Tanghali na at nakalimutan kong kumain kaninang umaga kaya nagugutom na ako. Nandito na kami sa resto at sobrang dami ng tao. Kaya mabilis dapat kami mag serve sa mga customers namin.
"Serve this in table number 10." Utos ng Manager sa akin. Kinuha ko ang tray at may lamang juices. Lalabas na sana ako sa kitchen ng bigla akong pinatid ni Alvira. Siyempre sumubsob ako sa sahig. P*ta. Yung mga juices natapon tapos tingin lahat sa akin ang mga tao.Nakakahiya. Damn."Oh my! Samonte! Get up! Faster!" sabi ng Manager namin, nakita kong ngumisi si Alvira. Ano ba problema niya? Makakarma din siya."What happened?" seryosong tanong ni Sir Frans sa amin. Kinabahan tuloy ako!"Nasubsob si Samonte, Sir." Napayuko tuloy ako, bwisit kasi si Alvira!"Sir, pinatid ako ni Alvira." Kalma kong sabi at akala siguro niya di ko siya babawian?"Miss. Choi and Miss. Samonte, come to my office now." P*tcha! Ito ang pinaka ayaw ko."Anong nangyari, sis!?" panic na tanong ni Carol sa akin, sumenyas naman akong mamaya ko na sasabihin.Pagdating namin sa office sobrang seryoso ni Sir Frans."Anong nangyari sa kitchen? Nakakahiya kayo!" sa puntong ito galit si Sir Frans."Lalampa-lampa kasi si Samonte, Sir." Nagulat ako sa sinabi ni Alvira! Demonyita talaga! Nakakagigil siya! Buti na lang at nakontrol ko yung inis ko sa kanya kanina. Kung hindi baka dumugo na bibig niya, kanina pa."Liar. Pinatid mo ako." Sabi ko sa kanya, siyempre ipaglalaban ko ang sarili ko. Ano siya? Swerte?"Ano ba talaga ang nangyari? Dalawa kayo isu-suspend ko!" sigaw ni Sir Frans sa galit niya. Buti na lang soundproof ang office niya!Biglang bumukas ang pinto ng office niya at lumabas don si Bryce."I saw what happened." Nagulat si Alvira sa sinabi ni Bryce."I saw it, pinatid nya si Samonte." Sabi niya sa Kuya niya."Alam mo ba kong anong ginawa mo, Miss Choi? Nakakahiya sa mga customers! Nakita mo namang tumingin sila sa inyo." Ngayon ko lang nakitang nagalit si Sir Frans."3 days suspension, Miss. Choi." Buti na lang dumating si Bryce, pero paano niya nakita lahat ng iyon?"Bakit ako lang? Kasalanan din naman ni Samonte, Sir!" kahit na sinabing siya lang ang may kasalanan ay talagang pinipilit niyang may mali rin ako. Nakakainis!"Why are you pushing her? Nakita ko lahat." Bakit kumakampi siya sa akin? Bakit niya ako kinakampihan bigla?"No more buts, Miss Choi. You are suspended." Pagkasabi ni Sir Frans lumabas na si Alvira sa office na nagdabog."Is she a crazy?" tanong ni Bryce habang umupo sa sofa ng office."Babalik na po ako sa labas." Sabi ko tapos no'ng tumayo ako napaupo ulit ako. May pasa malapit sa siko ko dahil iba kasi yung pagkakasubsob ko kanina."Are you sure you can go back to your work?" tanong ni Sir Frans at tumango ako."Yes sir, I can." Sagot ko at pinilit kong tumayo para lumabas na.Nang lumabas ako sa office nakita ko si Carol na naghihintay."Anong nangyari sayo, sis? Gusto mo resbakan ko na 'yon?" akmang susugurin niya na pero siyempre pinigilan ko na. Kilala ko siya eh."Kalma, magpapatalo ba ako? Siyempre kasalanan niya, kasi wala akong kasalanan." I said habang hinihilot ko yung siko ko.Bumalik na kami sa trabaho namin baka maabutan kami ni Sir Frans na nag chi-chismisan."Okay ka lang?" tanong ng isang kasamahan naming babae. I smiled at her."Oo naman." Sagot ko sa kanya."Nakita ko nga ginawa niya sa 'yo kanina, sobrang init nga ng ulo niya sa 'yo. Madami na ding naiinis sa kanya na katrabaho natin." Kwento niya sa akin, insecure ba siya?"Hayaan na natin siya, baka may problema lang siya." Sabi ko sa kanya."Runner!" sigaw nila sa loob."Maiwan na muna kita, kailangan nila ng runner sa loob." Ngumiti ako at nagpaalam na ako sa kanya."Miss Samonte ,can you get some strawberries in the freezer?" tumango ako sa isang chef na nag-utos at pumunta na 'ko sa walk-in freezer.Pagpasok ko siyempre sobrang lamig sa loob. May ilang linya tong freezer, para sa mga prutas, meats, at iba pa. Kumuha ako ng strawberries at nilagay sa tray."Wala namang cctv dito, makakain nga." Mahina kong sabi at tumikim ng strawberries.Nagulat ako ng biglang magsara ang freezer! Hindi pwedi dahil hindi na mabubuksan! Napaurong ako ng makita ko si Bryce na kumukuha ng ice cream."W-why are you here?" tanong niya habang kinakain niya yung ice cream na kinuha niya."M-May nagsara ng pinto!" panic kong sabi at halos mahulog niya yung kinakain niyang ice cream. Tapos pinipilit niyang buksan yung pinto ng freezer. Sht. Naninigas na ako!"Help!" tinutoktok niya ang pinto para may makarinig sa amin."Fvk! Come here!" sabi niya at halos mapaupo ako sa sobrang lamig. Niyakap niya ako at hinipan niya ang kamay niya para ilagay sa tainga ko. Pero hindi parin tumatalab!"T*ngina! Bella!" hindi ko na maimulat ang mata ko dahil sa lamig. Para akong nabubulag dahil pati mata ko naninigas na."Tulong!" tuloy pa din ang sigaw niya at sana may makarinig sa amin sa labas.Yakap-yakap niya lang ako sa bisig niya. Di ko ine-expect na hahalikan niya ako. Tapos ang tagal tapos ramdam ko yung hininga niyang mainit!Narinig naming binubuksan ang freezer kaya kumawala ang halik niya sa akin. Pagbukas ng pinto nakita namin sila Sir Frans na nagpapanic pati si Carol.Lumapit sa amin sila Sir Frans para tulungan kami. Pero nakayakap lang sa akin si Bryce hanggang sa makalabas kami sa freezer."Get some hot tea! Faster!" utos ni Sir Frans sumunod naman sila kaagad."I have a blanket in my office, are you okay?" tanong niya muli sa amin. Pero ako naninigas pa rin sa lamig.Hanggang sa mawalan ako ng malay.-Ilang linggo na makalipas simula ang mangyari 'yon sa amin ni Bryce na nakulong kami sa freezer. Pero 'di ko pa rin makalimutan yung paghalik niya sa akin. Hindi ko alam kung bat niya ako hinalikan.Si Bryce Ellana ay matangkad, matangos ang ilong, maputi at gwapo. Kaya maraming babaeng nagkakagusto sa kanya."Darating si Kimsey mamaya, nag aaya pumarty." Sabi ni Jas dahil magka-videocall kaming tatlo. "Sure, anong oras ba?" tanong ni Carol."8PM, ikaw ba Rae?" tanong sa akin ni Jas."In." Sagot ko.Siyempre sabihan na naman nila ako ng killjoy pag di ako sumama.Tsaka si Kimsey kaibigan din namin at umuwi siya galing States. Party girls sila at ako hindi, kaya lagi nila ako nasasabihan na KJ."Okay, see you later girls!" and they ended the videocall.Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. Pero wala! 'Di pa ako nakakapag grocery kaya wala pang makain. Biglang may kumatok kaya agad kong pinuntahan para buksan.Pagbukas ko tumambad si Bryce sa harap ko."May patatas ka?" napa
"Sino ba tinitignan mo diyan?" napatingin ako kay Ryan na kanina pa dumadaldal. Tapos tumingin nanaman ako sa pwesto kong saan nakatayo si Bryce. Pero wala na siya doon, ginala ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko na siya makita. "W-wala." Tipid kong sagot at tumuloy na sa paglalakad. Bakit ganoon siya makatingin sa akin? Parang may nagawa akong mali. "May kasama ba ako? Mukhang muntanga kasi pag meron." Namumuro na talaga 'tong lalakeng to! "Kanina mo pa ako iniinis! Bahala ka nga diyan!" iniwan ko siya doon at mabilis akong naglakad. Kanina pa talaga siya nang-iinis. Nakakainis! Pumasok na ako sa grocery at kumuha ng push cart. Nakita kong sinundan niya ako, minsan kasi sutil si Ryan. Nakakainis na nakakaawa pag galit na ako. "Joke lang! Namiss lang kita inisin." Sumabay siya sa paglalakad ko."Ako magbabayad?" I suddenly stop."Sure ka?" seryoso kong tanong sa kanya at ngumiti siya. Pero joke lang 'yon. Siyempre pera niya iyon at ayaw ko dumagdag sa gastos niya. Alangan n
Nakabihis na ako at naka playsuit black ako na kita ang cleveage ko. Tapos nakalugay lang ang buhok ko. Ngayon lang ako mag susuot na ganito para 'di ako ibully ng mga kaibigan ko. Pag mag pa-party kasi kami naka jeans lang ako at tshirt tapos sila ang se-sexy nila. Siyempre nagmumukha akong manang pag ganon.Kinuha ko na ang pouch ko para bumaba na. Kasi naghihintay na sila Carol at Jas sa baba ng condo. Nananatili akong cold parin kay Bryce, kahit wala siyang pakialam.Sumakay na ako sa elevator kasi kanina pa tawag ng tawag yung dalawa. Mga uhaw sa alak. Tapos hahanap sila ng pweding lalandiin. Pero support pa rin ako sa kanila, alam na nila gagawin nila.Nakita ko na sila Carol at Jas, they both sexy! Naka red body-con si Carol tama lang sa nakalugay niyang buhok. Tapos si Jas naka brallete at maong shorts tapos naka pucca hairstyle siya. Cute. "Is that you, Rae?" salubong na sabi ni Jas sa akin and she pinch her cheeks. Talagang ayaw niya maniwala."Wow naman, saan ka nakakuha n
"Ang ingay niyo! Magpatulog naman kayo! Kawawa ako sa inyo kagabi!" inis kong sabi kasi napakaingay nilang tatlo. Nag-uusap sila kung sino daw mga nilandi nila kagabi. 'Di ba nila pag-uusapan kung paano sila nakauwi dito sa unit ko? "Sinong nagdala sa amin dito, Rae?" tanong ni Jas tapos ginigising ako. P*cha! Sobrang sakit ng ulo ko! Halos umaga din ako nakatulog dahil ang ingay nila matulog. Buti na lang sunday ngayon, walang trabaho. Saturday at Sunday lang kasi rest day ko. "Rae!" patuloy pa rin nila akong ginigising, tumayo ako at iniwan sila sa kwarto ko. Lumabas ako ng unit ko at kumatok kay Bryce.Nakakahiya man itong gagawin ko pero wala akong choice. Pag 'di ako umalis doon mas lalo lang nila akong guguluhin. Wala pa ako sa mood dahil sobrang sakit ng ulo ko. Kulang pa tulog ko, halos isang oras palang yata tulog ko."Pwedi munang dumito muna?" tanong ko sa kanya kahit bangag parin ako."O-okay." Sabi niya at humiga ako ng diretso sa couch niya. Buti na lang malambot ang c
Nag-aaya sila Kimsey na mag kape sa labas, siyempre kape 'yon kaya sasama agad ako. Buti na lang 12 PM pa ang trabaho namin ni Carol. Nagbihis na agad ako naka white v-neck tshirt lang ako tapos ripped jeans. Sinuot ko na din yung favorite na sapatos ko na binili pa sa akin ni Papa.Susunduin daw ako nila Jas, wala kasi akong sasakyan. Nasa dating bahay yong kotse ko, si Mama gumagamit pati yung mga nagiging asawa niya. So, sino bang magaganahang gamitin kong iba-iba na ang gumagamit. Bumaba na ako at nakita ko na sila Carol na naghihintay sa parking area. Pumasok na ako sa passenger seat sa harap. Ang iingay nila pagkapasok ko! Rinig ko na sa labas ng kotse yung mga boses nila! "Rae! Kami na ni Nicohlai!" sabi agad sa akin ni Kimsey. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Yung kaibigan ni Bryce!" paalala ni Jas at kilig na kilig pa sila.Ang dali namang naging sila?! Mamaya iiyak iyak nanaman siya sa amin dahil brineak siya agad ng mga nagiging jowa niya. "Congrats." sabi ko, nata
Nilalamig ako dahil hindi ako na-inform na yelo pala yung lumalabas sa aircon nila! Jusme. Tapos yung pinapanuod namin iba! Puro kasama namin dito sa sinehan puro mag-jowa.Hinahanap ko nga si Jasmine pero wala siya dito, baka iba pinanuod nila. Nasa bedscene na yung pinapanuod namin tapos napatingin ako kay Bryce na galaw siya ng galaw."Sht. I didn't know ganito pala 'tong movie na 'to. Akala ko barilan!" inis na sabi niya sa sarili niya. 'Di niya siguro nakita yung poster sa labas. Baka ang alam niya action ito. Action naman 'to ah? Naglalaban yung mga dila ng mga kontrabida.Tapos ako tumingin sa malaking screen at p*cha. Wala na silang mga damit! Nailang tuloy ako ngayon. Biglang tumayo si Bryce at hinila ako.Pagdating namin sa labas namumula yung tainga niya. Tapos medyo pawis siya ang lamig lamig kaya sa loob! Halos sipunin nga ako sa loob eh."Sorry, hindi ko alam na ganoon yun." Tuloy na sabi niya."Okay lang, tara mag arcade na lang tayo." I said kasi sinisisi niya sarili n
Sobrang aga kong nagising at nakaligo na din ako. Naka blue croptop lang ako at maong shorts. Nakapag ayos na din ako ng gamit at nilagay sa maleta ko pero maliit lang. Nag vibrate na ang phone ko at nag message na sila Carol na nasa lobby na daw sila sa baba. Paglabas ko saktong lumabas si Bryce kaya napaiwas ako ng tingin. Sumabay siya sa akin sa paglalakad, siyempre wala nanamang imikan. "Good morning." He greeted me while he was smiling."Morning." Sabi ko.Magkatabi kami sa elevator at amoy na amoy ko yung pabango niya. Lakas makahila ng babae! Tapos naka shorts siya ng itim at naka white na polo, summer na summer, ha? Nagsuot pa ng itim na shades. Edi mas lalo siya gumwapo! Pagdating namin sa baba nandoon na silang lahat at kami na lang ang kulang. Tapos yung mga pormahan ng mga ate mo! Ang se-sexy nila oy! Si Kimsey naka brallete na may doubleng polo na itim naka shorts din siya. Si Jas naman naka summer dress na sobrang sexy kita ang. cleavege niya. Tapos si Carol naka crop
Pagdating namin sa kakainan namin bigla silang tumingin sa amin ni Bryce. Tapos sila Carol parang nang-aasar pa ng tingin. Nawala lang ako saglit ganito na sila? Sila Nicohlai iba yung ngiti nila kay Bryce. Baka iniisip nila nag s*x kami? Advanced sila mag-isip kong ganoon."Anong ginawa niyo?" natatawang tanong ni Kimsey sa amin."Tinawag ko lang siya, wag kang ano. " Mataray kong sagot sa kanya."Sus. Hydrated ka na?" tapos tumawa yung mga gaga!"Gago." Mahina kong sabi sa kanila at umupo na ako para ituloy yung pagkain ko.Busy na kami kumain at wala na ngang nagsasalita. Nakakailang balik na din sila dahil sarap na sarap sila sa mga pagkain. Pero masarap naman talaga lalo na yung insaladang talong! Tapos yung inihaw na bangus nila. Lahat kami naka-kamay kumain. Kaya tuloy ang sarap kumain!Mga siguro isa't kalahating oras na kami dito. Ako ay tapos na ako kumain pati sila Bryce tapos na din. I decided to go first para makapaglakad-lakad muna."Sis, magpapalit na kami. Ikaw?" tanon