namin."Ako na muna magbuhat sa kanya, ikaw na mamili." Sabi ni Ryan at ibinigay ko sa kanya si Baby para maka order na kami.Nakapili na ako at nagtawag na si Ryan ng waiter para makapag order na kami. "Good morning, what– Bellarae?" nanlaki ang mata ko! Onti-onti kong tinignan yung pamilyar na lalaki sa harap namin. Si Bryce! Sa sobrang gulat ko ay napatingin na lang ako kay Ryan! "H-Hey, Bryce!" nagpilit ng
Gabi na at wala na sila Kimsey dito sa bahay. Silang tatlo kasi doon nakatira kila Kimsey, doon muna sila tumutuloy. Habang nakahiga ako sa kama naalala kong birthday pala ni Ryan bukas! Nag-iisip ako kung anong puweding gawin."Bakit gising kapa?" narinig ko ang boses ni Ryan sa pinto."Puweding pumasok?" paalam niya at tumango ako."Happy birthday!" sabi ko at yinakap ko siya."Excited? Wala pang alas dose!" mahina niyang sabi dahil tulog na si baby Rae."Kahit na, ayaw mo 'yon? Ako yung unang babati sayo." Sabi ko at nakayakap parin ako sa kanya"Thank you kasi nandiyan ka palagi para sa akin, sa amin ni baby Rae at ni KuyaThank you sa lahat." I said and he pat my shoulder"Yes of course , I'm here to help and protect you." Parang ang sweet niya ngayon!"May sasabihin ako..." napatingin ako sa kanya at kinakabahan ako. Maging siya ay kinakabahan kahit naka air-conditioned dito sa bahay pinagpapawisan siya."Mahal kita, pre." I literally shocked. Napa-usog pa ako!"W-what?" ulit ko