Nag-aaya sila Kimsey na mag kape sa labas, siyempre kape 'yon kaya sasama agad ako. Buti na lang 12 PM pa ang trabaho namin ni Carol. Nagbihis na agad ako naka white v-neck tshirt lang ako tapos ripped jeans. Sinuot ko na din yung favorite na sapatos ko na binili pa sa akin ni Papa.Susunduin daw ako nila Jas, wala kasi akong sasakyan. Nasa dating bahay yong kotse ko, si Mama gumagamit pati yung mga nagiging asawa niya. So, sino bang magaganahang gamitin kong iba-iba na ang gumagamit. Bumaba na ako at nakita ko na sila Carol na naghihintay sa parking area. Pumasok na ako sa passenger seat sa harap. Ang iingay nila pagkapasok ko! Rinig ko na sa labas ng kotse yung mga boses nila! "Rae! Kami na ni Nicohlai!" sabi agad sa akin ni Kimsey. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Yung kaibigan ni Bryce!" paalala ni Jas at kilig na kilig pa sila.Ang dali namang naging sila?! Mamaya iiyak iyak nanaman siya sa amin dahil brineak siya agad ng mga nagiging jowa niya. "Congrats." sabi ko, nata
Nilalamig ako dahil hindi ako na-inform na yelo pala yung lumalabas sa aircon nila! Jusme. Tapos yung pinapanuod namin iba! Puro kasama namin dito sa sinehan puro mag-jowa.Hinahanap ko nga si Jasmine pero wala siya dito, baka iba pinanuod nila. Nasa bedscene na yung pinapanuod namin tapos napatingin ako kay Bryce na galaw siya ng galaw."Sht. I didn't know ganito pala 'tong movie na 'to. Akala ko barilan!" inis na sabi niya sa sarili niya. 'Di niya siguro nakita yung poster sa labas. Baka ang alam niya action ito. Action naman 'to ah? Naglalaban yung mga dila ng mga kontrabida.Tapos ako tumingin sa malaking screen at p*cha. Wala na silang mga damit! Nailang tuloy ako ngayon. Biglang tumayo si Bryce at hinila ako.Pagdating namin sa labas namumula yung tainga niya. Tapos medyo pawis siya ang lamig lamig kaya sa loob! Halos sipunin nga ako sa loob eh."Sorry, hindi ko alam na ganoon yun." Tuloy na sabi niya."Okay lang, tara mag arcade na lang tayo." I said kasi sinisisi niya sarili n
Sobrang aga kong nagising at nakaligo na din ako. Naka blue croptop lang ako at maong shorts. Nakapag ayos na din ako ng gamit at nilagay sa maleta ko pero maliit lang. Nag vibrate na ang phone ko at nag message na sila Carol na nasa lobby na daw sila sa baba. Paglabas ko saktong lumabas si Bryce kaya napaiwas ako ng tingin. Sumabay siya sa akin sa paglalakad, siyempre wala nanamang imikan. "Good morning." He greeted me while he was smiling."Morning." Sabi ko.Magkatabi kami sa elevator at amoy na amoy ko yung pabango niya. Lakas makahila ng babae! Tapos naka shorts siya ng itim at naka white na polo, summer na summer, ha? Nagsuot pa ng itim na shades. Edi mas lalo siya gumwapo! Pagdating namin sa baba nandoon na silang lahat at kami na lang ang kulang. Tapos yung mga pormahan ng mga ate mo! Ang se-sexy nila oy! Si Kimsey naka brallete na may doubleng polo na itim naka shorts din siya. Si Jas naman naka summer dress na sobrang sexy kita ang. cleavege niya. Tapos si Carol naka crop
Pagdating namin sa kakainan namin bigla silang tumingin sa amin ni Bryce. Tapos sila Carol parang nang-aasar pa ng tingin. Nawala lang ako saglit ganito na sila? Sila Nicohlai iba yung ngiti nila kay Bryce. Baka iniisip nila nag s*x kami? Advanced sila mag-isip kong ganoon."Anong ginawa niyo?" natatawang tanong ni Kimsey sa amin."Tinawag ko lang siya, wag kang ano. " Mataray kong sagot sa kanya."Sus. Hydrated ka na?" tapos tumawa yung mga gaga!"Gago." Mahina kong sabi sa kanila at umupo na ako para ituloy yung pagkain ko.Busy na kami kumain at wala na ngang nagsasalita. Nakakailang balik na din sila dahil sarap na sarap sila sa mga pagkain. Pero masarap naman talaga lalo na yung insaladang talong! Tapos yung inihaw na bangus nila. Lahat kami naka-kamay kumain. Kaya tuloy ang sarap kumain!Mga siguro isa't kalahating oras na kami dito. Ako ay tapos na ako kumain pati sila Bryce tapos na din. I decided to go first para makapaglakad-lakad muna."Sis, magpapalit na kami. Ikaw?" tanon
Nandito kami sa tabing dagat dahil mag bo-bonfire kami. Naka circle kami at may mga alak ding nakahanda. Mayroon ring gitara 'di ko alam kong sinong gagamit non'. "Kanta ka, Rae!" nagulat ako sa sinabi ni Jas, napatingin naman sa akin sila Bryce. Nahihiya ako kumanta ngayon! "Sino marunong mag gitara?" tanong naman ni Carol sa mga boys."Si Bryce! Marunong yan." Turo ni Nicohlai kay Bryce na kinagulat niya. Binigay nila yung gitara kay Bry tapos kinuha din niya iyon agad. Kinakabahan tuloy ako. "What song?" naglakas loob akong lumapit sa kanya at sinabi ko ang title ng kanta. Nagulat pa sila kong bakit lumapit ako kay Bryce. "Could I Love You Any More." mahina kong sabi at nagsimula na siyang mag gitara. Alam niya ba 'yong kanta?Kinakabahan ako. I start singing the intro.Nakatingin lang siya sa akin habang nag gigitara siya. Yung tingin niya para akong matutunaw! Tapos nung malapit na ako sa chorus bigla niya akong sinabayan. Siyempre kinilig yung mga gaga! Todo cheer pa sa a
"Gising na!" napaupo ako sa boses ni Kimsey. Wala na si Bryce sa tabi ko! Tumayo na ako at nag stretching pa. "Napagod kaba kagabi?" tanong ni Jas sa akin habang nagsusuklay. "Gagi! Walang nangyari sa amin noh!" I replied. Nagsuklay na din ako at toothbrush. "Hoy Carol! Saan ka pumunta kagabi?" tanong ko habang nag bru-brush ako. "Naghanap ng pagkain, nauna lang kayo ni Bryce dito eh. Magkatabi pa nga kayo natulog with matching yakap pa! So sweet!" pang-aasar ni Carol sa akin at nagtawanan pa sila. "Mas lalo naman yung dalawa, sobrang ingay nila!" pang bubulgar ni Jas kay Kimsey na kinapula ng pisngi niya. "Gagi! Paano naman kasi pumasok kayo ni Errol doon sakto dinidiligan niya ako! Buti na lang nakakumot kami." Kwento ni Kimsey sa amin! Isa siyang alamat sa aming magkakaibigan. "Ang landi nito!" asar nila kay Kimsey tapos tuwang-tuwa pa siya. Nag ayos na kami para mag breakfast na, sakto kumatok na yung mga lalaki. Nauna ng lumabas sila Carol dahil bumalik ako sa room namin
Gabi na at nandito kami ngayon sa bar area, huling gabi na kasi namin dito sa La Union. Kaya sinusulit na namin dahil maaga kaming uuwi bukas sa Manila. Nag-order na sila Nicohlai ng drinks namin, siyempre hard drinks sa mga boys. Pero sinabihan na namin silang wag sila masiyadong uminom dahil mag dri-drive sila. Tsaka kailangan din namin bumalik sa Manila dahil may mga trabaho kami. Katabi ko ngayon si Bryce, mahaba kasi itong table namin. Kaya medyo layo-layo kaming walo. Dumating na ang mga drinks kaya uminom na sila. Si Bryce kumuha na din ng beer. Nakita kong pinagbuksan niya ako ng light beer."Thanks." sabi ko at uminom na. May mga pulutan din silang in-order.Nakita ko sila Kimsey na nagla-lambingan. Kasi kapag nasa Manila na hindi na sila pwedi mag lambingan. Ayaw pa kasi ng parents ni Kimsey na magka-boyfriend siya. Kaya di namin masisi si Kimsey kung bakit ganito siya ngayon. Ilan taon na siya pero 'di parin nila pinapayagang magka-boyfriend. Strict sila masiyado. "Hoy,
Ilang araw na mula nang makabalik kami dito sa Manila. Siyempre, ilang araw ko na ring 'di nakikita si Bryce. Baka siguro kasama niya palagi yung Olivia niya.I admit it, nagse-selos ako. "Apay naka-mulengleng ka dita?(Bakit nakatulala ka diyan?)" napatingin ako kay Ryan na nandito ngayon sa condo unit ko."Awan. (Wala.)" Tipid kong sagot sa kanya. Dito daw muna siya kasi wala naman daw siyang ginagawa sa bahay nila.Busy siya nanunuod sa TV, tapos ako naka-tulala lang dito. Iniisip ko pa din si Bryce dahil lagi na lang siya yung laman ng utak ko!"Si Jasmine? Kamusta?" napatingin ako kay Ryan dahil matagal na niyang crush si Jas. Naunahan lang kasi siya kaibigan ni Bryce."Ayon, may jowa na yata." Sagot ko at napatingin siya sa akin."Gano'n ba?" parang dismayado siya sa nalaman niya. Siya kasi masiyadong mahiyain, pogi pa man din 'tong kupal na ito."Paano pag may crush ka tapos umamin sayong may gusto siya sayo pero iba sinasamahan niya?" 'di ko alam kong naintindihan niya ba yun