"Raica na ang ipapangalan natin sa kanya, anak?""Opo, ma." Napangiti ako dahil bago dumating ang ka-buwanan ko, may naalala ako. Iyong usapan namin dati nina Franz, JP, Mona at Brandon tungkol sa ipapangalan sa anak noong ipinagbubuntis ko pa lang si Brayden.Raica ang gustong ipangalan ni Brandon kapag babae ang anak namin."Mama!" masayang tawag sa akin ni Brayden nang makauwi kami sa bahay. "Miss you, mama!" Niyakap pa niya ako at hinalikan sa pisngi nang makaupo ako.Sunod ay napatingin siya sa kapatid niyang hangkan ko sa braso. "Wow! Is she my baby sister, mama?" tanong niya at hinaplos ang tiyan kong mas lumiit na."Yes, baby," sagot ko at napangiti nang halikan niya si Raica sa noo. "Hello, sis!""Siz!" Natawa si Ate Cathy roon. "Tunog Franz, ah, Brayden?"Isang buwan pa ulit akong nagpahinga natapos makapanganak bago nakatulong sa gawaing bahay. Nag-focus ako sa pag-aalalaga sa sarili ko at sa dalawang anak ko."Ma, buo na po ang desisyon ko, pupuntahan ko si Brandon." Hina
Last Updated : 2024-01-29 Read more